You are on page 1of 62

ANG MAG-

AARAL
Lalong magiging matagumpay ang isang guro
sa kanyang pagtuturo kung nalalaman niya at
nauunwaan ang mga katangian ng kanyang
mga mag-aaral sa kanyang tinuturuan.
May mga panlahat na katangian ang mga mag-
aaral sa bawat antas o baitang at mayroon ding
mga magkakaibang katangian. Nagkakaiba-iba
ang mga mag-aaral sanhi ng ilang salik. Ang
ilan diyan ay naririto:
1. Kapaligiran - Ang kapaligirang nilakihan ng
isang bata ay may malaking bisa sa kanyang
pag-uugali, kilos, asal, pananaw, sa buhay at
mga saloobin at pagpapahalaga.
2. Angkan - May mga katangian ang bawat tao
na minamana niya sa kanyang mga magulang.
May angkang matatalino, may mag-anak na
magaling sa pag-awit, may angkan namang
kilala ang kagalingan sa mga sining at sa iba-
ibang kakayahan at talino.
5. Lahi - May mga pag-aaral na nagpapatunay
na may pagkakaiba ang mga kakayahang
mental, saloobin at pananaw, katangiang sosyal
at emosyonal ng iba-ibang lahi.
Mga katangian ng Mag-
aaral
Isang pag-aaral na isinagawa ng Sentro sa Pag-
aaral ng mga Bata at Kabataang Filipino ang
nagsaad nang ganitong mga katangian ng bata
at kabataang Filipino. Pinangkat-pangkat nila
ang mga katangian sa apat na hati; ang
katangiang pisikal, ang kakayahang mental, ang
katangiang sosyo-emosyonal at ang mga
katangian moral-ispiritwal.
Limang Taong Gulang
Pisikal
1. Mabagal ang paglaki.
2. Buo na ang bilang ng ngiping temporaryo.
3. Madaling mahawa ng sakit sa iba.
4. Lubhang aktibo ngunit madaling mapagod.
5. Kinagihiliwan ng mga gawaing
nangangailangan ng kilos ng malaking
kalamnan, tulad ng pag-akyat, pagtakbo at
pagsayaw.
Mental
1. Nakakakilala na ng anyo at hugis ng bagay-
bagay.
2. Maikli lamang ang panahon ng kawilihan at
pagtutuon ng atensyon at konsentrasyon.
3. Mahilig sa mga larawang aklat tungkol sa
mga hayop at tungkol sa mga tugma.
4. Unti-unti ng nahihilig sa mga malikhaing
gawain.
Sosyo-emosyonal
1. Palaasa pa sa magulang at nakatatandang
kapatid o kasama.
2. Hindi pa gaanong lubos ang pagtitiwala sa
sarili tungkol sa pagbihis, paliligo, pagpili ng
pagkain at kasuutan.
3. Marunong ng tumanggap ng maliit na
pananagutan.
Moral-ispiritwal
1. Nais makinig sa mga kwento tungkol sa Diyos
at manood ng mga larawan tungkol sa
pagkakalikha ng daigdig.
2. Wala pang gaanong pagpapahalaga sa pera.
3. Mapaghinala at madaling matakot sa di-
kilalang tao.
Anim na Taong Gulang
Pisikal
1.Higit na mabagal ang paglaki di katulad noong
mga una at pangalawang taon.
2. Nagsisimula nang mabungi ang mga ngiping
temporaryo.
3. Madaling kapitan ng sakit.
4. Malikot at magulo; walang sandaling nagtitigil
kaya madaling mapagod.
5. Hindi pa gaanong nalilinang ang paggamit ng
maliit na kalamnan.
6. Wala pang gaanong koordinasyon ang mga
kilos ng kamay at ang maliit na kalamnan ng
mga mata.
Mental
1. Nagkakaroon na ng kawilihan sa mga bagay
at sa tao sa kanyang paligid.
2. Nagkakaroon na ng mahaba-habang
panahon sa pagtutuon ng atensyon at
konsentrasyon.
3. Kinagigiliwan na ang mga kuwento ng Manila,
duwende, higante, kapre at "superman".
4. May kawilihan sa mga tugma-tugmang salita,
mga salitang naglalarawan at mga laruang
napapagalaw.
Sosyo-emosyonal
1. Nais na siya'y pag-ukulan ng pansin,
pagtanggap at pagmamahal.
2. Namimili ng kaibigan.
3. Mapagparangalan ng kanyang gamit at
laruan.
4.palakaibigan.
Moral-ispiritwal
1. Mapag-usisa tungkol sa Diyos at mga kwento
tungkol sa Diyos, sa impiyerno at sa langit.
2. Mapaghinala.
3. Hindi nagsasauli ng mga gamit na napuputol.
Pitong Taong Gulang
Pisikal
1. Sa bawat tatlong buwan ay kapapansinan ng
paglaki at pagbigat ng timbang.
2. Nagkakaroon na ng panibagong set ng ngipin.
3. Higit na malusog kaysa noong aaniming taon.
4. Hindi na gaanong malikot
5. Nagkakaroon na ng koordinasyon ang kalamnan
ng kamay at ng mata, ngunit hindi pa rin gaanong
nagagamit ang maliliit na kalamnan.
Mental
1. Nais ng malaman ang katugunan sa marami
niyang paano, ano at bakit.
2. Mahaba-haba na ang panahon ng pagtuon ng
atensyon at konsentrasyon.
3. May kawilihan sa mga kuwentong-bayan,
mga alamat.
4. May bahagya nang kakayahang makapag-
isip; mapanuri.
Sosyo-emosyonal
1. Nagsisikap upang makatayo sa kanyang sarili,
makapagpasya para sa sarili.
2. Nais makisama sa mga laro at gawain ng
pangkat.
3. May kamalayan na sa kalinisan ng
pangangatawan, kaayusan ng pananamit upang
matamo ang pagtanggap at pagkilala ng
pangkat.
Moral-ispiritwal
1. Tumutupad sa tungkuling panrelihiyon ayon
sa ugali at tahanan. Kasama ng mag-anak sa
pagsisimba o pagsamba.
2. Takot magsinungaling dahil sa takot sa Diyos.
3. Matipid sa opera ngunit bulagsak sa gamit
gaya ng papel, lapis, atb.
Walong Taong Gulang
Pisikal
1. Patuloy sa paglaki nang may kabagalan at
bahagya na lamang madagdagan ang timbang.
2. Patulog na nalalagas ang unang set ng ngipin
at tumutubo naman ang permanents niyang
ngipin.
3. Manuring kalusugan.
4. Labis na paglalaro at paggawa hanggang sa
mapagod.
5. Nagagamit na ng mabuti sa kapwa ang
pangmalapit at pangmalayong pananaw.
Mental
1. Malikhain at mapagpahalaga sa
magagandang bagay sa kanyang paligid.
Palahanga at palausisa sa buhay.
2. Nakapagtutuon na ng atensyon at
konsentrasyon kahit na may kaunting ingay.
3. Parang naninirahan sa daigdig ng
kababalaghan at imahinasyon.
4. Nakabububuo na ng larawang mental at
konsepto ng mga ninanais niya sa kinabukasan.
Sosyo-emosyonal
1. Pabigla- bigla sa disisyon.
2. Nais ng pagtanggap at pagpansin sa iba.
3. Nagpapakita na ng diwa ng
pakikipagkopetensiya.
4. Nais makilahok sa mga gawain ng pangkat at
nais makuha ang pagkilala ng pangkat.
Moral-ispiritwal
1. Patuloy na tumutupad ng mga tungkuling
panrelihiyon na kanyang kinamulatan.
2. Ninanais nang makiayon sa pamantayan at
gawi ng pangkat.
3. Ang kanyang mga katapatan (sa mga
pagsusulit) ay nababawasan na. Nangongopya
at nagpapakopya
Siyam na Taong Gulang
Pisikal
1. Patuloy sa mabagal na pag laki. Higit na
mabigat ang timbang ng mga babae kaysa sa
mga lalaki.
2. Nagpapabaya sa pangangalaga ng ngipin.
3. Patuloy sa nagkakaroon ng mabuting
kalusugan.
4. Mabilis ang pag-unlad sa mga kasanayang
motor.
5. Kapapansinan ng di-pantay na paglaki sa
ibang mga bahagi ng katawan.
Mental
1. Naguguluhan dahil sa pagkakaugnay ng
katotohanan at ng imahinasyon. Sa
pagsasalaysay ay pinaghahalo ang tunay na
pangyayari at ang imahinasyon na lamang.
2. Nakakapagtakda na ng sariling pamantayan
sa wastong paraan ng pag-aaral at paggawa.
3. May malaking nais sa pagkatuto at
pagkabatid ng maraming mga bagay sa buhay
at sa mga bagay-bagay sa paligid.
4. May mga 'idolo' na nais gayahin o
paghambingan ng kanyang buhay.
Sosyo-emosyonal
1. Nag-aakalang hindi siya mahal at hindi siya
kailangan.
2. May ugaling madaling mabagot, hindi
pagtanaw ng utang na loob, mapagmintas at
mapaghinala.
3. Malimit ang pagiging walang kibo.
Ipinamamalay na ang kanyang mga nais at hindi
nais, mga kinagigiliwan at mga kinababagutan.
4. Nais na laging mapag-isa. Kung minsa'y
nagkukulong sa silid upang makapag-isa.
Moral-ispiritwal
1. May kamalayan na sa kanyang mga
tungkuling panrelihiyon.
2. Marunong nang magpigil sa sarili kung
minsan.
3. Nagtitiwala na sa tao sa maraming
pagkakataon.
4. Gumagawa kung may nagmamasid.
5. Madaling magsinungaling.
Sampung Taong Gulang
Pisikal
1. Higit na mabilis ang pagtaas at pagbigat ng
timbang ng mga babae kadya sa mga lalaki.
2. Patuloy sa nagkakaroon ng mga
permanenteng bagang.
3. Higit na masasakitin ngayon kaysa noong
siyam na taon.
4. May kontrol na sa malaki at maliit na
kalamnan.
5. Patuloy sa di-pantay na paglaki at pag-unlad
sa iba-ibang bahagi ng katawan.
Mental
1. Mayroon ng pagkakaunawa sa pagkakaiba
ng katotohanan at sa haka-haka lamang.
2. Nagpapakita ng kakayahan sa mabilis na
pagsagot sa mga tuwirang tanong at tuwirang
pag-uutos.
3. Mabilis matuto sa pamamagitan ng
halimbawa gaya sa agham at matimatika.
Sosyo-emosyonal
1. Nagnanais makipagsapalaran kasama ng
barkada.
2. Nawiwili nang makibarkada at nagpapamalas
ng higit na katapatan sa kabarkada at
kapangkat.
3. May ipinamamalas na katangian at
katauhang sosyal.
4. May pabagu-bagong sumpong sa
mapagmahal, mapanlaban, mapagparangalan
at ugaling maipagpilitan ang kanyang nais o
paniniwala.
Moral-ispiritwal
1. Nagpapakita ng kalamnan at pakikiayon sa
pamantayan ng pangkat.
2. May mabubuting pagkilala sa kapwa tao.
3. Gumagawa ng gawain kahit walang
nagmamasid.
Labing-isang Taong Gulang
Pisikal
1. Ang mga lalaki ay dumaraan sa panahon ng
napakahinang paglaki samantalang ang mga
babae naman ay nasa yugto ng mabilis na
paglaki at pagbigat ng timbang.
2. Maaalalahanin at labis na pag-iisip tungkol sa
kanilang kalusugan.
3. May mga gawaing nangangailangan ng
kanilang lakas.
4. Nalinang nang ganap ang koordinasyon ng
mata at kamay na naipopokus na ang pananaw
sa pangmalapit at pangmalayo man nang
walang hirap.
Mental
1. Nagkakaroon ng kawilihan sa mga kwentong
makatotohanan sa nahihinggil sa agham at
panulaan.
2. Nagaganyak sa mga bagong proyekto,
panibagong gawain, at mga mumunting
pananagutan.
3. Nalilinang na ang kakayahan na ipagpatuloy
ang isang gawaing napasimulan hanggang sa
matapos na may mabuting kaganapan.
Sosyo-emosyonal
1. Mahilig sa pakikipagsapalaran.
2. Higit na matimbang ang pakikisama sa
pangkat at may mataas na pagpapahalaga sa
kagalingan ng pangkat.
3. May mga tanging kaibigan na siyang
umaayon sa kanyang pamantayan at kalimitan
ay kaugali niya ito.
4. Mapagtanong sa mga buhay-buhay ng
matatanda (adult); mausisa sa relasyong babae-
lalaki.
Moral-ispiritwal
1. May kaalaman na sa mga kaasalang moral.
2. Nakatatanggap na ng puna at nakikinabang
na sa kanyang kamalian at pamamagitan ng
pagsunod sa payo at mabuting puna ng mga
taong nakakasalamuha.
3. May sariling pagkukusa sa mga gawaing
iniatas sa kanya.
4. Hindi siya kumukuha ng mga bagay na hindi
kanya.
Labindalawang Tong Gulang
Pisikal
1. Mabilis ang paglaki.
2. Ang mga babae ay higit na matangkad sa
mga lalaki.
3. Kakambal ng paglaki ang paglusog ng
katawan.
4. Mahilig sa mga gawaing outdoor.
Mental
1. Nalinang na ang kawilihan sa pagbasa.
2. Nagsisikap upang magampanan ang
pananagutang sa kanya ay inihabilin.
3. Matiyaga at patuloy sa pagsasaliksik ng mga
kaalaman sa buhay at sa mga bagay-bagay.
Sosyo-emosyonal
1. Nahihirapan sa pagtanggap ng puna at payo
ng magulang.
2. Higit na nag-uukol ng pansin, ng
pakikipagtulungan sa mga kaibigan.
3. Nagpapamalas, lalo na sa mga kasambahay
ng panlalaban o pagtutol.
Moral-ispiritwal
1. Alam na kung alin ang tama at ang hindi tama.
2. Nag-iisip muna bago gumawa ng desisyon.
3. May ugaling matapat. Nagsasauli ng sukling
labis at nagsasauli sa may-ari kung may napulot
na bagay.
Labintatlong Taong Gulang
Pisikal
1. Mabilis na pagtaas at pagbigat ng timbang.
2. May matinding gana sa pagkain.
3. Nagkakaroon ng baluktot na tindig (poor
posture)
4. Pananalukod ng tinig ng mga lalaki.
Pagkakaroong ng dibdib at pagkalinang ng
balakang ng mga babae.
Mental
1. Praktikal. May kawilihan sa mga kwentong
realistiko sa agham.
2. Nagkakaroon na ng kamalayan sa
pagkakaiba ng kasarian.
Sosyo-emosyonal
1. Ayaw makipagtalakayan ng kanyang mga
suliranin, mga nangangailangan sa mga
magulang. Mahirap pakitunguhan.
2. Madaling matawag ang kawilihan sa mga
salitang lansangan at salitang malaswa.
3. Higit ang katapatan sa barkada kaysa sa
magulang at guro.
4. Pabagu-bago. Minsan nais kumilos at mag-
ayos na may sapat na gulang na, minsan ay
kikilos at mag-aayos na bata pa. Hindi pa
matiyak ang talagang nais. Naguhuluhan.
Moral-ispiritwal
1. Pinupuna ang mga tungkuling panrelihiyon.
2. Maramdamin lalo na sa puna.
3. Marunong nang mangalaga sa kanyang
sariling gamit; maingat sa pananamit.
4. Magtatapat lamang sa isang tao na nasubok
na niya ang katapatan.
Labing-apat na Taong Gulang
Pisikal
1. Mabilis pa ang paglaki ng mga lalaki. Natamo
na ng babae ang pinakamataas na bilis ng
paglaki at ngayon ay mabagal na ang kanyang
paglaki at pagtaas.
2. Buo na ang permanenteng set ng ngipin
maliban sa pangatlong bagang.
3. Madalas dumanas dumanas ng sakit ng ulo,
balinguyngoy, pagkanerbiyoso at mabilis na
pagkaba ng dibdib.
4. Nagkakaroon na ng mabuting tindig.
5. Madaling mapagod. Kailangan ang
mahabang pahinga.
Mental
1. Nalinang na ang kaisipan sa kalawakan,
panahon, kariktan.
2. May matalas na pakiramdam bunga ng
pagkakaroon ng mabuti at mahabang panahon
ng konsentrasyon at pagpopokus ng atensyon.
3. Nagkakaroon na ng 'idolo', 'crush' sa mga
nakikita at kasamang may sapat na gulang.
Sosyo-emosyonal
1. Nagpapamalas ng maraming mga
palatandaan ng kawalang kapanatagan o
seguridad. Nagsasakit-sakitan, nangangatwiran,
bags is in inhaling, sour grapes mechanism.
2. Nagkakaroon na ng pansin sa opposite sex.
3. Naghahanap ng pagmamahal, pagtitiwala,
pagtanggap at pag-unawa.
Moral-ispiritwal
1. Tinatanggap ang mga kaisipang panrelihiyon
nang may pagsusuri
2. Hindi na gaanong maramdamin.
3. Hindi karaka-rakang nagtitiwala sa tao ng
hindi pinag-aaralan at sinusuri muna.
4. Matapat. Nagsasabi ng katotohanan.
Marunong ng tumanggap ng pananagutan.
Labinlimang Taong Gulang
Pisikal
1. Patuloy ang mga lalaki sa mabilis na paglaki
at pagbigat ng timbang habang ang mga babae
naman ay bumagal na sa paglaki.
2. Nagkakaroon na ng panghuling bagang
(wisdom tooth). Bagaman ang iilan ay nahuhuli
pa ito ng mga dalawa hanggang tatlong taon.
3. Maganang-maganang kumain.
4. Nagkakaroon na ng magandang tikas sa
pagtayo at paglakad, may kontrol na at gaan ng
katawan sa pagkilos
Mental
1. Nagpapamalas ng kawilihan sa pakikinig sa
mga tugtugin maging sa radyo, piano, stereo at
iba pang mga kagamitang instrumental.
2. Mahilig mangolekta o magtipon ng bagay-
bagay.
3. Higit na mapagkakatiwalaan sa gawain.
4. Seryuso na sa mga gawain at nagnanais
makagawa ng mga bagay na makabuluhan.
Sosyo-emosyonal
1. Higit na nagpapakita ng sariling paninindigan
at pagsasarili.
2. Matindi pa rin ang katapatan sa kasamahan.
Nakatatalakay na ng paksang may kawilihan ng
mga suliranin at ang kalutasan nito.
Moral-ispiritwal
1. Itinuring na malaya na ang sarili sa lahat ng
lawak ng kanyang pagkatao - sa relihiyon,
akademiko, sosyal at iba pang lawak.
2. Marunong nang gumamit ng labing panahon
sa kapaki-pakinabang na bagay.
3. Pinipili lamang niya ang pinagtitiwalaan.
SALAMAT SA INYONG
PAKIKINIG

You might also like