You are on page 1of 3

Aralin 8 : Si Maria ang Piniling Ina ng Diyos

1. Pambungad

Aba Ginoong Maria, Napupuno ka ng grasya


Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, Bukod
kang pinagpala Sa babaeng lahat, At pinagpala
naman ang iyong anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos. Ipanalangin mo


kaming makasalanan
Ngayon at kung kami’y mamamaay.
Amen.

11. Paglalahad

Salita ng Diyos : ( Lukas 1:30-38)

Ang Anghel Gabriela ay isinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea sa isang dalaga na ang
pangalan ay Maria. Siya’y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa lipi ni Haring
David. Paglapit ng Anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binate niya ito, “Matuwa ka, ikaw ay
kalugod-lugod sa Diyos.” Wika niya. “ Sumaiyo ang Panginoon!” Nagulumihanan si Maria sa
gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya’t sinabi sa
kanya ng Anghel, “Huwag kang matakot Maria,sapagkat kinalulugdn ka ng Diyos, Makinig ka!
Ikaw ay mag-lilihi at manganganak ng isang lalaki at Siya’y tatawagin mong Hesus. Magiging
dakila Siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa Kanya ng Panginoong Diyos ang
trono ng Kanyuang amang si David,
Maghahari Siya sa angkan ni Jacob magpakailanan, at
ang Kanyang paghahari ay walang hanggan”. “ Paanong
mangyayari ito, gayong ako ay dalaga?” tanong ni
Maria. Sumagot ang Anghel, “Bababa sa iyo ang
Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng
Katas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at
tatawaging Anak ng Diyos.” Sumagot si Maria, “Ako’y
alipin ng Panginoon, Mangyari sa akin ang iyong
sinabi.” At nilisan siya ng Anghel.

Isinugo ng Diyos Ama ang Kanyang Anak at upang mangyari ito, hinangad Niya ang
maflayang pagsang-ayon ng isang babae, kaya nga sa simula’simula pa pinili na ng Diyos si
Maria upang maging Ina ng Kanyang Anak, isang babaeng Judea ng Nazaret ng Galilea.
Ang isang Birheng nakatakdang ikasal sa isang lalaking nag ngangalang Jose mula sa lipi ni
Haring David.
Upang maging karapat-dapat na Ina ng Tagapag-ligtas, si Maria ay kinasihan ng Diyos
ng mga kaloob at biyaya alinsunod sa kanyang dakilang Misyon. Siya ay pinuno ng grasya.
Hindi pa man isinisilang ang Tagapag-ligtas ay nag-bunga na ang Kanyang misyon, dahil
ang unang taong nagkamit ng kaligtasang dala ni Hesus ay walang iba kundi si Maria na Kanyang
Ina. Ipinaglihi ni Sta. Ana si Maria na hindinabahiran ng kasalanang orihinal.
(Immaculate Conception).
At ang dogma na ito (Immaculate Conception) ay ipinahayag ni Papa Pio 1X noong
Disyembre 8, 1884, tungkol sa kalinis-linisang paglilihi kay Maria. Ito rin ang Patron ng ating
bansang Pilipinas.
Si Maria ay anak nina Joachim at Ana, at siya’y inihandog sa templo upang maging
tagapag-lingkod, kung kaya’t lumaki siyang madasalin, masunurin at maraming alam sa
pananampalataya. Kung kaya’t siya rin ang unang alagd ni Hesus.

111. Pagbubuod

Sa pagdarasal natin ng panalanging Aba Ginoong Maria, tayo’y parang katulad ni Anghel
Gabriel na bumabati kay Maria, “Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya”, At tulad ni
Elizabeth na bumati din kay Mari dahil sa galak ng ito ay kanyang dinalaw, “Bukod kang
pinagpala sa babaing lahat”.

Sa huling bahagi ng panalangin, itinuturo ng Simbahan na si Maria ay Ina ng Diyos, at


hindi siya Diyos, “:Santa Maria, Ina ng Diyos”. Hinihiling natin ang kanyang tulong na dalhin
n’ya tayo sa kanyang anak na si Hesus, “Ipanalangin mo Kami”.

1V. Pagsasabuhay

Likas sa ating mga Pilipino ang maka-nanay (maka-inda), kung kaya’t tayo ay may
Malaking debosyon at pagmamahal kay Maria, na atin ding ina “Mama Mary” kung tawagin
natin siya. Kung paanong lumalapit tayo at humihingi ng tulong sa ating Inang Maria, gayundin
naman na malapit siya sa ating mga puso.

Dahil sa langit si Maria ay katabi lamang ng kanyang anak na si Hesus, anumang hilingin
naming sa kanya ay madaling makakarating sa kanyang anak na si Hesus. Ano man ang hingin ni
Maria sa kanyang anak ay ipinagkafkaloob ni Hesus, subalit habilin din niya na “gawin ninyo ang
inuutos Nya”,tulad ng nangyari sa kasalan sa Cana.

Let us implore the help of our mother, Nuestra Señora Dela Merced to cover us all from
this virus with the mantle of her maternal protection. Amen.

Inihanda ni : Marites D. Peña


Pagsusulit : Aralin 8 : Si Maria ang Piniling Ina ni Hesus
Pangalan __________________________________________

1. Sagutin ang mga sumusunod

1. Sino ang mga magulang ni Maria? __________________________________


2. Taga- saan si Maria ? _____________________________________________
3. Ano ang kahulugan ng “Immaculate Conception”?
______________________________________________________________
4. Sino ang nagpahayag ng dogma sa kalinis-linisang paglilihi kay Maria?
______________________________________________________________
5. Sino ang Anghel na nagpahayag ng magandang balita kay Maria?
______________________________________________________________
6. Sino ang pumili kay Maria upang maging Ina ni Hesus? __________________
7. Ano ang pangalan ng Simbahan natin dito sa Matatalaib?
______________________________________________________________

11. Ano-ano ang mga katangian ni Santa Maria?

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

111. Isaulo ang Panalanging Aba Ginoong Maria, at isulat ng walang kopya

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

You might also like