You are on page 1of 28

NOBELA

-Isang mahabang kuwento na


binubuo ng mga kabanata.
ANG PAGHUHUKOM
(Bahagi ng Nobela)
Isinulat ni Chart Kobjith
Isinalin sa Filipino ni
Lualhati Bautista
Mga Panloob at Panlabas na Tunggalian
Isa sa sangkap ng maikling kuwento ay ang
tunggalian na humuhubog sa pagkatao ng tauhan at
siyang nagtutulak sa mga pangyayari sa kuwento. Ang
maikling kuwento ay may isang tunggalian lamang, sa
nobela ay maaaring higit sa isa ang tunggalian na
maaaring panloob (tao laban sa sarili) o panlabas (Tao
laban sa tao, tao laban sa kalikasan, tao laban sa
lipunan, at tao laban sa tadhana).
1. Tao laban sa Sarili – ito ay panloob na tunggalian
dahil nangyayari ito sa loob ng tauhan. Halimbawa
nito ang suliraning may kinalaman sa moralidad at
paniniwala. Karaniwang pinoproblema ng tauhan
kung ano ang pipiliin- ang tama o mali, mabuti o
masama? Maaari rin namang tungkol ito sa pagsupil
sa sariling damdamin. Ang tauhan lamang ang
nakareresolba sa hinaharap niyang suliranin. Ang
panloob na tunggalian ay nagbibigay ng humanidad
sa tauhan.
2. Tao laban saTao – ang tunggaliang ito ay
ang pangunahing uri ng panlabas na
tunggalian. Dito, ang tauhan ay
nakikipagbanggaan sa isa pang tauhan ito ay
labanan ng klasikong bida laban sa kontrabida
o mabuting tao laban sa masamang tao.
Maaaring magdulot ito ng pagkakaiba nila sa
pamantayan, moralidad, posisyon sa lipunan,
o paniniwala.
Halimbawa:
a. Ang tunggalian nina Emma at
Georgia sa teleseryeng “Ika-6 na
Utos.
b. b. Tunggalian nina Cardo at
Hipolito sa teleseryeng “FPJ’s :
Ang Probinsiyano
3. Tao laban sa Kalikasan
– karaniwang nangyayari ito
kapag ang tauhan o mga
tauhan ay direktang
naapektuhan ng mga puwersa
ng kalikasan.
Halimbawa:
a. Ang karanasan ng mga tauhan habang
at pagkatapos ng isang natural na
kalamidad o ang biglaang pagsabog ng
bulkan.
b. Ang tauhang na-trap sa isang isla o
palutang-lutang sa gitna ng dagat sakay
ng isang lifeboat ay halimbawa rin ng
4. Tao laban sa Lipunan – umiiral ang panlabas na
tunggaliang ito kapag lumilihis ang tauhan o mga tauhan
sa mga pamantayang itinakda ng lipunan. Nangyayari
din ito kapag tahasang binabangga o binubuwag ng
tauhan ang kaayusang sa tingin niya ay sumusupil sa
kaniya. Ang mga nobelang may mga tauhang
nakikipagtunggali sa mapaniil na kultura at ideolohiya
ay katangian ng tunggaliang tao laban sa lipunan.
Dalawa ang maaaring kahihinatnan nito: magtagumpay
ang tao o magapi siya ng sinumang kinakalabang
sistema.
Halimbawa :
a. Mga tao na hindi sumusunod sa
ipinatutupad na patakaran o polisiya
ng pamahalaan sa panahon ng
pandemic, tulad ng pagsunod sa
physical at social distancing kapag
lumalabas.
5. Tao laban sa Tadhana- nangyayari ang
tunggaliang ito kapag ang tadhana ang
nagdidikta sa mga nangyayari sa tauhan.
Maaari niya itong labanan. Sasabihin
niyang siya ang magtatakda ng kaniyang
kapalaran at gagawa siya ng paraan upang
baguhin ang takbo ng kaniyang buhay.
Ngunit sa huli ay karaniwang nagwawagi
Halimbawa:
a.Ang pagbalik sa nakaraan sa
pamamagitan ng time machine upang
maiwasan ang pagkamatay ng
minamahal ay halimbawa ng ganitong
tunggalian.
b. Tipikal na halimbawa rin ang mga
kuwento ng mga ordinaryong tao na
6.Iba pang Tunggalian
- maidadagdag din sa uri ng tunggalian ang
tunggaliang tao laban sa Diyos. Kabilang dito ang
mga suliraning may kinalaman sa mga halimaw,
alien, multo, lamang-lupa. Isama pa ang tao laban
sa makina o teknolohiya. Sa tunggaliang ito,
nilalabanan ang tauhan ang mga entidad na may
artipisyal na katalinuhan o artificial intelligence
katulad ng mga robot.
Piliin sa Kolum B ang titik ng tamang sagot sa mga tunggaliang nasa
Kolum A. Isulat sa patlang bago bilang ang sagot.
HANAY A
1. Katulad ding hindi na HANAY B
niyon mapipigil ang kamay ni A.Tao laban sa Sarili
Fak sa pagabot sa bote ng B.Tao laban sa Tao
alak at pagdadala roon sa
kanyang bibig. Kaya ang C.Tao laban sa
dumaraang mga araw at gabi Kalikasan
ay sumaksi sa walang D. Tao laban sa Lipunan
humpay na paginom ni Fak
E. Tao laban sa Tadhana
sa mga oras na siya’y gising.
F. Iba pang Tunggalian
HANAY A HANAY B
2. Hindi natutuwa si A.Tao laban sa Sarili
Fak tungkol sa B.Tao laban sa Tao
C.Tao laban sa
pagkakakabit ng
Kalikasan
koryente at wala siyang
D. Tao laban sa Lipunan
nadaramang inggit o E. Tao laban sa Tadhana
panibugho sa iba F. Iba pang Tunggalian
Magbabahagi ng dalawang
pangyayari na napanood na
teleseryeng Asyano na
nagpapakita ng tunggaliang Tao
Laban sa Sarili
 
Opinyon?
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Matatag na
Opinyon

1.Buong igting kong sinusuportahan ang...


Halimbawa: Buong igting kong
sinusuportahan ang Bayanihan To Heal As
One Act kahit na marami ang sumusuway at
hindi buo ang tiwala ng iba sa
implementasyon nito.
2. Kumbinsido akong...
Halimbawa: Kumbinsido akong
baka bumalik tayo ng pauli-ulit sa
Enhanced Community
Quarantine (ECQ) kapag hindi
tayo sumunod sa mga patakaran.
3. Lubos kong pinaniniwalaan...
Halimbawa: Lubos kong
pinaniniwalaan na nasa sarili
nating mga kamay kung
mahahawa tayo ng COVID 19 o
hindi.
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Neutral na
Opinyon Kapag sinabing neutral nasa gitna
lang ang inyong pahayag na opinyon.

1. Kung ako ang tatanungin...


Halimbawa: Kung ako ang tatanungin mas
mainam na hindi namatay si Elvin sa
“Onanay” para hindi nagulo ang buhay ni
Onay.
2. Kung hindi ako nagkakamali...
Halimbawa: Kung hindi ako
nagkakamali baka kung hindi sinabi
ni Helena kay Onay na si Lucas ang
ama ni Myla ay hindi lalabas ang
katotohanan
3. Sa tingin ko..
Halimbawa: Sa tingin ko kahit
na pinagagalitan ni Onay si
Myla palagi ay hindi
nangangahulugan na hindi niya
mahal ang anak niya.
4. Sa aking palagay...
Halimbawa: Sa aking palagay
hindi natin masasabi na si Helena
ay hindi naging mapagmahal na
lola kay Natalie kahit na pinalaki
niya ito sa kasinungalian.
Magbigay ng halimbawa ng
pangungusap ng matatag at
neutral na opinyon.
Panuto: Basahin ang sitwasyon sa
ibaba nito. Pagkatapos ay ilahad ang
iyong opinyon o pananaw hinngil
dito. Sikaping magamit ang mga
pahayag sa pagbibigay ng opinyon.
Sitwasyon: Kamakailan ay napabalita sa telebisyon ang
hinggil sa resulta ng mga isinasagawang pananaliksik ng
ilang mga bansa sa pagtuklas at pagdedebelop ng
mabisang bakuna kontra Covid-19. Kaugnay ng
prosesong dapat pagdaanan ng pananaliksik ay ang
pagsasagawa ng vaccine test sa mga hayop tulad ng
unggoy. Gaya ng dapat asahan, matapos mapatunayang
positibo at epektibo ang resulta ng mga isinagawang
pananaliksik ay maaari namang isunod ang pagsasagawa
ng vaccine test sa mga tao. Ano ang iyong masasabi o
opinyon tungkol dito

You might also like