You are on page 1of 31

‘TECH’KA: BATA, BASA!

2020 – 2021

An Action Research
Of
Singatong Elementary School
Katipunan II District, Zamboanga del Norte

By:

ANA LIZA E. NOEL MT-I 09357245578 / analiza.noel002@deped.gov.ph


JOHN EXAN REY N. LLORENTE T-I 09397436984 / johnexanrey. llorente@deped.gov.ph
RUSSELLIETH JOYCE A. NIEVES T-III 09465694584 /
russelliethjoyce.nieves@deped.gov.ph
Researchers
#teknolohiya,laptap,lebel,kasanayan,pagbasa,projector,assessment,outcomeassessment
‘TECH’KA: BATA, BASA!

Baitang I (Paaralang Elementarya ng Singatong)


19 na Lalaki/5 na Babae

Abstrak
Ang pananaliksik na ito ay isang quasi eksperimental na pag-aaral na naglalayong
malaman
ang makabuluhang epekto sa paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng laptop, projector,
educational videos at speaker sa paglinang ng kasanayan sa pagkilala at pagtunog ng mga titik
upang mahasa ang kasanayan sa pagbasa ng mga salita at talata. sa limang mag- aaral ng
Paaralang
Elementarya ng Singatong na nakitaan ng kakulangan sa kasanayan sa pagbasa.
May tatlong hakbang na sinunod sa pag- aaral na ito: Screening Test na ibinigay sa 24 na
mag- aaral sa Unang Baitang at Pre-test sa limang mag-aaral na nakitaan ng kakulangan sa
kasanayan; kasunod nito ay ang Progress Monitoring kung saan binigyan ng remediation ng 30
araw ; at ang pang- huli ay Outcome Assessment kung saan pinakilala, pinapatunog at pinabasa
ng sampung salita at talata ang limang mag- aaral alinsunod sa IATF Health Protocols. May
liham
pahintulot na nilagdaan ang mga magulang ng mga mag-aaral, ng pangulong-guro at ng punong-
barangay ng Barangay Singatong.
Ang kagamitan o instrumento ng pananaliksik ay dumaan sa Content Validation at ito ay
paunang ginamit sa Ikalawang Baitang para masuri ito nang wasto mula sa mga titik, piling
sampung salita at talata.
Gumamit ng mga Statistical Treatment na Average at Percentage ang mga mananaliksik
at
makikita na may malaking kaunlaran sa lebel ng kasanayan sa pagbasa ang limang mag- aaral
kung paghahambingin ang resulta ng pre- test at posttest na may diperensya na 61.97%.
Kaya, napatunayan sa pananaliksik na ito na may malaking naitutulong ang paggamit ng
makabagong teknolohiya sa paglinang ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag- aaral.

I. KONTEKSTO AT KATWIRAN

Isa sa mga karapatan ng mga bata ay ang dekalidad na edukasyon (UN Conventions on

the

Rights of the Child). Sa paglaganap ng pandemyang COVID- 19, naging sagabal ito sa

makabuluhang pagkatuto ng mga mag- aaral lalo na sa kasanayan sa pagbasa. Naglunsad ang

Kagawaran ng Edukasyon ng isang programang kailangan ang bawat mag- aaral ay mahubog

ang kasanayan sa pagbasa. Ito ay tinatawag na E- CARP (Every Child A Reader Program). Ang

programang ito ay naglalayon na ang bawat batang Filipino ay makakabasa ayon sa kanyang

lebel. (DepEd Order No. 70, s. 2011 Every Child A Reader Program. 2011)

Samantala, ang makabagong teknolohiya ay nagdulot ng maraming benepisyo sa pang-

araw- araw na buhay ng mga tao. Isa sa mga halimbawa ng makabagong teknolohiya ay ang

multimedia. Mga halimbawa nito ay ang mga flat screens television, laptap at cellphone. Ang

multimedia ay maaring gamitin bilang kagamitan sa pagtuturo. Ito ay maaring gamitin upang

linangin ang kasanayan sa pagbasa ng mga bata. Maramng pananaliksik ang nagpapakita na ang

paggamit ng teknolohiya tulad ng multimedia ay nakakatulong sa pagpukaw ng interes ng bata

para mas aktibong makilahok (Reinking, 2005). Ang multimedia ay nagbibigay ng iba’t- ibang

presentasyon na kalakip ng iba’t- ibang elemento tulad ng mga sulat, mga salita, tunog at musika,

larawan, at animasyon (Aloraini, 2005, p.55-75). Kaya, ang paggamit ng multimedia bilang

kagamitan sa pagtuturo ay nakatutulong sa mga bata sa paglinang sa kanilang kasanayan. Dahil

dito, naudyok ang mga gurong mananaliksik na gumamit ng mga makabagong teknolohiya sa

pagtuturo para harapin ang mga hamon sa edukasyon sa pamamagitan ng pagtaas ng kanilang

lebel ng pagkatuto na maaring makamtan sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop at pantay na


oportunidad sa lahat ng tao, habang isinasaalang- alang ang mga pagkakaiba ng indibidwal

(Wilkinson, 1986, p. 13 & Abd El-Halim Said, 1997, p. 19).s

Sa ginawang Reading Assessment sa pamamagitan ng home visitation, natuklasan ng

mga mananaliksik na ang mga mag- aaral sa Unang Baitang ng Paaralang Elementarya ng

Singatong ay may malaking kakulangan sa pagkilala ng mga titik at mga salita sa pangungusap.

Ito ay nag- udyok sa mga mananaliksik na mabigyan ng ang lunas suliraning ito at

maisakatuparan ang programa ng DepEd na E- CARP, sa pamamagitan ng pananaliksik na

“TECH”ka: Bata, Basa.

Ang pananaliksik na ito ay isang quasi- experimental na pananaliksik na one group

pretest, post test at naglalayon na malaman ang kabuluhan ng paggamit ng makabagong

teknolohiya bilang kagamitang panturo sa paglinang ng kasanayan sa pagkilala ng mga titik at

salita sa pangungusap. Ang pananaliksik na ito ay one group pre- reading at post- reading

assessment kung saan ikukumpara ang resulta ng dalawang reading assessment.

Pagkatapos sa pangangalap ng resulta ng datos ito ay isasailalim sa statistical treatment

na Average at Simple Percentage. Ang resulta ay ipapakita sa anyong table at bar graph para mas

madaling maintindihan ng lahat. Ang mga instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay ang

mga letra sa alpabetong Filipino, mga salitang nasa KPKP Pattern at dalawang talata. Ang mga

instrumentong ito ay ibinigay muna sa Ikalawang Baitang na mag- aaral (pre- testing) matapos

na ito ay dumaan sa content validation. Ang mga intervening variables tulad ng kasarian, socio-

economic status, edad at iba pa ay hindi isinali sa pananaliksik na ito.


II. MGA TANONG SA PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay quasi- experimental. Ito ay naglalayong malaman ang lebel ng

kasanayan ng mga mag-aaral kapag ginamitan ng makabagong teknolohiya sa pagkilala ng mga

titik at salita sa talata.

Sinasagot nito ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang lebel na kasanayan sa pagbasa ng mga mag- aaral sa pre- reading assessment?

2. Ano ang lebel na kasanayan sa pagbasa ng mga mag- aaral sa post- reading assessment?

III. MUNGKAHING INOBASYON, INTERBENSYON AT ISTRATEHIYA

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng Pre- reading Assessment sa pagkikilala ng

titik at pagbasa ng mga piling salita (KPKP Pattern) at talata na pinamagatang “Si Lito” at

“Babala!” sa mga mag- aaral sa Unang Baitang ng Paaralang Elementarya ng Singatong sa

taunang- pangkurikulum 2020- 2021 sa paaralan, alinsunod sa health protocols na itinalaga ng

IATF. Ito ay sumasaklaw sa limang mag- aaral sa Unang Baitang ng Paaralang Elementarya ng

Singatong na nakitaan ng kakulangan sa kasanayan sa pagkilala ng mga titik, pagbasa ng mga

salita at talata.

IV. PAMAMARAAN SA PANANALIKSIK

A. Mga Kalahok at Iba Pang Pagkukunan ng Datos at Impormasyon


Ang mga mag- aaral na kasali sa pananaliksik na ito ay ang limang (5) mag- aaral sa

Unang Baitang na nakitaan ng kakulangan sa kasanayan pagkilala ng mga titik at salita sa

pangungusap sa Paaralang Elementarya ng Singatong ayon sa resulta ng reading assessment.

Sa pre- reading assessment, bawat isang bata ay papasok sa silid- aralan at iparinig ang

audio ng mga titik at tunog nito at pipiliin sa loob ng kahon ang tamang titik na kanilang narinig.

Pagkatapos, ipabasa ang mga piling salita (KPKP Pattern) na nasa strips. Ang huling gawain ay

ipabasa ang dalawang talata na nakasulat sa papel. Kunin ang iskor at katumbas na porsiyento sa

bawat gawain at itala ito sa talahanayan. Sa post- reading assessment ang pamamaraan ay

katulad ng pre- reading assessment at ikumpara ang resulta ng dalawang reading assessment

kung may pag-unlad ba sa kanilang kasanayan sa pagbasa na ginagamitan ng makabagong

teknolohiya.

Gagawin ang pananaliksik na ito isang oras sa loob ng tatlumpung araw kung saan ang

mga bata ay susunduin sa kanilang mga bahay papuntang paaralan at ihahatid din sila pagkatapos

na maisagawa ang mga interbensyon alinsunod sa health protocols na itinalaga ng IATF. Para

maganyak ang mga bata sa pagsali sa pananaliksik ay bibigyan sila ng libreng meryenda.

B. Pamamaraan sa Pagkalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay inihanda ang mga kakailanganing dokumento para sa

pananaliksik na ito; ang sulat pahintulot mula sa Tagapagmasid ng Distrito, sa punongguro at

punong baragay para isagawa ang pananaliksik, liham pahintulot mula sa mga magulang ng mga

mag- aaral na saklaw nitong pananaliksik.

Ang paraan ng pangangalap ng mga datos ay batay sa mga sumusunod na hakbang:

1. Implementing Screening
2. Progress Monitoring

3. Outcome Assessment

Ang unang hakbang ay ang pagsasagawa ng pre- reading assessment sa mga mag- aaral

upang malaman ang kanilang lebel sa kasanayan sa pagkilala ng mga tiktik at salita sa

pangungusap.

Samantalang, ang ikalawang hakbang ay ang panunuod ng mga educational videos tulad

ng phonics drill ng Alpabetong Filipino. Ang mananaliksik ay magsagawa ng interbensyon ng

isang oras sa loob ng tatlumpung araw at subaybayan ang kaunlaran sa kasanayan sa pagbasa

bawat linggo gamit pa rin ang mga makabagong teknolohiya. Ang huling hakbang ay

pagsasagawa ng post- reading assessment gamit ang mga kagamitan na ginamit sa pre- reading

assessment. Kunin ang iskor at katumbas na bahagdan at ihambing ito sa resulta ng pre- test.

Pagkatapos sa pangangalap ng resulta ng datos ito isasailalim sa statistical treatment na

Average at Simple Percentage. Ang resulta ay ipapakita sa anyong table at bar graph para mas

madaling maintindihan ng lahat.

C. Plano sa Pag- aanalisa ng Datos

Ang pananaliksik na ito ay one group pre- reading at post- reading assessment kung saan

ikukumpara ang resulta ng dalawang reading assessment. Pagkatapos sa pangangalap ng resulta

ng datos ito isasailalim sa statistical treatment na Average at Simple Percentage. Ang resulta ay

ipapakita sa anyong table at bar graph para mas madaling maintindihan ng lahat.

V. PLANO AT PALATAKDAAN NG ORAS NG PANANALIKSIK

GAWAIN BILANG NG ARAW TALAKDAAN NG ORAS

Paggawa at pagsumite ng
10 araw Abril 21 - 30, 2021
plano ng pananaliksik
Paghahanda ng 10 araw Mayo 3 – Mayo 12, 2021
kakailanganing dokumento
Paghahanda ng mga
10 araw Mayo 15 - 24 , 2021
instrument sa pananaliksik
Pagkalap ng mga datos,
30 araw Hunyo 1- Hulyo 30, 2021
interpretasyon, at pag- analisa
Pagsulat at pagsumite ng
5 araw Hulyo 1 – Hulyo 5, 2021
Pananaliksik
Diseminasyon,
Pagpapalaganap sa Paggamit 4 araw Agusto- Setyembre 2021
ng Resulta ng Pananaliksik
VI. GASTOS

Ang sumunod na tsart ay ang tinatayang gastusin.


MGA KAUGNAY NA GASTUSIN HALAGA
Internet Fees Php 300.00
Bond Papers and Ink Php 500.00
Fare Php 300.00
Flash Driv Php 300.00
Snacks Php 2500.00
Alcohol Php 300.00
Facesmask Php 500.00
Php 300.00
Faceshields
KABUUANG HALAGA Php 5,000.00

VII. PLANO NG PAGPAPALAGANAP AT PAGPAPAGAMIT

`` Ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay ipagbigay- alam sa punungguro para

makakuha ng pahintulot at makagawa ng plano sa pagpapalaganap sa resulta upang magamit ng

mga guro sa ibang paaralan ng Ikalawang Distrito ng Katipunan. Ang resulta, mungkahi at

rekomendasyon sa pananaliksik ay mapaalam sa mga guro sa sumusunod na pagtitipon tulad ng;

School Learning Action Cells (SLACs) – Ipagbigay- alam ng mananaliksik ang resulta ng

pananaliksik at maipahayag ang mga mungkahi at rekomendasyon na maaaring magagamit nila

sa paglinang ng kasanayan sa pagkilala at pagbasa ng mga salita sa Filipino man o sa Ingles.


In- Service Training (INSET) – Dito sa INSET na gagawin ay maipapaliwanag ng

mananaliksik ang resulta, mungkahi at rekomendasyon ng pananaliksik na siyang maging isang

paksa sa talakayan.

Enhanced School Improvement Plan (SIP) / Annual Improvement Plan (AIP) – Ang resulta

ng pananaliksik na ito ay iharap sa punongguro para ilangkap sa School Improvement Plan (SIP)

at isama sa Annual Improvement Plan (AIP) para sa mga posibilidad na palawakin pa ang

pananaliksik.
VIII. Presentasyon, Pagsusuri at Pagbibigay ng Interpretasyon
Batay sa resulta ng kabuuang isinagawang pananaliksik gamit ang simpleng averaging at percentage na statistical data
treatment,
DECODING LANGUAGE SKILLS (TALATA) Kabuuang
LRN DECODING LANGUAGE SKILLS (SALITA) Kabuuang
Diperensya
Diperensya
PRE- TEST POSTTEST PRE- TEST POSTTEST

Blng. ng Mali Porsiyento Blng. ng Mali Porsiyento Blng. ng Mali Posiyento Blng. Mali Porsiyento

124392190001 10 100 0 0 100 48 100 0 0 100

124392190002 10 100 3 30 70 48 100 19 39.58 60.42

124392190003 10 100 2 20 80 48 100 21 43.75 56.25

124392190013 10 100 4 40 60 48 100 18 37.5 62.5

124392190017 10 100 5 50 50 48 100 26 54.70 45.3

Total 50/10 500/100 14/1.8 140/18 360/72 4240/48 500/100 84/16.8 175.53/35.11 324.47/64.89

ipinapakita ag mga sumusunod na datos.


DECODING LANGUAGE SKILLS (NGALAN NG MGA TITIK) DECODING LANGUAGE SKILLS (TUNOG NG MGA TITIK)

LRN Patinig Katinig Porsiyento Patini Katini Patini Katinig Porsiyento Patini Katinig
(Tamang (Tamang g g Porsiyento Kabuu Kabuu g (Tamang g (Taman Porsiyento Kabuua Kabuu
sagot) sagot) Patinig Katinig (Tama (Tama Patini Kati ang ang (Tama sagot) Patini Katin (Tama g sagot) Patini Katinig ng ang
ng ng g nig Dipere Diper ng g ig ng g Diperen Dipere
sagot) sagot) nsya ensya sagot) sagot) sya nsya
(Patini (Katin (Patinig (Katin
g) ig) ) ig)
PRE- TEST POSTTEST PRE- TEST POSTTEST
124392190001 3 15 60 66.22 5 23 100 100 40 34.78 2 11 40 47.83 5 23 100 100 60 52.17

124392190002 3 19 60 82.61 5 23 100 100 40 17.39 2 2 40 8.70 5 13 100 56.52 60 47.82

124392190003 1 3 20 13.04 5 23 100 100 50 86.96 2 5 40 21.74 5 8 100 78.27 60 56.53

124392190013 3 14 60 60.87 5 23 100 100 40 39.13 1 5 20 21.74 5 15 100 65.21 80 58.26

124392190017 1 10 20 43.48 5 23 100 100 80 56.52 1 5 20 21.74 5 10 100 43.47 80 58.26


Total 11/2.2 61/12.2 220/44 265.22/53 25/5 23/23 500/1 500/ 240/48 234.7 8/1.6 28/5.6 160/32 121.7 25/5 79/15.8 500/1 343.47/68.6 340/68 273.04
.04 00 100 8/46.9 5/24/3 00 9 /54.61
6 5
Talahanayan 1. 1

DECODING LANGUAGE SKILLS (NGALAN NG MGA TITIK)


Patinig
8

5
5

3
2.2
2

0
Pre- test Posttest Kabuuang Diperensiya

Talahanayan 1. 2
Talahanayan 2.1
DECODING LANGUAGE SKILLS (NGALAN NG MGA TITIK)
Katinig
25 DECODING LANGUAGE SKILLS (NGALAN NG MGA TITIK)
Patinig23(%)
1.2
20

1
1

15

0.8 12.2
10.8
10
0.6 0.56

0.44
0.45

0.2
0
Pre- test Posttest Kabuuang Diperensiya

0
Pre- test Posttest Kabuuang Diperensiya

Talahanayan 2.2
DECODING LANGUAGE SKILLS (NGALAN NG MGA TITIK)
Katinig (%)
1.2

1
1

0.8

0.6
0.5304
0.4696

0.4

Talahanayan 3.1
0.2

0 DECODING LANGUAGE SKILLS (TUNOG NG MGA TITIK)


Pre- test Posttest
Patinig Kabuuang Diperensiya

5
5

3 2.8

2
1.6

0
Pre- test Posttest Kabuuang Diperensiya

Talahanayan 3.2
DECODING LANGUAGE SKILLS (TUNOG NG MGA TITIK)
Katinig
18

15.8
16

14

12
10.2
10

6 5.6

4
Talahanayan 4.1
2

0 DECODING LANGUAGE SKILLS (TUNOG NG MGA TITIK)


Pre- test Posttest
Patinig (%) Kabuuang Diperensiya

1.2

1
1

0.8
0.68

0.6

0.4
0.32

0.2

0
Pre- test Posttest Kabuuang Diperensiya

Talahanayan 4.2
DECODING LANGUAGE SKILLS (TUNOG NG MGA TITIK)
Katinig (%)
0.8

0.7 0.6869

0.6

0.5
0.4434

0.4

0.3
0.2435

0.2
Talahanayan 5.1
0.1

0 DECODING LANGUAGE SKILLS (SALITA)


Pre- test Posttest Kabuuang Diperensiya
12

10
10

8
7.2

4
2.8

0
Pre- test Posttest Kabuuang Diperensiya

Talahanayan 5.2
DECODING LANGUAGE SKILLS (SALITA)
Porsiyento
1.2

1
1

0.8
0.72

0.6

0.4
0.28
Talahanayan
0.2
6.1

0 DECODING LANGUAGE SKILLS (TALATA)


Pre- test Posttest Kabuuang Diperensiya
60

50 48

40

33.2

30

20
16.8

10

0
Pre- test Posttest Kabuuang Diperensiya

Talahanayan 6.2
DECODING LANGUAGE SKILLS (TALATA)
Porsiyento
1.2

1
1

0.8

0.6489
0.6

0.4 0.3511

Resulta
0.2

FIGURE 1.1 DECODING LANGUAGE SKILLS (TUNOG NG MGA TITIK)


0
Pre- test Posttest Kabuuang Diperensiya
Patinig

Pre- test

11 ÷ 5 = 2. 2

Postest

25 ÷ 5 = 5

Kabuuang Diperensya

5 – 2. 2 = 2. 8 (Tumaas)

FIGURE 1.2 DECODING LANGUAGE SKILLS (TUNOG NG MGA TITIK)

Katinig

Pre- test

61 ÷ 5 = 12. 2
Postest

115 ÷ 5 = 23

Kabuuang Diperensya

23 – 12. 2 = 10. 8 (Tumaas)

FIGURE 2.1 DECODING LANGUAGE SKILLS (TUNOG NG MGA TITIK)

Patinig (Porsiyento %)

Pre- test

220% ÷ 5 = 44%

Postest

500% ÷ 5 = 100%

Kabuuang Diperensya

100% – 44% = 56% (Tumaas)

FIGURE 2.2 DECODING LANGUAGE SKILLS (TUNOG NG MGA TITIK)

Katinig (Porsiyento %)

Pre- test

65% ÷ 5 = 53. 04%

Postest
500% ÷ 5 = 100%

Kabuuang Diperensya

100% – 53.04% = 46. 96% (Tumaas)

FIGURE 3.1 DECODING LANGUAGE SKILLS (NGALAN NG MGA TITIK)

Patinig

Pretest

8 ÷ 5 = 1. 6

Posttest

25 ÷ 5 = 5

Kabuuang Diperensya

5 – 1. 6 = 3. 4 (Tumaas)

FIGURE 3.2 DECODING LANGUAGE SKILLS (NGALAN NG MGA TITIK)

Katinig

Pretest

28 ÷ 5 = 5. 6

Posttest
79 ÷ 5 = 15. 8

Kabuuang Diperensya

15. 8 – 5. 6 = 10. 2 (Tumaas)

FIGURE 4.1 DECODING LANGUAGE SKILLS (NGALAN NG MGA TITIK)

Patinig (Porsiyento %)

Pretest

160% ÷ 5% = 32. 0%

Postest

500% ÷5 = 100%

Kabuuang Diperensya

100% – 32. 0% = 68% (Tumaas)

FIGURE 4.2 DECODING LANGUAGE SKILLS (NGALAN NG MGA TITIK)

Katinig (Porsiyento %)

Pretest

121.75% ÷ 5 = 24. 35 %

Posttest
343.47% ÷ 5 = 68.69%

Kabuuang Diperensya

68. 69% – 24. 35% = 44. 34% (Tumaas)

FIGURE 5.1 DECODING LANGUAGE SKILLS (SALITA)

Pre- test

50 ÷ 5 = 10

Postest

14 ÷ 5 = 2. 8

Kabuuang Diperensya

10 – 2. 8 = 7.2 (Bumaba)

FIGURE 5.2 DECODING LANGUAGE SKILLS (SALITA)

(Porsiyento)

Pretest

500% ÷ 5 = 100%
Posttest

140% ÷ 5 = 28%
Kabuuang Diperensya

100% – 28% = 72% (Bumaba)

FIGURE 6.1 DECODING LANGUAGE SKILLS (TALATA)

Pretest

240 ÷ 5 = 48

Posttest

84 ÷ 5 = 16. 8

Kabuuang Diperensya

48 – 16. 8 = 31. 2 (Bumaba)

FIGURE 6.2 DECODING LANGUAGE SKILLS (SALITA)

(Porsiyento)

Pretest

500% ÷ 5 = 100%

Posttest

175.53% ÷ 5 = 35.11%
Kabuuang Diperensya

100% – 35. 1%1 = 64. 89% (Bumaba)

Diskusyon

Batay sa nakalap na datos na ipinakita sa Figure 1.1 (Decoding Language Skills-Tunog


ng

mga Patinig) na gumamit ng statistical treatment na Averaging, mula sa 2.2 sa Pretest ng tamang
sagot ay nagiging 5 ito sa Post Test. Nagkakaroon ito ng deperensiya na 2.8, o tumaas ng higit
sa
kalahating lebel. Ito ay nagpapahiwatig na may kabuluhan ang intervention tool. Kung ating
pagbabasehan ang Percentage na Statistical Treatment (Figure 2.1), mula sa 44% sa Pretest ay
tumaas ito ng 100% sa Post Test na ang ibig sabihin ay may kabuluhan ang paggamit ng
makabagong
teknolohiya sa pagtuturo.

Sa Figure 1.2 naman (Decoding Language Skills-Tunog ng mga Katinig) sa Averaging na


statistical treatment, sa Pretest ay 12.2 at tumaas ito ng 23 sa Post Test na may kabuuang
deperensiya ng 10.8 na nagpapahiwatig ng kabuluhan nito. Sa Figure 2.2 na gumamit ng
Percentage Statistical Treatment, mula sa 53.04% sa Pretest ay tumaas ito ng 100% sa Post Test
na may kabuuang diperensiya ng 46.96%.
Sa Figure 3.1 (Decoding Language Skills- Ngalan ng mga Patinig), mula sa 1.6 na
average
ay tumaas ito ng 5 na may diperensiya ng 3.4 na nagpapahiwaitg pa rin ng kabuluhan sa
intervention tool na ginamit na may katulad ding pagpapakahulugan sa Figure 4.1 na gumamit ng
Percentage Statistical Treatment na mula sa 32% sa Pre- Test ay tumaas ito ng 100% na may
kabuuang diperensiya ng 68%. Samantalang sa Figure 3.2 (Decoding Language Skills- Ngalan
ng
Katinig) na gumamit ng Averaging Statistical Treatment mula sa 5.6 sa Pre- test ay tumaas ito ng
15. 8 Posttest na may Kabuuang Diperensiya ng 10. 2. Sa katumbas nito na gumamit ng
Percentage
Statistical Treatment mula 24.35% sa pre- test ay tumaas ito sa 68.69% na may kabuuang
diperensiya na 44. 34%. Ito ay nagpapahiwatig na epektibo ang intervention tool na makabagong
teknolohiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sa Figure 5.1 (Decoding Language Skills-Salita), mula sa 10 maling sagot sa Pretest ay
bumaba ito ng 2.8 sa Post Test gamit ang Averaging na Statistical Treatment. Bumaba din ang
maling sagot batay sa Figure 5.2 na gumamit ng Percentage na Statistical Treatment mula sa
100%
sa Pretest ay umabot na lang ito ng 28% na may kabuuang diperensiya ng 72%. Ibig sabihin ay
bumaba ang lebel ng maling sagot.
Sa Figure 6.1 (Decoding Language Skills-Talata) mula sa 48 sa Pretest gamit ang
Averaging ay bumaba ito ng 16.8 sa Post Test na may kabuuang diperenisya ng 31.2. Sa Figure
6.2 na gumamit ng Percentage Statistical Treatment, mula sa 100% sa Pretest ay umabot na lang
ito sa 35.11% na may kabuuang diperensiya ng 64.89%. Bumaba ang antas ng maling sagot
nangangahulugan na may kabuluhan ito.
Sa kabuuan, mula sa pagkilala at pagtunog ng titik, at pagbasa ng mga salita at mga
talata,
ang makabagong teknolohiya bilang intervention tool ay may malking kabuluhan sa pagliang ng
kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa.
Talahanayan 7

Percentage
Diperensya
Pre- Test Post- test (POST – PRE =N)

DECODING LANGUAGE
SKILLS (NGALAN AT TUNOG 38.21% 87.14% 48.93%
NG MGA TITIK)

DECODING LANGUAGE
SKILLS (SALITA) 00.00% 72.00% 72.00%

DECODING LANGUAGE
SKILLS (TALATA) 00.00% 65.00% 65.00%

Kabuuan 12.74% 74.71% 61.97%


IX. Konklusyon

Batay sa mga resulta ng panananaliksik, ang mga sumusunod ang nabuong konklusyon
ng pag-aaral:
May malaking naiambag ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa paglinang ng
kasanayan sa pagbasa ng mga mag- aaral dahil ang mga mag-aaral ay nakitaan ng sobrang
pagkagiliw sa motibasyon na ipinamalas ng makabagong teknolohiya (multimedia effect). Mas
naeengganyo ang mga mag- aaral sa pakikinig, panunuod, pagsasalita at pagbabasa gamit ang
makabagong teknolohiya dahil ito ay nakakapukaw ng kanilang interes at atensiyon .
Kailangang
gamitin ang makabagong teknolohiya ng mga guro sa kanilang pagtuturo sa paglinang ng
kasanayan sa pagbasa at sa iba pang asignatura upang makamit ang mithiin sa bawat aralin.
X. Rekomendasyon
Batay sa resulta ng pananaliksik, iminumungkahi ang paggamit ng multimedia na mga
kagamitan katulad ng laptop, projector para sa educational videos bilang intervention tool sa
paglinang ng mga guro sa kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral

Iminumungkahi din ng mananaliksik na maaaring maging paksa sa usapin sa mga


pagsasanay, palihan o kumperensiya tulad ng LAC Session at INSET sa paaralan ang
kabuluhan
sa paggamit ng makabagong teknolohiya bilang intervention tool.

Ang mananaliksik ay nagmungkahi din na isali sa Annual Improvement Plan at School


Improvement Plan para mapakinabangan at mapalawak pa ang pananaliksik.

Maari din itong maging batayan sa anumang pananaliksik na may kaugnayan sa pagbasa
sa pandistrito, pansangay at panrehiyong lebel.

XI. REPERENSIYA

DepEd Order No. 70, s. 2011 Every Child A Reader Program. 2011
Reinking, 2005. Multimedia Learning of Reading

Wilkinson, 1986. Means in Education During Sixty Years p. 13

Abd El- Halim Said, 1997. Employment of Educational Technology, p. 19

Aloraini, 2005. Distance Learning, Alretha Press, Dammam, Kingdom of Saudi Arabia

p. 55-75

XII. Appendices
A. Program Proposal

B. Letter Request from the Local Government Unit

C. Letter of Consent to Parents

D. Content Validation Letter

E. Research Instruments

F. Gathered Data on Pretest

G. Data of Actual Result of Participant

You might also like