You are on page 1of 4

NOLI ME TANGERE

KABANATA 11

ang mga
makapangyarihan
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak
na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Lubhang
napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-araw
at nagpuputik naman kung tag-ulan. Mayroong isang malaking krus na
nasa gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na bato at
nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon.
Masukal ang kabuuan ng libingan.
Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang
humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na
parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang
isa naman ay parang bago sapagkat hindi siya mapakali,
dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo.
Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat
na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa
ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya
matagalan ang gayong tanawin.
Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung
siya ang nasa kanyang kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay
na may 20 araw pa lang nalilibing sa gitna ng kadiliman ng gabi,
kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang
kanyang ilaw ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong
katawan.Ang bangkay anya ay kailangang pasanin at ilibing sa
libingan ng mga intsik. Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos
ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na lamang na itapon
niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si Padre
Garrote.

You might also like