You are on page 1of 2

Sem. Danielle V.

Nadal 1st Year College


FILIPINO November 26, 2019

Debosiyon kay Inang Maria

Tayong mga Pilipino ay may likas na pagpapahalaga sa ating mga pamilya. Kung sa
ganoon ay maipapakita natin kung gaano kahalaga ang presensiya ng bawat miyembro ng pamilya.
Isa sa mga pagpapahalaga na ito ay nakatuon sa ating ina. Inang nagsisilbing ilaw ng tahanan,
inang nagsisilbing gabay sa lahat ng oras, inang mapagmahal at maunawain. Ngayon ating
talakayin ang isang ina na pumapatnubay sa ating mga Kristiyano at siya ay ang ating Inang Maria.
Si Maria ay isang babae na inilarawan ng Diyos bilang isang babaeng kaniyang “kinalugdan”
(Lukas 1:28). Na galing sa salitang Griyego na nangangahulugan na “binigyan ng maraming
biyaya. At nagwika si Maria, “Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon, at nagagalak ang aking
espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.” Siya ay isang babaeng makadiyos na biniyayaan
ng Diyos (Lukas 1:27-28).

Patungkol dito, may mga iba’t ibang mga debosiyon na ginagawa ng mga Kristiyano bilang
pagpapakita ng kaniyang matibay na pagmamahal kay Inang Maria at ilan sa mga ito ay pagdadasal
ng rosaryo, pagsuot ng skapulariyo, pagnonobena at iba pa. Sa pamamagitan nito ay
naisasalarawan natin ang ating pananampalataya sa Inang Maria na sumisimbolo sa ating mga
buhay na siyang atin ding Ina.

May anim ding mahahalagang bagay ang sumisimbolo kay Inang Maria, at ito ay:

- Lilia (Fleur de Kiz) - isang bulaklak na simbolo ng paglilihing walang sala kay Mria, o
(Immaculada Concepcion).

- M (malaking titik M) - bilang unang letra sa pangalan o inistiyal ni Maria, at kung may krus sa
gitna nito ay nagiging simbolo ng Miraculous Medal, at kung malaking titik M naman ang nasa
gitna ay simbolo ng mga katagang Ave Maria bilang inistiyal nito, sap ag ala-ala sa pagbati ngf
Anghel kay Maria.
- Bituin - kadalasang ginagamit ng Lehiyon ni Maria bilang pauna sa pangalan ng maliit na pangkat
nito.

- Korona - na sumisimbolo bilang reyna ng langit at lupa, reyna ng simbahan.

- Rosaryo – na dinarasal ng mga katoliko bilang paggunita sa mga ministeryo ni Hesus sa kaniyang
pagsilang hanggang sa kaniyang pag-akyat sa langit at paggiging bahagi ni Maria. At ang huli ay
ang;

- Kulay Asul – na sumisimbolo sa kasuotan ni Maria.

Sapagkat, sa pamamagitan ng anim na mga bagay na ito ay naipapakita natin ang ating
pananampalataya kay Inang Maria. Kung saan, likas sa ating mga Pilipino ang kahalagahan ng
ating pananampalataya at pag-dedebosiyon sa ating Inang Maria sa pamamagitan nito ay mas lalo
pa nating binibigyang buhay ang ating pananampalataya sa ating Inang Maria. Na siyang
nagpapaalala sa ating mga Kristiyano ang kahalagahan ng buhay na ginagampanan ni Inang Maria
sa buhay ng ating Panginoon na siyang kanyang Anak at kanyang Panginoon at siya ring ating
Panginoong Diyos na siyang lumikha ng lahat. May apat na antas ng pagsamba

Una: Dulia – ay ang tinatawag na benerasiyon na nagbibigay paggalang sa mga santo.

Pangalawa: Proto Dulia – ay ang pagbibigay parangal kay San Jose na siyang tumatayong Ama ng
ating Panginoong Diyos na ating tagapagligtas.

Pangatlo: Hyper Dulia – ay ang tinatawag na sobrang paggalang sa ating Inang Maria na Reyna
ng buong sanlibutan at Ina ng ating Panginoong Diyos.

Pang- apat: Latria – ay ang tinatawag na pagsamba sa Panginoong Diyos na siyang ating
Panginoon. At ang isa sa apat na antas ng pagsamba ay nagbibigay buhay at paggalang sa ating
pananampalataya sa Inang Maria at nagbibigay daan upang mas lalo pa nating maunawaan ang
totoong kahulugan ng ating pag-dedebosiyon sa ating mahal na Inang Maria.

At mga minamahal kung kapatid ng Kristo: Paano ba natin binibigyang pansin at halaga ang
presensiya ng ating mahal na Ina sa ating buhay?

Magandang Umaga!!! At Maraming Salamat!!!

You might also like