You are on page 1of 4
RECOLLECTION Lay Ministers of the Word and Extraordinary Ministers of Holy Communion Diocesan Shrine and Parish of the immaculate Conception February 9, 2024 »& SESSION II: UGNAYAN SA DIYOS Tanong: ‘Atthe moment, how would you describe your relationship with Jesus? From 1 to 10, 1 as the lowest and 10 as the highest. Why? sames 2:17-26 (Kindly ask someone to read it from the bible) “Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay... Sapagka't kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.” ‘+ “Modern man listens more willingly to witnesses than to teachers, and if he does listen to teachers, itis because they are witnesses.” (Pope Paul VI, Evangelii Nuntiandi, 41) = Witnessing ‘© Relate to concrete experiences as LM Word and LM Eucharist © Saloob ng simbahan, nagpapahayag tayo ng Salita ng Diyos, kamusta tayo sa bahay? © _ Sa loob ng simbahan, humahawak tayo sa Katawan ni Kristo, kamusta ang aking mga kamay? + Walk the Talk - Remember: Actions speak louder than words ~ Preach and if necessary, use words (St. Francis of Assisi) ‘4 Mateo 7:21-23 “Hindi Ko Kayo Kilala” (Kindly ask someone to read from the bible) “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit. Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa aki ‘Panginoon, hindi po ba't sa iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga hhimala?’ Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan” ~ _ Bakit kaya sa kabila ng kanilang pangangaral sa pangalan ni Hesus, s@ kabila ng kanilang pagpapalayas ng mga demonyo at paggawa ng himala (Cf. Mt. 17:19-21 pananamapalataya ang kailangan para makapagpalayas ng masamang espiritu) + kabila nito, sinabihan pa rin sila ni Hesus na "Hindi ko kayo kilala!” © Eto yung nakakabahale, ra sa kabita ng kanilang pananampalataya na may kalakip na gawa, kulang pa rin pal © Pagdating kaya ng Judgment Day sasabihin sa'tin ni Kristo, “Hindi ko kayo nakikilalal © Yes, mayroon tayong pananamapalataya, kaya nga tayo nagdarasal... Yes, mayroon din tayong kalakip na gawa, kaya nga tayo nagseserve at naglilingkod bilang LM Word at bilang LM Eucharist... pero ano pa kaya ang kulang at dapat pagsumikapan? 4 “Belonging but not believing” ~ _ Ito ang kulturang umiiral sa ngayon = Anong ibig sabihin nito? © Membership (belonging) is not a guarantee of Salvation, + Kukunin ang isa, iiwan ang isa... (Cf. Lucas 17:34-35) * Hindi porke nag-member ka, ligtas ka ni * Salvation requires believing ~ _ Baka kasama nga tayong nagseserve pero wala sa loob ang ginagawa © Physically present pero baka mentally absent sa mga pagdiriwang * _ Halimbawa: Minsan, may makikita mo may nakasulat na factora sa palad © Naghabasa at nakikinig ng Salita ng Diyos pero baka hindi tumatagos sa puso ang mga Pagbasa * The Parable of the Sower (CF. Mk 4:1-20) tinutuka at inlilipad lamang ng ibon ang binhi ng Salita “+ Atang nakababahala... BAKA KASAMA KA PERO HINDI KA NANINIWALA (member but non-believer) ~ _ Minsan nakalulungkot marinig ang ibang Katoliko na nagsasabi ng ganito: “I belong to the Catholic Church but | am pro-abortion.” “I belong to the Catholic Church but | am pro-divorce.” “| belong to the Catholic Church but | am pro-death penalty.” “| belong to the Catholic Church but | am pro-same sex marriage.” “I belong to the Catholic Church but | am against the decision of the pope. eco°o “+ Para lang nagbebenta ng produkto pero hindi ka kumbinsido na ito ay totoong epektibo © We lead people to pray but do we really believe in the power of prayer? © Minsan, dahil sa masasakit na karanasan natin, parang ayaw na nating magdasal, may mga sandali sa ating buhay na parang ayaw nating maniwalang may Diyos. * _ Karanasan sa paaralan: Majority of youth nowadays no longer believe in God. * Hindi na rin nagsisimba...Napakahirap pasimbahin lalo na kung kasama ang matatanda Marami, sisimba nga pero iba ang kasama, tapos nasa labas lang ng simbahan, may ka-date. ‘May mga estudyante, umaatend lang ng recollection kasi REQUIRED ng schoo! This is a concrete example of belonging but not believing " _ Kwento ng isang estudyanteng atheist na nakausap ko... ‘+ Tayo kaya, bilang miyembro ng LM Word, pero kamusta ang ating paniniwala? Yes, we belong but do we believe? © Madalas nagbabasa tayo ng Salita ng Diyos pero may tama rin naman sa atin. Halimbawa: paano kung ang babasahin natin sa Misa ay aral ni Kristo tungkol sa pagpapatawad, tapos tayo mismo, mayroong mga t2o sa ating buhay na hindi natin mapatawad? (© Nagpapahayag tayo ng Salita ng Diyos sa Misa tungkol sa pag-tbig pero paano kung nagkikimkim tayo ng hinanakit o galt sa ating puso at kalooban? ‘+ Bilang miyembro ng LM Eucharist, tumatanggap at nagbibigay tayo ng Komunyon pero baka hindi tayo kumbinsido sa totoong presensya ni Kristo “The Real Presence of Jesus in the Eucharist.” © Yun bang paraan ko ng pagbibigay ng Katawan ni Kristo ay nagpapahayag ng paggalang sa totoong Presensya ni Kristo? Yung iba parang nagbebenta lang ng token sa LRT Station... Parang wala sa loob ang ginagawa... (minsan nahuhulog na, hindi pa napapansin) ‘© Kuwento: Sa isang Misa sa barangay, may sumobrang Katawan ni Kristo, lumapit sa akin ang isang LM Eucharist at ang sabi sa’kin, “Ano Father, tirahin na ba natin ito?” “4 PAGSUSURI NG SARILI: Bilang mga lingkod-simbahan na nagpapahayag ng Salita ng Diyos at nagbabahagi sa Katawan ni Kristo, magandang magsuri tayo ng ating puso at kalooban. ~ _ Totoo na ang sinasabi ni Apostol Santiago na ang pananampalatayang walang gawa ay patay. ~ _ Subalit nagbigay-babala rin si San Mateo na hindi lahat ng nagpapahayag ng “Panginoon, Panginoon” ‘ay makapapasok sa Kaharian ng Langit; at hindi lahat ng mga nangangaral at nagpapahayag sa Pangalan ni Hesus ay kikilalanin Niya pagdating sa Kanyang Kaharian. ~ Hindi pala sapat ang pananampalataya na may kalakip na gawa kailangan mayroon din tayong MALALIM NA UGNAYAN AT PERSONAL NA RELASYON KAY HESUS. (Our personal relationship with JESUS is very important, ‘Tandaan po natin, bago kayo naging lay ministers, kayo muna ay naging KRISTIYANO... © Kung tatanungin ako: Sino si Hesus para sa'yo? Anong isasagot ko? © Ganong kalalim ang aking pagkakakilala sa kanya? © SiHesus ba ay aking “kilala” o siya’y akin lamang “kakilala?” © Siguro sasabihin ng iba, “Father, magkeiba pa ba ang kahulugan ng kilala sa kakilala?” Hindi ba parehas lang naman ang ibig sabihin n’yan? HINDI PO. KAKILALA VS KILALA Pagdating sa usapin ng ugnayan at relasyon, may pagkakaiba ang “kakilala” sa “kilala.” Halimbawa: Hinahanap n’yo kung saan nakatira si Mang Berto, oorder kayo ng kalamay. Pagdating nyo sa kanilang barangay, ipagtatanong n'yo ngayon kung sino ang nakakakilala sa kanya at kung saan s'ya nakatira. (© Maaaring ito ang isagot sa inyo ng inyong mapapagtanungan: “Ah, si Mang Berto ba ang hinahanap n'yo? Yung asawa ni Aling Berta na gumagawa ng kalamay at Suman? Dumerecho lang kayo sa dulo tapos lumiko ka sa ikalawang kanto, saka mo ipagtanong sa mga ‘aga-roon sa looban kung saan ang bahay nina Mang Berto.” * _ Kapag ganyan ang tugon sa tanong n’yo: Kakilala nya Jang si Mang Berto. © Pero kapag ganito ang tugon sa taong n'yo: “Ah si Berto ba kamo? Ay UO “kitalang-kilala” ko yang taong yan, kumpare ko yan. ‘Napakabuting kaibigan nyan. Responsableng ama rin at mapagmahal na asawa.” * _ Kapag ganyan ang sagot sa inyo, masasabi n’ yong talagang “kilala” nya si Mang Berto. Kapag sinabi nating “kakila” natin ang isang tao, mayroong ka lamang ilan impormasyong nalalaman tungkol sa isang tao. Mere or simple acquaintance with the person. © Minsan nga may mga tao tayong nakakasalubong araw-araw, halimbawa sa palengke o sa paglalakad ‘natin papuntang simbahan: © Bati ka ng bati, tango ka nang tango, ka-ngitian at ka-batian mo na agad, Pero hindi mo pa pala naman alam kung ano ang kanyang pangalan. © Pag ganyan sasabihin natin: “Kakilala ko lang s’ya sa mukha.” ‘a kabilang banda naman, kapag sinabi nating “kilala” natin ang isang tao: © Mayroon tayong shared experience o pinagsasaluhang karanasan sa kanya ‘* _kasamahan natin sa trabaho o sa simbahan + kakwentuhan, ka-chismisan kasama ko s'ya nang mapagelitan kami ni Father hehe © Pag sinabi nating “kilala” natin ang isang tao, mayroon tayong malalim na pagkakakllanian sa kanya * Yung nalalaman mo tungkol sa kanya ay hindi lamang batay sa naririnig sa iba. Pinagtitiwalaan ka n’ya sa mga kahinaan n'ya... sa mga sikreto at lihim n'ya. Naibabahagi n’ya sa'yo ang kanyang mga pangarap at mithiin para sa kanyang pamilya. Nalbubukas n’ya sa iyo ang mga problema at pinagdaraanan n’ya sa buhay. ‘Alam mo kung ano ang masasakit na karanasan n’ya at nakapagpapatulo ng luha nya ‘Sa mga magkakalbigan, sa mga magkakapamilya... “ilala” ba talaga natin ang ating mga kasama? © Nalalaman ba natin ang totoong pinagdaraanan nila? © Nalalaman ba natin ang bumabagabag sa kanilang isip at sakit na nararamdaman nila? © Kontento na ba tayo sa “Kamusta ka? Eto, ok lang,” ang level ng ugnayan at relasyon natin sa isa't-isa? © Dowe really make time to listen? © Are we sensitive enough to listen with our hearts not only with our ears? 4 Mateo 163-15 ~ "Nang dumating si Jesus sa pook ng Cesarea Filipos, nagtanong siya sa kanyang mga alagad ng genito, ‘Ano ba ang sinasabi ng mga tao kung sino ang Anak ng Tao?’ At sumagot sila, “Ang sabi ng iba ay si Juan na Tagapagbautismo, ang iba ay si Elias, at ang iba naman ay si Jeremias, o isa sa mga propeta. Sinabi niya sa kanila, “Ngunit ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” ‘ Tinatanong din tayo ni HESUS: Sino ako para sa iyo? (Moment of silence and brief reflection) ~ _Nakalulungkot kung minsan... maging sa hanay nating mga Katoliko, marami ang kontento na ng hanggang sa level lamang ng “kakilala” ang kanilang ugnayan kay Kristo.. ~ _ Batay lamang sa sinasabi o naririnig nila sa iba. Parang sa Ebanghelyo, “Sabi nila... sabi nila. ~ _ Siguro kung lalabas tayo at susubukin nating tanungin ang ilang mga Katoliko, “Sino si Kristo para sa iyo?” Siguro ang isasagot nila: © Si Hesus ang Santo Nifio... © Si Hesus ang Poong Nazareno, (© Si Hesus ang Divine Mercy. Si Hesus ang Kabanal-banalang Puso... ~ _ Hanggang dito na lamang ba ang masasabi natin tungkol kay Hesus? © Mayroon bang paghahangad sa ating puso na mas kilalanin pa at mas lumalalim pa ang ating ugnayan at personal na relasyon sa Kanya? © Hindi ba, kapag interesado ka sa isang tao, hindi sapat para sa'yo, hindi ka papaya at hindi ka ‘makukuntento na *kakitala” mo lang s'ya, sa halip, gagawa ka ng paraan para “kikilalanin” mo siya ~ Mga kapatid, suriin natin ang ating personal na ugnayan kay Hesus... Si Hesus ba’y “kakilala” ko lamang o masasabi kong “kilala” ko s'ya? “+ Sino si Hesus para sa akin? S'ya aking KAPATID na laging sumasaklolo sa aking mga pangangailangan lalo na noong hirap na hirap ako sa buhay. Hindi n’ya ako pinababayaan lalo noong kasagsagan ng pandemya. “+ Si Hesus ang aking KAGALINGAN noong mayroon akong malubhang karamdaman, noong sinablhan na ako ng mga doktor na himala na lang ang aking aasahan, ‘+ Ahssi Hesus ba kamo?.. Si Hesus ang maituturing kong pinakamatalik kong KAIBIGAN lalo na noong mga panahong sinukuan at iniwan na ako ng aking mga kaibigan pati na rin mga mahal sa buhay. “+ Sino si Hesus? S'y2 lamang ang nalwang KASAMA KO SA BUHAY at nananatil sa aking tab! noong mge panahong nawala ang lahat-lahat sa akin. “+ SiHesus lang ang nag-iisang NANINIWALA SA AKIN at nakaaalam ng buong katotohanan noong mga panahong walang gustong maniwala sa akin, noong mga sandaling walang gustong magtanggol sa akin. ‘+ Sino si Hesus? S'ya ang aking KALAKASAN noong lugmok ako at dapang-dapa sa aking mga kahinaan at kapintasan; + SiHesus ang aking TANGLAW noong nabubuhay pa ako sa kadiliman. Si Hesus ang lahat-lahat para sa akin, Siya ang aking BUHAY... Song: 4 Could you be Messiah? -& Tanong para sa Pagninilay: Sino si Hesus para sa akin? Bakit?

You might also like