You are on page 1of 3

Name: Princess Maire Angela D.

Abarquez

Track: IT – MAWD

Prosidyur sa pag gawa ng isang Webpage:

1. Gamit ang Laptop o Desktop na may Windows OS, buksan ang notepad application.

2. I-type ang opening at closing HTML tags. Ang opening tag ay gumagamit ng simbolong
< at >, habang ang closing tag ay gumagamit ng simbolong </ at >. Ilagay sa pagitan ng
dalawang simbolo ang salitang HTML.

 Ganito dapat na kalalabasan:

<HTML>

</HTML>

3. I-type naman ang HEAD at BODY tags sa loob o pagitan ng HTML tag. Dapat na
isaalang-alang ang wastong pag gamit ng indentasyon gamit ang TAB key sa iyong
keyboard upang madaling maintindihan kung saan ang pinagkalooban ng isang tag.

<HTML>

<HEAD>

</HEAD>

<BODY>

</BODY>

</HTML>

4. Sa loob ng HEAD tag, i-type ang TITLE tag gamit ng iisang linya lamang. Ilagay sa loob
ng TITLE tag ang nais ipangalan sa iyong webpage.

<HTML>

<HEAD>

<TITLE>Ang aking Webpage</TITLE>

</HEAD>

<BODY>

</BODY>

</HTML>
5. Maaaring maglagay ng headline at paragraph tags sa loob ng BODY tag:

5.a. HEADLINE tag – upang makalagay ng malalaking sulat para sa pamagat o


headline, gumamit ng headline tag tulad ng H1, H2, H3, H4, H5, at H6. Ang H1 ang
pinaka malaki at paliit hanggang sa H6.

5.b. PARAGRAPH tag – upang makalagay ng maliliit na sulat para sa pag gawa ng
talata, gumamit ng paragraph tag gamit ng letrang P.

<HTML>

<HEAD>

<TITLE>Ang aking Webpage</TITLE>

</HEAD>

<BODY>

<H1>Dito ang Headline o Pamagat ng isusulat</H1>

<P>Dito naman ilalagay ang nilalaman ng pamagat.


Maaari itong maging mahaba o maikli. </P>

</BODY>

</HTML>

6. I-save ang iyong ginawa sa folder at pangalanan ito ng kahit anong nais, ngunit dapat
itong dagdagan ng .html sa dulo upang maging webpage.

7. Buksan ang file manager at hanapin ang folder kung saan sinave ang webpage. I-click
ang webpage na ginawa.

 Ganito ang kalalabasan ng webpage na ginawa:

You might also like