You are on page 1of 1

1. Ano ang Komunikasyon?

Ang komunikasyon ay isang pagpapahayag na kung saan ito ay ginagamitan ng salita o ng iba pang
paraan tulad ng aksyon o senyales. Ito ay isang paraan ng pagbibigay, paglilipat o pagsasalin ng
impormasyon, ideya, kaalaman, pilosopiya, prinsipyo, opinyon, katalinuhan, balita at iba pang
kaalamang pangkaisipan, pandamdamin at niloloob ng tao sa anumang paraan na nais gamitin.
(Rodrigo 2001). Ang komunikasyon rin ang nagsisilbing daan upang magkaroon ng maayos na
pagkakaunawaan ang dalawa o higit pang mga panig, sa pamamagitan ng pagbibigay o pagtanggap ng
mensahe sa mabisang paraan, isang pakikipag- ugnayan sa pamamagitan ng mga hudyat ng wika.
Ayon kay Josefina Mangahis et al. (2008), sa aklat na Komunikasyon sa Akademikong Filipino, ang
komunikasyon ay hango sa salitang Latin na “communi atus” na ang ibig sabihin ay “ibinabahagi.” Sa
ganitong sitwasyon, ang dalawang panig ay magbabahaginan ng kanilang ideya sa paraang kasangkot
ang pagsasalita, pakikinig, pag-unawa, pagbasa, at pagsulat. Masasabi ring ang komunikasyon ay isang
likas na minanang gawaing panlipunan na nagbabago-bago tulad ng mga tao at ng panahon, dahil ito
ay isang prosesong dinamiko, tuloy-tuloy, at nagbabago. Sa makatuwid, ang komunikasyon ay isang
paraan ng paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng magkatambal
na proseso ng pagsasalita, pakikinig, at pag-unawa.

2. 3 Kahalagahan ng Komunikasyon

1. Kahalagahang Panlipunan - Ang tagumpay at kabiguan na hinaharap ng tao ay nakasalalay sa


paraan ng kanyang pakikipag- unawaan. Pinatatag din ng pakikipag-unawaan ang kalagayan at
binibigyang-halaga ang pagkatao. Sa pamamagitan ng mahusay at maayos na pakikipag-usap at
pakikisalamuha sa iba, nakagagawa siya ng desisyon tungkol sa anumang bagay: sa kabuhayan,
relihiyon, edukasyon at pulitika.

2. Kahalagahang Pangkabuhayan - Anumang propesyon upang maging matagumpay, ay


nangangailangan ng mabisang pakikipagtalastasan.

3. Kahalagahang Pampulitika - Mahalaga ang komunikasyon sa larangan ng pulitika, sapagkat ito ang
gamit ng tao upang matalakay ang mga bagay na mayroong kinalaman sa bayan at maipaabot sa
kinauukulan. Kailangan din ito upang maliwanag na masulat at maipatupad ang mga batas. Maging
ang pakikipag-ugnayan sa iba pang bansa ay hindi kailanman magiging posible kung hindi dahil sa
komunikasyon.

Sa makatuwid ang komunikasyon ay tiyak na napakahalaga sa bawat tao, dahil ito ay nagbubuo ng
interaksyon at pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan. Nakatutulong din
ito upang magkaroon ng maayos at mapayapang pakikipag-usap at pagkakaunawaan ang mga tao.
Ito rin ang nagsisilbing daan upang pagbuklurin ang bawat bansa sa buong mundo.

You might also like