You are on page 1of 41

Epekto ng Modernong

Teknolohiya sa Pag-
aaral ng mga
Estudyanteng mula sa
STEM sa Mataas na
Paaralan ng Calaca
Mga Mananaliksik:
Alcantara, Bhea Mae
De Belen, Alliah
Duka, Tjaddi Grace
Magpili, Clarisse Andrea
Jalocon, Charles Allen
Kabanata I
SULIRANIN AT KALIGIRAN
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng panimula, layunin
sa pag-aaral, kahalagahan ng pag-aaral, saklaw at
limitasyon, depinisyon at terminolohiya. Ang sumusunod
ay tutugon sa paksa ng pananaliksik.

3
Panimula
Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon na
tayo ng tinatawag na ‘globalisasyon’ kung
saan patuloy na umaangat at umuunlad ang
ating teknolohiya. Kasabay ng pagsibol ng
modernong teknolohiya ay dulot nito ang
malaking pagbabago sa interes ng mga
estudyante sa kanilang pag-aaral.

4
Dahil dito, pinalaganap na rin ang
paggamit ng makabagong teknolohiya
maging sa mga paaralan upang
makasabay sa interes ng mga mag-aaral
at mas mapadali ang proseso ng
pagtuturo.

5
Teknolohiya ang isa sa pinaka naa-access
na mapag-kukuhaan ng impormasyon ng
mga magaaral sa panahon ngayon sa
pamamagitan ng iba’t ibang kagamitan.
Tulad ng cellphone, laptop, computer, at
projectors. Ang teknolohiya ay nakatutulong
dahil napapabilis nito ang iba’t ibang gawain
ng tao sa kanilang araw-araw na
pamumuhay.
6
Gayunpaman, ang mga teknolohiyang
makabago ay may dulot ding negatibo sa
mga kabataan. Sa halip na sa
pagpapaunlad ng karunungan, ito ay
ginagamit nila sa hindi tamang gawain.
Madalas pa ay naaabuso ang paggamit
nito.

7
Layunin sa Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay may layuning
mabuksan at makakalap ng panibagong ideya
tungkol sa Epekto ng Modernong Teknolohiya sa
Pag-aaral ng mga Estudyanteng mula sa STEM ng
Mataas na Paaralan ng Calaca. Ang pag-aaral na
ito ay naglalayong sumagot sa mga sumusunod
na katanungan:

8
1. Paano nagagamit ang modernong
teknolohiya sa mga estudyante ng STEM sa
kanilang pangangalap ng impormasyon?
2. Paano nakakaapekto sa mga mag-aaral
ang modernong teknolohiya?
3. Ano ang positibo at negatibong epekto
ng modernong teknolohiya sa pag-aaral ng
mga STEM?

9
Kahalagahan sa Pag-
aaral
Ang pananaliksik na ito ay may benipisyong
maihahatid mula sa mga impormasyon o datos
na nakapaloob dito. Ang pananaliksik na ito ay
isinasagawa upang malaman kung ano ang
epekto ng modernong teknolohiya sa pag aaral
ng mga estudyante na mula sa STEM istrand ng
Mataas na Paaralan ng Calaca.

10
⬩ Mambabasa
⬩ Respondente
⬩ Mananaliksik
⬩ Magulang
⬩ Guro
11
Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa
Epekto ng Modernong Teknolohiya sa Pag-aaral
ng mga Estudyanteng mula sa STEM ng Mataas
na Paaralan ng Calaca sa taong pauruan 2019-
2020. Ang mga impormasyong ibabahagi ng mga
mag-aaral ay tungkol lamang sa mga
katanungang may kaugnayan sa paksa.

12
Itinuon ng mga mananaliksik ang pag-
aaral ng Baitang 11 at 12 ng kagawaran ng
STEM upang lubusang makakalap ng
kaalaman at datos na kinakailangan ng mga
mananaliksik tungo sa ikatatagumpay ng
pag-aaral. Ito ay limitado para sa mga mag-
aaral na hindi kabilang sa STEM at iba pang
pampubliko at pampribadong paaralan sa
bayan ng Calaca.
13
Kabanata II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT
LITERATURA
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga
kaugnay na pag-aaral at literatura na may
kaugnayan at pagpapatibay sa paksa.

14
Kaugnay na Pag-aaral
Sa pag-aaral
. ni Cogo (2014) ang teknolohiya ay
di gaanong nakakaapekto o nakakasira sa pag-aaral
ng mga mag-aaral kung ito ay nagagamit ng
maayos. Ngunit pag 'di napagtuunan ng pansin ng
mga guro at magulang ang pagtuturo at ang
wastong paggamit ng teknolohiya ay maaaring
magdulot ito ng negatibong epekto sa katawan at sa
pag-aaral. Dapat ay mas lalo pang pag-tuunan ng
pansin at gabayan ang mga mag-aaral kung paano
at kailan dapat gamitin ang teknolohiya. 15
Habang umuusad at nagbabago ang mga tao
ayon kina Sigua at Mangiral (2017) ay
nagbabago din ang mga teknolohiya at mas
lalong umuusbong at nababago ang kakayahan
nito at ang mga kaya nitong gawin. Sa
kasalukuyang ekonomiya, gingamit na ang
makabagong teknolohiyang ito sa pag-aaral ng
mga mag-aaral hindi lamang mula sa
elementarya, sekondarya pati narin sa kolehiyo.

16
Kabanata III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga
disenyo ng pananaliksik, respondent,
instrumento ng pananaliksik at tritment ng
datos upang mabigyan ng tugon ang
pananaliksik.
17
Disenyo ng
Pananaliksik
Isinagawa ang pag-aaral na ito sa disenyong
pamamaraang deskriptib-analitik na
pananaliksik. Hangad ng pag-aaral na ito ay
ilarawan at suriin ang mga epekto ng modernong
teknolohiya sa pag-aaral ng mga respondente. Sa
pamamagitan ng pananaliksik ay magkakaroon ng
malinaw at maayos na mga datos na kakailanganin
para sa pangangalap ng impormasyon at iba pang
maaring pagkunan ng mga datos.
18
Respondente ng
Paaralan
Ang respondente ng pag-aaral na ito ay 59 sa
mag-aaral ng Science Technology Engineering
and Mathematics (STEM) parehong Baitang 11
at 12 ng mataas na paaralan ng Calaca SHS
taong panuruan 2019-2020. Kinuha ang 60%
mula sa kabuuan ng STEM na makakapagbahagi
ng opinion tungkol sa mga bagay na nagiging
epekto ng teknolohiya sa kanilang pag-aaral.
19
Seksiyon Bilang ng Respondente
STEM 1101 29 x 0.60 = 17
STEM 1102 30 x 0.60 = 18
STEM 1201 40 x 0.60 = 24
KABUUANG DAMI 59

20
Instrumento ng
Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng pagkalap ng mga impormasyon
gamit ang kwestyuner. Naghanda ang bawat grupo
ng mga kwestyuner upang madagdagan ang
impormasyon ng mananaliksik napapaloob ang mga
bagay na maaaring epekto ng teknolohiya sa pag-
aaral ng mga estudyante ng STEM ng mataas na
paaralan ng Calaca SHS. Nagpasagot ang mga
mananaliksik ng kwestyuner sa mga mag-aaral na
may kinalaman sa pag-aaral.
21
Tritment ng mga Datos
⬩  Ang tritment ng datos na ginamit na
pormularyo upang higit na malaman ang
sapat na bilang ng kasagutan sa
talatanungan.

22
x̅ Bilang ng tugon ng mag-aaral
Kabuuang tugon
Nagrerepresenta sa
indikasyon ng mag-aaral
n Kabuuang bilang ng mag-
aaral

23
Kabanata IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG
MGA DATOS
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa
pagsusuri at pagbibigay interpretasyon sa mga
datos na nakalap. Ang pagtalakay sa bawat
tugon na nakuha sa sarbey ay nakabatay sa
pagkakaayos ng mga katanungan sa unang
Ang mga sumusunod na talahanayan ay
nagsasaad ng kabuuang bilang ng tugon o
pananaw ng bawat respondent sang-ayon sa
ginawang sarbey.
Weighted Mean Description Rating
4.00-5.00 — Higit na Sumasang-ayon
3.00-3.99 — Sumasang-ayon
2.00-2.99 — Neutral
1.00-1.99 — Hindi Sumasang-ayon
0.00-0.99 — Higit na Hindi Sumasang-ayon

25
Negatibong Epekto ng
Modernong Teknolohiya
Weighted
Tugon/Sagot
Mean
1. Ang mag-aaral ay nawawalan ng pokus sa pag
aaral. 2.97
2. Paggamit ng gadgets tuwing gabi dahilan ng
pagpupuyat. 3.59
3. Bumababa ang performance o pagganap sa
klase. 2.63
4. Nagagamit sa paglalaro ng mobile games
habang may klase. 2.47
5. Bumababa ang marka. 2.44

26
4 3.59
3.5 2.97
3 2.63 2.47 2.44
2.5
2
1 2 3 4 5
y ag y ag y ag y ag y ag
ha a a a a
Pa P ah P ah P ah P ah

Negatibong Epekto ng Modernong Teknolohiya

27
Positibong Epekto ng
Modernong Teknolohiya
Weighted
Tugon/Sagot
Mean
1. Mas napapabilis ang pagkalap ng
impormasyon. 4.59
2. Nakakapagbigay aliw o libangan sa mga mag-
aaral. 4.29
3. Lumalawak ang imahinasyon na siyang
nagagamit sa pag-aaral. 4.15
4. Umuunlad ang intelektwal na pagkatuto. 4.15
5. Nahahasa ang pagiging malikhain ng mag
aaral. 4.14

28
4.59
4.6
4.4 4.29
4.15 4.15 4.14
4.2
4
1 2 3 4 5
y ag y ag y ag y ag y ag
a a a a a
P ah P ah P ah P ah P ah

Positibong Epekto ng Modernong Teknolohiya

29
Kabanata V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

30
Lagom
1. Base sa ginawang sarbey ng mga
mananaliksik patungkol sa negatibong
epekto ng Modernong Teknolohiya sa mga
estudyante ng STEM sa Calaca Senior High
School. Mula sa 59 na respondente ng
Baitang 11-12 STEM ng Calaca Senior High
School.
31
Nakakuha ng porsyento sa pagitan ng 2.44 -
2.97 mula sa limang pahayag na
nangangahulugang neutral ang mga
estudyante mula sa STEM na ang negatibong
epekto ng modernong teknolohiya ay ang
kawalan ng pokus ng magaaral, pagbaba
ng performance o pagganap nila sa
klase, paglalaro ng mobile habang may
klase at ang pagbaba ng mga marka.
32
Nakakuha naman ng 3.59 na porsyento ang
pahayag bilang dalawa na kung saan
sumasangayon ang mga magaaral na ang
negatibong epekto ng modernong
teknolohiya ay ang paggamit ng gadgets
tuwing gabi ang nagdudulot ng
pagkapuyat ng estudyante.

33
2. Base naman sa sarbey patungkol sa
positibong epekto ng Modernong Teknolohiya
sa mga estudyante ng STEM sa Calaca
Senior High School. Mula sa 59 na
respondente ng Baitang 11-12 STEM ng
Calaca Senior High School.

34
Nakakuha ng porsyento sa pagitan ng 4.14 -
4.59 na mula sa limang pahayag ay higit na
sumasangayon ang mga magaaral ng STEM na
ang positibong epekto ng modernong
teknolohiya ay ang nakakapagpabilis ito ng
pagkalap ng impormasyon, nakakapagbigay
aliw o libangan sa kanila,
nakakapagpalawak ng imahinasyon ng
magaaral, nakakapagpaunlad ng intelektwal
na kaalaman at nahahasa ang pagiging
35
Konklusyon
Batay sa mga impormasyon na
nakalap, ang mga mananaliksik ay
nagwakas sa mga sumusunod na ideya:

36
1. Hindi negatibo ang epekto ng
modernong teknolohiya sa kanilang pag-
aaral, tulad ng kawalan ng pokus sa pag-aaral,
pagbaba ng performance o pagganap sa klase,
paglalaro ng mobile habang may klase at
pagbaba ng marka.

37
2. Mas nangingibabaw ang positibong
epekto ng modernong teknolohiya sa pag-
aaral kung saan nakakapagpabilis ito ng
pagkalap ng impormasyon, nakakapagbigay aliw
o libangan, nakakapagpalawak ng imahinasyon,
nakakapagpaunlad ng intelektwal na kaalaman
at nahahasa ang pagiging malikhain ng mga
mag-aaral.

38
Rekomendasyon
Batay sa nabuong konklusyon ng
mga mananaliksik, ang mga
sumusunod na rekomendasyon ay
nabuo:

39
Para sa mga magulang, ipagpatuloy ang
pagdidisiplina sa mga anak sa paggamit ng
modernong teknolohiya partikular na ang
cellphone at kompyuter na maaaring makasama sa
kanilang pag-aaral kung gagamitin sa maling
pamamaraan.
Para sa mga guro, maging gabay sa mga mag-
aaral sa tamang paggamit ng moderong
teknolohiya sa pangangalap ng impormasyon at
bilang kasangkapan sa kanilang pagkatuto sa loob
ng paaralan.
40
Para sa mga mag-aaral, sa tamang pamamaraan
lamang gamitin ang modernong teknolohiya at
alamin ang limitasyon sa paggamit nito ng sa gayon
ay hindi ito makaapekto ng masama sa pag-aaral.
Para sa mga susunod na mananaliksik, ang
pagpapatuloy ng ganitong uri ng pananaliksik ay
isang mainam na paraan upang mas mapalawak at
maipagpatuloy ang pag-aaral tungkol sa epekto ng
modernong teknolohiya sa pag-aaral ng mga
estudyante pati na rin sa pagbibigay ng solusyon sa
problema ng bansa.
41

You might also like