You are on page 1of 2

ANG PAGSASALAYSAY

Ang pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin ay mag0ulat


ng mga pangyayari sa isang maayos na pagkakahanay.
Ito ay tinutugunan ng mga tanong na sino, saan, kalian at ano.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsasalaysay

Kaakit-akit na Pamagat – may orihinalidad, makahulugan at di pangkaraniwan


Mahalagang Paksa – makabuluhan, may mabuting aral at kaisipan
Makatawag-pansin sa Simula – gumagamit ng iba’t ibang Teknik sa
pagsisimula tulad ng salitaan, pagtatanong, paglalarawan sa tauhan, lugar o
pangyayari
Magandang Wakas – nag-iiwan ng magandang aral, kakintalan at di agad
mahuhulaan ang wakas mula sa simula.
Angkop na Pananalita – gumamit ng mga salitang angkop sa salaysay, dapat
na nadarama o nararanasan ng bumabasa ang isinasalaysay
Maayos ang Pagkakasunod-sunod – may sapat na dahilan ang bawat
pangyayari, gumamit ng mga pamamaraan uang maging kaakit-akit tulad ng
parang patumbalik (flashback), pag-uusap.

Hakbang sa Pagsulat ng Salaysay

Pagpili ng Paksa
Kawili-wili ang paksa – lumikha ng kapanabikan, tunggalian, damdaming
pantao.
Magagamit na materyales – mga mapagkukunan ng paksa – sarili,
kapwa, kapaligiran
Napapanahon – naaayon sa nagaganap sa kapaligiran
Pagususuri ng Paksa
Diwa – ang mensahe na ipahahatid ng salaysay, ang pagkakabuo ng
tauhan
Pananaw o paningin – anggulo ng pagsasalaysay
Pagpili ng Detalye
Naaayon sa kaukulan, kahalagahan, layunin
Kaangkupan sa mambabas
Pagpili ng Simula at Wakas
Simulan sa paraang makakahikayat sa interes ng mambabasa at iwasan
ang masalimuot na pangwakas.
Kapanahunan
Iangkop ang mga pangyayari sa panahon na angkop sa salaysay

You might also like