You are on page 1of 2

Tagalog, Pilipino, Filipino: MAY PAGKAKAIBA BA?

Ang sulatin na ito ay isang repleksyon sa aking iuulat sana na patungkol sa pagkakaiba ng salitang
Tagalog, Pilipino, at Filipino .Datapwat, bago ko simulan ang aking sulatin ay gusto ko lamang ibahagi
ang isang kaganapan kung saan ako ay nagtanong sa aking mga kakilala kung para sa kanila ano ang ibig
sabihin ng salitang Tagalog, Pilipino at Filipino.Lahat sila ay may pare-parehong sagot na kung saan sa
kanila ang Tagalog ay isang wika raw o dialekto na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon lalong-lalo na sa
mga tao sa Luzon, ang Pilipino naman daw ay sumisimbolo o nagpapahiwatig bilang tayo, yung mga tao
na naninirahan sa Pilipinas at ang Filipino naman ay isang asignatura raw na tinuturo sa paaralan. Tama
kaya ang kanilang mga sagot? Kaya ngayon alamin natin at talakayin ang pagkakaiba ng 3 paksang salita
na ito gamit sa aking isinulat na repleksyon.

Marahil marami sa atin ang nalilito sa paggamit ng tatlong salita, o nalilito kung kailan naging
Tagalog, Pilipino o Filipino ang wikang pambansa. Una muna nating talakayin ang Tagalog, ayon sa aking
masusing pananaliksik ang wikang Tagalog ay isang natural na wika na may sariling katutubong
nagsasalita at isang din itong partikular na wikang sinasalita ng mga Tagalog, isang pangkat ng wikang
etniko sa bansa. Kapag sinabi nating Tagalog, ito ang Wikang pinagbatayan ng wikang Pambansa ng
Pilipinas. Mayroong mga makabuluhan na dahilan kung bakit ang Tagalog ang naging batayan ng wikang
Pambansa ng Pilipinas kahit mayroon tayong walong pangunahing wika. At karagdagang kaalaman,
batay sa Kautusang Tagapagpaganap bilang 134, idineklara ni Presidente Manuel L. Quezon na ang
Tagalog ang Wikang pinagbatayan ng wikang Pambansa ng Pilipinas noong Disyembre 30,1937.

Ang sunod naman nating talakayin ay ang Pilipino. Sa taong 1959, Pilipino ang unang tawag sa
pambansang wika ng Pilipinas na malaki ang ambag ng wikang Tagalog kung bakit ito naging Pilipino.
Samakatuwid, ang wikang Pilipino ang pinagbatayan ay ang wikang tagalog. Mula noong 1959 ito ay
itinalaga bilang opisyal na wika ng bansa, ang wikang ng edukasyon at pagtuturo sa pambansang wika.
Bagamat natigil iyon nang ipakilala ang Filipino bilang wikang pambansa.

At taong 1987, Mula sa Pilipino, napalitan ito sa Filipino, ang letrang P ay naging F, na kung saan ang
wikang Filipino ang itinatawag na Wikang Pambansa sa Konstitusyon ng 1987. At sa katunayan ang
Filipino na ang “Lengua franca ng Pilipinas” na kung saan ay ginagamit natin, o nagiging tulay sa atin sa
pakikipag komunikasyon o pakikipagtalastasan sa iba pang lugar dito sa kapuluan ng Pilipinas.

Dahil sa masususing pananaliksik masasabi kong may pagkakaiba talaga ang Tagalog, Pilipino at
Filipino. Kapag sinabi nating Tagalog, ito ay ang wikang pinagbatayan ng wikang Pambansa ng Pilipinas
noong 1937. Ang Pilipino naman ay batay sa iisang wika. Ito ay ang unang tawag sa pambansang wika ng
Pilipinas (Filipino National Language) noong 1959 at ang Filipino ay sa maraming wika sa Pilipinas, ito ang
kasalukuyang tawag natin sa Wikang Pambansa ng Pilipinas sa Konstitusyon ng 1987.

You might also like