You are on page 1of 6

Accepting the Call

Exodus 3-4

Introduction

Papaano kung may tumawag sayo na taga ABS-CBN at kinukuha kang artista? Ikaw na
hindi naman kagwapuhan o kagandahan, ikaw na hindi naman magaling umarte o sumayaw
o kumanta? Tatanggapin mo ba ang tawag? (Let them answer)

Papaano kung may tumawag sayo at sinabing ang kaligtasan at kalayaan ng Pilipinas ay
nasa kamay mo? Maniniwala ka ba? Tatanggapin mo ba? (Let them answer)

The Calling of Moses

Moses is a popular man in the bible. We all know that He was one of the greatest man in
history. He was the deliverer of Israel. God has called him to deliver the Israelites, God’s
people. Malaking tao si Moses, alam natin yan.

Pero alam mo ba that Moses lived through so many internal battles in his past na mukhang
imposible siya na maging instrumento ng Panginoon para magligtas at gumawa ng milagro?

Moses’ personality was very strong to the point the pumatay siya ng isang Egyptian na
inaapi ang isang Jew. Noong nahuli siya tumakbo siya sa disyerto.

It took forty years para ma mold ng husto si Moses hanggang sa tinawag siya ng
Panginoon para sa isang malaking purpose.

Open your bibles to Exodus 3:7 and Exodus 3:9-10

• “I have indeed seen the misery of my people in Egypt. And now the cry of the
Israelites has reached me, and I have seen the way the Egyptians are oppressing
them. So now, go, I am sending you to Pharaoh to bring my people the Israelites out
of Egypt”
• 7 Sinabi sa kanya ni Yahweh, “Nakita kong labis na pinahihirapan ng mga Egipcio
ang aking bayan. Alam ko ang hirap na kanilang tinitiis at narinig ko ang kanilang
pagdaing.
• 9 Naririnig ko nga ang pagdaing ng aking bayan at nakikita ko ang pang-aaping
ginagawa sa kanila ng mga Egipcio.
• 10 Kaya't papupuntahin kita sa Faraon upang ilabas mo sa Egipto ang aking bayang
Israel.”

Grabe ano? Nakita ng Diyos ang paghihirap ng mga Israelites sa Egypt. Tinawag niya si
Moses para ialis, iligtas ang mga Israelites palabas ng Egypt! Ang kaligtasan ng kanyang
mga kababayan ay nasa kamay niya! Grabe ang calling ni Moses!

Goodnews, tinatawag ka ng Panginoon, hindi lang maging artista pero tinatawag ka niya
para iligtas ang buong bansa! Naniniwala ka ba na ang kaligtasan ay nilagay niya sa iyong
mga kamay?
Ano ang sagot ni Moses? Moses had so many internal battles as a product of his past. At
dahil sa kanyang masalimoot na nakaraan, ito ang sagot niya sa calling ng Panginoon sa
buhay niya.

Fasten your seatbelts.

1. “Who am I?”

“But Moses said to God,’ who am I, that I should go to Pharaoh and bring the Israelites out
of Egypt?” (Exodus 3:11)

Sino ba ako?
Hindi ko kaya yan!
Ako?
Bakit ako?

Ayan! Ayan ang sagot ni Moses nung tinawag siya ng Panginoon. Ang sweet ano?

Doubt is the first objection people have when they are called by God. Nagduda sila sa
kakayahan nila. Nagduda sila sa magagawa nila. Nagdududa sila dahil sa estado ng buhay
nila.

Ang tingin ni Moses sa sarili niya ay walang siyang magagawa, walang siyang mararating
at wala siyang pakinabang!

So ano ang sagot ni God sa sagot ni Moses?

“I’ll be with you. And this will the sign to you that it is I who have sent you; When you
brought the people out of Egypt, you will worship God on this mountain” (Exodus 3:12)

The Lord is telling us the same thing: Regardless of what you think about yourself, I am
with you. Alam kong kaya ko itong gawin anak, pero ikaw ang gusto kong kasama. Hindi
kita tatawagin, kung hindi kita sasamahan. Sasamahan kita!

Hindi ka kailangan ng Diyos! Gusto ka niya!

Alam kong wala kang tiwala sa sarili mo. Dahil sa mga pinagdaanan mo. Pero ako
naniniwala sayo!

So, tinanggap na ba ni Moses ang tawag ng Panginoon? Ano ang sabi niya pagkatapos nito?

2. “What is your name?”

“Moses said to God, ‘Suppose I go to the Israelites and say to them, “The God of your
fathers has sent me to you,” and they ask me, “What is his name”? Then what shall I tell
them?” (Exodus 3:13-14)

Pano kung tanungin ako kung sino ang nagpadala sa akin? Ano ang isasagot ko? (with
matching kamot) Eh, Lord, Ano nga ba ang pangalan mo?
Kakaiba din si Moses. Kaya pala hindi niya kilala ang sarili niya, e’ di niya kilala ang
Panginoon! Kaya pala wala kang tiwala sa sarili mo, kasi ni’ pangalan ng Panginoon hindi
mo alam!

Kilala mo ba ang Diyos? Ang mga taong nakakilala sa kanya ang mga taong sasagot sa
kanya! Kung alam mo lang kung sino siya, di pa siya nagtatanong, sasagot ka na!

So ano ang sagot ng Panginoon? Baka kumamot din it okay Moses.

“God said to Moses, ‘I am who I am. This is what you are to say to the Israelites: “I AM
has sent me to you” (Exodus 3:13-14)

God is not a God of tomorrow but He is a God of today.

“I am” is a name describing his eternal power and unchangeable character.

The God who appeared to Abraham, Isaac and Jacob and even to Moses is the same God
who appears to you today. God is not changing! He is the same yesterday, today and
forever.

Hindi na kailangan ng malalim na pagpapakilala. I AM!

Sino ba ang Diyos para sayo?

3. “They won’t believe me! They won’t listen!”

“But Moses protested again, “Look, they won’t believe me! They won’t do what I tell them.
They’ll just say, “The Lord never appeared to you!” (Exodus 1:1 NLT version)

Moses!!! Pwede ba? Ang dami mong excuses! Naiinis na ba kayo guys? Good news.
Excuses mo din ito! Pareho kayo ni Moses!

Lord hindi ako paniniwalaan ng mga tao…


Hindi sila makikinig…
Pagtatawanan nila ako…
Irereject nila ako…

Ang galing mo minsan magisip. Pero sa kakaisip mo ng mga pangyayari na hindi naman
mangyayari nabubuo ang fear and unwillingness to do the call of God in your life. Hindi ba
pwedeng sumunod ka nalang?

“Then the Lord asked him, “What do you have there in your hand?”.
“A staff”, Moses replied. “Throw it down on the ground,” The Lord told him. So Moses
threw it down, and it became a snake! Moses was terrified, so he turned and ran away.
Then the Lord told him, “Take hold of its tail.” So Moses reached out and grabbed it, and
became a shepherd’s staff again.” “Perform this sign, and they will believe you”, the Lord
told him.
Exodus 4:2-5

May tanong ang Panginoon sayo. “Gusto mo bang maniwala sila? Ano ang nasa kamay mo
ngayon?”
Ano ang nasa kamay mo ngayon?

A staff is used for walking, guiding his sheep, killing snakes, pamalo sa pwet, tungkod ng
matatanda, pwede ding panlaba. Still it was just a stick. But God used the simple staff that
Moses always carry to teach him a lesson.

God takes joy in using ordinary things for extraordinary purposes! He loves to turn
ordinary things to an extraordinary one.

Wag mo nang hanapin ang bagay na wala ka. Kung ano ang meron ka, yan ang gagamitin ng
Panginoon para maniwala sila.

At kung ano ang meron ka. Oo ordinaryo lang yan, pero gagawin ito ng Panginoon na
extraordinary!

Anong talento meron ka? Ano ang hawak mo ngayon?

Ballpen? Boses mo? Walis? Hammer? Musical instrument?

Little did Moses imagine the power of his simple staff would exert when it became a staff
of God.

Kung anong meron ka, gagamitin yan ng Panginoon para maniwala sila, MANIWALA KA!

4. “I am not a good speaker”

“Lord, I have never been eloquent neither in the past nor since you have spoken to your
servant. I am slow of speech and tongue. The Lord said to Him “Who gave man his mouth?
Who makes him deaf or mute? Who gives him sight? Or makes him blind? It is not I the
Lord? Now go, I will help you speak and will teach you what to say” Exodus 4:10-12

Moses was not a good speaker and would probably embarrass both himself and God. Pero
iba ang tingin ng Diyos sa problema ni Moses.

Kapag tinawag ka ng Diyos siya na ang bahala! Sino ba ang nagbigay ng bibig,tenga at
mata ng tao? Hindi ba siya?

Kung ang Diyos ang nagbigay ng bibig, sino ang magbibigay ng mga salita?

Ang dali lang natin tumutok sa ating mga kahinaan, pero kapag ang Diyos ang tumawag sa
atin, he will turn our weaknesses into strength.

Minsan titirahin ka ng Panginoon sa kahinaan mo pero wag kang magalala, gagawin niya
itong kalakasan mo!

Just say the word. Buka mo lang bibig mo. Basta ikaw ang bumuka. Basta ikaw ang
magsalita. Masaya na siya!

5. “Send Someone Else”


“But Moses said Oh Lord; please send someone else to do it” Exodus 4:13

Mahahalata mo kay Moses na ayaw talaga niyang tanggapin ang tawag ng Panginoon sa
kanya. So ano ang sabi niya? “Send someone else to do it”

May iba naman na mas magaling…


May iba naman na mas kaya…
May iba naman na mas mataas…
Mas magaling kumanta, sumayaw, magsalita, mas matalino, mas maganda, mas pogi, mas
matangkad, mas kakayanin. Mas. Mas.…yado kang madaming dahilan!

Ikaw ang gusto ng Panginoon!


Hindi si Indio, Hindi si Sen Bong, Hindi yung kaklase mo, Hindi yung teacher mo, hindi
yung valedictorian sa klase, hindi yung kapatid mo na mas maganda o gwapo sayo, hindi si
mga super hero, Hindi yung kapitbahay mo, o yung pari sa community mo, IKAW ang gusto
niya!

Who is Moses right now? Tama ba ang naging argumento niya? o tama ang tingin ng Diyos
sa kanya?

We all know that he parted the red sea. He has made miracles right before his very eyes.
He has delivered his people out of Egypt.

Hindi kita ganoon kakilala pero kagaya ni Moses may mga naexperience kang internal
battles in the past. Today, in faith, believe that God is calling YOU because like Moses
hindi ka mananalo sa argumento mo! Mapapahiya ka sa Diyos! Mapapahiya ka sa tingin mo
sa sarili mo!

Hindi ka mananalo sa Diyos!

Good news! God is calling you right now to save your country. God is calling you to win
your nation. To win your friends, family and campuses

Are you accepting God’s call?

TESTIMONY (pero maikli lang ha!)

Challenge:

Questions:

1. Examine your life and determine which arguments you have allowed to hinder you from
accepting God’s call? (Share)

2. What is your answer to God’s call right now?

You might also like