You are on page 1of 3

Aralin 4 : Moises, Piniling Tagapagturo ng

Pag-sunod sa Diyos
1. Pambungad
Ang Diyos ay pumili at nagpadala ng mga taong huwaran
Natin ng pag-sunod sa kanya, tulad ni Moises. Tinawag siya ng
Diyos upang pamunuan ang Kanyang baying hinirang, ang mga
Israelita. Si Moises ay buong pusong tumugon, nagbigay siya ng
halimbawa ng pag-sunod sa Diyos. Sa pamamagitan n’ya ipinadala
ng Diyos ang sampung uos upang maging gabay natin ng
pagsunod sa Kanya.

11. Paglalahad
Maraming mga tuntunin o batas na ipinatutupad, sa pag-sunod dito tinuturuan tayong
magkaroon ng disiplina at magkaroon na kaayusan ang pamumuhay.
Mahalaga ang pagsunod sa mga tuntunin. Ang Diyos ay nagbigay din sa atin ng tuntunin
na magiging gabay natin. Ito ay ang sampung utos. Pinili Niya si Moises na maging tagapagturo
ng kanyang batas o tuntunin.

Maikling kwento ng kasaysayan mula sa aklat ng Exodus


Ang mga Israelita ay naalipin sa bansang Ehipto, at sa kalagayan nilang ito, sila ay
tumawag sa Diyos upang sila’y iligtas. Dininig ng Diyos ang kanilang dalangin, kung kaya’y sila’y
inalis sa pagkakaalipin sa bansang Ehipto, at dinala sa lupaing ipinangako sa kanila. Si Moises
ang pinili ng Diyos na mamuno sa bayang kanyang hinirang- ang mga Israelita. Subalit hindi
naging madali ang kanilang paglalakbay patungo sa lupaing ipinangako, dumanas sila ng
maraming pag-subok, at pagkalimot sa tunay na Diyos na nag-ligtas sa kanila, kung kaya’t
ibinigay ng Diyos kay Moiss ang sampung utos na nakasulat sa dalawang tapyas ng bato sa
bundok ng Sinai upang maging gabay ng ma tao sa kanilang pamumuhay, at pagpapa-alala sa
Diyos na nag-ligtas sa kanila. Ito ang batas ng Diyos na nagtuturo sa tamang tuntunin sa buhay.
Nais ng Diyos na ang tao ay manatiling masaya at malaya, ito ay mangyayari lamang
kung sila ay mailigtas sa masama. Kaya nga binigay niya sa atin ang sampung utos bilang
tuntunin na dapat sundin. Ito ay matibay na moral na panuntunan para sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay. Ito ay gabay tungo sa tunay na kalayaan.
Batayan : Salita ng Diyos
“Ako si Yahweh ang iyong Diyos na nag-labas sa iyo sa Ehipto at nagpalaya sa iyo mula
sa pagkakaalipin.” (Ex. 20:1-17)

111. Pagbubuod
Ang sampung Utos ng Diyos
1. Ibigin mo ang Diyos ng higit sa lahat.
2. Huwag kang magpahamak na manumpa sa ngalan ng Diyos.
3. Mangilin kung araw ng Linggo at pistang pangilin.
4. Igalang mo ang iyong ama at ina.
5. Huwag kang papatay.
6. Huwag kang makiapid.
7. Huwag kang magnakaw.
8. Huwag kang mabintang o manirang puri sa iyong kapwa.
9. Huwag kang magnasa sa hindi mo asawa.
10. Huwag kang magnasa sa hindi mo pag-aari.

1V. Pagsasabuhay

Ang sampung utos ng Diyos ay hindi lamang ibinigay sa


mga Isreilita kundi sa ating lahat. Itinuturo ito ng ating
simbahan dahil ito ang mahusay na tuntunin sa buhay
kriatiyano.
Ang sampung utos ay nahati sa dalawang dakilang utos
ng pag-ibig; Una : Pagmamahal sa Diyos, “ Ibigin mo ang
Diyos ng higit sa lahat ng buo mong puso, nang buo mong
lakas at buo mong kaluluwa “, Ikalawa : Pagmamahal sa
kapwa, “Ibigin mo ang iyong kapwa kaya ng iyong sarili.
Alamin natin ang sampung utos ng Diyos at gawing
sundin, dahil ito ang nagpapatunay ng pagmamahal ng Diyos
sa atin, kaya’t ibinigay niya ang mga utos sa atin, hindi
hahayaan ng Diyos na mawalay tayo ng landas ng buhay .

Inihanda ni : Marites D. Peña


PAGSUSULIT (Moises Piniling magturo ng pagsunod sa Diyos)

Pangalan : ________________________________________________

1. Sagutin ang mga katanungan


1. Saang bansa naalipin ang mga Israelita? ________________________
2. Kanino ibinigay ng Diyos ang sampung utos sa bundok ? ___________
3. Saang bundok ibinigay ang sampung utos ? _____________________
4. Saan nakasulat ang sampung utos ng Diyos? ____________________
5. Sino ang tinuturing na Bansang pinili ng Diyos? __________________

11. Isaulo ang sampung utos. Isulat ayon sa kagkakasunod-sunod ang


sampung utos ng Diyos ng walang kopya
1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________
4. ________________________________________________________
5. ________________________________________________________
6. ________________________________________________________
7. ________________________________________________________
8. ________________________________________________________
9. ________________________________________________________
10. ________________________________________________________

111. Punan ang patlang ng tamang sagot.

Ang unang tatlong utos ay patungkol sa pag-galang at pagmamahal sa


_____________. Kasunod ay ang pagmamahal sa ating mga _____________,
Kasunod ay pagmamahal sa _______________.

Ibigin mo ang __________________ ng higit sa lahat, ng buo mong


_______________, ng buo mong ___________________ at buo mong
_______________,. Ibigin mo ang iyong ___________________ kaya ng iyong
________________.

You might also like