You are on page 1of 9

Petsa: Ika- 27 ng Marso, 2023

DETALYADONG BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 10


IKATLONG MARKAHAN
I. LAYUNIN:
A. Nailalarawan ang pangunahing tauhan sa epikong Sundiata batay sa
kaniyang kilos, gawi, ugali at gampanin sa akda;
B. Nabibigyang pagkilala ang mga natatanging kakayahan at talent ng
mga taong may kapansanan; at
C. Nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa
(F10PU-IIId-e-81).
D.
II. PAKSANG – ARALIN
A. Paksa: Sundita: Ang Epiko ng Sinaunang Mali (Linangin)
B. Sanggunian:
a) Modyul para sa Mag – aaral – Filipino 10, pp.: 303 – 312
b) https://www.youtube.com/watch?
v=pFPPiFXhLXM&ab_channel=VideoDP
c) https://www.youtube.com/watch?v=KMyRXLjF-
W8&t=30s&ab_channel=SefinaTV
E. Mga Kagamitan: PowerPoint Presentation, telebisyon, pisara, at yeso.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimula

a. Panalangin

Tumayo na ang lahat!

(Ipinanood ang Superbook


“The Salvation Poem” para
sa panalangin)

b. Pagbati

Magandang umaga, 10 –
Revelation! Magandang umaga rin po sa
aming guro.
c. Pagtatala ng pumasok at
lumiban ng klase
Pagkatapos kong matawag
ang inyong pangalan,
sabihin kung kayo ay
naririto.
Antonio? Sir, nandito po!

Balberan? Nandito po, Sir!

Collantes? Present po, Sir!

… …

d. Pagbabalik -aral

Kahapon, tinalakay natin ang


kahulugan ng epiko at
kasaysayan sa Imperyong
Mali.

Maaari ba ninyong ibigay sa


akin ang kahulugan ng
epiko?

Sige, Joel, sabihin mo nga


kung ano ang kahulugan ng
epiko. Joel: Base po sa aking
pagkaaalala, ang epiko po ay
kuwento ng mga bayani sa
sinaunang panahon na
nagtataglay ng pambihirang
kakayahan o kalahating
Mahusay, Joel, tunay nga na supernatural.
naaalala mo pa rin ang
tinalakay natin kahapon.

Gaano katagal namayagpag


ang lumang imperyong Mali
ni Sundiata, Kira? Kira: Ang Mandingo ng
Matandang Mali ay namayagpag
nang mahigit sa 250 taon.

e. Pagganyak
Kilala ba ninyo si “Pedro
Penduko”? Ako ay
magpapanood sa inyo ng
kanilang theme song,
panooring mabuti at
pagkatapos ay may mga
tanong akong ilalahad
mamaya.

Tapos na ba kayong
manood? Opo, sir!

Ano ang mapapansin


niyong kakaiba kay Pedro
Penduko?

Sige, Liam! Maaari mo


bang sabihin sa amin? Liam: Sir, may taglay pong
Tama! May taglay na kapangyarihan si Pedro Peduko.
kapangyarihan si Pedro
Penduko. Siya ay may
supernatural na
kakayahan na wala sa
normal na tao.

Paano naman nagamit ni


Pedro Penduko ang
kaniyang kakayahan?
Ginamit niya ba ito sa
kasamaan o kabutihan?
Sige nga, Joshua! Joshua: Ginamit niya po ito sa
kabutihan sir.
At dahil doon siya ay
nagpakita ng kabaya— Joshua: Sir, kabayanihan po!
Nakuha mo, Joshua!
Maraming salamat!

Makikita ba rito ang


kultura ng Pilipinas? Sige
nga, Kyle. Sa papaanong Kyle: Sir, nakikita po. Sa
paraan? kasuotan po ng mga tauhan at
sa paniniwala rin po ng mga
Pilipino sa mga bagay na
nakakakilabot tulad na lang po
Magaling, Kyle. Maraming ng aswang, kapre, atbp.
salamat!

Ang mga kaganapan na


aking pinanood ay may
maliit na kaugnayan sa
akdang ating tatalakayin
ngayong araw.
B. Paglalahad ng Aralin

Napatunayan ng ilang tao sa


mundo na hindi hadlang ang
kapansanan upang
magpatuloy sa buhay at
ipakita ang kani-kanilang
talento. Tulad na lamang ni
Apolinario Mabini.

Sa araw na ito ay tatalakayin


din natin ang isang taong
nagpakita ng kabayanihan sa
kabila ng kapansanan. Atin
nang panoorin ang epiko na
may pamagat na “Sundiata:
Ang Epiko ng Sinaunang
Mali”.

C. Pagtalakay sa Aralin

Upang mas mapabilis na


pumasok sa inyong isip ang
pangyayari sa akda. Ako’y
magpapanood na lamang ng
isang bidyo. Manood ng
mabuti.

At upang masagot ninyo ang


mga katanungan para
mamaya, ilalahad ko muna
ang mga tanong na
magsisilbing gabay niyo
tungo sap ag-unaw

1. Ano-ano ang katangian ni


Sundiata na kahanga-
hanga?
2. Sa iyong tingin, si
Sundiata ba ay tunay na
bayani ng kasaysayan ng
Africa? Bakit?
3. Tama ba ang ginawa ni
Sundiata sa lungsod ng
Sosso? Bakit?

Ngayong nalaman na ninyo


ang mga gabay na tanong,
tumahimik na at unawain
ang isalasaysay na akda.

1. Ano-ano ang katangian ni


Sundiata na kahanga-
hanga?

Sige nga Lea, pakisalaysay


nga sa amin. Lea: Si Sundiata ay isang
mauunawain at mapagmahal na
anak sa kaniyang ina. Sa kabila
ng kaniyang busilak na kalooban
ay isa siyang magiting na pinuno
ng isang imperyo at mahusay na
Magaling Lea, salamat sa mananakop.
iyong sagot. Maaari ka
nang umupo.

2. Sa iyong tingin, si
Sundiata ba ay tunay na
bayani ng kasaysayan ng
Africa? Bakit?

Pakisagot nga ito, Sarrah!


Tumayo kaa at isalaysay
mo sa amin ang nasa Sarrah: Opo, Sir! Si Sundiata ay
iyong isipan. isang magiting na bayani dahil
sa kabila ng pagpapalayas sa
kanila ay tinulungan niya pa ring
mabawi ang imperyo na nasakop
Mahusay, Sarrah! ng mga kalaban.
Maraming salamat.

3. Tama ba ang ginawa ni


Sundiata sa lungsod ng
Sosso? Bakit?

Victor, tumayo ka nga at


isalaysay sa amin ito. Victor: Nang matalo po ni
Sundiata ang pwersa ni
Soumaro, winasak ni Sunditaa
ang lungsod ng Sosso hanggang
sa maging alikabok na ito. Sa
tingin ko po, tama lang po ito
dahil may mabuting layunin
Maraming salamat, Lea. naman po si Sundiata.
Maaari ka nang umupo.

D. Paglalapat

Dapat bang ituring na “iba”


ang mga taong may
kapansanan sa mundo?
Panagtwiranan.

Sige, Yael. Subukan mo nga. Yael: Sir, tulad po ni Apolinario


Mabini at ni Sundiata, hindi po
kailangang tuksuhin ang
kalagayan nila bagkus ay mas
nakabubuti na ituring silang
Maraming salamat, Yael. normal.
Maari ka nang umupo.
E. Paglalahat

Upang mas maunawaan pa


ang akda, ibuod nga natin
ang kuwento mula sa simula,
gitna at wakas.

Sige, Rey. Ano ang simula ng


kuwento? Rey: Mula sa hula ng isang
mahiwagang mangangaso,
sinasabi na magiging mahusay
na pinuno si Sundiata sa
hinaharap. Nang namatay si
Haring Konate, ang kanyang
panganay na anak na si
Dankaran ang umakyat sa trono.
Si Sundiata at ang kanyang
Mahusay, Rey. Maraming kubang ina na si Sogolon ay lalo
salamat. pang inapi.

Ano ang nangyari sa


kalagitnaan ng kuwento. Sige
nga Art?
Art: Pinatapon ni Hari Dankaran
ang mag-inang sina Sogolon at
Sundiata. Nanirahan sila sa
kaharian ng Mema kung saan
lumakas ang katawan ni
Sundiata. Siya’y naging isang
dakilang mandirigma hangga’t
Maraming salamat, Art. siya’y inatasang maging
Mahusay ka! At panghuli, tagapagmana ng trono ng Mema.
isalaysay mo nga ang
kaganapan sa wakas, Jane.
Jane: Samantala, ang kaharian
ng mga Mandinka ay pinuntirya
ng isang malupit na
mananalakay na ang pangalan
ay Soumaoro. Ang hari ng mga
Mandinka na si Dankaran ay
tumakas kung kaya’t humiling
ang mga Mandinka ng tulong kay
Sundiata. Nagtagumpay si
Sundiata laban sa mga
mananalakay at dahil sa
pinagsama-samang lupain sa
Maraming salamat, Jane. ilalim ng kanyang
Ngayong ganap niyo nang administrasyon tulad ng Mema
naunawaan ang akda, sa at Mandinka.
tingin ko ay handa na kayo
sa ilang katanungan na
ibibigay ko.

IV. PAGTATAYA

Bilang inyong pagtataya, sagutin ang gawain na aking ipapaskil.

Panuto: Pumili ng kapareha. Gawin ang gawain sa kalahating papel na


pahalang (1/2 crosswise). Gamitin ang Analyzing Perspectice Organizer.

Tanong: Masasabi mo bang ang pangunahing tauhan ng epikong


tinalakay ay isang bayani ng kasaysayan ng Afrika?
Sariling Pananaw:
Dahilan:
Perspektibo ng iba:
Dahilan:
Kongklusyon:

Pamantayan sa Pagmamarka

Ganap na naibigay ang sariling pananaw tungkol sa 15 pts


akdang binasa/pinanood.
Naibahagi nang epektibo ang sariling pananaw sa 5 pts
kaperaha
Nakabuo ng malinaw na kongklusyon 10 pts
Kabuoang Marka 30 pts

V. Kasunduan:
Para sa ating takdang - aralin, hanapin ang kahulugan ng sumusunod
na mga salita. Isulat ito sa inyong kwaderno.

1. Mangangaso
2. Mahiwaga
3. Mamamana
4. Salamangkero
5. Anting-anting
6. Manghuhula
7. Kapangyarihan
8. Mananalaysay
9. Panday
10. Kawal

Inihanda ni: Iwinasto at tinunghayan:

PHILIP LEONARD B. DARUCA ROBERT G. MALLARE


Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

You might also like