You are on page 1of 5

Ang Proleaf Shampoo “Tints of Nature”

Mga Benepisyo

Ito ay nagpapalakas sa iyong buhok sa loob lamang ng isang araw!

Mawawala ang mga balakubak sa buhok ninyo at magkakaroon ito ng malakas ng proteksyon mula dito!

Ito rin ay hindi nakaiirita sa iyong mata.

Mananatili rin ang mahalimuyak na amoy sa iyong buhok hagang beintikuwatrong oras!

Ito ay gawa sa mga natural na mga kagamitan kaya hindi ito nakasisira sa ating kalikasan!

Ang lahat ng mga benepisyong ito ay makukuha ninyo sa mababang presyo!

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Bili na!

Sources:

www.tintsofnature.com.au/

care_repair.html
Naniniwala ako na sobrang sama ng naidudulot ng ilegal na droga sa kabataan ngayon. Sa katunayan
nalilimitahan nito ang lahat ng posibleng aksyon at ganun din ang pagiging malikhain ng mga tao.
Kawalan ng magawa ang malimit na nagiging dahilan nito at napakasama nito.

Ang droga ay isa sa mga bagay na nagiging dahilan ng pag-usbong ng napakaraming musika, iba’t ibang
“genre”, tono, at iba pa. Maraming awit ang nagawa dahil sa mga manunulat at awtor na nakatira ng
droga. Kung di dahil sa droga, malamang wala ang ilan sa mga awiting ito.

Maraming paraan, ang mga tao na sumulat ng mga kanta na iyon ay may katangiang pagkamalikhain para
magawa yun. Ang mga awit na ito ay nasa kanilang isipan. Hindi droga ang gumawa ng kanta. Ito ay dahil
sa malikhaing mga tao, at ang mga awiting ito ay umusbong parito at pariyan.

Dinadala ng illegal na droga ang isang tao sa mundo kung saan nagagawa nila ang mga bagay na sa tingin
nila ay imposible kung hindi sila nasa ilalim ng pinagbabawal na drogang ito. Bakit hindi nalang
limitahan? Mayroon tayong literal na bilyong bagay na maaaring gawin sa mundong ito, at mayroon lang
tayong humigit kumulang 35 na taon na maranasan yung mga bagay na yun sa ating pagtanda. Sa
sobrang daming pagpipilian sa mga dapat gawin, bakit hindi nalang piliin yung mga bagay na hindi
makakasira ng kalusugan at makakapagpahamak sa tao.

Hindi delikado ang droga. Bawat report tungkol sa droga tulad ng marijuana na nagsasabi na ito ay hindi
nagtatagal at hindi ito nakakaadik. Mga bagay na sadyang nagpapatunay na ito ay walang masamang
epekto.

Sa bawat patunay na ito ay hindi delikado, mas madami ang sumusulpot na nagsasabing ito ay delikado.

Ang mga pag-aaral na lumalabas ay sapat na para patunayang delikado nga ito. Pero gagamitin mo ba
ang illegal na dorga para ma”high” ka habangbuhay? Bakit hindi mo paniwalaan na ang droga ay wala
naman sadyan masamang epekto. Oo, marahil magulo at may mga positibo at negatibong ebidensya
pero ang totoong dahilan lang naman kung bakit ito nakakaadik at nakakasira ng buhay ay ang sarap na
naidudulot nito sa gumagamit. Lahat ng masarap ay nakakaadik at kaya sila gumagamit kasi kailangan
nila ito.

Gawing legal ang droga at mawawalan ng krimen. Marami ang nakukulong dahil sa mga bagay na
kaugnay ang pinagbabawal na droga. Kahit yung mga taong nakulong dahil sa pagnanakaw at iba pa ay
kaugnay pa din sa paggamit ng droga. Gawing legal ito at mawawala ang krimen.

Hindi kaya sugpuin ng apoy ang kapwa apoy. Gumawa ng ibang paraan.

Ang lohika sa kabila ng legalisasyon nito ay terible at mahirap isagawa itong ‘reverse psychology’ na ito.
Maikli lang ang buhay ng tao at nais nala abutin ang estado kung saan di nila alam ang buhay. Bilyun-
bilyong bagay ang maaaring gawin, wala naman sigurong gustong mabuhay na hindi ito nagagawa.
Hayaang malaman ng tao ang sarili nilang pagkakamali.
Hinagpis sa Pagitan ng mga Alapaap

Mga luhang pumapatak sa bawat mata ng isang pamilya habang pinagmamasdan ang isang kulay
puting ataul na may nakapaligid na mga bulaklak na mga nakalagay na "Rest in Peace"e at "Condolence".
Isang pangyayaring kailanman ay hinding-hindi inaasahan ng sinuman sa kanila. Ngunit hindi niya
inaasahang mangyayari ito sa tulad niya.
Labing-limang buwan bago maganap ang karimbal -rimbal na pagwawakas ng isang buhay, ang
kanyang pamilya ay masaya kasama siya. Ngunit isang pangyayari ang sumubok sa kanilang katatagan at
naging dahilan upag magbigay sa kanyj ng pagkakataong mangibang bansa. Ito ay ng malaman nila na
ang kanilang pinakamamahal na bunsong anak ay may malubhang sakit na Pulmonary Heart Disease,
stage 3. Ang kanilang pamilya ay nagulat ng malaman ang kalungkot-lungkot na balita na nagmula sa
bibig ng kanilang doktor. Ito ay nagdulot sa kanila ng hinagpis at kalungkutan. Ang balitang iyon ay tila
punyajn na dahan-dahang tumutusok sa puso ng mag-asawa at unti-unting pumapatay sa kanilang mga
pag-asa. Lahat ng ipon at lahat ng mga luho na naipundar ng mag-asawa ay naubos. Sila ay naghirap,
naglugmok at nalubog sa utang, at para mabayaran ito kailangan nilang pag-ipunan ito kaya nagpasya
ang babae na magtrabaho sa ibang bansa.

Sa kabila ng mga pagsubok na kanilang naranasan, di ito naging dahilan upang mawala sa landas ng
Diyos. Dahil sa kasipagan at kabaitang loob ng babae ng siya ay nag-apply sa isang agency, siya ay
nabigyan ng Visa Express upang makapagtrabaho sa ibang bansa. Makalipas ang dalawang buwan ay
nagpasya na ang babae umalis. Hindi man magiging madali para sa kanya at sa kanyang pamilya ang
kanyang paglisan, masaya na lamang ito tinanggap ng pamilya.

Pagkasakay na pagkasakay niya sa eroplano ay ang agad naman nitong pag-alis. Ang kanyang biyahe
patungo sa bansa arabo, Saudi Arabia ay umabot ng labing dalawang oras o katumbas ng kalahating
araw. Sa kanyang pagbaba, ramdam niya ang hapdi ng nagbabagang araw na dumadampi sa kanyang
balat. Ang babae ay nakaramdam ng takot at kaba sa kanyang dibdib sa pagdaan niya sa isang makipot at
mabahong eskinita patungo sa bahay ng kanyang mga amo.

Pagkatok niya sa pintuan nito ay ang agad naman na paglabas ng isang lasing, mabalbas at mukhang
bakulaw na lalaki, tiningnan siya nito ngunit binabaan niya na lamang ito ng tingin bilang pag-iwas. Ang
babae ay tumuloy naman at binigyan ng tagubilin ng kanyang among babae, asawa ng lumabas na lalaki.
Maganda ang turing ng babaeng amo sa kanya ngunit sa pagdaan ng mga araw, nakakaramdam siya ng
takot at kaba sapagkat ramdam niya na tiningnan siyang lalaki pero pinabayaan nya lamang ito at tinuon
ang sarili sa trabaho. Mahirap ang kanyang naging buhay sa Saudi Arabia, sa bansang ito tinuturing na
ginto ang butil ng bigas. Mahirap din ang komunikasyon kaya isaang beses lamang sa isang buwan kung
makipag-usap sa kanyang pamilya. Pero dahil sa kanyang pagtitiyaga at determinasyon siya ay nagtagal
ng isang taon. Ngunit isang araw nagbago ang lahat, ang magandang trato sa kanya ng kanyang among
babae ay nawala. Pinagbubuhat na rin siya nito ng kamay. May mga pagkakataong sinisigawan sya,
minumura at pinagsasalitan ng di maganda. Hindi na rin siya pinapalabas ng bahay at makipag-usap ra
kanyang mahal na pamilya. Sa kamay ng amo ay naranasan nyang paluin siya ng tubong bakal, pasuin ng
nagbabagang kahoy, kinukulong at di pinapakain ng dalawa hanggang tatlong araw. Wala siyang magawa
sapagkat wala sya lakas para lumabas at magsuplong sa kinauukulan.

Isang gabi, habang siya ay natutulog nakaramdam sixa ng magaspang na mga kamay na humahaplos
sa kanyang katawan. Natakot siya. Pagdilat niya ng kanyang mata nakita niya ang kanyang lalaking amo
na magtatangkang halayin siya. Wala siyang magawa sapagka di pa sya kumakain ng dalawang araw at
wala sixang sapat na lakas upang lumaban sa lakas ng lasing na lasing na lalaking iyon. Hindi niya iyon
inaasahan, ang tanging nagawa niya lamang ay ang umiyak ng umiyak habang hinahalay siya nito.
Matapos mangyari ang gabing iyon, siya ay naging tulala at tila ba halang na ang kanya utak dahil sa
nangyari. Akala niya ay hindi na ito uulitin ng kanyang amo. Ngunit sa tuwing na lasing ito ay ginagawa
ulit iyon sa kanya. Hindi nya naman ito maisabi sa kanyang among babae sapagkat pinagbantaam sya nito
na papatayin siya nito. Ang panghahalay ay naganap sa loob ng apatnapung araw. Hindi na niya
nakayanan ang ginagawa sa kanya, nagsimula siya na tanungin ang Dios. Dahil mga pasakit at paghihirap
ang nararanasan niya sa kabila na ang gusto niya lamang ay mapabuti ang kanyang pamilya.

Isang araw, hinahanap siya ng kanyang among babae sapagkat nalaman nito na may relasyon sila ng
asawa nito na alam niyang hindi iyon totoo. Pagkabukas nito sa kanyang kwarto, tumambal ang walang
buhay at nakahandusay na babaeng may laslas sa leeg. Nakita ng babaeng amo niya ang isang sulat sa
kama nito na nagsasabing "Sana ay mapatawad kayo ng Diyos ma'am at sir……at sana po ay maisauli po
nhnyo ang katawan ko sa aking mahal na pamilya."

Isinulat ni:

Mike L. Pormalejo

Moriz Cetii sa 2:28 AM

You might also like