You are on page 1of 1

HUWAG PO, ITAY…

Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi. Hinding hindi ko
makalilimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon ngunit maalinsangan ang simoy ng hangin.

Nagsususklay ako noon sa loob ng aking silid. Katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang
noon. Narinig kong kumatok si itay sa pinto ng aking kwarto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niyang
kailangan daw naming mag-usap at nakiusap siyang papasukin ko siya.

May pag-aalalang binuksan ko ang pinto at siya’y kagyat na pumasok sa aking silid, laking gulat ko ng
ipininid niya at susian ang pinto. Kumabog ang aking dibdib. Kinabahan ako bigla. Natakot. Mabilis na hinawakan
ni itay ang aking kamay. Hinaplus-haplos ang aking buhok at ang aking mukha. Pinaraan niya ang kanyang mga
daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi at sa aking mga labi. Napasigaw ako.

“Itay…..Huwag po! Huwag po! Ako’y inyong anak! Utang na loob,itay!”

Ngunit parang walang narinig ang aking itay. Ipinagpatuloy lamang niya ang kanyang ginagawa.ipinikit ko
na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang
kanyang ginagawa sa akin. Mariin ang pagkakapikit. Hindi ko magawang lumuha.

Bigla kong narinig si inay. Sumusigaw siya habang binabayo ang nakapinid na pinto ng aking kwarto.
Nagpupumilit siyang pagbuksan ang pinto. Garalgal ang naghuhumiyaw niyang tinig.

“Hayop ka! Hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa sarili mong anak! Huwag mong sirain ang kanyang
kinabukasan!”

Subalit wala ring nagawa si inay. Hindi rin siya pinakinggan ni itay. Nanatili na lamang akong walang
katinagtinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking itay.

Pagkalipas ng ilang minuto ay biglang tumigil ang aking itay. Iniharap niya ako sa salamin at ganoon na
lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita. Magaling naman palang mag-make-up si itay.

Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin si itay. Bakla pala siya. Ngunit hindi ako nagalit sa kanya, manapa’y
labis akong nagalak sa galing at husay na ipinamalas niya. Naisip ko, matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo
akong gumanda ngayon.

Niyakap ko si itay at kapwa kami napaluha sa labis na kagalakan.

Masaya na kami ngayon at nabubuhay ng matiwasay.

Lovingly yours,

BADONG

You might also like