You are on page 1of 4

July 23-24, 2022

Teacher ________________________

Tinuturuan Tayo ni Hesus na Mahalin ang Diyos at ang Kapwa


Marcos 12:28-34
Bible Point: Tinuturuan tayo ni Hesus na mahalin ang Diyos nang buong puso, at mahalin ang kapwa
gaya ng ating pagmamahal sa sarili.
Lesson Objectives:
Pagkatapos ng lesson na ito, magagawa ng mga estudyanteng:
1. Sambitin ang dalawang pinakamahalagang kautusan;
2. Ipakita kung paano nila ipadarama ang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa;
3. Gumawa ng craft na magpapaalala sa kanila na sundin ang mga kautusan.
Bible Story:
(Tipunin ang mga bata sa palibot mo. Paupuin ang kabataang volunteer kasama nila. Buksan ang Bibliya
sa kwento para sa araw na ito.)
Isang mahusay na Teacher si Jesus. Lagi Siyang pinalilibutan ng maraming nakikinig at natututo
sa Kanya. Isang araw, nagtuturo si Hesus sa maraming tao katulad ng dati. May isang teacher na
nakikinig sa Kanya. Marami nang napag aralan at alam ang teacher na ito sa mga kautusan ng Diyos.
Tinanong niya si Hesus (tatayo ang kabataang volunteer at sasabihin), “Hesus, sa lahat ng mga kautusan
ng Diyos na itinuro mo saaming sundin, alin ang pinakamahalagang kautusan?”
Sumagot agad si Hesus, “ Ang pinakamahalagang kautusan na dapat ninyong sundin ay ito: Ang
Panginoon na ating Diyos --- Siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang
buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag iisip at nang buong lakas. At ang pangalawa: Ibigin
mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”
Napahanga ang teacher ng relihiyon.(Magmumukhang impressed ang kabataang volunteer.
Sasagot siya,) “Totoo iyan, Teacher! Iisa lamang ang Diyos at dapat natin siyang mahalin nang buong
puso, isip at lakas. Dapat din nating mahalin ang ating kapwa katulad ng pagmamahal sa ating sarili. Ang
mga kautusang ito ang pinakamahalaga sa lahat.”
Sumang ayon si Hesus sa matalinong sagot ng teacher.
Ireview ang kwento sa pamamagitan ng tanong sa ibaba:
1. Ano ang pinakamahalagang kautusang ibinigay sa atin ng Diyos?
2. Ano ang pangalawang pinakamahalagang kautusan?
3. Sino ang nagsabing ito ang pinakamahalagang kautusan?
Relation to Life:
Paano mo ipapakita na mahal mo ang Diyos? Tama, dapat naglalaan tayo ng maraming oras sa
pakikipag usap sa Diyos. Binabasa rin dapat natin ang Bibliya. Basahin natin ang mga kwento tungkol sa
Diyos. Lagi dapat nating iniisip ang Diyos dahil minamahal natin Siya ng buong isip. At higit sa lahat,
gamitin natin ang ating katawan para gawin ang nakakalugod sa Diyos.
Sunod sa pagmamahal sa Diyos, ang pinakamahalagang bagay ay mahalin ang ating kapwa tulad
ng pagmamahal natin sa ating sarili. Igalang at sundin din sila.
Kapag mahal Ninyo ang Diyos ng buong puso at kapag mahal Ninyo ang iba gaya ng pagmamahal
nyo sa sarili, masusunod rin Ninyo ang lahat ng kautusan!
Application
Gusto ba ninyong mahalin ang Diyos nang buong puso, isip at lakas? Gusto ba ninyong
matutuhang mahalin ang iba gaya ng pagmamahal nyo sa sarili? Pwede kayong humingi ng tulong sa
Diyos para magawa ito..
Life Verse:
“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos… ibigin mo ang iyong kapwa.” Marcos 12:30-31
Marcos 12:30-31
“Ibigin mo ang
Panginoon mong
Diyos… ibigin mo
ng iyong kapwa

You might also like