You are on page 1of 5

Department of Education

Region VIII
Jaro, Leyte
Granja Kalinawan National High School
Main Campus

PERSEPSYON SA PAGGAMIT NG LAPTOP BILANG BAGONG KAGAMITANG PANTURO NG MGA


KALALAKIHANG MAG-AARAL NA NASA HUMSS STRAND EDAD 17-18 NG GRANJA

KALINAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL S.Y. 2021-2022

Isang Konseptong Papel na inilalahad sa mga Guro at Kawani ng

Granja Kalinawan National High School, Jaro, Leyte

Para sa Bahagyang Katuparan sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri tungo sa Pananaliksik

Ng STEM 11-Nikolai

Inihahandog ni:

Jake B. Mondragon
Rasyunal

Nang ipinatupad ang pansamantalang pagpapahinto sa klase sa buong paaralan sa Pilipinas ng


kasagsagan ng pandemya'y dito umusbong ang pag-gamit ng laptop sa larangan ng pagkatuto. Ayon sa
Unansea (nd.) ang laptop ay isang bagay na ginagamit upang mabilis na maisagawa ang mga gawain. Ang
laptop ay isang teknolohiya at isa sa pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng impormasyon ng mga
magaaral sa panahon ngayon (wordpress.com, nd.).

Ang mga kabataan ay tinaguriang susi sa kaunlaran ng bansa, kaya nararapat lamang na bigyang halaga
ang pagkatuto nila lalo na ngayon na hindi pa tapos ang laban sa pandemya. Ang kasukuyang sitwasyon
ng mga estudyante ang naging basehan upang isagawa ang pananaliksik sa persepsiyon sa pag-gamit sa
laptop bilang bagong kagamitang panturo ng mga kalalakihang mag-aaral na nasa HUMSS edad 17-18 ng
Granja Kalinawan National High School School Year (S.Y.) 2021-2022.

Layunin

Ang pangkalahatang layunin ng mananaliksik ay malaman ang persepsiyon sa paggamit sa laptop bilang
bagong kagamitang panturo ng mga kalalakihang mag-aaral na nasa HUMSS edad 17-18 ng Granja
Kalinawan National High School School Year (S.Y.) 2021-2022.

Ang tiyak na Layunin ay:

1. Malaman ang persepyon ng kabataan sa kahalagahan ng laptop sa edukasyon

2. Malaman ang kakayahan nilang gamitin ang laptop.


.Metodolohiya

Sa unang araw ng pananaliksik ay binigyan ng oras ang mananaliksik para pumili ng indibidwal na paksa.
Pagkatapos makapili ng mananaliksik ng paksa ay binigyan ito ng oras upang makakalap ng impormasyon
ukol sa paksa. Ang paksang napili ay dumaan sa proseso at ipinasa sa guro upang makumpirma at
makakuha ang mananaliksik ng rekomendasyon upang mas mapagtibay ang paksa. Pagkaraan ng ilang
araw ay sinimulan na ang paggawa ng indibidwal na konseptong papel. Pagkatapos gawin ang
konseptong papel ay ipapasa ito sa guro at dedepensahan kung nararapat bang ipagpatuloy ang
pananaliksik. Pagkatapos madepensahan ay sisimulan ng gawin ang iba't ibang parte ng pananaliksik na
naituro na. Kapag naipaliwanag na ang proseso sa paggawa ng iba't ibang parte ay sisimulan na ang
paggawa ng kaukulang consent form para sa punong guro. Matapos nito ay sisimulan na din ang
paggawa ng mga strukturang tanong para sa magiging kalahok. Ang nabuong tanong ay ibibigay sa mga
kwalipikadong guro upang tingnan ang ayos ng gramatiko at konsepto. Kasunod nito ay ang pagbibigay
ng mga informed consent sa mga napiling lalahok sa gagawing interview. Ang mga kalahok ay tatanungin
sa tahimik at walang taong lugar upang gawing pribado ang pag-uusap. Ang usapan ay irerecord gamit
ang cellphone kapag pumayag ang makikilahok dahil ito ang gagamitin sa pag kuha ng datos. Ang mga
nakalap na impormasyon ay i-interpreta at dito kukuha ng kunklusyon at recommendasyon upang
masagot ang layunin ng pananaliksik. Ipapakita ang natapos na gawa sa guro upang makapagbigay ito ng
komento. Babaguhin ang dapat baguhin sa ginawang papel ayon sa komento ng guro at ipapasa ito ng
ng malinis at maayos. Kapag naipasa na ito sa guro at aprubado na ay sisimulan na ng mananaliksik na
gumawa ng visual aid para sa presentasyon. Gagamit ang mananaliksik ng powerpoint presentation para
sa visual aid na gagamitin sa presentasyon.
Inaasahang Output

Sa katapusan ng pagsasaliksik ay inaasahan ng mananaliksik na makuha ang opinion ng mga estudyante


kung nararapat ba na gamitin ang laptop bilang bagong kagamitang panturo. Inaasahan rin ng
mananaliksik na malaman ang persepsiyon ng kabataan sa kahalagahan ng laptop sa edukasyon, at
inaasahan din ng mananaliksik na malaman kung alam ng mga estudyanteng gumamit ng laptop.
References:

Unansea (nd.) https://tl.unansea.com/ano-ang-isang-laptop-at-kung-ano-ang-function-nito/

Wordpress.com (nd.) https://filipinoblog161.wordpress.com/2017/06/30/ang-kahalagahan-ng-


teknolohiya-sa-pag-aaral/

You might also like