You are on page 1of 1

Huwag Po Itay!!

Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking


itay isang gabi. Hinding-hindi ko malilimutan ang gabing iyon.
Malakas ang ulan noon ngunit maalinsangan ang simoy ng
hangin.
Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko lang maligo
at nakatapis pa lang noon. Narinig kong kumatok si Itay sa aking
pinto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya na
kailangan naming mag-usap at huminging papasukin siya.
Binuksan ko ang pinto at siya'y kagya't na pumasok sa aking
silid. laking gulat ko ng ipinid niya at susian ang pinto.
Hinawakan ni Itay ang aking mga kamay, hinaplos haplos
niya ang aking buhok,ang aking mukha, pinaraan niya ang
kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking pisngi, sa aking mga
labi. Napasigaw ako. " Itay, huwag, huwag! Ako'y inyong anak!
Utang na loob Itay!" Ngunit parang walang narinig ang aking
Itay, ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata dahil ayaw kong
makita ang kanyang ginagawa sa akin. Narinig ko si Inay na
sumisigaw habang binabayo ang pinto at nagpipilit na ito ay
buksan, " Hayop ka! Hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak
mo! Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan!" Subalit
wala ring nagawa si Inay, hindi rin siya pinakinggan ni Itay.
Nanatili na lang akong walang katinag- tinag at ipinaubaya
ko na lamang ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng
aking Itay. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil na rin ang
aking Itay. Iniharap niya ako sa salamin at ganoon na lamang
ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking
nakita...magaling naman palang mag-make-up si Itay.
Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking ama, bakla
pala siya. Labis akong nagalak sa galing at husay ng aking ama.
Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong
gumanda ngayon. Niyakap ko si Itay at pareho kaming napaluha
sa labis na kagalakan. Masaya na kami ngayon at nabubuhay ng
matiwasay.

Lovingly yours,
BADONG

You might also like