You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
CASILAGAN-NAGUILIAN INTEGRATED SCHOOL
Sitio Galting, Casilagan, Naguilian, La Union 2511
“We Care, Nurture ,Inspire and Serve”
ARALING PANLIPUNAN 6
Ikatlong Markahang Pagsusulit

Pangalan:____________________________________________________Iskor___________
PANUTO: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1) Alin sa sumusunod ang pangunahing suliranin ng Ikatlong Republika?


a)pagbagsak ng ekonomiya c)paglobo ng populasyon
b)paglaganap ng mga sakit d)pagtigil ng paggawa
2) Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanán na nagsimula noong
ika-1 ng Setyembre taóng 1939. Natapos ito noong ika-2 ng _____________.
a) Setyembre 1945 c) Setyembre 1946
b) Setyembre 1947 d) Setyembre 1948
3) Sinong pangulo ang gumawa ng malawakang pagbabago upang itayo muli ang malawakang
pinsala ng kabuhayan ng mga Pilipino pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig?
a) Manuel A. Roxas c)Carlos P. Romulo
b) Ramon Magsaysay d) Benigno Aquino Sr.
4) Tumutukoy ito sa layunin ng Estados Unidos na maisulong ang kanyang interes na pangmilitar sa
mundo lalo na sa Pilipinas . Kelangan nitong magkaroon ng mga kolonya at base militar upang
mapangalagaan ang kanyang interes pang-ekonomiya sa bansa.
a) Defense b) Colony c) organisasyon d) aerial defense
5) Tatlong yugto o uri ng pamahalaang Amerikano sa bansa. Alin ang hindi kasali sa mga layuning
Amerikano ?
a) Pamahalaang Sibil c) Pamahalaang Militar
b) Pamahalaang komonwelt d) Pamahalaang Demokrasya
6) Ang patakarang ito ay nagbigay ng pantay-pantay na karapatan para sa mga Pilipino at
Amerikano na gamitin at pakinabangan ang likas na yaman ng Pilipinas.
a) Parity Rights c) Batas Jones
b) Batas Cooper d) Batas Tydings-McDuffie
7) Ano ang naging bunga ng pagtatag ng Industriyang Amerikano sa bansa?
a) Pagdagsa ng maraming bilang ng produkto sa pamilihan ng Pilipinas.
b) Pagkakaroon ng hilig ng mga Pilipino sa mga imported products.
c) Mas maraming Pilipino ang nakakatikim ng masasarap na pagkain.
d) Mas bumaba ang kalidad ng produktong Pilipino.
8) Ito ay isang kaisipan na kung saan ang isang tao ay mas nakakahigit keysa sa iba sa paraang pag-iisip,
mas malakas at mas magaling.
a) Kolonya na mentalidad c) superiority complex
b) Inferiority complex d) abnormal behavior
9)Alin sa mga paraang ito ang higit na nakakatulong sa bansa upang maiangat ang ating ekonomiya ?
a) Pagtangkilik sa sariling produkto ng Pilipinas c) Makibahagi sa mga problemang pangkalikasan
b)Pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan d) Pagtatanim ng mga halamang gubat
10)Ito ay isang kasunduan ng Pilipinas at Amerika at pagbibigay ng 620
milyong dolyar ng
Amerika sa Pilipinas para sa mga naging sira ng World War II sa Pilipinas.
a) Philippine Rehabilitation Act c) Batas Jones
b) Commonwealth Act d) Batas Cooper
11)Sinong Pangulo ng Pilipinas ang nagbangon ng Ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng Philippine
Rehabilitationn Act?
a) Carlos P. Rumolo c) Manuel Roxas
b) Ramon Magsaysay d) Jose Laurel
12)Ito ay ang pinakamataas at ganap na kapangyarihang umiiral sa pamahalaan at sa nasasakupan nito.
a) Teritoryo c) Tao
b) Soberanya d) Gobyerno
13)Ang Pilipinas ay isang soberanong bansa mula nung makamtan nito ang kalayaan noong_________
a) Hulyo 4, 1946 c) Hulyo 6, 1946
b) Hulyo 3, 1956 d) Hulyo 6,1947
14)Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nakapagbibigay ng kahulugan na “ ang isang bansa ay
tunay na Malaya ”.
a)Nakikita ang kalayaan at karapatan ng isang bansa na malinang ang kanyang sariling yaman.
b)Itinataguyod nito ang pagkakaroon ng kaisahan upang sundin ang kapangyarihang umiiral sa loob ng
estado.
c)May namumuno sa mamamayan,ari-arian at tanggapan sa nasasakupan nito
d)Lahat ng nabanggit
15)Ito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng isang bansa na namumuno at magpairal ng mga kautusan sa
lahat ng nasasakupang teritoryo.
a) Soberanyang panlabas c) Soberanyang panloob
b) Teritoryo d) Tao
16)Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa soberanyang panloob?
a) Pakikialam ng Pilipinas sa usaping pangkapayapaan sa ibang bansa
b) Paggamit ng likas na yaman ng Pilipinas.
c) Pakikipag-ugnayan ng ekonomiyang panlabas ng Pilipinas
d) Pagkondena sa mga terorista sa ibang bansa.
17)Ito ay isang halimbawa ng bantang soberanyang panloob sa ating bansa.
a)Paghihimagsik ng armadong grupo tulad ng New Peoples Army o NPA at Moro Islamic Liberation
Front
b)Pagsalakay sa loob ng teritoryo ng Pilipinas tulad ng Kalayaan group of island.
c) Neo-kolonyal na relasyon ng Estados unidos at Pilipinas(Paglagda sa kasunduang military at pang-
ekonomiya
d)Wala sa nabanggit
18)Ito tinatawag na kalayaan ng isang bansa laban sa panghihimasok at pakikialam ng ibang bansa.
a) Soberanyang panloob c) Soberanyang panlabas
b) Teritoryo d) Privacy Rights
19)Alin sa mga ito ang katangian ng isang soberanyang panlabas?
a) Nakapagsasarili
b) May karapatan at prebiliheyo sa ilalim ng pandaigdig na batas
c) Nakikipag-ugnayan sa ibang bansa
d) Lahat ng nabanggit
20)Makikita sa sagisag ng Pilipinas ang simbolong kulay bughaw. Ito ay nangangahulugang________
a) Kapayapaan c) Pananakop ng mga Kastila na umabot ng mahigit 300 na taon
b) Katapangan/digmaan d) Pananakop ng mga Amerikano ng 40 years
21)Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng isang bansang may Malaya?
a) May karapatan sa kasarinlan c) May karapatan sa pagmamay-ari
b) May karapatang makipag-ugnayan d) Lahat ng nabanggit
22)Ito ay isang batas na nagbibigay ng karapatang sa lahat ng barko mula sa anumang estado ay
magkaroon ng karapatan ng inosenteng pagdaan o right of innocent passage sa territorial sea.
a) UNCLOS(United Nations Convention on Laws of the Sea) c) Human Rghts
b) Right of Way d) Right to Travel
23)Ito ay ang katawagan sa pagkakaroon ng alitan ng mga magkakaibang bansang estado sa kani-
kanilang mga teritoryo.
a) territorial and border conflicts c) disputable lands
b) territorial disputes d) marginal lines
24)Ito ay ipinanukala ni kongresista William Atkinsons Jones upang mabigyan ng kalayaan ang Pilipinas
a) Batas Jones c) Batas ng Pilipinas ng 1902
b) Tydings Mc-duffie law d) Batas Shurman
25)Ang ugnayang panlabas ng bansa ay pinamahalaan ng___________
a) Department of Foreign Affairs c) Department of Interior and local government
b) Department of Tourism d) Department of Trade and Industry
26)Siya ang nagpaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng industriyalisasyon pagkatapos ng
digmaang pandaigdig.
a)Elpidio Quirino b)Manuel Roxas c)Corazon Aquino d)Joseph Estrada
27)Ang mabuting pakikipag-ugnayan sa isang bansa ay nakabatay sa mabuting pakikipagkasundo o
usapan ng isang_________
a) Pangulo ng bansa c) Foreign secretary
b) Bise presidente d) Hukom
28) Siya ang unang pangulo ng malayang Pilipinas
a) ManuelRoxas c) Elpidio Quirino
b) Ramon Magsaysay d) Manuel Quezon
29) Anu ang isa sa mga pangunahing suliranin ng ating bansa na may kinalaman sa ating nakaraan.
a) Suliraning pangkapayapaan c) Suliraning pangkabuhayan
b) Suliraning Pang-ekonomiya d) Suliraning Pampolitika
30)Para maisulong ang kaunlarang pangkapayapaan ng ating bansa, anong katangian ang taglayin ng
bawat Pilipino?
a) Magkaroon ng pagkakaisa c) Magkaroon ng disiplina
b) Itaguyod ang pagkamalikhain d) Paglilingkod sa kapwa
31)Alin sa mga sumusunod ang programang pangkaunlaran?
a)Pagpapagawa ng farm-to market roads c) Pagpapagawa ng mga sinehan
b)Pagpapatayo ng simbahan d) Pagpapatayo ng mga Malls
32)Ito ay isang kondisyon upang makatanggap ng perang gagamitin sa rehabilitasyon mula sa digmaan ang
Pilipinas mula sa Estados Unidos.
a) Philippine Trade Act c) Philippine economic zone
b) Philippine Charity sweestake d)Philippine Red Cross
33)Anong batas ang nagpatibay sa Estados Unidos upang magkaroon ng pagpapalitan ng kalakal?
a) Batas Payne Aldrich c) Batas Schurman
b) Batas Jones d) Batas Tydings Mc-Duffie
34)Isang batas sa kongreso ng Estados Unidos na naglalayong alisin ang restriksiyon sa lahat ng
produktong pumapasok sa dalawang bansa.
a)Underwood Simmons c) Batas Payne Aldrich
b)Batas Joneas d) Batas Schurman
35)May mga elemento o sangkap na dapat taglayin ng isang bansa bago matawag na malayang bansa, alin
dito ang hindi kabilang?
a) Kalikasan b)Pamahalaan c) Tao d) Teritoryo
36)Nakatakda sa ating Saligang Batas na ang soberanya ng ating bansa ay nasa kamay ng sambayanang
Pilipino, ano ang ibig sabihin nito?
a) Ang ganap na kapangyarihang pampamahalaan ay nasa mamamayang Pilipino
b) Ang ganap na kapangyarihan pampamahalaan ay nasa ilalim ng ibang mga bansa.
c) Ang ganap na kapangyarihan ng isang bansa ay nasa Pangulo ng Pilipinas
d) Ang ganap na kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa mga dayuhan.
37) Bakit mahalaga ang pagsasabatas ng lawak at nasasakop na teritoryo ng Pilipinas
a)Isa itong patunay ng pagkakaroon ngsoberanya c) Para maakit ang mga turista
b)Nagbibigay ito ng kapayapaan ng bansa d) Lahat ng nabanggit
38)Sa ilalim ng programang ito, lahat ng susukong kasapi ng HUKBALAHAP ay bibigyan ng kapatawaran at
pagkalooban ng lupang masasaka.
A) Economic Development Corps c) Amnesty Program
b) Executive Clemency d) Parol
39)Isang programang ipinatupad upang mapabuti ang kalagayan ng manggagawang Pilipino tungo sa
kaunlaran.
a) Magna Carta of Labor at minimum Wage Law c) Economic Assistance Law
b) Insurance Law d) Workers Law
40)Bakit nabigo ang administrasyon Quirino sa programang pangkapayapaan?
a) Talamak ang katiwalian sa gobyerno c) Kaunti ang sumuporta sa administrasyon
b) Di maipatupad ang batas ng maayos d) Walang pundo para sa kapayapaan
41)Pinagtutuunan ng pansin ang administrasyong Quirino ang pagpapunlad ng ekonomiya sa pamamgitan ng
a) Industriyalisasyon b) Eksportasyon c)Pagsasaka Eksportasyon
42)Isang samahan na ang layunin ay pagtutulungang pangkabuhayan at pangkultura ng mga bansang
kaanib, tinawag itong______________
a) ASEAN c) United Nations
b) SEATO d) Worlds Business Affairs
43)Sa pagtatapos ng ikalawang digmaan, nagbigay ng amnestiya si pangulong Roxas.
Ano ang ibig sabihin ng amnestiya?
a) pagbibigay kalayaan b) pangkabuhayan c) mga armas d) pabahay
44)Sa pagpapaunlad ng administrasyong Quirino, anong pagbabago ang isinulong upang makatulong sa
mga mamamayang Pilipino?
a)Pagpapunlad ng kabuhayan ng mga Pilipino c)Pagsugpo sa paglaganap ng komunismo
b)Pagharap sa suliranin ng Huk d) titik a,b,k
45)Isang banta sa teritoryo ng Pilipinas ang pagkakaroon ng alitan mula sa bansang China sa pagmamay-
ari ng isang pulo .Ano sa mga paraang ito ang higit na nakakabuti upang ipagtanggol ang ating
soberanya bilang malayang bansa?
a) peace talk agreement c) Ipagbigay alam ito sa internasyonal na kinauukulan
b) Daanin sa dahas at armas d) daanin sa protesta
46)Bilang isang mag-aaral paano ka makakatulong sa pagpapanatili ng kalayaan ng Pilipinas?
a) Makibahagi sa mga programang angkop sa ating makabayang aktibidad.
b) Suportahan ang mga programang panlipunan na nagbibigay ng malayang kaisipan.
c) Ipakita ang protesta sa pamamgitan ng pag-iingay kung may banta sa seguridad ng ating bansa.
d) Lahat ng nabanggit.
47)Isang hamon sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng maayos na pamumuhay. Kung ikaw ay nasa
katayuan ng isang Pangulo, paano mu isusulong ang masaganang ekonomiya ng Pilipinas?
a) Makianib sa ibang bansa upang lalong makalikom ng suporta.
b) Taasan ang sahod ng mga manggagawang Pilipino
c) Babahan ang presyo ng mga bilihin
d) lahat ng mga nabanggit
48) Mas higit na mapapabuti ang kalagayan ng mamamayang mahihirap kung mabibigyan ng kaukulang
pansin ang problemang______________
a) Pangkabuhayan b) Panrelihiyon c) Pampulitika d) Ekonomiya
49)Ang kapangyarihan tinatamasa ng isang bansa ay hindi maililipat o maiisalin kaninuman. Ano ang ibig
sabihin ng kaisipang ito?
a) Taglay ng bansang Pilipinas ang permanenteng kapangyarihan magpakailanman.
b) Ang soberanya ng malayang bansa ay pwedeng angkinin ng ibang bansa.
c) Tungkulin ng isang malayang bansa ang makipag-ugnayan sa ibang bansa.
d) Ang dalawang bansa ay pwedeng magsanib pwersa sa pamamagitan ng ugnayan.
50) Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga patakarang pangkaunlaran ng isang bansa.
a) ipagbawal ang pagtungo ng mga Pilipino upang maghanapbuhay sa ibang bansa.
b) Pagpapatayo ng mga paaralan para sa mga mahihirap.
c) Pagbabakuna sa mga bata upang magkaroon ng kaligtasan.
d) Pagpapatayo ng mga kalsada sa mga liblib na lugar.

Goodluck!!!!
HAPPY NEW YEAR!!!

You might also like