You are on page 1of 1

KAPISTAHAN NG BIRHEN NG KAPAYAPAAN. JN. 19, 25-27.

Sa ating binasang Ebanghelyo, ito yung si Jesus ay nakapako sa krus at nag-aagaw hininga. At naroon sa
kanyang paanan si Maria at si Juan. At noon bago malagutan ng hininga, itinagubilin ni Jesus ang
kanyang Ina kay Juan. At gayon din naman si Juan na kumakatawan sa mga alagad ay itinagubilin niya
kay Maria.

Kaya nga, tumingin si Jesus sa kanyang ina at ang sabi: “Narito ang inyong anak”, at kay Juan na kanyang
paboritong alagad sinabi: “Narito ang inyong Ina”. kaya naman, nang sandaling iyon si Maria ay itinuring
na ng mga alagad at ng Simbahan bilang Ina ng Simbahan.

So, Mary is not only the Mother of Christ but also the Mother of the Church, thus our own mother. At
yun ang dahilan kung bakit gayon na lamang ang debosyon natin. Tayong mga katoliko tayo ay laging
binabatikos ng mga protestante, mga born again. Sabi nila: “Kayo, mga katoliko, sobra naman ang
pagpapahalaga ninyo kay Maria. Halos ituring ninyo nang Diyos, so yung pagpapahalaga tama iyon, pero
yung ituring si Maria bilang Diyos, hindi iyon totoo.

Sapagkat, Alam pa rin natin na si Maria Siya ay pinili ng Diyos upang maging Ina at magsisilang sa Diyos
na magkakatawang tao.

Alam natin na si Maria ay nanatili pa ring tao. Hindi naman nabago ang kanyang kalikasan bilang tao.
Nanatili pa rin siyang tao. Hindi siya naging Diyos. Bagamat siya ay kakaiba sa atin dahil tayong lahat
pinaglihi na may bahid ng kasalanan. May kasalanang mana, subalit si Maria ay itinakda na sa simula pa
ng panahon upang huwag siyang mabahiran ng kasalanan dahil Siya nga, ang magsisilang sa Anak ng
Diyos.

Kaya, sa simula pa lamang siya ay iniligtas na ng ating Panginoon. At ngayong nga, ay ipinagdiriwang
natin si Maria bilang Reyna ng Kapayapaan. Kaya, kay Maria din tayo humingi ng tulong sa Panginoon. Si
Maria ang ating pinaka-number 1 na nananalangin para sa ating lahat, para sa Simbahan. Sapagkat siya
ang Ina ng Diyos at Ina din ng Simbahan. Kaya, lagi tayong humingi ng panalangin mula sa ating Ina na
nagmamahal sa atin at nagmamahal sa Simbahan.

After all, Our Mother was chosen by God to fulfill a unique role in the history of Salvation. She became
the Mother of Jesus, the Son of God, thus She is the Mother of God. And Jesus revealed her role of
Mother of his Church at the feet of the cross , thus She is our Mother and our Teacher.

Dahil sa natatanging papel na ito, si Maria ay naging halimbawa ng isang tunay na alagad. Siya ang
masasabing unang tumanggap sa kanyang buhay sa nagkatawang taong Salita ng Diyos. Let us follow her
example and let us ask for her help always.

You might also like