You are on page 1of 23

TRISARIO PARA SA YUMAO

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo - AMEN.


PAGSISISI
Panginoon kong Hesuskristo, Diyos na totoo at tao din
namang totoo, gumawa at sumakop sa atin, pinagsisisihan
kong masakit na masakit sa tanang loob ko, ang dilang
pagkakasala ko sa Iyo, Ikaw nga po ang Diyos ko,
Panginoon at Ama kong iniibig kong lalo sa lahat. Nagtitika
akong matibay sa loob ko, na di na ako muling magkakasala
sa Iyo, lalayuan na pangingilagan ang balang makababakla
ng loob ko sa masama at makalilibat sa dating sakit ng
kaluluwa ko at nagtitika naman akong mangungumpisal sa
dilang kasalanan ko at umaasa akong patatawarin mo rin,
alang-alang sa lyong Mahal na Pasyon at pagkamatay Mo sa
Krus dahilan sa amin. SIYA NAWA.
PAGHAHAIN

Buksan Mo Panginoon naming Diyos, ang mga


labi’t dila namin, papaglingasin Mo ang aming puso. Pawiin
ang marumi’t nakakgugulong panimdim. Lingapin Mo ang
aming bait, gisingin Mo ang aming loob nang magunam
gunam naming mataimtim sa puso ang pinagdaanan Mong
hirap at pagkamatay sa krus kalangkap ang kapait-paitang
sakit na dinamdam ng giliw Mong Inang kasantu-santusan at
kaming marapat dinggin ng di matingkala Mo kamahalang
nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. AMEN.

O Lubhang maawaing Hesus ko, lingapin Mo po ng


mahabagin Mong mata ang kaluluwa ng namatay na
si___________(sabihin ang pangalan) na ipinaghirap at
ikinamatay Mo sa Krus. SIYA NAWA.
NAMUMUNO:
1) Hesus ko alang-alang sa masaganang dugo na
ipinawis Mo halamanan ng manalangin Ka sa
Amang Diyos.
SAGOT: **Kaawaan Mo Panginoon ko't patawarin sa
kasalanan ang kaluluwa ng namatay na si
____________.
2) Hesus ko alang-alang sa tampal na tinanggap
ng mukha Mong kagalang-galang.**
3) Hesus ko alang-alang sa mahigit na
limang libong hampas na Iyong tiniis.**
4) Hesus ko alang-alang sa koronang tinik na
ipinutong sa ulo Mong kasantu-santusan.**
5) Hesus ko alang-alang sa paglakad Mo sa
lansangan na kapait-paitan pinapasan Mo
ang Mahal na Santa Krus.**
6) Hesus ko alang-alang sa kasantu-santusang
Mong mukha na napupuno ng dugo at
nalimbag sa berang ni Veronica.**
7) Hesus ko alang-alang sa tinika mong napuno ng
dugo at dali-daling hinubad sa Iyo ng mga
tampalasan.**
8) Hesus ko alang-alang sa kasantu-santusan
Mong paa at kamay na pinakuan ng matigas
at matutulis na pako.**
9) Hesus ko alang-alang sa kasantus-santusang
Mong katawang napako sa krus.**
10) Hesus ko alang-alang sa tagiliran Mong
mahal na pinaglagusan ng sibat at binukalan
ng dugo at tubig.**

NAMUMUNO: Requiem aeternam dona eis, Domine.

LAHAT: Et Lux Perpetua Luceat Eis.


NAMUMUNO: Requiscant in pace

LAHAT: AMEN

(ULITIN ANG MGA MISTYERYO NG 5 BESES


MAGBUHAT SA “O LUBHANG
MAAWAIN…..AT ISUNOD ITO)

PAGHAHAIN
Katamis-tamisang kong Hesus, na sa pagsakop sa
sangkatauhan ay inibig Mong Ikaw ay ipanganak ng ika-
walong araw; Nabuhos ang unang patak ng mahal Mong
dugo, sa pagsunod sa utos ni Moises. Inari kang hamak ng
mga hudyo;ipinagkanulo ka ni Hudas sa mga lilo; sa isang
halik sa mukha, iginapos at dinala sa kamatayang parang
maamong kordero. Ipinaghatid-hatiran ka sa apat na
hukuman kay Anas, kay Kaipas, kay Pilato at kay Herodes;
hinubdan Ka at paratangan, pinatotohanan ng mga bulaang
saksi; tinampal, pinagmurahanan, hinampas ng walang
bilang, pinutungan ng tinik, pinalo ka ng kawayan at
tinakpan ng isang panyong pula, hinalay Ka’t hinubdan sa
harap ng sambayanan, pinalo Ka saka biglang ibinangon
ang krus na pinagpakuan sa Iyo. Ipinaris Ka’t ipinagitna sa
dalawang magnanakaw, pinainom Ka ng suka at apdong
mapait, inulos ng sibat ang tagiliran Mong Mahal na
binukalan ng dugo at tubig. Hanguin Mo po Panginoon
naming Diyos and kaluluwa nitong namatay na si
_______________ sa kinalalagyang hirap alang-alang
pakundangan sa kapait-paitang sakit na giliw Mong Inang
kasantu-santusan at ng nararapat siyang mapasok sa
maluwalhating mong bayan pinaglagyan Mo sa mapalad na
magnanakaw na ipinako’t isinama sa Iyo poong Diyos noong
nabubuhay Ka’y naghahari kasing-isa ng Ama, ng Anak at ng
Diyos Espiritu Santo maparating man saan. SIYA NAWA.
LAHAT: MAG KRUS
Aba anak ng Diyos Ama
Aba Ina ng Diyos Anak
Aba Esposa ng Diyos Espiritu Santo
Aba Simbahang Mahal ng Santisima Trinidad
Aba Kasantu-santusang Birhen Mariang di nagmana
ng kasalanang orihinal

(DASALIN ANG SUMUSUNOD:)


AMA NAMIN… BIGYAN MO PO KAMI………..
ABA MARIA…….. SANTA MARIA…………….
LUWALHATI……. KAPARA NOONG UNA……..

KYRIE ELEISON
CHRISTE ELEISON
KYRIE ELEISON
KRISTO PAKINGGAN MO KAMI
KRISTO PAKAPAKINGGAN MO KAMI

NAMUMUNO: SAGOT:

Diyos Ama sa Langit Maawa ka sa


kanya
Diyos Anak na tumubos sa Maawa ka sa
sanlibutan kanya
Diyos Espiritu Santo Maawa ka sa
kanya
Santa Trinidad na Tatlong Persona Maawa ka sa
at iisang Diyos kanya

NAMUMUNO: SAGOT:
Santa Maria………………………………………… Ipanalangin Mo Sya

Santang Ina ng Diyos……………………………………………………

Santang Birhen puno ng mga Birhenes……………………………

Ina ni Kristo…………………………………………………………………

Ina ng Grasya ng Diyos…………………………………………………

Ina kalinis-linisan…………………………………………………
Inang walang malay sa kahalayan…………………………………

Inang di malapitan ng masama…………………………………………

Inang kaibig-ibig……………………………………………………………

Inang Kataka-taka………………………………………………………………

Inang may gawa sa lahat………………………………………………………

Ina ng Mapag-adya……………………………………………………………
Ina ng mabuting asal……………………………………………………….

Birheng Kapaham-pahaman………………………………………………

Birheng dapat igalang……………………………………………………

Birheng dapat ipagbantog…………………………………………………

Birheng Makapangyayari……………………………………………………

Birheng Maawain………………………………………………………………
Birheng matibay ang loob sa magaling………………………………

Luklukan ng Karunungan……………………………………………………

Mula ng tuwa naming…………………………………………………………

Sisidlan ng Kabanalan…………………………………………………………

Sisidlang bunyi at bantog……………………………………………………

Sisidlan ng bukod na makusaing sumunod sa Panginoon…..

Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga

Tore ni David………………………………………………………………………

Toreng Garing……………………………………………………………………

Bahay na Ginto…………………………………………………………………

Kaban ng Tipan…………………………………………………………………
Pinto ng Langit…………………………………………………………………

Talang Maliwanag……………………………………………………………

Mapagpagaling sa mga may sakit……………………………………

Masakdalan ng mga taong makasalanan………………………………

Mapang-aliw sa mga nagdadalamhati……………………………

Mapang-ampon sa mga Kristiyano…………………………………

Reyna ng mga Angeles……………………………………………………

Reyna ng mga Propetas……………………………………………………

Rayna ng mga Patriyarkas……………………………………………


Reyna ng mga Apostoles………………………………………………..

Rayna ng mga Martires……………………………………………………


Rayna ng mga Confesores………………………………………………

Rayna ng mga Birhenes……………………………………………………

Rayna ng mga Santo…………………………………………………………

Reynang ipinaglihi na di nagmana ng


Kasalanang Orihinal
Reyna ng kapayapaan…………………………………………………….

Reyna ng Kasantu-santusang Rosaryo……………………………

NAMUMUNO: Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga


kasalanan ng sanlibutan.
SAGOT: Patawarin Mo po sya Panginoon namin.
NAMUMUNO: Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga
kasalanan ng sanlibutan.
SAGOT: Pakapakinggan Mo po sya Panginoon
namin.
NAMUMUNO: Kordero ng Diyos na nakawawala ng
kasalanan ng mga santinakpang Langit.
SAGOT: Maawa ka sa kanya Panginoon namin.

NAMUMUNO: Sa ilalim ng Iyong pagtatangkilik ay


kumakanlong kami sa Iyo, O Santang Ina ng Diyos, sa
tuwi-tuwinang kami ay dumadalangin, magdalita’t iyong
lalo’t kung makapangyayari ay iadya Mo kami oh
maluwalhating Birheng walang pagmamaliw.
NAMUMUNO: Panginoon naming Diyos kalingain mo
po’t dinggin ang aming panalangin.
SAGOT: Dumating nawa sa Iyong tainga ang aming
mga panalangin. (3 beses uulitin).

NAMUMUNO: Panginoon naming Diyos, kasihan Mo nawa


ang kanyang kaluluwa ng Iyong Mahla na
grasya ay yayamang dahilan sa pamamalita
ng anghel ay nakilala naming ang
pagkakatawang-tao ni Hesukristong anak
Mo alang-alang at pakundangan sa Iyong
Mahal na Pasyon at pagkamatay sa krus ay
pakinabangan Mo po sya sa Iyong
pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian sa
langit alang-alang kay Hesukristong
Panginoon naming. SIYA NAWA.

NAMUMUNO: Yaon nawang Iyong mahal na grasya


santong buhay at kaluluwa ipinagkaloob Mo po Birheng
Maria sa nagnanasa ng lubos na sinta sa hirap at sakit
Ninyong Mag-ina sa pasyon at pagkamatay Niya sa krus ay
mapatanim sa ala-ala na parang punyal na tuminga sa
dibdib Mo po ay amiong Nakita ang pitong espada ng
habag at pangungulila pagbabayad sa aming mga sala.
Kaya magdalita Ka Mahal na Señora iamo-amo Mo po sya
sa Miserikordya na makinabang sya sa kaginhawaang
walang pahkakaiba Amen Hesus.
Ipinagtatagubilin naming sa Iyo Poong Diyos ang kaluluwa
ng namatay na si _____________ sapagkat sya ay
namatay na dito sa mundo ay papakinabangin Mo po na
mabuhay diyan sa langit. Ang mga salang nagawa nya ayon
sa karupukan ng kanyang loob o kahinaan ng kanyang
katawang lupa sa awa mo ring walang katapusan ay
umaasa kaming patatawarin mo rin alang-alang sa mga
karapatan ni Hesukristong Panginoon namin. SIYA NAWA.
****REMOS****
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapanyayari sa
lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya
naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng
Espiritu Santo; ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Ponsio Pilato; ipinako sa krus, namatay at
ibinaon. Nanaog sa mga impiyerno; nang may ikatlong
araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit; naluluklok sa
kanan ng Diyos Amang makapangyayari sa lahat. Doon
magmumula't pariritong huhukom sa nangabubuhay at
nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos
Espiritu Santo, sa banal na simbahang Katolika; sa
kasamahan ng mga Banal, may ikawawala ng mga
kasalanan; at mabubuhay na mag uli ang nangamatay na
tao, at may buhay na walang hanggan. Amen.

NAMUMUNO: Aba Birheng Maria, Birheng di pa


nanganganak, Birhen namang nakapanganak na, napupuno
ka ng grasya ang Panginoong Diyos ay sumasaIyo bukong
kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala ka naman ng
Iyong anak na si Hesus.

SAGOT: Santa Mariang Ina ng Diyos patawarin Mo po sya


sa kanyang mga kasalanan sapagkat sya ay namatay na.

NAMUMUNO: Aba Birheng Maria, Birheng Esposa ng Diyos


Espiritu Santo, ang Panginoong Diyos ay sumasaIyo bukong
kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala ka naman ng
Iyong anak na si Hesus.

SAGOT: Santa Mariang Ina ng Diyos patawarin Mo po sya


sa kanyang mga kasalanan sapagkat sya ay namatay na.

NAMUMUNO: Aba Birheng Maria, Birheng simbahang


mahal ng santisima Trinidad napupuno ka ng grasya ang
Panginoong Diyos ay sumasaIyo bukong kang pinagpala sa
babaeng lahat at pinagpala ka naman ng Iyong anak na si
Hesus.

SAGOT: Santa Mariang Ina ng Diyos patawarin Mo po sya


sa kanyang mga kasalanan sapagkat sya ay namatay na.

NAMUMUNO: Requiem aeternam dona eis, Domine.

SAGOT: Et Lux Perpetua Luceat Eis.

NAMUMUNO: Requiscant in pace

SAGOT: AMEN

NAMUMUNO: AMA NAMIN……………


SAGOT: BIGYAN MO PO KAMI………….
NAMUMUNO: ABA MARIA…………
SAGOT: SANTA MARIA INA NG DIYOS………..
NAMUMUNO: Requiem aeternam dona eis, Domine.

SAGOT: Et Lux Perpetua Luceat Eis.

NAMUMUNO: Requiscant in pace

SAGOT: AMEN
Aba po Santa Maria Reyna, Ina ng Awa, ikaw ang kabuhaya’t
katamisan; ay Aba pinanaligan ka namin. Ikaw nga po ang
tinatawag namin, pinapanaw na taong anak ni Eba. Ikaw rin
ang pinagbuntungang-hininga namin sa aming pagtangis dini
sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay Aba, pintakasi ka namin,
ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain at saka
kung matapos yaring pagpanaw Mo sa amin, ipakita Mo sa
amin ang Inyong anak na si Jesus, Santa Maria Ina ng Diyos
maawai’t maalam at matamis na Birhen. Kami’y
ipanalangin mo ng mapatuloy sa amin ang mga pangako ni
Hesukristong Panginoon.

NAMUMUNO: Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng


Diyos.
• Nang siya’y maging dapat makinabang sa mga
pangako ni jesukristong Panginoon namin. SIYA NAWA

Aba Divino Sagrario, Aba birhen del Rosaryo, Aba nanganak


sa Verbo na Ina ni Hesukristo.

O Birheng walang katulad, Ina ng Divos Anak, pakinggan di


man dapat ang aming tinawag-tawag.

O Birheng Inang walang kasing-dunong, mapagkalinga't


mapag-ampon ang aming hingi at panaghoy ay pakinggan
mo rin po ngayon.
Pagtawag naming maulit sa Inyo Birheng Marikit kamtan
mawa naming masapit itong daing namin at hibik.

At ito po namang namatay __________ (pangalan) ang


pangalan Iyong biyayaan ng magandang kapalaran Iyong
itawag dalangin kay Hesus Anak mong giliw, ang Inyong
abang alipin, na aming idinaraing.

At itong limang misteryo alay at hain namin sa inyo siya


po'y papagkamtin Mo ng mahal na Santo Rosaryo.

Yayamang pabor sakdalan ang taong makasalanan,


Birhen inyong kaawaan ipag-adya sa kaaway.

Ang mga salang nagawa ng siya'y nabubuhay sa lupa, kayo


na
po ang bahalang magpatawad at maawa.

O Birheng Inang masaklolo, alang-alang sa gatas Mo


na sinuso ng anak Mo, siya po'y kaawaan Mo.

Iyong ipisa't ilangkap sa mga kasi mo't alagad kasambahay


at kagawad diyan sa bayan mong mapalad.

Sampo kami'y dumaraing tumatawag dalangin, ang iyo


pong abang alipin, Iyo pong kaawaan din.

At upang kami'y matutong mamintuho ng utos


Mo yayamang siya’y alipin Mo, naghihintay saklolo at sa
huling buhay ikalawa kanyang kamtan nawa baga ang
langit Santa Gloria, siya nawang walang hanggan.

Santos deus, Santos portes


Santos imortales Misereneo (3x)

Birhen po itong aming hain di man dapat ay tanggapin, ang


kaluluwa po ay ampunin sa kamatayan ay darating sa
langit ay pagpalain sa wakas ng buhay namin Birhen kami’y
lingunin mo kaming tumatawag sa Iyo nagdarasal di man
totoo ng Santo Rosaryo loobin mo na po Diyos manatili kay
Hesus Maria’t Hosep Bendito Alavado Se Al Santisimo
Sacramento dela Altar dela limpia Immaculada Concepcion
dela Virgen Maria Madre de Dios Señora Nuestra Concivida
Semancha Depicado orihinal Infremeenestante Decicir,
natural por siempre Hamas. AMEN.

Bigyan po tayo ng Diyos ng magandang hapon isapit nawa


ng mahal na umaga ng walang anumang karamdaman
tayong lahat ng Kristiyano sa ibabaw ng lupa Amen Hesus.

Namumuno:Ave Maria Purisima

Sagot: Simpicado Consivida (3X)


NAMUMUNO: Requiem aeternam dona eis, Domine.

SAGOT: Et Lux Perpetua Luceat Eis.

NAMUMUNO: Requiscant in pace


SAGOT: AMEN
Ang tanda ng Santa Krus ipagadyan mo kami Panginoon
naming Diyos sa mga kaaway namin.
Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

AMEN.

You might also like