You are on page 1of 3

Translate the text below from Filipino to English.

Huwag po Itay!
Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking Itay isang gabi. Hinding-
hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon ngunit
maalinsangan ang simoy ng hangin.

Nagsusuklay ako noon sa loob ng aking silid. Katatapos ko pa lamang maligo at


nakatapis pa lamang noon. Narinig kong kumakatok si Itay sa pinto ng aking kwarto.
Nang sagutin ko ang pagkatok niya, sinabi niyang kailangan daw naming mag-usap
at nakiusap siyang papasukin ko siya.

May pag-aalinlangang binuksan ko ang pinto at siya‘y kaagad na pumasok sa aking


silid. Laking gulat ko nang ipinid niya at susian ang pinto. Kumabog ang aking dibdib.
Kinabahan ako bigla. Natakot. Mabilis na hinawakan ni Itay ang aking kamay.
Hinaplus-haplos niya ang aking buhok at ang aking mukha. Pinaraan niya ang
kaniyang mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi, at sa aking mga labi.

“Itay…huwag po! Huwag po! Ako‘y inyong anak! Utang na loob Itay!”

Ngunit parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang
ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong Makita ang
mukha na aking ama habang ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin.
Mariin ang aking pagkakapikit. Hindi ko magawang lumuha.

Bigla kong narinig si Inay. Sumisigaw siya habang binabayo ang nakapinid na pinto
ng aking kwarto. Nagpupumilit siyang pagbukan ng pinto. Garagal ang
naghuhumiyaw niyang tinig.

“Hayop ka! Hayop ka! Huwag mong gawin yan sa sarili mong anak!”
Subalit wala ring nagawa si Inay. Hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na
lamang akong walang katinag-tinag at ipinaubaya na lamang ang aking sarili sa
anumang gusting gawin sa akin ni Itay.
Pagkalipas ng ilang minuto ay biglang tumigil ang aking Itay. Iniharap niya ako sa
salamin at ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking
Nakita. Magaling naman palang mag-make up si Itay.

Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin si Itay. Bakla pala siya. Ngunit hindi ako
nagalit sa kaniya, kundi labis akong nagalak sa galling at husay na ipinamalas niya.
Naisip ko, matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon.
Niyakap ko si Itay at kapwa kami napaluha sa labis na kagalakan.
Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.

Nagmamahal,
Badong

No Daddy!
I want to share to you what happened between me and Daddy one night. I will not
forget that night. That night was raining cats and dogs.

I was combing my hair in inside my room. I’ve just finished taking bath and covering
towel that time. I heard my Daddy knocking the door of my room. When I answered
him, he said we need to talk and he asked to open the door.

I opened the door with hesitation and he immediately come inside my room. I was
shocked when he closed and locked the door. My heart beat fast, I felt nervous and
scared because he touched my hand. He touched my hair and my face. He trailed
my face using his fingers across my eyebrow, cheeks and lips.

“Daddy... No! No! I am your daughter! Please Daddy!’’

But Daddy was like a deaf. He continued he was doing. I closed my eyes because I
don`t want to see my face while Daddy is continue doing on me. I closed my eyes
deeply. I can’t cry.
I suddenly heard my Mom. She was shouting while beating the locked door of my
room. She strained to open the door. Her voice was screaming.

“You’re stupid! You’re stupid! Don’t do that to your daughter!”

But Mom had nothing to do. She was disregarded by Daddy. I stayed freeze and let
Daddy do what he wants to do on me. A few minutes after, my Daddy stopped. She
faced me to the mirror and I was amazed and shocked about what I’ve seen. Daddy
is good at make-up.

That night Daddy confessed to me. He is a gay. But I didn’t felt angry to him, instead
I was amazed of his skill and efficiency that he did. I thought, my boyfriend will be
happy because I’m prettier now. I hugged my Daddy and we both have tears of joy.
We live happily ever after.

Truly Yours,
Badong

You might also like