You are on page 1of 3

Bohol Island State University Calape Campus

San Isidro, Calape, Bohol

Antoniette Niña Yuson

BEEd 1

Sosyedad at Literatura

Mr. Stanley Rasonabe

Pag-unawa sa Binasa

1. Sino ang tinukoy ng panghalip na ‘niya’ sa tula?

Ang tinutukoy Ng panghalip na 'niya' sa tula ay ang pangunahing tauhan. Na si Rustum Casia.

2. Ano ang nais sabihin ng may-akda sa una at ikalawang saknong?

Ang nais sabihin Ng may-akda sa unang saknong ay kahit na nahihirapan na sya ay patuloy parin syang
lumalaban kahit na dehado sya kumpara sa armadong kalaban. Ang nais sabihin naman Ng may-akda sa
ikalawang saknong ay tungkol sa kanyang pagsisikap at paninindigan sa kanyang karapatan.

3. Ano ang dahilan ng pagpikit niya ng kanyang mga mata?

Ang dahilan Ng pagpikit Ng kanyang mga mata ay dahil pinapalakas nya ang kanyang sarili. Ang pagpikit
Ng kanyang mga mata ay Hindi bilang pagsuko o pag Iwan SA pinaglalaban kundi itinanim niya sa
kanyang puso't-isipan na paulit-ulit man ang kanyang kamatayan, ang buhay niya'y paulit-ulit din niyang
ilalaan sa paglaban para sa karapatan.

4. Ano’ng isyung pangmanggagawa ang tinalakay sa tula?

Ang isyung pangmanggagawa na tinatalakay sa tula ay ang Hindi pantay na karapatan. Pagkakaroon Ng
puwersa Ng mga opisyal sa pagtrato Ng kanilang mga manggagawa. Hindi pagkakaroon Ng makataong
polisiya.

5. Ano ang nais ipakahulugan ng pamagat ng tula?


Ang nais ipakahulugan Ng pamagat Ng tula ay tamis. ASUKAL ibig sabihin matamis. Inilalarawan Ng
pamagat na hindi lahat Ng manggagawa ay nakakaranas Ng tamis Ng buhay. Ang iba ay puro pait at
paghihirap ang dinaranas dahil sa diskriminasyon at pang aalipusta na mga nasa itaas at may kaya sa
buhay.

Mungkahing Gawain: Pag-isipan Mo!

1. Bumuo ng sanaysay na magpapaliwanag sa pamagat ng tula at magbubuod sa mga mahahalagang


pangyayari at/o kaisipang napapaloob dito.

2. Isa-isahin ng mga suliraning panglipunang masasalamin sa akda. Iugnay ang bawat matukoy sa sariling
karanasan.

Sa tulang pinamagatang ASUKAL by Rustum Casia ay ibig sabihin tanim na tubo. Ang pangunahing
tauhan ay isang magsasaka. Ipinaglalaban nila ang kanilang karapatan bilang manggagawa sa tulang ito.
Sa aking pananaliksik ay may nabanggit don na hacienda. Kaya nasasabi kong isang magsasaka ang may
akda ng Rustum Casia. Sinasabi sa tula kung anong mga paghihirap at paglalaban na ginagawa Ng
pangunahing tauhan para sa karapatan. Na kahit anong mangyari kahit kalabanin pa niya ang kamatayan
hinding hindi parin sya susuko. Hanga ako sa kanyang katapangan dahil nanganganib na ang kanyang
buhay sya ay patuloy paring lumalaban at nanininiwalang makakamit rin ang karapatang nararapat sa
kanila.

Ang mga suliraning nasasalamin sa akda ay ang hindi pagkakaroon ng pantay na karapatan para
sa mga manggagawang gaya nila. Kakulangan Rin nila Ng lakas para lumaban dahil mga armadong tao
ang kanilang kalaban. Diskriminasyon rin sa mga manggagawa dahil hindi sila tinatrato ng maayos dahil
isa lang silang hamak na manggagawa ika nga. Hindi rin makataong polisiya. Hindi rin sapat na sweldo
para sa kanilang pangangailangan. Ang ating bansa ay maraming mga mahihirap kaya hindi na kataka
takang maraming hindi nagkakaroon ng laban at karapatan sa mga bagay-bagay dahil kulang sila sa lakas
at puwersa para ipaglaban ang kanilang karapatan. Kaya ginagawa lahat Ng gobyerno na gumawa Ng
maraming programa para magkaroon ng trabaho ang mga Pilipino para maibsan ang kabis na kahirapan.
Meron ring binibigay na scholarship sa kanilang mga anak para makapagtapos ng pag aaral at kung
naging propesyonal na ay marami Ng oportunidad na darating dahil makapagtapos na ng kolehiyo. Sa
paraang ito ,maiibsan ang mga naghihirap sa bansa at maging maunlad rin ang bansang ito balang araw
basta't magsikap lang at maging responsable ang mga mamamayan Ng bansang PILIPINAS.

Ang manggagawang Pilipino ay katuwang natin sa pagbabago. Masipag, buo ang loob, at may
matatag na pananalig sa sarili at sa Panginoong Diyos. Dahil dito, kinikilala ang kaniyang husay at
abilidad, hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi maging sa iba’t ibang panig ng daigdig. Anumang
pagsubok ay kaya niyang harapin at pagtagumpayan maabot lamang ang kaniyang mga pangarap para sa
sarili, para sa pamilya, at para sa bayan.

You might also like