You are on page 1of 12

lOMoARcPSD|23082890

Julian's story, radio drama script with lines.

Filipino (Laguna State Polytechnic University)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by AILA MENDIOLA (ailamendiola2000@gmail.com)
JULIAN STORY

SCRIPT WRITERS:
GRACE ANN MONECIA
PAULENE PAMATMAT
NHERZEN
MAULAWIN

SOUND EFFECTS:
Cut and extend audio – IVY
MOGOTE Special effects – LEI ANN
PASCUAL Set of moods effects –
MARIEN SOSA

MAIN CHARACTERS:
N – narrator KATE
LIWANAG J – julian SHAWN
ORTEGA
B – father LAICA REPIZO
G – mother JESSA JUYO

SUPPORTING CHARACTERS:
T – Sped Teacher ROSELYN
VALLENTE P- Pediatrician JIEZEL
LINTAC
DS – development specialist JOANA
PAPA TT- therapist ANGELIKA TUBIG
M1 – mag aaral 1 JANE LUCBAN
M2 – mag aaral 2 TISHA PRICIPE

SCRIPT:
N: ang bawat isa ay nagnanais na magkaroon ng sariling pamilya. Ngunit
gaano ka ba patatatagin ng iyong pananampalataya upang malampasan ang
mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay.

Downloaded by AILA MENDIOLA (ailamendiola2000@gmail.com)


( happy sounds)

Downloaded by AILA MENDIOLA (ailamendiola2000@gmail.com)


N: masayang nagsasalo ng hapunan ang magkasintahan sa tabing dagat, na isa
kanilang mga pagmamay-ari.

(Sound effect)

B: mahal matagal na tayong magkasintahan,alam kong nasa tamang edad na


tayo para bumuo ng ating mga pangarap ng magkasama at hawak ang kamay
ng isat-isa.

G: anong ibig mong sabihin mahal ko?

B: Mahal ko?

G: ano yun mahal ko?

B: Maaari mo ba akong samahan hanggang sa pagputi ng aking mga buhok?


Nais sana kitang makasama sa habang buhay. Maari kabang maging
kabiyak ng aking puso at magkasamang bubuo ng isang masayang pamilya?
Will you marry me mahal?

G: yes! Oo mahal pumapayag ako.

(Love songs)

N: makikita ang walang pagsidlang galak sa mukha ng magkasintahan ng


parehas nilang maramdaman ang kasabikan at abot kamay na pangarap sa
pagbuo ng isang masayang pamilya.
N: nagplano ng mas maaga ang magkasintahan para sa kanilang kasal, nais
nilang maging maayos at makabuluhan ang kanilang kasal. Puno nang pag
iibigan at pangarap ang bawat nilang mga hakbang. Tila ba ang Diyos ay panig
sa lahat nilang mga dasal.
N: lumipas ang ilang araw, linggo, buwan at taon. At ang kanilang
pagmamahalan ay nagbunga ng isang anghel na bubuo sa lahat nilang mga
pangarap. Isang anghel na bigay ng Maykapal upang pumuno sa lahat nilang
pangungulila. Isang anghel na siyang magsisilbi nilang lakas at pampatibay ng
kanilang relasyon. Isa itong lalaki at pinangalanan nilang Julian na ang ibig
sabihin ay “The child of love, one who is youthful.”

Downloaded by AILA MENDIOLA (ailamendiola2000@gmail.com)


B: maraming salamat sayo Panginoon at nakaraos ng ligtas ang aking mag ina.

N: labis ang galak ng ama ng mahawakan ang kanyang munting anghel. Hindi
matapos na pasasalamat sa Diyos ang kanyang sinasambit.

G: maraming salamat mahal ko.

B: maraming salamat din mahal, binigyan tayo ng Diyos ng anak na matagal na


nating ninanais at pinagdarasal. Tunay ngang sa kanya’y walang imposible.

(Sounds related to thank you God)

N: makalipas ang ilang araw ay nakauwi na ang mag ina sa kanilang bahay.
Naging masaya ang kanilang pagsasama, ang pamilya ng Montalve ay naging
buo at masaya kapiling ang kanilang pinaka mamahal na anghel. Tila ang lahat
ay perpekto na labis pa sa kanilang pinangarap.

N: ngunit may kakaiba sila napansin sa kanilang munting anghel, dahil sa


tuwing ito ay iiyak ay hindi ito mapatahan sa kahit na anong paraan o
paglilibang ng kanyang mga magulang. Tila may mali sa munting anghel na
hindi mawari.

(Sound effect, sad moods)

G: mahal ko? Wala kabang napapansin kay Julian?

B: bakit mahal ano ang ibig mong sabihin?

G: sa tuwing siya ay iiyak hindi siya mapatahan halos mapaos na siya sa pag
iyak ngunit ayaw nya pading tumigil. Wala naman siyang lagnat, may sakit
kaya siyang dinadaing?

(Sounds of crying baby)

Downloaded by AILA MENDIOLA (ailamendiola2000@gmail.com)


B: ano kaba mahal normal lang yan sa kaniyang edad marahil ay hinahanap
lamang niya ang hele ng kanyang daddy. Halika nga dito mahal kong Julian.
N: sa isip ng ina ay marahil tama nga ang nasambit ng kaniyang kabiyak.
Marahil ay naninibago lang siya sa pagiging isang ina.
N: kinarga ng kanyang ama si Julian habang umiiyak. Ngunit gaya ng ina hindi
din niya ito mapatahan. Sayaw dito sayaw doon halos mag iisang oras na silang
nag aamuan ngunit wala padin.labis silang nababahala dahil alam nilang hindi
maganda ang maidudulot nito sa kanilang anak. Ilang sandali pa, sa wakas ay
nakatulog na Julian.
N: lumipas ang ilang buwan at ganoon padin ang kanilang sitwasyon sa tuwing
mag iiyak si Julian. Lalong nagulumihanan ang ina dahil tila hirap bumigkas ng
mga simpleng salita si Julian. Sa kanyang edad dapat ay naka-uusap na sila ng
dada o mama ngunit wala.

G: mahal hindi talaga ako mapalagay sa aking napupuna sa paglaki ng ating


anak.

B: mahal bakit nanaman ba? Tingnan mo nga ang ating anak napaka lusog
niyang tingnan hindi ba mukha ba siyang may sakit?

G: hindi moba napapansin mahal na may iba sa kanya ni hindi pa niya


nababaybay ang mga salitang dapat sana ay nauusap na niya ng paunti unti.
(paiyak at labis na malungkot)

B: ano kaba mahal wag kang mag alala ng husto hindi iyan makakabuti sa
iyo. Maayos ang kalagayan ng ating anak, normal lang siya. Siguro ay
sadyang iba iba ang proseso at kaganapan sa paglaki ng isang bata.

N: naniwala ang ina sa kanyang asawa, muli ay binaliwala nalang niya ang
agam agam sa kanyang puso ukol sa kalagayang ng kanilang anak.
N: lumipas ang unang kaarawan ni Julian at walang paglagong nakikita ang
kanyang ina. Ganoon padin siya, parang napakabagal ng pag unlad ng kanyang
physical at mental na aspeto. Labis nang nabahala ang ina at gayon din ang
ama ng siya na mismo ang makapuna na may kakaiba nga sa kanilang anak.
Lumipas ang ilan pang buwan at minabuti na ikonsulta ito sa kanilang
pediatrician.

Downloaded by AILA MENDIOLA (ailamendiola2000@gmail.com)


G: mahal hindi na normal ito, hindi ko na kayang antayin na mas lumala pa siya.
Marahil ay bago lamang ako sa pagiging ina ngunit alam ko na may hindi tama
sa ating anak may mali sa kanya.

B: napansin ko na nga din na waring may mali sa kanyang paglaki. Ano ang nais
mong manyari mahal?

G: bukas na bukas din ay ikonsulta na natin ito sa ating pediatrician.

B: sige mahal para nadin sa ikatatahimik ng iyong kalooban.

N: nagpunta nga ang mag-asawa sa pediatrician upang isangguni ang kanila ng


mga agam agam. Tama ang matagal ng hinala ng ina, may improper
development nga si Julian na ngayon lamang mas lumabas at mas nagiging
kakaiba. Ni referred sila sa isang health development specialist. Nang masuri ng
specialist si Julian nakumpirma na mayroon nga itong Intellectual Disability o
mental retardation. At pinayuhan ang mag asawa na sumailalim si Julian sa
isang Occupational Theraphy. Isa itong sangay ng pangangalaga sa
pangkalusugan na tumutulong sa may mga problema sa pisikal, pandama o pag
iisip.

G: kamusta po ang aking anak? Ano pong mayroon sa aking anak?

P: misis kaya po ganoon ang inyong anak ay maaari at Malaki ang posibilidad
na mayroon siyang intellectual disability o mas kilala sa tawag na mental
retardation. I re-refer ko kayo sa isang development specialist na mas
makakatulong kay Julian.

(Sound effects sad)

B: ano po ang maari nating gawin sa kondisyon ng aming anak?

DS: wag po kayong mabahala may mga paunang lunas po tayo na maaaring
ibigay sa kanya. Maaari natin siyang isailalim sa occupational theraphy.

Downloaded by AILA MENDIOLA (ailamendiola2000@gmail.com)


B: Mabuti naman po kung ganon . kung ano ang sa tingin ninyong makakabuti
para sa aming anak ay gawin nyo po. Kahit na sa magkanong halaga ay ilalaan
po naming maging maayos lamang po ang kaniyang kalagayan.

G: maraming salamat po.

N: nagpatuloy ang Occupational theraphy ni Julian hanggang sa siya ay mag


dalawang taong gulang. Isang beses lamang sa isang linggo ang kanyang
session. Lumipas pa ang ilang taon ay nagsimula nadin siya sa kanyang
intervention sa special education o SpEd.

G: mahal okay lang bang ipasok natin si Julian sa institution na iyon?

B: oo naman mahal dahil mayroon silang SpEd program doon. Naroon ang
mga guro na sadyang inaral kung paano magturo sa mga tulad ng anak natin.
Mayroon silang sapat na kakayahan at kaalaman upang mapalago ang ating
anak. Kailangan din ito ng ating anak upang kahit papano ay magkaroon
siya ng proper development ang kaniyang sarili.

N: nanatili si Julian sa SpEd program hanggang sa siya ay makaapat na taong


gulang. Habang sumusunod sa Individualized program na ginawa sakanya
upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga batang tulad niya.

B: mahal napakabilis ng panahon, tingnan mo ang ating anak ang laki ng


development na nakikita ko sa kaniya.

G: oo nga mahal Mabuti na lamang at may mga ganito ng proseso na


makatutulong sa ating anak at sa mga tulad niya. Hindi mahalaga ang
kamahalan na ating nagagastos ang mahalaga ay makita natin siyang may
development at mas napapabuti ang kalagayan.

B: may awa mahal ang ating Panginoon pagkat sa ganitong panahon


ipinanganak ang ating Julian madami ng mga medical at educational program
ang na develop upang siya ang masuri at mapabuti ang paglaki.

N: lumipas pa ang ilang buwan at natutuhan na nga ni Julian na mag-usap.


Nakakapag usap na siya ng maiikling pangungusap. Bagamat may mga maling
bigkas ay naipapahayag naman niya ang kaniyang naisin. Upang mas labis

Downloaded by AILA MENDIOLA (ailamendiola2000@gmail.com)


pang madevelop ang kanyang pagsasalita ay isinailalim siya sa isang speech
theraphy. Isa itong assessment at pagagamot sa may mga problema sa
komunikasyon at pagsasalita ginagagawa ito ng isang Pathologist ng speech-
language.

J: Dada – dada- daddy Gus-to ko po nanang ice cream.

G: tingan mo mahal bagamat hirap siyang umusap ng tuyag ay natatawag na


niya tayo. Naipapabatid nadin niya ang kanyang saloobin at naisin.

B: oo nga mahal (naiiyak) talagang walang imposible sa Diyos.

G: mahal na mahal kita anak ko.

J: a-ay lalabyiu din po, mama-mi

B & G: (sound effects, napaiyak habang niyayakap ang kanilang minamahal na


anak)

TT: good morning Mister and Misis Montalve, ayon po sa aming obserbasyon ay
maaari po nating isa ilalim sa Speech therapy si Julian upang mas ma develop
pa ang kaniyang pagsasalita. Makakatulong ito upang mas lalo siyang maging
tuyag at maayos magsalita.

G: sige po kung iyan po ang makakabuti sa aming anak ay gawin nyo po.
Maraming salamat po.

N: nagpatuloy nga ang pagsailalim si Julian sa speech theraphy. At Malaki ang


naidulot nito sa pagbabago sa kaniyang pananalita. Nang tumuntong na siya
sa anim na taiong gulang inirekomenda na maaari na siyang I enroll sa isang
maliit na school na kung saan ang student ratio ng student teacher ay 5:1 o
limang mag aaral lamang ang tuturuan ng isang guro upang labis matutukan
ang bawat isang mag aaral. Ang mga guro ay lubos na bihasa sa pagkapit at
pagtuturo sa mga tulad ni Julian may sapat silang kaalaman at karunungan.
Sinisigurado din ng bawat Sped Teacher na ang bawat bata ay makakapag-
participate sa mga aktibidad upang mas lalo pang mapalawak ang
kanyang pakikipagkapwa-tao.

Downloaded by AILA MENDIOLA (ailamendiola2000@gmail.com)


T: mga anak mayroon tayong gagawing activity at gusto ko lahat kayo ay kasali
at makikilahok. Gusto nyo ba yon?

M: opo , yehey (medyo magulo at hindi sabay sabay sa pagsagot ngunit labis
ang kasiyahan at excitement).

T: ang bawat isa sa inyo ay makakatanggap ng ibat ibang shapes at hahanay


kayo na dala dala ang mga shapes na ito. At saka Ninyo ito ilalagay sa tama
nitong lagayan na base sa shape nito. Naintidihan nyo ba mga anak?

M1: ohh I got a circle (habang napalakpak)

M2: I have triangle look,

T: Julian do you understand kung ano ang gagawin ?

J: opo Ma’am

T: now, pede nyo nang ihulog sa tamang kahon nila kung aling shapes sila . isa
isa lang ang paghulog sa box. (sound effect na naghuhulog sa box )

N: nang matapos ang activity ay napansin ng guro na paunti unti habang mas
pinabibilis niya nag instruction na binibigay ay mas mabilis itong nauunawaan
ni Julian. Nagsimula nadin magkaroon si Julian ng confidence sa kanyang sarili.
Natuto na siyang makipag kaibigan at makisalamuha sa ibang tao. Lumawak
nadin ang kanyang vocabulary kaya’t nag impove nadin ang kanyang
pagsasalita. Kitang kitang ang kanyang malaking development.

T: kunyari ay may dumating tayong bisita o may ibang guro na pumasok sa


ating classroom ano ang inyong sasabihin o gagawin?

J: ako po Ma’am

T: sige Julian

Downloaded by AILA MENDIOLA (ailamendiola2000@gmail.com)


J: babatiin po naming sila ng Good morning visitors o pwede din pong
magandang umaga Ma’am o Sir. Pagkatapos ay tatahimik po kami kung kayo po
ay may pag-uusapan.

T: mahusay Julian , tama ang iyong sinabi. Halika at bibigyan kita ng stars.
Naunawaan nyo ba ang sinabi ni Julian mga anak?

M: opo,

T: palakpakan Ninyo si Julian mahusay ang kanyang sagot.

(Sound effect of clapping and laughing)

N: official na nakumpirma na mayroon ngang mental retardation si Julian ng


siya ay tumuntong sa ika labing isang taong gulang. Sa kabila ng tagumpay at
kahusayan na pinakita ni Julian sa kanyang prep at dalwang unang taon sa
elementarya ay ang pagsaklob sa kanya ng katotohanan na mayroon siyang
sakit na wala ang ibang bata. Unti unti siyang nilamon ng kaibahan niya sa
ibang bata at tuluyan ng nawalan ng kumpyansa na ipagpatuloy ang pag
aaral.

J: daddy, mommy ayaw ko ng mag aral. Tinutukso lamang nila ako, dito nalang
po ako sa bahay. Ayaw ko ng lumabas at ayaw ko ng mag aral.

N: hindi na nabago pa ng kaniyang mga magulang ang desisyon ng anak.


Minabuti na lamang nila na iparamdam dito ang pagmamahal at pag aaruga sa
kabila ng kaibahan niya sa ibang bata.

Ngunit nang umedad siya ng labing walong taon ay napapayag nila na siya ay
mag enroll sa isang transisition class na kung saan ang kanyang Functional skill
naman ang hahasain at pauunlarin.

G: napakabilis ng panahon, napakalaki na ng ating anak tingnan mo at isana


siyang binata.

Downloaded by AILA MENDIOLA (ailamendiola2000@gmail.com)


B: hindi na natin ninais pa na magkaanak ng iba dahil sa kalagayan ng ating
anak ,bagamat ganoon ay napunuan naman ni Julian ang lahat ng ating
kailangan para sa isang anak.

G: mahirap sa totoo mahal na makita na iba siya kumpara sa ibang mga bata,
pero hindi ibig sabihin noon ay dapat na natin siyang ikahiya o itago.

B: tama mahal biyaya siya mula sa Diyos isa siyang espesyal na regalo sa atin.
Upang mas lalo pang lumalim ang ating pananampalataya at pagmamahal
sa Panginoon. Napaka swerte natin at tayo ang naging magulang niya.

(sound effect na Christian song related to God is amazing)

N: ang kasalukuyang paaralan na kinabibilangan ni Julian at humahasa at


nagpapaunlad ng kaniyang kakayahan upang sa tamang panahon ay makaya
na ni Julian na magamit ang sarili niyang kakayahan. Maaari siyang maging
empleyado sa isang maliit na coffee shop kung saan aakma ang kanyang
kakayahan at maari pang ma develop at mapaghusay sa pagdaan ng panahon.
N: iba iba ang bawat tao sa mundo, may kanya kanyang kahinaan at
kagalingan. Maaring iba sa ating mga mata ang tulad ni Julian ngunit sa
paningin ng Diyos lahat tayo ay pantay pantay at mahal niya. Ang mga tulad ni
Julian ay hindi kinaaawaan sa halip ay hinahangaan , hinahangaan sa tatag
nila at lakas na sumabay sa agos ng buhay sa kabila ng kanilang kaibahan.
Kahanga hangang isipin kung paano kumilos at nagpakita ng kakayahan ang
Panginoon sa buhay ni Julian sa bawat parte ng kaniyang paglaki ay naroon
ang kalooban ng Diyos at ang mapagpala niyang kamay na nagbibigay tulong
sa mga pangangailangan ni Julian. Saludo kami sa mga magulang na tulad ng
magulang ni Julian handang gawin ang lahat mapabuti lamang ang kanilang
anak. Kaya ikaw na isang normal walang kulang at walang mali sa physical at
mental na kalagayan ano ang maidadahilan mo upang hindi ipagpatuloy ang
iyong buhay? Ang pagsubok ba ay ibinigay upang ikaw ay pasukuin? Ito ay
ibinigay upang ikaw ay palakasin at patatagin. Tandan mo na hindi ibibigay
sayo ng Panginoon ang pagsubok na hindi mo kaya! Ituloy mo lang ang
paghakbang wag kang magpatinag sa bawat pagsubok na nasa iyong harapan.
Laging ang Diyos sayo ay nakaalalay gagamit at gagamit siya ng mga tao
upang tumulong at magpakita sayo ng hiwaga at kahulugan ng buhay. Kaya
ikaw na nakakarinig ng aming tinig. Naiiba ka man ngunit pare parehas
lamang tayong may pangarap at kakayahan na abutin ito. Lagi nating piliin
ang pagrespeto at pagmamahal sa ibang tao kilala man natin o hindi, katulad
man natin o hindi. Dahil ang bawat tao ay nilikha ng Diyos na kanyang
kawangis at labis niyang minamahal.

Downloaded by AILA MENDIOLA (ailamendiola2000@gmail.com)

You might also like