You are on page 1of 3

EXPLANATION FOR ANSWERS IN FILIPINO ASSIGNMENT- PART B

1.B – lingua franca- sa isang rehiyon maaring maraming tao na may iba’t ibang wika- ngkakaroon ng
practice na gamitin ng mas marami ang isang wika. Halimbawa sa Baguio dahil maraming mga magaaral
na galling sa iba’t ibang lugar ang karaniwang wika na ginagamit ay Ilokano o Ilokano ang lingua franca
Diyalekto- ay pagkakaiba ng isang wika maaring sa tono o bokabularyo Halimbawa: sa wikang Tagalog:
sa Nueva Ecija ang maghugas ng pinggan ay mag- urong, sa Batangas ang “past tense” or pangnagdaan
ng kain ay nakain , sa ibang Tagalog ito ay kumain.
Pangalawang Wika or Second Language- ang wika na natutunan maliban sa iyong inang wika, na
tinatawag din na unang wika or First Language or ngayon sa curriculum ay mother tongue.
Wikang Pambansa- ang napili ng gobyerno na wika para sa ating bansa. Sa atin ito ay Pilipino ( hindi
Tagalog).
2. B- diyalekto
3. D- balbal- mga salitang - iniembento at pinagkakasunduan ng mga malilit na grupo pra sa kanilang
mga sarili- tulad ng mga LGBT community
* sosyolek -may mga komunidad o speech communities na may mga salita o pananalita na hindi
ginagamit ng iba- Halimbawa sinasabi na ang African -Americans ay may mga paraan ng pananalita na
hindi ginagamit sa ibang komunidad. Sa English ang double negatives- sa grammar ay hindi wasto pero
ginagamit ito ng isang speech community- tulad ng I don’t have nothing- dapat ay I do not have
anything. Sa Ilocos- kapag ikaw ay pumasok na sa paaralan ay sinasabing – “ agbasbasa ka”, sa ibang
lugar ay sinasabing agis -eskwela ka.

* idiolect – pansariling pananalita- Halimbawa – si Mike Enriquez ay naki;lala sa mga salitag “ di namin
kayo tatantanan”, at si Noli de Castro sa “ Magandang gabi kabayan.”

4. C- minimal pairs- ito ay apagkakaiba ng mga salita sa isang letra na nagpapabago din sa kahulugan ng
mga salita. Ito ay ginagamit sa mga nagsisimulang magbasa para ituro ang ponema o mga tunog

5. A- gitlapi o infix. Sa Ingles ay meron laming prefix- ung pantig na dinadagdag sa unahan ng salitang
ugat at suffix- yung idinadagdag sa hulihan ng salitang ugat.

6. A- payak

7. C- kultura ang kultura ay malawak ang impluwensya sa ating wika- halimbawa sa Pilipino ay
gumagamit tayo ng po at opo bilang pagpapakita ng paggalang sa kinakausap. Sa Pilipino at Ilocano
ginagamit din ang “third person” bilang paggalang- kayat sinasabi nating Kayo na po- o sikayo – kahit iisa
ang ating kausap. Wla ito sa Ingles- gumagamit sila ng honorifics o salitang nagpapakita ng paggalang
tulad ng Sir, Ma’am or Madam .

8. C- sintaksis( syntax)- ang pagkakasunod ng mga salita sa pangungusap ay may pagkakaiba sa bawat
wika—at ang pagkakasunod ng mga salita ay nakaka apekto sa kahulugan ng salita. Halimbawa : The dog
bit the man ay may pagkakaiba sa The Man bit the dog. Sa Pilipino karaniwan sinasabi natin Taga saan
ka- na kapag isinalin sa Ingles ay From where are you? Ngunit ang tamang ayos sa Ingles ay Where are
you From?

9 B- dynamic- ang isang katangian ng wika ay ang pagbabago ng mga salita- maaring magdagdag,
magbago ang kahulugan dahil buhay ang mga tao na gumagamit- halimbawa ang cut and paste ay dating
literally ang guntingin at idikit- ngunit ngayon ay may kahulugan ito na tungkiol sa teknolihiya.
• Arbitrary – ang ibig sabihin ng elemento na ito ay ang kahulugan ng mga salita sa mga wika ay
walang sistema- napagkasunduan lang ( conventional) lamang Halimbawa : ang salitang bao- sa
Tagalog ito ay ang asukal na galling sa tubo at may hugis na buko, sa Ilokano – ito ay daga at iba
din ang kahulugan nito sa Pangasinense.
10 B- suprasegmental – mga elementong di berbal sa komunikasyon – Halimbawa kapag bata ang ating
kausap ay binabagalan natin ang ating pagsasalita, kapag ginawa natin ito sa nakakatanda ay parang
ipiapapahiwatig natin na medyo mahirap siya makaintindi
11- 13-explanation 11- D, 12 -B, 13-C. – paralinguistic na mga elemento – o aspeto ng wika na hindi
berbal ngunit nakakaapekto sa komunikasyon. Ito ay isang kutural na aspeto ng wika.
* chronemics- ang impluwensiya ng oras sa komunikasyon- sa mga Amerikano ay importante ang oras-
kayat kung ang miting ay 10 AM dapat dumating ka ng at least 5 o 10 minuto na mas maaga. Hangga
ngayon ay meron pa rin ang sinasabi nating Filipino time na pilit nating inaalis upang tayo ay
makipagsabayan sa ibang kultura.
* haptics – haplos- o touch- sa Thailand- hindi dapat i-tap sa ulo kahit na bata- sa Filipino ay pwedeng
sabihin ang bait na bata sabay tap sa ulo.
* oculesics- eye contact- sa Western na kultura ang tingin ng diretso sa kausap ay katanggap -tanggsp, sa
Japan dapat walang “direct eye contact” lalo na sa mas mataas ang posisyon say o- ang tingin ay dapat
sa kurbata lang.
* kinesics- galaw ng katawan-
* proxemics- distansya sa kausap- Ang mga Arabong lalaki ay malapit na malapit sa isa’t-isa kapag
nguusap hindi ito ginagawa sa Pilipinas
* artifacts- ang ating mga suot- ay nakakaapekto sa komunikasyon.
14. 16- mga morphophonemics na mga proceso- Ang morpolohiya o morphology ay sistamang pagbuo
ng maga salita, ang ponemika naman ay ang tunog ng bumubuo sa isang salita- kayat ang
morphophonemics ay tumatalakay sa mga pagbabago ng mga tunog na bumubuo sa salita kapag may
pagbabago sa pagbuo nito . Halimbawa sa Ingles- sa past tense- sleep – slept- may pagbabago sa tunog
ng /e/ sa panghinaharap at pangnagdaan , vain- vanity, may alterasyon sa mga katinig – knife- knives,
loaf loaves
14- C , 15- B, 16-C
• Metatesis- pagbabago sa salitang ugat na nagsisimula sa e, o, y kapag ito linagyan ng gilapi na
(in ) ang l, o, y, ng salitang ugat at ang n, ng, ay nagpapalit ng posisyon.
Halimbawa: in + lapit= linapit= nilapit
In + yanig- yinanig = niyanig
• Pagkaltas- ng ponema- ang huling ponema ng salitang ugat ay nawawala – sa Ingles ang tunog
ng /d/ ay nawawala sa parirala na kind of – kayat ang tunog ay nagiging “kinda”
Halimbawa: takip +an- takpan, sara +han- sarhan
• Asimilayon – ang ponema ay nagiging kasing tunog kasu ng isang malapit na ponema sa susunod
na salita- sa Ingles- not yet is pronounced /natyet/, hot potato becomes /hoppotato/.
• Epintesis ang paglagay ng dagdag na ponema- halimbawa marami sa atin ang bumibigkas ng
baptismal ng baptisimal – nagdagdag ng ponemang /i/.

You might also like