You are on page 1of 2

INANG MARIA: Kanlungan ng Puso ng Ebanghelisasyon

Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon, at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas. Ang panalanging ito ni Maria ay naglalarawan kung ano ang tunay na nilalaman ng kanyang puso at kung bakit siya ay tinawag na bukod tanging pinagpala sa babaeng lahat. Dito makikita hindi lang ang taos-pusong pasasalamat at papuri niya sa Panginoon kundi ang kanyang kababang-loob. Hindi kailanman ninais ni Maria na maangkin ang papuri o atensiyon para sa kaniyang sarili kundi ang purihin si Cristo. Higit pa rito, itinuturo sa atin ni Maria na tumingin sa Diyos para sa kaligtasan at hindi sa kaniya o sa kung sino pa man. Sinabi niyang ang Diyos na aking Tagapagligtas. Ipinapahiwatig din niya sa kanyang panalangin na nararapat na tawagin ang pangalan ni Jesus at hindi ang pangalan ni Maria, sapagkat ayon na rin kay apostol Pedro, Walang kaligtasan kanino man, sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na ating ikaliligtas. Sa pusong punong-puno ng pasasalamat at papuri nanggagaling ang isang malayang pagsang-ayon sa Plano ng Diyos. Ang pagiging ina ni Cristo ang pangunahing dahilan kung bakit siya naging kanlungan nang nakakarami. Alam ni Maria kung gaano kahirap magpalaki ng anak. Alam niya kung ano ang nadarama ng bawat ina dahil siya ang nagluwal kay Hesus, Siya ang naging gabay nito para lumaki nang may malalim at matatag na pananampalataya sa Panginoon. Sa kanya minana ni Hesus ang tunay na pagpapaubaya at pananalig sa Diyos. Maraming beses man niyang gustong sumuko, siya ay nanatiling nagpasakop sa kalooban ng Diyos hanggang sa wakas.

INANG MARIA: Kanlungan ng Puso ng Ebanghelisasyon

Ang ating inang si Maria ay karapat dapat maging halimbawa nang sinuman para sa paghahandog ng ating sarili sa Panginoon. Kailangan nating ipakita at gawin siyang gabay para sa pagpapaubaya sa kalooban ng Diyos sa ating buhay. Ang bawat isa ay dapat magsikap at magkaisang mamuhay para sa pagbabago sa pamamagitan ng kabutihan at hindi sa kasamaan. Bigyang diin natin sa ating buhay ang halimbawa ni Maria upang ang ating pananampalataya sa Maykapal ay magdulot sa atin ng buhay na walang hanggan.

You might also like