Professional Documents
Culture Documents
Zabala
St. Mary
Dahil nalalapit na ang eleksiyon, dumarami na rin ang political posts na aking nakikita ko sa news
feed ko sa Facebook. Kaliwa’t kanang nagtatapunan ng balita ang mga tao. May isa rito na nakakuha ng
aking atensiyon. Tungkol ito sa kasaysayan. Taliwas ito sa aking napag-aralan, kaya nagsaliksik ako kung
ito nga ay totoo – at tama nga ako sa hinalang hindi totoo. Ngunit nagtaka ako sapagkat napakaraming
tao ang naniniwala rito. Napakaraming nangaabuso sa panahong ito upang magpakalat ng maling
impormasyon. At naisip ko, isa lamang itong nakita ko sa libo-libong pekeng impormasyon na kumakalat
sa internet! Napakaraming tao ang malilinlang at maniniwala rito! Maiimpluwensiyahan ang kanilang
mga kilos at desisyon dahil sa maling paniniwala. Kaya ako’y napatanong: Paano nga ba natin
mapipigilan ang pagkalat ng maling impormasyon sa internet?
Pangalawa, maging mapanuri. Kung ang impormasyon ay narinig lamang galing sa kaibigan o
nakita lamang na post sa social media, ito’y hindi kaagad mapaniniwalaan. Ngunit kung ito ay nanggaling
mula sa mga lehitimong sources, ito’y siguradong totoo. Ang mga halimbawa ng lehitimong sources ay
mga aklat, mga pahayagan, mga propesyonal na mamamahayag, mga historians, mga eyewitness
accounts, mga pananaliksik, mga istatistika, at mga pangyayari sa ating kasaysayan. Tandaan, hindi
lamang sa internet nakukuha ang kaalaman. Naimpuwensiyahan lamang tayo na gamitin ang
teknolohiya dahil mas madali itong paraan. Suriin rin kung misleading ang impormasyon. Ang mga
misleading na impormasyon ay maaaring totoo, ngunit sinadyang gawing malabo upang magdulot ng
kalituhan. Wag magpalinlang sa mga ito.
Pangatlo, maging responsableng netizen. Lalo na kung ito ay ukol sa fake news. Marami nang
nailalayo sa tamang paniniwala dahil sa problemang ito, kaya’t nararapat na ito ay mabigyang pansin ng
lahat. Maging mapanuri at alerto, at lalong-lalo nang maging mabusisi, tapat at maprinsipyo sa pagharap
sa mga ito. Iwasan ang basta-bastang pagmamahagi ng mga post, nilalaman o larawang wala namang
kaukulang kumpirmasyon mula sa mga propesyonal at mga akademiko sa mga kaugnay na larangan.
Mag-laan ng madami at maingat b oras upang masiguro ang credibilidad ng impormasyong nakakalap
mula sa iba-ibang pinagmumulan nito. Marapat lang din na alamin at tukuyin ang mga sintomas at
katangian na mayroon ang bawat maling balita at impormasyong nahahanap nang sa gayon ay
maisulong at mahulma pa ang kakayahang makakilala ng fake news kada oras na makikita ang mga
ito.Maigi ding subukin at ibigay ang lahat upang mabigyan ng babala ang mga tao sa pag-tangkilik sa mga
balitang hindi naman totoo, at sa halip na ibahagi pang lalo ang fake news, ibahagi na lamang sa kanila
kung ano ang tama at hindi, ang katotohanan at ang kasinungalingan, at kung paano maiiwasan at
matutukoy kung mali at peke ang isang bagay.
Sa huli, tayo pa rin ang may responsibilidad na labanan ang mga pekeng impormasyon. Walang
nakikinabang sa pagkalat ng mga ito maliban sa mga taong nagsimula nagbabahagi nito. Napakaraming
paraan upang ito’y labanan, ngunit tayo lamang ay tamad, ignorante, at tahimik upang gawin ang mga
ito. Ang tanging dahilan lamang kung bakit maraming nalilinlang ay dahil sa bilang. Kung nakakita ka ng
isang kadudang-dudang impormasyon, ito ay babale-walain mo lamang, ngunit kung nakita mo ang
parehong impormasyon galing sa libo-libong tao, pagdududahan mo na ang katotohanan. Kaya tayo’y
magtulungan upang bawasan at tuluyang mapuksa ang pekeng impormasyon na nanggagambala sa
katotohanan at kapayapaan. Wag nating hayaan na baguhin ng maling impormasyon ang ating pananaw,
lalo na sa napakalapit na halalan sa Mayo 9. Gawin natin ito, hindi para sa ating sariling kapakanan,kundi
para sa kinabukasan ng ating pinakamamahal na bansa, Ang Pilipinas.