You are on page 1of 1

Magandang araw sa lahat, ako po si antonio miguel amelda, ng grade 12 faraday at

ako po ay nasa inyong harapan upang maglahad ng talumpati tungkul sa pandemya.

Hindi natin inakala na matatagal ang pandemya, marami na ang namatay, marami nang
buhay ang nasira, at marami nang buhay ang nabago. Lahat tayo ay kasalukuyang
nakikipaglaban dito. Ibat-ibang paraan upang ang pandemya ay maiwasan, isa riyan
ang pagbabakuna, ako ay naniniwala na ang bakuna ay ang ating pinamalakas na
sandata laban sa pandemya. Ngunit sa kabila ng panganib na dala ng nito, andiyan
parin ang mga taong takot at walang tiwala.
Wala tayong magagawa kung ang hiling ng iba ay hindi magpakuna, iyan ang kanilang
gusto at may Karapatan silang tumanggi. Ako’y nagtataka kung bakit ganito kalala ang
opinyon nila tungkol sa bakuna, andiyan naman ang iba pang klase ng bakuna, at bakit
ngayon pa sila natakot. Bilang isang mamayang namumuhay sa 21 st century, ako ay
may signipikong presenya sa internet, habang ako ay kumakalap ng balita tungkol sa
pandemya at bakuna. Napapansin ko ang mga nagkakalat na fake news, doon ko
napagtanto na bakasaling dito nagmula ang problema, laman ng fake news ang mga
negatibong impormasyon na hindi naman totoo. Ang masasabi kong sulosyon para sa
problemang ito ay turoan ang mga nakararami tungkol sa fake news at paano ito
iwasan, sa paraang ito ay baka may mga taong magbabago ang pagtingin sa bakuna,
mawawala ang kanilang takot at sila na ay magpapabakuna. Tayo ay magiwas sa fake
news at tayo ay magpabakuna upang ating masugpo ang pandemya.
Makakamtam lamang natin ito sa tulong nga cooperasyon ng lahat. Tayong lahat ay
magkasama sa problemang ito, nais kong hingin ang cooperasyon ng lahat at tayo ay
magpabakuna. Dahil alam ko kong ito ang daan upang matapos na ang pandemya.

You might also like