You are on page 1of 5

INTEGRATIBONG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG PANITIKANG PANDAIGDIG

AT PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL


SA FILIPINO

NEIL PATRICK B. ESPIRITU


1ST YEAR PhD-FILIPINO

A. INTRODUKSYON

Pangunahing layunin ng pagtuturo sa lahat ng panig ng mundo ang paglinang sa


pinagsanib-sanib na kasanayan at kakayahang akademiko ng mga mag-aaral na
nauugnay sa iba’t ibang larang ng kaalaman at disiplina. Layon nitong madebelop ang
mga nagkakaugnay-ugnay na makrong kasanayan sa pagbasa, pagsulat, pagsasalita,
pakikinig at panonood tungo sa mabisang pagtatamo ng mga mag-aaral ng kahusayan
sa asignaturang Filipino.
Layunin ng pananaliksik na ito na matuklasan ang makabuluhang dulot ng
paggamit ng integratibong estratehiya sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng Baitang 10 sa
ilalim ng asignaturang Filipino sa Kapaya National High School para sa ikalawang
markahan ng taong panuruan 2023. Tiyak na layunin nitong matukoy ang antas ng
integrasyon ng nasabing pagdulog sa gawaing pagkatuto batay sa pangganyak,
analisis, abstraksyon, aplikasyon, at ebalwasyon. Gumamit ng disenyong quasi-
eksperimental ang mananaliksik kaya mayroong eskperimental na pangkat na binubuo
ng 42 na mag-aaral at 41 na mag-aaral sa kontroladong pangkat. Gumamit ng fishbowl
technique sa pagtukoy ng eksperimental at kontroladong pangkat. Ginamit ang
integratibong estratehiya sa eksperimental at nakagawian naman sa kontroladong
pangkat. Ang punongguro at 42 estudyante sa eksperimental na pangkat ang nagsilbing
ratersa isinagawang pagtuturo ng guro.
Magkagyunpaman, nananatiling palaisipan sa napakaraming guro sa iba’t ibang
asignatura partikular na sa wika at panitikan ang praktikal na apilkasyon ng
integratibong pagdulog sa pagtuturo. Batay sa pamamaraan ng Pagtuturo ng
Kagawaran ng Edukasyon lahat ng mga ituturo bawat asignatura ay kinakailangan
lapatan ng integrasyon. Ang Mataas na Paaralan ng Kapaya ay isa sa mga paaralang
kasalukuyang pinag-aaralan ang ganitong estratehiya nang sa ganoon ay mas maging
epektibo at makabuluhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Bunsod nito, layon ng pananaliksik na gawing progresibo ang paggamit ng
Integratibong Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikang Pandaigdig at Pakatuto ng mga
mag-aaral sa Filipino.

Paglalahad ng Suliranin
1.Ano ang antas ng integrasyon ng integratibong pagdulog sa gawaing pagtuturo batay
sa:
1.1 Pangganyak;
1.2 Analisis;
1.3 Abstraksyon;
1.4 Aplikasyon; at
1.5 Ebalwasyon?
2.Ano ang antas ng akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral sa Baitang 10 mula sa
kontrolado at eksperimental na pangkat batay sa resulta ng:
2.1 paunang pagsusulit; at
2.2 panghuling pagsusulit?
3. May makabuluhang bang pagkakaiba angantas ng akademikong pagkatuto ng mga
mag-aaral sa Baitang 10 mula sa kontrolado at eksperimental na pangkat batay sa
resulta ng:
3.1 paunang pagsusulit; at
3.2 panghuling pagsusulit?
4.May makabuluhan bang ugnayan sa pagitan ng resulta ng panghuling pagsusulitat
resulta ng pagtatasa ng mga mag-aaral sa integrasyon ng integratibong pagdulog sa
pagtuturo batay sa pangganyak, analisis, abstraksyon, at ebalwasyon?

B. METODOLOHIYA

Disenyo ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng disenyong quasi-eksperimental na
naglalayong mapatunayan ang kabisaan ng paggamit ng integratibong estratehiya sa
pagtuturong panitikang pandaigdig sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino para sa
ikalawang markahan ng asignaturang Filipino sa Baitang 10 ng Pambansang Mataas na
Paaralan Kapaya sa bayan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Lokal ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa dalawang pangkat sa Baitang 10 sa
Pambansang Mataas na Paaralan ng Kapaya na matatagpuan sa Barangay Kapaya,
Bagumbayan, Sultan Kudarat.Napili ng mananaliksik bilang respondent ng pag-aaral
ang Baitang 10 batay na rin sa mababang mean percentage score nito sa kasanayang
pampagkatuto particular sa Panitikang Pandaigdig na inilahad sa datos ng School
Monitoring, Evaluation, and Plan Adjustment (SMEPA) sa nagdaang taon panuruan sa
Pambansang Mataas na Paralan ng Kapaya.

Respondente ng Pag-aaral
Kalahok sa pag-aaral na ito ang mga mag-aaral sa Baitang 10 ng Mataas na
Pambansang Paaralan ng Kapaya para saikalawang markahan ng taong panuruan
2022-2023. Binubuo ito ng (2) pangkat, ang kontroladong grupo ay may apatnapu’t-
isang mag-aaral (41) samantala,apatnapu’t dalawang (42) mag-aaral ang nasa
eksperimental na may kabuoang walumpu’t tatlong (83) mag-aaral ng Baitang 10.

Sampling Teknik
Sa pagtukoy ng mga nagsilbing respondente ng pananaliksik, isinaalang-alang
ang complete enumeration bilang mungkahing sampling teknik na ginamit din ni Garcia
(2022) sa kanyang pananaliksik.

Instrumento ng Pag-aaral
Nagsilbing pangunahing instrumento ng pananaliksik ang pauna at panghuling pagsusulit na
sInagutan ng mga mag-aaral sa kontrolado at eksperimental na pangkat bago at pagkatapos ng
mga aralin sa ikalawang markahan ng asignaturang Filipino para sa Baitang 10. Ang pagsusulit
na ito ang ginamit upang matukoy ang antas ng akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral.

Proseso sa Pangangalap ng Datos


Pagkatapos na naaprubahan, ang panukalang pananaliksik, humingi ng pahintulot
ang mananalikssik sa pamamagitan ng isang liham para sa Dekana ng Pararalang
Gradwado ng Sultan Kudarat State University, sa Tagapamanihala ng mga Paaralan
sa Dibisyon ng Sultan Kudarat at sa punongguro ng Pambansang Mataas na Paaralan
ng Kapaya sa pagsasakatuparan ng pag-aaral na ito.
Bago ang simula ng ikalawang markahan, pinasagutan sa mga mag-aaral ang
paunang pagsusulit. Ang buong markahan ay tumagal ng dalawang (2) buwan o
humigit kumulang walong (8) linggo. Ang mga mag-aaral sa eksperimental na pangkat
ay tinuruan gamit ang integratibong estratehiya sa pagtuturo samantalang ang
kontroladong pangkat naman ay ginamitan ng nakagawiang estratehiya.
Sa pagtatapos ng markahan, ang mga mag-aaral sa parehong pangkat ay
sumagot ng panghuling pagsusulit. Pareho ang mga aytem ng pagsusulit ngunit binago
ang pagkakasunod-sunodmaging ang mga mapagpipilian.Panghuli, itinala at sinuri ang
mga nakalap na datos gamit ang mga angkopna mga kagamitangistatistikal.

Istatistikal na Tritment
Sa unang suliranin, ginamit ng mananaliksik ang Descriptive Statistics (mean
and sd) sa pagkuha ng antas ng integrasyon ng integratibong pagdulog sa gawaing
pagtuturo. Makikita sa ibaba ang pamantayang ginamit sa unang suliranin.

C. RESULTA

Presentasyon ng Datos

Sa pag-aaral na ito, tinukoy ang antas ng integrasyon ng integratibong pagdulog


sa gawaing pagtuturo batay sa pangganyak, analisis, abstraksyon, aplikasyon at
ebalwasyon. Tinukoy rin ang ipinamalas na antas ng akademikong pagkatuto ng mga
mag-aaral upang matuklasan kung may makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng
kontrolado at eskperimental na pangkat.
Gamit ang eksperimental na disenyo ng pananaliksik, sangkot sa pag-aaral ang
dalawang pangkat ng mga mag-aaral sa Baitang 9. Ang eksperimental na pangkat ay
tinuruan gamit ang integratibong pagdulog, samantalang ang kontroladong pangkat
naman ay sumailalim sa pagtuturo gamit ang trasdisyunal o nakagawiang pagdulog sa
pagtuturo ng asignaturang Filipino.
Batay sa resulta, nagpapamalas ang mga guro ng napakataas na integrasyon ng
integratibong pagdulog sa gawaing pagtuturo sa asignaturang Filipino sa lahat ng
bahagi ng proseso ng pagtuturo na kinabibilangan ng pangganyak (M=4.82,SD=0.04),
analisis (M=4.81,SD=0.04), abstraksyon (M=4.81,SD=0.10), aplikasyon (M=4.87,
SD=0.04), at ebalwasyon (M=4.92,SD=0.04). Sa pangkalahatang resulta
(M=4.85,SD=0.05), may napakataas na integrasyon ng integratibong pagdulog sa
gawaing pagtuturo ang mga guro sa Filipino.
Batay sa resulta ng paunang pagsusulit, ang kontroladong ay nagkamit ng mean
iskor na 70.34 (SD=4.45) samantalang ang eksperimental na pangkat naman ay
nagkaroon ng mean iskor na 70.26 (SD=4.49), at pawang inilalarawan bilang “Hindi
Umabot sa Ekspektasyon”. Kung susuriin naman ang naging kinalabasan ng
panghuling pagsusulit, ang kontroladongpangkat ay nakakuha ng mean iskor
(M=74.93,SD=7.15) na “Hindi Umabot sa Ekspektasyon” na mas mababa kaysa sa
eksperimental na pangkat (M=83.21,SD=9.81) na inilarawan bilang “Kasiya-siya”.
Lumabas naman sa pagsusuring istatistikal ang t-value na 0.81 at p-value na .936
para sa paunang pagsusulit ng eksperimental at kontroladong pangkat na
nangangahulugang walang makabuluhang pagkakaiba ang nakamit na iskor ng mga
mag-aaral sa parehong pangkat. Natukoy naman ang t-value na 4.389 at p-value na
0.000 para sa resulta ng panghuling pagsusulit ng dalawang pangkat na nagpapatunay
na may makabuluhang pagkakaiba sa mga ipinamalas na antas ng akademikong
pagkatuto.
Natuklasan,din na walang makabuluhang ugnayan sa antas ng pagkatuto ng mga
mag-aaral sa eksperimental na pangkat batay sa kanilang nakuhang iskor sa
panghuling pagsusulit, at antas ng integrasyon ng integratibong pagdulog batay sa
pagganyak, analisis, abstraksyon at ebalwasyon ayon sa p-value na 0.647 at Pear-R
coefficientna 0.073.

D. DISKUSYON

Sa pag-aaral na ito ang mga guro sa Filipino ay nagpamalas ng napakataas na integrasyon


ng mungkahing pagdulog sa pagtuturo na integratibo. Ito ay integral na bahagi ng kanilang
pagtuturo partikular na sa mga pangunahing bahagi ng pagganyak, analisis, abstraksyon,
aplikasyon, at ebalwasyon. Ito ay kawili-wili at katanggap-tanggap sa mga mag-aaral.
Halos magkatulad ang panimulang antas ng akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral na
sumailalim sa nakagawian at sa integratibong pagdulog sa pagtuturo batay sa nakuhang mean.
Mas umangat ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa eksperimental na pangkat kumpara sa
kontroladong pangkat. Napatunayan ng mananaliksik ang makabuluhang pagkakaiba sa nakamit
na pagkatuto ng mga mag-aaral kung kaya, higit na epektibo ang pagtuturo at nakapag-aangat ng
pagkatuto ng mga mag-aaral kung ilalapat ang integratibong pagdulog sa pagtuturo.
Samantala, ang mataas na reyting mula sa mga mag-aaral kaugnay sa integrasyon ng
integratibong pagdulog sa pagtuturo ng guro ay walang makabuluhang ugnayan sa antas ng
akademikong pagganap ng mga mag-aaral.
Sa kabuoan, ang pagtuturo na may lapat ng ibang displina ay higit napabubuti ang
pagkatuto ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Panitikang Pandaigdig.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong lapatan ng integrasyon ng ibang disiplina ang bawat
aralin upang hindi lamang pangkakayahang mental ang mahasa sa bawat mag-aaral kundi pati
narin ang kanilang personalidad.

You might also like