You are on page 1of 2

Sana all may jowa

Sana all may kaholding hands today

Sana all may flowers at chocolates

Sana all may kaulayaw mamayang gabi

Sana all may nagmamahal

Sana all may minamahal.

Sana all ang salitang nangingibabaw sa mga single sa Valentines

SANA ALL SANA ALL SANA ALL…

Maging ako hindi ako nakaligtas sa mga sana all na ito.

Habang naglalakad ako pauwi, hindi ko mabilang kung ilang magjowa ang nakita ko sa daan,
magkaholding hands, nag kikiss. Nakangiti, may bigayan ng flowers stuffed toys chocilates.

Lahat na lang ba ng masasalubong kong tao sa labas ay by twos. May world wide announcement ba na
the boat is sinking, group yourselves into 2?

Sa araw na ito, hindi ko mabilang kung ilang beses ko nasabi na SANA ALL.. sa bawat jowang
makakasalubong ko. Hanggang sana all na lang ba talaga ako?

Sandali akong nanahimik at nag isip isip. Napatanong, Bakit ba ako sana all nang sana all? Sa
pakikipagusap ko sa tao sa harap ng salamin, nalaman ko na ang mga sana all ko pala ay another way of
saying na sana ako rin o sana ako na lang ang nandoon. Sinasalamin ng mga sana all ko ay ang mga
pansariling pangangailangan na gusto kong matugunan, mga posibilidad na sinubukan kong isantabi
para sa buhay ng paglilingkod. Ngunit ako bilang tao, nakakaramdam ng kalungkutan, inggit,
panghihinayang, at ito ay mahirap ipahayag sa salita, kaya napapabugtong na lang ako sabay
napapabulong, sana all.

Sa aking pagbugtong hininga, napattawag ako sa Kanya, at napatanong Lord hanggang sana all na lang
ba talaga ako? Unfirtunately hindi siya nagreply.NR

Sa katahimikan ko sa bus sa pag biyahe pauwi. Sa gitna ng mga magkakapares na lovers na nakatabi ko.
Napagmunimunihan ko. Tao nga lang talaga ako, naghahanap lang ng mga bagay na wala ako, sa
kakasana all ko, hindi ko na malayan na napakaraming biyaya ang meron ako. Na ako pala ay
nagmamahal at minamahal. Naisip ko bakit kaya imbes na sayangin ko ang oras sa kakasana all ko sa
mga bagay na wala ako, bakit hindi ko gamitin ang sana all para ipagdasal ang mga tao sa paligid ko.

Sabay nakita ko ang mga batang hamog na namimigay ng sobre sa bus, marumi, maingay, naisip ko sana
all ng bata makapag aral at magkaroon magandang kinabukasan. Tapos napakaraming sana all na
pumasok sa isip ko. Sana all malaman na sa kabila ng pahihirap sa buhay, may pag asa, at may
nagmamahal sa kanila. Sana all ng nadedepress at nawawalan ng gana mabuhay malaman na mas
maganda ang mundo dahil sila ay nandito. Sana all pantay pantay, kahit iba iba ang relihiyon, dilawan
mman o dds, mahitlrap man o mayaman. Sana all makaranas ng kabaitan ng kapwa. Sana all maging
mabuti sa pakikipagkapwa. Sana allrespetuhin at matuto rumespeto. Sana all makaranas ng justice
mercy. Sana all malaman ang truth. Sana all truthful. Sana all malaman nila na kahit gaano man katindi
ang pagsubok ng life, hindi sila nag iisa, may kasama sila, may nagmamahal sa Kanila. Sana all ng families
buo. Sana all ng marriages magwork. Sana all ng mag asawa sikapin maging matapat at patatagin ang
pamilya. Sana all ng fake news mawala na. Sana all maging peaceful sa kabila ng pagkakaiba iba, sana all
ng wars matapos na. Sana all ng violence matapos na. Sana lahat igalang ang sanctity of life. Sana all..
sana all sana all..

At higit sa lahat, wala man akong jowa, sana all matutunan kong tanggapin at mahalin kahit mahirap.
Sana all ng makasalamuha ko maiparamdam ko sa kanila ang pagmamahal ng Diyos na unang nagmahal
sa akin. Sana all makaalam kung gaano tayo kamahal ni Hesus. Sana all makaalam na ang pinakadakilang
mangingibig ay nasa banal na Sakramento.

At sa huli, sana all magkikita sa langit kapag si Kristo ay bumalik na. Sana all.. magmahalan.. sana…

You might also like