You are on page 1of 14

Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan

Publisher: College of Education, Lingayen Campus


Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Mariblanca at Macaltao, 2021

Lebel ng Kasanayan sa Pagbuo ng


Kontekstwalisadong Kagamitang
Panturo ng mga Guro sa Filipino
MYLENE I. MARIBLANCA1, MA. THERESA E. MACALTAO2
1Sta. Lucia National High School
2PSU – School of Advanced Studies

mariblancamylene@gmail.com
matheresa_macaltao@yahoo.com
ABSTRAK

Ang pag-aaral ay nakatuon sa pagtukoy sa lebel ng kasanayan ng mga guro sa Filipino


7 sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo sa mga sekondaryang
pampublikong paaralan ng cluster IV Lungsod ng Tarlac sa taong panuruan 2019-2020.
Ilan sa mga suliraning binigyang kasagutan ay ang pagtukoy sa profayl ng mga guro,
lebel ng kasanayan sa pagbuo ng kontekswalisadong kagamitang panturo, ugnayan ng
profayl sa lebel ng kasanayan at mga suliraning kinaharap ng guro sa pagbuo ng
kontekswalisadong kagamitang panturo. Ang pag-aaral ay gumamit deskriptibong
pamamaraan sa pagtukoy at paglalarawan ng mga datos na nakalap mula sa mga
kahalok. Base sa resulta ng pag-aaral, ito ang mga naging kongklusyon, karamihan sa
mga kahalok na guro sa Filipino 7 ay may edad na 22-30, babae, 1-5 taon ng nagtuturo
ng asignturang Filipino, Teacher 1, mayroong Master’s Degree Units at may
pampaaralan na lebel ng treyning sa kontekstwalisasyon. Sa lebel ng kasanayan ng mga
guro sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo, mas mahusay sila sa
paggamit ng teknolohiya gaya ng laptop at kompyuter para sa pagdidisenyo ng mga
kagamitang panturo, sa paggamit ng kasanayan bilang basehan sa pagbuo ng
kontekstwalisadong kagamitang panturo. Ang mga suliraning kinaharap ay ang
kakulangan ng treyning sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo. Ilan sa
mga inilahad na mga rekomendasyon ng mananaliksik ay ang mga sumusunod. Paggamit
ng kontekwalisadong kagamitang panturo sa Filipino 7 bilang isang supplemental na
kagamitang panturo. Pagsasagawa ng isang treyning patungkol sa paglinang ng
kasanayan ng mga guro sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo.
Pagsasagawa ng pagpapakita ng mga kontekswalisadong kagamitang panturo ng
bawat paaralan sa nasabing cluster. Pagsasagawa ng isang pakitang turo gamit ang
mga kontekstwalisadong kagamitang panturo. Pagsasagawa ng isang pananaliksik o
action research na tutukoy kung epektibo nga ba ang paggamit ng kontekswalisadong
kagamitang panturo para mapataas ang performans ng mga mag-aaral.

Mga Susing Salita:


Kontekswalisasyon, Kagamitang Panturo, Lebel ng Kasanayan

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


1
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Mariblanca at Macaltao, 2021

ABSTRACT

The study focused on determining the skill level of Filipino 7 teachers in developing contextualized
instructional materials in secondary public schools of cluster IV Tarlac City in the 2019-2020 school year.
Some of the problems answered are determining the profile of teachers, skill level in developing
contextualized instructional materials, relationship of profile to skill level and problems faced by teachers in
developing contextualized instructional materials. The study used descriptive methods to identify and describe
the data gathered from the participants. Based on the results of the study, these are the conclusions, most of
the participating Filipino 7 teachers are aged 22-30, female, 1-5 years of teaching Filipino assignment,
Teacher 1, have Master's Degree Units and has school -level contextualization training. At the skill level of
teachers in developing contextualized instructional materials, they are better at using technology such as
laptops and computers for designing instructional materials, in using skill as the basis for developing
contextualized instructional materials. The problems faced are the lack of training in the development of
contextualized instructional materials. Some of the recommendations presented by the researcher are as
follows. Use of contextualized instructional materials in Filipino 7 as a supplemental instructional aid.
Conducting a training regarding the development of teachers' skills in developing contextualized instructional
materials. Conducting a demonstration of contextualized instructional materials of each school in the said
cluster. Conducting a demonstration using contextualized instructional materials. Conducting a research or
action research that will determine whether the use of contextualized instructional materials is effective to
increase student performance.

PANIMULA
Nakita sa datos na inilabas ng Program for International Student Assessment 2018 na ang mga
bansang Asyano ang muling nanguna sa nasabing pagsusulit na isinasagawa kada tatlong taon para
masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral na may edad na 15 taong gulang. Ayon kay Aderson Ang
bansang China ang nanguna na sinundan naman ng Singapore sa asignaturang matematika at agham. Ang
Estonia rin ay nagkaroon ng magandang perpormans base sa ranggo sa tatlong asignatura. Isa sa mga
nakitang kapansin pansin sa datos na nakalap mula sa resulta ay ang mga mag-aaral sa China na kabilang
sa 10% ng mga mahihirap na mag-aaral na may mas mataas na performans kung ihahalintulad sa mga
mag-aaral ng ilang makapangyarihan at mayayamang bansa.
Ang resulta naman ng Trends International Mathematics and Science Studies (TIMSS) 2015 na
nilahukan ng mahigit na 600,000 na mag-aaral mula sa 60 na bansa ay muling nakapasok sa listahan ng
mga nangungunang bansa ang mga bansa sa Asya na pinangunahan ng Singapore (618), Hongkong SAR
(615), Korea (608), Chinese Taipei (597) at Japan (593). Ito ang naging performans ng mga nasa ika-apat
na Grado sa asignaturang Matematika. Singapore, Korea at Japan naman ang nanguna sa asignaturang
agham. Isa sa mga nabanggit na kadahilan kung bakit ang mga nasabing bansang Asyano ay ang husay
ng kanilang mga mag-aaral na pagbasa at pag-intindi ng mga impormasyon. Nabanggit din na malaki
ang naging kaugnayan ng kurikulum sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sa report na isinagawa ng Kagawaran ng Edukasyon base na rin sa lumabas na resulta ng PISA
kung saan ang bansang Pilipinas ay pangalawa sa huli, sinuri ng kagawaran ang mga datos na mula sa
nasabing pagsusulit. Sa larangan ng pagbasa, ang mga Pilipinong mag-aaral na kumuha ng pagsusulit ay
may kabuuang marka (average score) na 340 na puntos sa Reading Literacy na mas mababa sa kabuang
marka na itinakda ng OECD na 487 na puntos. Nakita rin sa datos na 1 mula sa 5 mag-aaral (19.4%) ang
nakakuha lamang ng minimum proficiency level (Level 2) sa Reading Literacy. Sa Mathematical Numeracy
naman, ang mga Pilipinong mag-aaral ay nakakuha ng kabuuang marka na 353 na puntos na mas mababa
kompara sa kabuuang 489 ng OECD.
Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021
2
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Mariblanca at Macaltao, 2021

Ayon kay Albano Jr. sa kanyang artikulo, ang performans ng mga mag-aaral sa ika-6 na baitang
sa National Achievement Test (NAT) ay patuloy na bumababa sa nakalipas na 3 taon at nasa “low mastery”
level. Sa resulta ng 2018 na National Achievement Test nakita sa 3 taon, ang national average percentage
score (MPS) sa ika-6 na taon ay mayroong pagbaba ng 37.44 porsyento sa kasaysayan ng NAT ng
Kagawaran ng Edukasyon.
Ang mga datos na inilahad at tinalakay sa taas ay nakabase sa mga kadahilan kung bakit patuloy
ang pagbaba ng performans ng mga mag-aaral sa mga pagsusulit na isinasagawa sa bansa gaya ng
National Achievement Test (NAT) na taon-taong isinasagawa ng Kagawaran ng Edukasyon. Sa isang
malalim na pag-aanalisa ng mga datos na nakalap, hindi na rin nakakapagtaka na ang Pilipinas ay
pangalawa sa huli sa isang internasyonal na lebel ng pagsusulit kung sa mismong pang nasyonal na
pagsusulit na gawa sa bansa ay hindi na umuusad ang nakukuhang iskor ng mga mag-aaral. Sa ganitong
punto, marami ang kadahilanang maaaring ilahad kung bakit patuloy ang pagbaba ng marka sa kabila
ng sobrang daming programa ng kagawaran para sa mga mag-aaral. Ang pagtukoy sa maraming salik o
aspeto na nakakaapekto sa performans ng mga mag-aaral ay malaking tulong upang mabigyan ito ng
kasagutan.
Sa pag-aaral na isinagawa ni Cardoso, inilahad niya ang mga salik o aspeto na nakakaapekto sa
performans ng mga mag-aaral. Ayon sa kanya, metalidad ng mag-aaral ay malaking salik na maituturing.
Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng bata na unawain ang mga aralin sa loob ng silid aran at kung paano
niya ito gagamitn sa kanyang pang araw araw na pamumuhay. Binanggit din niya ang ibat ibang istilo
ng pag-aaral ng mga bata at ang kanilang “study habit” bilang mga mag-aaral. May mga mag-aaral na
madaling matuto gamit ang mga larawan, ngunit may mga iba naman na mas natututo kapag sila ang
gumagawa ng nasabing gawain kaysa nakikinig lamang.
Layunin ng kurikulum ng K to 12 na gawing angkop, makabuluhan at kapakipakinabang ang pag-
aaral ng mga bata. Nagiging angkop lamang ang kurikulum ayon kay Bilbao kung tutugon sa
pangangailangan ang mga mag-aaral at sasabay sa pabago bagong pangangailangan ng kasalukuyang
panahon. Sa aspetong makabuluhan naman, ang pagtalakay sa konsepto ng kabuluhan bilang isang salik
na kailangang isaalang-alang sa pagpili ng nilalaman ng kurikulum. Ang paggamit ng mga mag-aaral sa
mga araling kanilang natutuhan mula sa kurikulum na itinuro ng paaralan ay isang indikasyon ng
makabuluhang paggamit ng kurikulum. Ito ay nailahad din sa aklat na akda ni Bilbao na isang manunulat
ng aklat ng kurikulum. Ayon sa mga pagtalakay na nailahad ang katangian ng isang kurikulum ay
mahalaga upang lubos na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga kaisipang nais ipabatid tulad na
lamang ng konsepto ng kontekstwalisasyon.
Pinagtibay ng Sekyon 10.2 (d) at (h) ng Republic Act No. 10533 na mas kilala bilang “Enhanced
Education Act of 2013” ang konseptong kontekstwalisasyon ng kurikulum. Sa simula palang ng
implementasyon ng K to 12, naituro na sa mga guro ang paggamit ng kontekstwalisasyon ng kurikulum. Ito
rin ay maaaring gamitin sa pagbuo ng mga kagamitang panturo na sentro ng kasalukuyang pag-aaral.
Hinikayat ang mga guro na linangin ang kanilang kakayahan sa paggamit ng kontekstwalisasyon sa
larangan ng pagtalakay sa nilalaman ng kurikulum at maging sa pagbuo ng mga kagamitang panturo
bilang tugon sa suliraning may kaugnayan sa bumababang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral base
na rin sa resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) at National Achievement Test
(NAT).
Mula sa pagtalakay sa mga datos na nakalap sa mga ibat-ibang sanggunian, ang pag-aaral na
ito ay may layuning matukoy ang lebel ng kasanayan ng mga guro sa pagbuo ng kontekstwalisadong
kagamitang panturo na isa sa mahalagang salik sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa tulong ng mga
kontekstwalisadong kagamitang panturo ang mga mag-aaral ay madali nilang mauunawaan ang mga
konsepto at paksang tatalakayin. Ito rin ay maaaring makatulong upang mapataas ang performans ng
mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang resulta at rekomendasyon ng pag-aaral ay maaaring
gamiting basehan upang matulungan ang mga guro upang mapabuti ang antas ng pagkatuto ng kanilang
mga mag-aaral.
Ito ay nabanggit sa mga pagtalakay sa kanilang isinagawang pag-aaral ni De Laza at Reyes .
Ilan sa mga nakitang suliranin ng mga guro ay ang kakulangan ng pagkakataon na gumawa ng isang
Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021
3
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Mariblanca at Macaltao, 2021

kontekswalisadong kagamitang panturo na maaari nilang gamitin. Sa mga isinasagawang seminar at


treyning para sa mga guro na may kaugnayan dito, nanatili lamang na isang ideya ang kontekswalisasyon
sa dahiling hindi lahat ng nasabing treyning at seminar ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga guro na
bumuo ng isang kontekswalisadong kagamitang panturo. Karamihan ay isang pakitang turo ang hinihinging
output ng treyning kung saan sa mga aralin na lamang nakikita ang paggamit ng guro ng kontekwalisasyon.
Base rin sa impormal na panayam ng mananaliksik, kakulangan sa oras, mabusising proseso ng balidasyon
ng kontekwalisadong kagamitang panturo sa kanilang dibisyon at limitadong mapagkukunan ng
impormarsyon sa ilang kumunidad ang mga suliraning kinaharap.

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang lebel ng kasanayan ng mga
guro sa Filipino 7 sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo sa mga sekondaryang
pampublikong paaralan sa cluster IV Lungsod ng Tarlac sa taong panuruan 2019-2020.
Bilang pagtiyak, malalaman sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod:
1. Ang profayl ng mga guro batay sa mga sumusunod:
a. edad;
b. kasarian;
c. bilang ng taon na nagtuturo ng
asignaturang Filipino;
d. posisyon;
e. pinakamaatas na antas ng kursong
natapos at
f. lebel ng mga treyning na dinaluhan patungkol sa kontekstwalisasyon kagamitang panturo
2. Ang lebel ng kasanayan ng mga guro sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo:

3. Ugnayan ng profayl ng mga guro sa lebel ng kasanayan sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang


panturo ng mga guro.

4. Ang mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo.

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK


Ang disenyo ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral ay ang deskriptibong pamamaraan. Ayon
kay Calmorin [8], ang deskriptibong pamamaraan ay isang teknik sa pangangalap ng mga datos sa
pamamagitan ng pagtatanong sa mga kalahok nito. Sa ganitong pamamaraan ng pananaliksik, ang mga
kalahok ay kailangang sagutan ang mga katanungan sa pamamagitan ng panayam o paggamit ng
talatanungan. Pagkatapos sagutan ng mga kahalok ang mga tanong, ang mananaliksik ay ilalarawan
ang mga nakalap na datos sa tulong na rin ng paggamit ng angkop na estadistika. Para maging

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


4
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Mariblanca at Macaltao, 2021

katanggap tanggap at balido ang talatanungan ay kailangang ang mga tanong ay maayos na nasusulat
at madaling maunawaan ng mga respondente.
Ito ang pinakaangkop na pamamaraan sapag-aaral na ito dahil tutukuyin nito ang kakayahan ng
mga guro sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo. Matutukoy ito sa pamamagitan ng
isang inihandang talatanungan. Ilalarawan ang mga makakalap na datos na siyang gagamiting basehan
sa pagbuo ng interbensyong higit pang lilinang sa kakayahan ng mga guro sa paggamit ng
kontekstwalisadong kagamitang panturo.

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


Profayl ng mga Guro
Talahanayan 1
Profayl ng mga Guro
n=31
Profayl Category Frequency Percentage
22-30 21 67.7
Edad 31-40 6 19.4
41-50 4 12.9
Lalaki 8 25.8
Kasarian
Babae 23 74.2
1-5 22 71.0
Bilang ng taon na nagtuturo ng
6-10 6 19.4
asignaturang Filipino
Above 10 3 9.7
Teacher 1 16 51.6
Teacher 2 4 12.9
Posisyon Teacher 3 10 32.3
Master Teacher I 1 3.2

Bachelor’s Degree 5 16.1


Master’s Degree (with units) 17 54.8

Pinakamataas na antas ng kursong


natapos Master’s Degree Graduate 8 25.8

Doctoral Degree Graduate 1 3.2

Pampaaralan 13 41.9
Pangdistrito 2 6.5
Lebel ng treyning na dinaluhan
Pangdibisyon 6 19.4
patungkol sa Kontekstwalisasyon
Pangrehiyon 1 3.2
Pangnasyonal 8 25.8
Wikang Filipino 86.5
ginagamit sa 122
paaralan at Pangasinan 99 70.2
bahay* Ingles 37 26.2
Iloko 8 5.7

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


5
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Mariblanca at Macaltao, 2021

Edad. Base sa nakalap na datos, mayroong 21 o 67.7 bahagdan ng kabuuang respondente ang
may edad na 22-30; 6 o 19.4 bahagdan naman ay may edad na 31-40; at 4 o 12.9 bahagdan ng
kabuuang bilang ng kalahok sa pag-aaral ay may edad na 41-50. Ang datos ay nagpapakita na mahigit
sa kalahati ng bilang ng mga guro na kahalok sa pag-aaral ay maituturing na nasa “early adulthood” base
sa aklat nina Corpuz & Salandanan 2014. Isa sa mga katangian ng mga taong nasa kategoryang ito ay
ang pagkakaroon ng mabilisang pagtugon sa gawain.
Kasarian. Batay sa nakalap na datos, mayroong 23 o 74.bahagdan ng kabuuang bilang ng
kalahok sa pag-aaral ay babae at 8 o 25.8 bahagdan naman ay mga lalaki. Batay sa tala na mula sa
Planning Unit ng Schools Division Office ng Tarlac, marami ang bilang ng mga gurong babae kung
ihahalintulad sa mga lalaki. Isa rin sa maaaring dahilan nito ay ang pagtuturo ay itinuturing na “female-
dominated” na propesyon hanggang sa kasalukan.
Bilang ng taon na nagtuturo ng asignaturang Filipino. Makikita sa talahanayan sa taas na may
22 o 71.0 bahagdan ng kabuuang bilang ng respondente ay may 1-5 taon ng nagtuturo; 6 o 19.4
bahagdan naman ay may 6-10 taon ng nagtuturo ng asignaturang Filipino; at 3 o 9.7 bahagdan naman
ay may 10 taon na pataas. Malaking salik na maituturing ang bilang ng taon upang maging bihasa ang
guro sa kanyang pagtuturo. Sa bawat taong nagdaraan ay nadagdagan ang kanilang kaalaman at
kasanayan na siyang magsisilbing gabay upang maging mas epektibo ang guro sa kanyang pagtuturo.
Posisyon. Mayroong 16 o 51.6 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga guro na kalahok sa pag-
aaral ay Teacher 1; 10 o 32.3 bahagdan ay Teacher III; 4 0 12.9 bahagdan ay Teacher 2; at 1 o 3.2
bahagdan ay Master Teacher I. Kapansin pansin sa datos na kalahati ng bilang ay mga gurong ang
posisyon ay Teacher I o mas kilala sa tawag na “entry level” dahil sa Junior High School, ang mga
mabibigyan ng pagkakataon mapabilang sa hanay ay nagsisimula sa Teacher I. Ito ay base sa panuntunan
ng Kagawaran ng Edukasyon. Nagkakaroon lamang ng pagtaas ng posisyon base sa promosyon ng mga
guro na alinsunod pa rin sa panuntunan ng kagawaran.
Pinakamataas na antas ng kursong natapos. Base datos na nasa talahayan na nasa
itaas,mayroong 17 o 54.8 bahagdan ng kabuang bilang ng mga guro ang may Master’s Degree; 8 o 25.8
bahagdan naman ay nakatapos na ng Master’s Degree; 5 o 16.1 bahagdan ang may Bachelor’s Degree
at 1 o 3.2 porsyento ang may Doctorate Degree. Ang pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga guro ay upang
magkaroon ng karagdagang kaalaman na maaari nilang magamit sa kanilang pagtuturo at upang maging
higit na epektibo sa paglalahad ng mga nilalaman ng bawat aralin. Sa datos na nakalap, mahigit kalahati
`sa mga guro ang nagpapatuloy sa kanilang Master’s Degree program upang higit pang madagdagan
ang kanilang kaalaman.
Lebel ng treyning na dinaluhan patungkol sa Kontekstwalisasyon. Mayroong 13 o 41.9
bahagdan ng kabuuang bilang ng guro na kalahok sa pag-aaral ang nakadalo sa pampaaralan na
treyning sa kontekstwalisasyon; 8 o 25.8 ay nakadalo sa pangnasyonal na treyning; 6 o 19.4 bahagdan
naman sa pangdibisyon; 2 o 6.5 bahagdan sa pangdistrito at 1 o 3.2 sa pangrehiyon. Batay sa Republic
Act No 10533, ang pagsasagawa ng treyning ay mahalaga upang ang mga guro ay matuto sa pagbuo
ng mga kontekstwalisadong kagamitang panturo na maituturing na malaking tulong upang lubos na
maunawaan ng mga mag-aaral ang paksang pinag-uusapan. Sa datos na pinakita, karamihan sa mga
guro ay nakadalo sa pampaaralan na treyning na maaaring sa pagsasagawa ng Learning Action Cell
Session kung saan ang mga guro ay nagbabahagi ng kanilang mga natutuhan sa treyning sa kanilang mga
kapwa guro. Sa Kagawaran ng Edukasyon ay mayroon ding “In-service treyning kung saan bago ang
pasukan upang balikan ang mga mahahalagang paksa na dapat nilang bigyan ng balik tanaw.
Lebel ng Kasanayan sa mga Guro sa Pagbuo ng Kontekstwalisadong Kagamitang Panturo
Ang datos na nakalap mula sa mga kalahok patungkol sa pangalawang suliranin na lebel ng
kasanayan ng mga guro sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo ay makikita sa
talahanayan sa susunod na pahina.

Talahanayan 2
Lebel ng Kasanayan ng mga Guro sa Pagbuo ng Kontekstwalisadong Kagamitang Panturo
Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021
6
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Mariblanca at Macaltao, 2021

n=31
Lebel ng Kasanayan sa WM DE
Kasanayan Paggawa
5 4 3 2 1
(N) (MM) (M) (DM) (HM)
Bilang guro sa Filipino, ako …
1. Handa ako sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang 5 17 9 0 0 3.87 MM
panturo sa asignaturang Filipino.
2. Mayroon akong mapagkukunan ng mga kagamitan na
gagamitin sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang 2 17 11 1 0 3.65 MM
panturo.
3. Mayroon akong mga impormasyon o mahahalagang tala at
1 15 11 4 0 3.42 MM
dokumento mula sa komunidad na maaari kong gamitin.
4. Nakadalo sa mga treyning at seminars patungkol sa
7 11 8 5 0 3.65 MM
kontekstwalisasyon na nakapagbigay kaalaman sa akin.
5. Mayroong akong magagamit na basehan tulad ng
kasanayan (competencies) sa pagbuo ng kontekstwalisadong 10 12 7 2 0 3.97 MM
kagamitang panturo.
6. Makakahingi ng tulong teknikal sa aking punong guro sa
6 14 11 0 0 3.84 MM
pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo.
7. Nasubukan ko nang bumuo ng mga kontekstwalisadong
kagamitang panturo na printed tulad ng modyul, gawaing 12 8 6 5 0 3.87 MM
papel at iba pa.
8. Nakabuo na rin ako ng mga kontekstwalisadong kagamitang
panturo na hindi printed gaya ng mock-up, diorama, model at 4 13 10 4 0 3.55 MM
iba pang katulad.
9. May kaalaman ako sa teknolohiya gaya ng laptop at
kumpyuter para sa pagdidisenyo ng mga kontekstwalisadong 13 11 3 4 0 4.06 MM
kagamitang panturo.
10. Nasubukan ko na ring magbalideyt ng mga kagamitang
3 10 11 7 0 3.29 M
panturo.
Overall Weighted Mean 3.72 - Mas Mahusay
Note: Highest frequencies are in boldface; DE=Descriptive Equivalent; WM= Weighted Mean
Legend: 1.00 – 1.80 Hindi Mahusay (HM); 1.81 – 2.60 Di-gaanong Mahusay (DGM); 2.61 – 3.40 Mahusay (M);
3.41 – 4.20 Mas Mahusay (MM); 4.21 – 5.00 Napakahusay (N)

Mula sa datos na nakalap, ang “Kaalaman sa teknolohiya gaya ng laptop at kompyuter sa


pagdidisenyo ng mga kontekstwalisadong kagamitang panturo” ay may pinakamataas na Average
weighted mean (AVM) na 4.06; ang kasanayan na “Mayroong magagamit na basehan tulad ng
competencies sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo” ay may 3.97 weighted mean; ang
kasanayan na “Nasubukan ng bumuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo na printed tulad ng
modyul, gawaing papel at iba pa” at ang “Handa sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo
sa Filipino 7” ay nakakalap naman ng 3.87 na weigted mean; ang “Nakakakuha ng tulong teknikal sa
punongguro sa pagbuo ng kontekwalisadong kagamitang panturo” ay mayroon namang 3.84 weighted
mean; ang kasanayan na “Mayroong mapagkukunan ng mga kagamitang gagamitin sa pagbuo ng
kontekwalisadong kagamitang panturo” at “ Nakadalo sa mga treyning at seminars patungkol sa
kontekstwalisasyon” ay nakakuha naman ng 3.65 na weighted; ang kasanayan “Nakabuo ng mga
kontekstwalisadong kagamitang panturo na hindi printed tulad ng mock-up, diorama at model” ay may
3.55 na weighted mean; ang kasanayan na “Mayroong impormasyon at mahahalagang tala at dokumento
mula sa komunidad na maaaring gamitin” ay may 3.42 weighted mean at ang kasanayan sa “Pagbalideyt
ng mga kontekstwalisadong kagamitang panturo ang may pinakmababang weighted mean na 3.29.

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


7
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Mariblanca at Macaltao, 2021

Mula sa 10 kasanayan sa pagbuo ng kagamitang paturo, 9 ang may “Mas Mahusay” na kasanayan
ang mga kahalok na guro at 1 naman ang may “Mahusay” na kasanayan lamang. Ang paggamit ng
teknolohiya sa pagdidisenyo ng mga kontekstwalisadong printed na kagamitang panturo ang nanguna sa
tala na may mataas na kasanayan ang mga guro. Sa kasalukuyang panahon, ang Kagawaran ng
Edukasyon ay hinihikayat ang mga guro na linangin ang kanilang kakahayan sa paggamit ng teknolohiya
kaya ng komyuter at laptop. Bahagi ito sa nais ng departamento ng pinaigting ng DepEd Computerization
Program na nakasaad sa DepEd Order No.78 series of 2010. [9] Hindi lang layunin na mabigyan ng
kompyuter ang mga paaralan sa halip malinang ang kakayahan ng mga guro sa paggamit nito lalo na sa
aspeto ng kontekstwalisasyon. Sa panahon ng pandemic, makikita pa rin na may mga isinasagawang
webinars patungkol sa paglinang ng kakayahan ng mga guro, Ilan sa mga ahensyang nagsasagawa ng
treyning ay ang Department of Information and Communication Technology (DICT). Ang kakayahan sa
paggamit ng tekonlohiya sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo ay malaking tulong upang
lubos na maunawaan ng mga mag-aaral ang konseptong tinatalakay gamit ang mga grapiko na madalas
makita ng mga mag-aaral sa sapot-ugnayan o internet. Sa tulong ng mga grapikal na imahe madali ang
nagiging pag-iisip ng mga bata at mabilis makasabay sa mga talakayan.
Ang K to 12 Basic Education Curriculum, partikular na sa Filipino 7 ay mga kasanayan o
competencies na magsisibling basehan ng mga guro sa pagbuo ng mga kontekstwalisadong kagamitang
panturo. Nagsisimula ito sa pagkakaroon ng isang pagsusulit na ihahanda ng guro base rin sa mga
kasanayan o (competencies) na nakapaloob sa Curriculum Guide (CG). Matapos masagutan ng mga mag-
aaral ang pagsusulit, ito ay bibigyan ng puntos ng kanilang guro. Gamit ang “item analysis”, ang guro ay
tutukuyin ang mga kasanayan na may mababang marka na gagamiting basehan sa paggawa ng
interbesyon na kadalasan ay mga kontekstwalisadong kagamitang panturo. Nangangahulugan lamang na
ang mga kasanayan (competencies) ay mahalaga upang lubos na magabayan ang mga guro sa paggawa
ng kontekwalisadong kagamitang panturo. Nagiging magkaugnay ang kontekwalisadong kagamitang
panturo kung ito ay may basehan.
Masasabing handa ang mga guro sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo sa
dahilang kasabay ng implementasyon o pagpapatupad ng K to 12 Basic Education Program sa bansa ay
ang pagpapalawig ng kurikulum na ginamitan ng kontekstwalisayon at indiginisasyon base sa Republic Act
No. 10533 o mas kilala sa “Enhanced Basic Education Act of 2013”. Nakapaloob dito na ang kurikulum ay
kontekstwalisado upang mas higit na maunawaaan ng mga mag-aaral ay nakabatay sa lugar kung saan
naroon ang mga mag-aaral. Bago ang implementasyon ng kurikulum ay magsagawa ng treyning ang
kagawaran mula sa pangnasyonal hanggang pampaaralan na lebel upang matiyak na maipapaliwanag
ng maayos ang mga mahahalagang salik sa paggamit ng kontekstwalisasyon. Lahat ng guro ay nakadalo
sa mga ibat ibang treyning upang sila ay mas higit na mahasa at matuto sa bagong kurikulum sa
ipapatupad. Ilan sa mga paksang kanilang narinig ay ang kontekstwalisayon ng kurikulum na hanggang sa
kasalukuyan ay bahagi ng mga Learning Action Cell Sessions at In-service Training na isinasagawa ng mga
paaralan. Naniniwala ang kagawaran na handa ang mga guro sa paggamit ng nasabing konsepto. Ito rin
ang dahilan kung bakit ang nasabing pag-aaral ay isinasagawa.
Batay din sa datos na nakalap, inilahad ng mga guro na nasubukan na nilang bumuo ng
kontekstwalisadong printed na kagamitang panturo tulad ng modyul, gawaing papel at iba. Kadalasan
ang paggawa ng mga nabanggit na kagamitang panturo ay bilang pagtugon sa pangangailangan ng
mga mag-aaral. Ang mga guro ay naghahanda ng modyul at gawaing papel bilang isang interbensyon
para sa mga mag-aaral na hindi gaanong nakakasabay sa gawain sa loob ng paaralan sa ibat ibang
kadahilanan. Sila ang mga mag-aaral na kailangan bigyan ng mga karagdagang gawain (supplemental)
upang mas higit pang matutuhan ang mga aralin na tinatalakay sa loob ng klase. Sa ganitong sitwasyon,
ang mga guro ay naghahanda ng mga kontekstwalisadong kagamitang panturo bilang tugon sa
pangangailangan ng mga mag-aaral.
Sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo, nangangailangan ang mga guro ng tulong
teknikal sa mga punong guro at mga Ulong guro. Nang sa gayon nagagabayan ang mga guro sa tamang
pamamaraan kung paano ang gagawin at nabibigyan sila ng mga mahahalagang mungkahi upang mas
higit na katanggap-tanggap ang mga kagamitang panturo na kanilang gagawin. Sa ganitong sitwasyon,
Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021
8
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Mariblanca at Macaltao, 2021

ang punong guro at mayroon ding sapat na kaalaman sa konsepto ng kontekstwalisayon dahil sila ang
maggagabay sa mga guro. Sa implementasyon ng K to 12 Basic Education Program ay may mga treyning
din namang isinagawa para sa mga punong guro patungkol dito. Ang tulong teknial ay bahagi ng gampanin
ng mga punong guro, maging mga ulong guro at mga dalubguro.
Malaking bahagi ang ginagampanan ng lokal na impormasyon, datos at tala mula sa lokal na
pamayaman sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo dahil ito ay kakailanganin ng mga
mag-aaral upang lubos na maunawan ang kanilang komunidad maging ang paksang pinag-uusapan sa
klase. Ang guro ay maaaring makipag ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak na ang mga
datos na makakalap ay tama at napapanahon. Sa kanyang pagsusulat, ay gagamitin ng guro ang mga
impormasyong nakalap upang madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang paksang
pinag-uusapan. Sa tulong ng impormasyong nakalap ay agad na makakabuo ng mas malinaw na
paliwanag ang mga mag-aaral sa kanilang isipan. Halimbawa na lang kung ang paksa ay patungkol sa
mga kaugalian sa isang pamayanan, maaaring gumamit ang guro ng mga kaugalian sa kumunidad ng bata
lamang makikita upang sa ganoon ay madaling maiugnay ng mga bata ang kanilang kaalaman.
Sa pagbuo naman ng kontekstwalisadong kagamitang pangturo na non-printed tulad ng diorama,
model at iba, gumagamit din ng mga ibat ibang materyales ang mga guro tulad ng cartolina, mga
pangkulay, mga pinanggamitan na mga materyales at iba pa. Nagiging kontekstwalisado ang kagamitang
binubuo kung ang mga impormasyong nakatala rito ay tumutukoy sa lokal na impormasyon at gumagamit
ng lokal na materyales. Halimbawa nito ay sa lugar kung saan abaka ang kanilang pangunahing produkto,
maaaring ang guro ay gumamit ng abaka bilang materyales sa pagbuo ng kanyang model.
Ang pagbalideyt ng mga kagamitang panturo ang may pinakamababang weighted mean. Base
sa isinagawang impormal na pananayam ng mananaliksik, ang mga guro ay hindi bihasa sa ganitong
gawain. Ayon sa kanila, ang nagsasagawa ng balidasyon ng mga kagamitang panturo ay mga Education
Program Supervsior sa bawat asignatura sa kanilang dibisyon sa Tarlac. Nangangailangan pa ng treyning
ang mga respondete sa ganitong gawain dahil kulang pa ang kanilang kalaman patungkol dito. Sa tulong
ng balidasyon ay makikita kung ang inihandang kotekstwalisadong kagamitang panturo ay naayon sa mga
panuntunan na inilabas ng dibisyon ng Tarlac at kung ito ay katanggap tanggap na gamitin.

Ugnayan ng Profayl sa Kasanayan sa Pagbuo ng Kontekwalisadong Kagamitang Panturo


Ang datos na nakalap mula sa mga kalahok patungkol sa pangatlong suliranin na ugnayan ng
profayl ng mga guro sa lebel ng kasanayan sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo ay
makikta sa talahanayan sa susunod na pahina.
Talahanayan 3
Ugnayan ng Profayl ng Guro sa Lebel ng Kasanayan sa Pagbuo ng
Kontekstwalisadong Kagamitang Panturo

Profayl R Sig.
Edad -.600** 0.000
Kasarian -.372* 0.039
Bilang ng taon na nagtuturo ng asignaturang Filipino -.479** 0.006
Posisyon -0.190 0.307
Pinakamataas na antas ng kursong natapos 0.027 0.883
Lebel ng treyning na dinaluhan patungkol sa Kontekswalisasyon 0.076 0.686
**Correlation is significant at 1% level, *Correlation is significant at 5% level

Ang Talahanayan 3 ay nagpapakita ng ugnayan ng profayl ng mga guro sa lebel ng kasanayan sa


pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang pnaturo gamit ang Point-Biseral and Spearman -rho correlation.
Base sa resulta, ang profayl na patungkol sa edad ng mga guro ay may makabuluhang ugnyan sa
lebel ng kasanayan sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo. Ito ay nangangahulugan na ang
edad ng mga guro ay isang salik na maituturing na makakatulong sa pagbuo ng mga kontekstwalisadong
kagamitang panturo. Ang pagkatuto ng mga guro sa pagbuo ng kagamitang panturo ay nakabase rin sa
Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021
9
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Mariblanca at Macaltao, 2021

edad dahil sa patuloy nilang pagkahasa sa nasabing gawain. Sa pagtanda ng isang tao ay nagkakaroom
siya ng sapat na kaalaman sa paggawa ng mga bagay-bagay gaya ng mga guro. Ayon kay Krause et.al.
[10], ang kontekstwalisasyon ay suportado ng prinsipyo ng “prior knowledge” o dating kaalaman Ito ay ang
kaalaman nasa isipan na ng tao at ito ay maaaring madagdagan pagdaan ng taon. Sa mga guro, ang mga
“dating kaalaman” na mayroon sila ay maaari nila itong gamitin sa pagbuo ng kagamitang panturo.
Ang profayl na tumutukoy sa kasarian, bilang ng taon na nagtuturo ng asignaturang ay may
makabuluhang ugnayan din base sa makabuluhang compute value (p<.05) na mas mababa sa 0.05 level of
significance. Ang pagkakaroon ng maraming bilang ng taon sa pagtuturo sa isang asignatura ay malaking
tulong upang higit na magkaroon ng malawak na pang-unawa sa paksa at magkaroon ng sapat na
preparasyon sa pagbuo ng mga kagamitang panturo. Ayon sa teorya ni Edward Lee Thorndike na “Law of
Exercise” [11], ang patuloy na paglinang ng kakayahan sa isang gawain tulad ng pagkatuto sa ibang
lengguwahe at pagkakaroon ng sapat na karanasan patungkol dito ay malaking tulong upang mas higit pang
matutuhan ang mga bagay bagay. Sa bilang ng taon na ang mga guro ay gumagamit ng kontekstwalisadong
kagamitang panturo, nagiging bihasa na sila sa paggamit nito.
Base rin sa resulta ang profayl patungkol sa posisyon, ang pinakamataas na antas ng kursong natapos at
lebel ng treyning na dinaluhan ay walang makabuluhang ugnayan sa lebel ng kasanayan ng mga guro.

Suliraning Kinaharap ng mga Guro sa Pagbuo ng Kontekstwalisadong Kagamitang Panturo


Ang datos na nakalap mula sa mga kalahok patungkol sa suliraning kinaharap ng mga guro sa
pagbuo ng kontekswalisadong kagamitang panturo ay makikita sa talahanayan sa susunod na pahina.
Talahanayan 4
Suliraning Kinakaharap ng mga Guro sa Pagbuo ng Kontekstwalisadong Kagamitang Panturo
n=31
Suliraning Kinaharap Frequency Percentage
1. Kakulangan ng treyning sa pagbuo ng Kontekstwalisadong kagamitang
25 80.6
panturo.
2. Limitadong oras sa paggawa dahil sa mga ulat(reports) na kailangan ihanda
24 77.4
at sa mga gawaing kailangang daluhan gaya ng treyning at seminars.
3. Pagaakma sa pangangailangan (needs) ng mga mag-aaral sa layunin ng
23 74.2
gagawing kontekstwalisadong kagamitang panturo.
4. Pagbuo ng layunin ng kontekstwalisadong kagamitang panturo base sa
20 64.5
kasanayan sa Curriculum Guide (competencies).
5. Limitadong kaalaman sa mismong proseso ng pagbuo ng kontekstwalisadong
16 51.6
kagamitang panturo.
6. Matagal na proseso ng pagwawasto ng mga kinauukulan at maraming
15 48.4
mungkahi
7. Limitadong kaalaman sa proseso ng balidasyon ng kagamitang panturo. 8 25.8
8. Limitadong kaalaman o impormasyon patungkol sa komunidad para gawing
7 22.6
basehan sa paglikha ng kontekstwalisadong kagamitang panturo.
9. Hindi sapat ang kakayahan sa paggamit ng Microsoft Office para sa graphics
7 22.6
ng kagamitang panturo.
10. Pagtukoy sa epekto ng paggamit ng kontekstwalisadong kagamitang panturo
6 19.4
sa performans ng mga mag-aaral.

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


10
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Mariblanca at Macaltao, 2021

Base sa datos na ipinakita sa Talahanayan 4, ang suliraning patungkol sa “Kakulangan ng treyning sa


pagbuo ng kontekswalisadong kagamitang panturo” ay may 25 o 80.6 bahagdan ng kabuuang sagot ng
mga kalahok sa pag-aaral. Ang limitadong oras sa paggawa dahil sa mga ulat (reports) na kailangan
ihanda at sa mga gawaing kailangang daluhan gaya ng treyning at seminars” ay may 24 o 77.4 bahagdan
ng kasagutan. Ang suliranin sa “Pag-aakma sa pangangailangan (needs) ng mga mag-aaral sa layunin ng
gagawing kontekstwalisadong kagamitang panturo ay may naitalang 23 o 74.2 bahagdan ng kabuang
bilang. Ang “Pagbuo ng layunin ng kontekstwalisadong kagamitang panturo base sa kasanayan sa
Curriculum Guide (competencies) ay may 20 o 64.5 bahagdan ng kasagutan. Ang “Limitadong kaalaman sa
mismong proseso ng pagbuo ng kontekwalisadong kagamitan panturo” ay may nakuhang 16 o 51.6
bahagdan ng kasagutan. Ang suliranin tungkol sa “Matagal na proseso at pagwawasto ng mga kinauukulan
at maraming mungkahi” ay may 15 o 48.4 bahagdan ng kasagutan. Ang “Pagkakaroon ng limitadong
kaalaman sa pagproseso ng mga balidasyon ng kagamitang panturo ay may 8 o 25.8 bahagdan ng
kasagutan. Ang limitadong kaalaman o impormasyon patungkol sa komunidad para gawing basehan sa
paglikha ng kontekstwalisadong kagamitang panturo” at ang “Hindi sapat na kakayahan sa paggamit ng
Microsfot Office para sa grap ng kagamitang panturo” ay may 7 o 22.6 bahagdan ng kasagutan. At ang
“Pagtukoy sa epekto ng paggamit ng kontekstwalisaong kagamitang panturo sa performans ng mga mag-
aaral” ay may 6 o 19.4 bahagdan ng kasagutan.
Ang pagkakaroon ng treyning sa pagbuo ng kontekwalisadong kagamitang panturo ay isang
suliraning kinakaharap ng mga guro ng cluster VI ng Dibisyon ng Tarlac. Ang treyning ay mahalaga upang
dito maituro sa mga guro ang tamang pamamaraan at istratehiya sa pagbuo ng kontekstwalisadong
kagamitang panturo at kung paano ang tamang proseso ng balidasyon ng mga nagawang kagamitang
panturo. Ito ay magbibigay daan sa mga paglilinaw ng mga mahahalagang impormasyon na dapat ay
isaalang alang ng mga guro sa paggawa. Sa Kagawaran ng Edukasyon ay nagsasagawa ng pangnasyonal
na treyning para sa mga tinatawag na learning facilitators na sila namang magbaba ng treyning sa regional
at dibisyon na level ng treyning. Ang mga kadalasang dumadalo sa mga treyning ay siyang nagsisilbing
learning facilitators pagdating ng roll out o mass training sa rehiyon o sa dibisyon. Ayon sa impormal na
panayam ng mananaliksik, isang treyning na naka sentro lamang sa pagbuo ng kontekstwalisadong
kagamitang panturo ang kinakailangan upang sila ay maihanda sa pagbuo ng nasabing kagamitang
panturo.
Ang pagkakaroon ng maraming ulat na kailangang ihanda ay isa rin sa umaagaw ng oras ng mga
guro sa pagbuo ng mga kontekstwalisadong kagamitang panturo. Di naman lingid sa kaalaman ng marami
kang dapat gawin kapag ang propesyon mo ay isang guro, may mga forms at ulat na kailangan tapusin at
gawin. Ito ay bahagi na rin ng sinumpaang tungkulin ng mga guro kung kaya ang kanilang oras ay nahahati
rin sa maraming trabaho. Dahil dito, karamihan sa kanila ay kulang na ng oras sa pagbuo ng
kontekswalisadong kagamitang panturo.
Mahalaga ang pag-aakma ng pangangailangan ng mga mag-aaral sa layunin ng bubuuin o
gagawing kontekstwalisadong kagamitang panturo. Kung walang sapat na kaalaman o karanasan ang isang
guro sa ganitong gawain ay maaaring walang saysay ang gagawing kagamitang panturo dahil hindi
tutugma o aakma sa kailangan ng mag-aaral. Sa ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga guro na
magsagawa muna ng pagsusulit upang makita ang mga kasanayan na may mababang marka ang mga
mag-aaral at doon gagawa ng isang kontekstwalisadong kagamitang panturo.
Kaugnay ng pangangailangan ng mag-aaral ay ang pagbuo ng tamang layunin base sa kasanayan
(competencies) na gagawan ng kontekstwalisadong kagamitang panturo. Ang mga kasanayan ang
magsisilbing gabay upang matugunan ang pangangailangan ng mag-aaral. Sa pagbuo ng kagamitang
panturo, kinakailangan pa rin iugnay ang mga kasanayan sa layunin upang matiyak na wasto ang
pagkakagawa. Ito ay kinakailangang ibahagi at ipaliwanag sa guro upang sila ay magabayan at hindi
magkaroon ng suliraning sa pagbuo ng kagamitang panturo.
Mahalagang malaman ng mga guro ang tamang proseso sa pagbuo ng kontekstwalisadong
kagamitang panturo upang maiwasan ang pagkalito at mga agam-agam sa pagbuoa. Ito ang isa sa mga
suliraning kailangan bigyan pansin para mas maging malinaw sa mga guro ang pagbuo. Ang maayos, madali

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Mariblanca at Macaltao, 2021

at tamang proseso ay kinakailangan upang hindi mahirapan at masayang ang oras ng mga guro sa pagbuo
ng kontekstwalisadong kagamitang panturo. Upang ito ay matugunan, ang dibisyon ay maaaring maglabas
ng panuntunan na magsisilbing gabay ng mga guro sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo.
Kaakibat din sa pagkakaroon ng malinaw na proseso ay ang matagal na paghihintay ng mga guro
sa pagwawasto ng kanilang isinumiteng kagamitang panturo base sa karanasan ng ibang nakapanayam na
kalahok sa pag-aaral ng mananaliksik. Ito ay maaaring matugunan kung magiging malinaw ang bilang ng
araw ng paghihintay ng mga guro upang maitama ang mungkahi ng mga Education Program Supervisor sa
mga kagamitang panturo upang ito ay maging katanggap tanggap ang nilalaman. Ito rin ay maaaring
iugnay sa proseso ng balidasyon ng kontekstwalisadong kagamitang panturo na kadalasang isinasagawa
sa tulong at paggabay ng mga gurong may malawak na kaalaman sa nasabing asignatura. Hinihingi ang
kanilang opinyon gamit ang isang talatanungan upang makita ang kakulangan pa ng kagamitang panturo
na idinadaan sa proseso ng balidasyon.
Ang pagkakaroon ng limitadong kaalaman sa kumunidad ay may mababang bilang ng kasagutan
mula sa respondente ng nasabing pag-aaral. Ito ay nangangahulugan na may sapat silang kaalaman sa
kumunidad kung saan sila nagtuturo. Bilang isang guro, nararapat lamang na kilalanin nila kung ano ang
mga katangian ng mga tao sa kumunidad, mga makasaysayang lugar kung mayroon man, at magbasa sa
lokal na kasaysayan ng nasabing lugar.
Hindi rin maituturing na malaking suliranin ang paggamit ng Microsoft Office sa mga guro na kahalok
sa pag-aaral base na rin sa bilang ng mga kasagutan na naitala. Ito ay nagtutugma lamang sa
pangalawang suliranin kung saan nanguna ang nasabing kasanayan ng mga guro na malaking tulong sa
pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo. Ang kanilang sapat na kaalaman ay malaking tulong
para higit pang maging kaaya aya ang mga disenyong kanilang gagamitin para sa mga mag-aaral.
Ang epekto ng paggamit ng kontekstwalisadong kagamitan panturo ay masasabing malinaw na sa
mga guro dahil mayroon lamang 6 na kasagutan mula sa mga gurong kalahok sa nasabing pag-aaral. Ito
ay base na rin sa isinagawag treyning ng Kagawaran ng Edukasyon bago ang implementasyon ng K to 12
Basic Education Program. Lahat halos ng mga guro ay sumailalim sa treyning upang lubos na maunawaan
ang mga pagbabagong kaakibat ng pagpapalit ng kurikulum.

KONGKLUSYON
Batay sa mga impormasyong nakalap, ang mga sumusunod na kongklusyon ay nabuo:
1. Karamihan sa mga guro sa Filipino 7 ay kasalukuyan pa lang nagpapalawak ng kanilang kaalaman sa
pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo. At kalahati ng bilang nito ay maituturing na nasa
“early adulthood”.
2. Ang mga guro ay may kasanayan sa pagbuo ng kagamitang panturo gamit ang teknolohiya gaya ng
laptop at kompyuter para sa pagdidisenyo ng mga kagamitang panturo, sa paggamit ng kasanayan
(competencies) bilang basehan sa pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo; at ang pagbuo ng
nasabing kagamitang panturo na printed gaya ng modyul at gawaing papel.
3. Ang lebel ng kasanayan ng mga guro sa pagbuo ng kagamitang panturo, ang edad at kasarian, bilang
ng taon na pagtuturo ng asignaturang Filipino 7 ay may makabuluhang ugnyan sa lebel ng kasanayan sa
pagbuo ng kontekstwalisadong kagamitang panturo nagpapatunay lamang na malaki ang impluwensiya
sa kanila ang mga treyning na kanilang dinaluhan.
4. May mga suliraning kinaharap din ang mga guro ito ang kakulangan ng treyning sa pagbuo ng
kontekstwalisadong kagamitang panturo, limitadong oras na nakalaan sa paggawa ng mga ulat na
kaakibat ng trabaho ng guro at ang pag-aakma ng mga layunin batay sa kasanyan o (competencies).

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


12
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Mariblanca at Macaltao, 2021

REKOMENDASYON
Batay sa kongklusyong binuo, ang mga sumusunod na rekomendasyon ay inilalahad:
1. Paggamit ng kontekstwalisadong kagamitang panturo sa Filipino 7 bilang isang pandagdag o
supplemental na kagamitang panturo at bilang isang interbensyon upang matugunan ang pangangailangan
ng mga mag-aaral sa nasabing asignatura.
2. Pagsasagawa ng isang treyning patungkol sa paglinang ng kasanayan ng mga guro sa pagbuo ng
kontekstwalisadong kagamitang panturo upang lubos na mapaigting ang kakayahan sa pagbuo.
3. Pagsasagawa ng isang “exhibit” o pagpapakita ng mga kontekstwalisadong kagamitang panturo ng
bawat paaralan sa nasabing cluster upang mahikayat ang karamihan sa mga guro na gumawa o bumuo.
Maaaring idisplay ang mga kontekstwalisadong kagamitang panturo ay yaong dumaan sa proseso ng
balidasyon ng mga eksperto sa dibisyon gaya ng mga Education Program Supervisor.
4. Pagsasagawa ng isang pakitang turo gamit ang mga kontekstwalisadong kagamitang panturo upang
makita ang gamit nito na maaaring magsilbing gabay para higit pang mapabuti ang pagbuo at paggamit
ng nasabing kagamitang panturo.
5. Pagsasagawa ng isang pananaliksik o action research na tutukoy kung epektibo nga ba ang paggamit sa
kontekstwalisadong kagamitang panturo para mapataas ang performans ng mga mag-aaral.

BIBLIOGRAPIYA

Albano Jr., Estanislao (2019), “Grade 6 NAT scores at ‘low mastery’ level”, Manila inTimes Online,

Anderson et.al (2019), The best students in the world, charted Retrieved from https://qz.com
Conference on Climate Change, Volume 1, 2017)

De Laza, Kim Alvun., “Contextualization and Localization: Acceptability of the Developed Activity

DepEd Order No.78 (2010) Guidelines on the Implementation of the Deped Computerization
Crogram (DCP) https://www.deped.gov.ph/2010/06/10/do-78-s-2010-guidelines-on-the-
implementation-of-the- deped-computerization-program-dcp/

Edward Lee Thorndike (2002) Law of Exercise


https://www.slideshare.net/meichiebaby/thorndikes-connectionism-theoryAmerican Educational Research
Journal, 583-625

Implementing rules and regulations (irr) of Republic act no. 10533 otherwise known as the
enhanced basic education act of 2013 (2013) - republic of the philippines department of education
https://www.deped.gov.ph/2013/09/24/do-43-s-2013-implementing-rules-and-regulations-irr-of-
republic-act-no-10533-otherwise-known-as-the-enhanced-basic-education-act-of-2013/276/

Krause et.al, (2013) “Effect of Contextualization of Content and Concepts on Students'Course


Relevance and Value in Introductory Materials ClassesPresented at Materials Division Technical Session 2.

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


13
Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan
Publisher: College of Education, Lingayen Campus
Pangasinan State University, Pilipinas
eISSN-xxxx, Open Access Article
Mariblanca at Macaltao, 2021

Laurentina Paler-Calmorin, Melchor A. Calmorin (2007) Research Methods and Thesis Writing 2nd
Edition Publisher: Rex Bookstore

Lucas, Cardoso, Maria Rita D. & Corpuz, Brenda B.(2013) “Facilitating Learning: A Metacognitive
Approach. Lorimar PublishingIncorporated, Quezon City, Metro Manila
Program for International Student Assessment (PISA) 2018, National Report of the Philippines. December
2019 Department of Education Department of Education Complex, Meralco Avenue, Pasig City Philippines

Purita Bilbao et. al (2014) Curriculum Development. Lorimar PublishingIncorporated, Quezon City,
Metro Manila September 29, 2019
Sheets in Science 5 Integrating Climate Change Adoptation” (Study Presented in the International

Shield, B., & Dockrell, J. (2003). The Effects of Noise on Children at School: A Review. Building Acoustics,
97-106.
Ursos (2010). Facilitation Theory. Retrieved from https://www.academia.edu

Vol: 2 Isyu: 2 Taon: 2021


14

You might also like