You are on page 1of 4

RITUWAL NG PAGTATALAGA AT PAGSASARIWA SA PANGAKO

NG MGA TAGAPAGLINGKOD SA DAMBANA

Ito ay maaaring gawin matapos ang homiliya. Sisimulan ito sa pamamagitan ng pagtawag ng
Pangulo o sinumang naatasan sa mga itatalaga. Pupunta ang mga tinawag sa may santuwaryo.

I. Pagtawag sa mga tatanggaping Tagapaglingkod sa Dambana

Pangulo: Lumapit ang mga tatanggapin at itatalagang


Tagapaglingkod sa Dambana, na sina;

Lalapit ang mga tatanggaping Tagapaglingkod sa Dambana sa may gawi ng


santuwaryo.

Gayundin ang mananariwa ng pangako sa


paglilingkod sa Dambana na sina;

Lalapit din ang mga magsasariwa ng pangako bilang mga Tagapaglingkod sa


Dambana sa mga gitnang pasilyo ng Katedral.

Pangulo: Minamahal naming Reberendo Padre Rico de Perio


Fagela, narito po ang mga nagnanais magtalaga ng
kanilang sarili, gayundin naman ang mga mananariwa ng
kanilang pangako sa paglilingkod sa dambana ng
Panginoon. Sumailalim na po sila sa paghubog, at
nakapasa sa mga pagsusulit na nararapat sa mga nais
maging Tagapaglingkod sa Dambana.

II. Pagpapahayag ng Pananampalataya

Pari: Mga kapatid, ikinagagalak ng Panginoon at


maging ng Kaniyang sambayanan ang inyong
pagkakaloob ng sarili sa paglilingkod sa Kaniyang
Dambana. Bilang patunay ng inyong kagustuhan at
kahandaan sa paglilingkod, ipahahayag ninyo ang
inyong maging dapat na panuntunan bilang mga
Kristiyano, lalo na bilang mga lingkod ng Kaniyang
Dambana.

Sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat at


lumikha ng langit at lupa, kayo ba ay
sumasampalataya?

Mga Itinatalaga: Opo, Sumasampalataya kami.

Pari: Sa iisang Anak ng Diyos, ang ating Panginoong


Hesukristo, na ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing, muling nabuhay
at naluklok sa kanan ng Ama, kayo ba ay
sumasampalataya?

Mga Itinatalaga: Opo, Sumasampalataya kami.

Pari: Sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang


Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa
kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling
pagkabuhay ng mga namatay, at sa buhay na walang
hanggan, kayo ba ay sumasampalataya?

Mga Itinatalaga: Opo, Sumasampalataya kami.

Pari: Ito ang ating sinasampalatayanan, ang misteryo


ng ating pananampalataya na ipinagdarasal ng Inang
Simbahan sa lahat ng tao, sa lahat ng panahon at
dako, sa ngalan ni Hesukristong ating Panginoon.

Lahat: Amen.
III. Pagbabasbas at Pagtatalaga

Pari: Manalangin tayo.

Iuunat ng pari ang kanyang mga kamay sa mga itinatalaga at magsasariwa. Samantala,
tatayo ang lahat at luluhod naman ang mga itinatalaga, at mananatili namang nakatayo
ang mga mananariwa.

Tagapagpaliwanag: Magsitayo ang lahat.

Darasalin ng pari ang sumusunod na panalangin:

Amang mapagmahal,
Ikaw ang tumawag sa mga anak Mong ito
upang magtalaga ng sarili sa paglilingkod sa Iyo.
Ikaw ang humihirang at nagpapagindapat sa kanila
upang maging mga Tagapaglingkod Mo sa Iyong Dambana.
Basbasan Mo + ang mga lingkod Mong ito
upang sila ay maging mabubuting tagapakinig ng Iyong Salita
Nang sa gayon, maging mahusay din sila
sa pagsasabuhay ng Iyong mga aral.
Liwanagan Mo ang kanilang mga isip
at pag – alabin sa pag – ibig ang kanilang puso
sa pagsunod sa Iyo,
at nawa’y maganap nila ang kanilang gampanin
nang buong katapatan.
Maging magalang nawa sila sa Iyong harapan,
at magsumikap na tumulad sa Iyong kabanalan.
Patuloy nawa silang maging halimbawa
ng tunay na buhay panalangin,
masikap na pagkilala sa Iyo,
at puspusang paglilingkod sa kapwa.
Pagsikapan nawa nilang mamuhay lagi
nang ayon sa Iyong kalooban.
Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Hesukristo,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

Kung lumuhod ang mga bagong Tagapaglingkod sa Dambana, tatayo sila. Wiwisikan
ng pari ng banal na tubig ang mga itinalaga.

IV. Pagkilala sa mga Itinalaga

Pari: Bilang pagtanggap at pagbati sa kanila,


pasalubungan natin sila ng masigabong palakpakan.

Haharap ang mga bagong talaga sa sambayanan, gayundin ang mga nanariwa ng
pangako sa paglilingkod. Matapos ng palakpakan, sila ay tahimik na lilisan at babalik
sa kani - kanilang lugar. Magpapatuloy ang daloy ng misa.

You might also like