You are on page 1of 2

Aralin 9 : Si Hesus ang nagturo ng Panalanging Ama Namin

1. Pambungad
Ama Namin, sumasalangit ka, Sambahin ang Ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo, Sundin ang loob mo dito sa lupa para ng sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw


At patawarin mo kami sa aming mga sala.
Para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya mo kami sa lahat ng masama.
Amen.

11. Paglalahad

Salita ng Diyos ( Mt.6:9)


Isang araw,lumapit kay Hesus ang isa sa kanyang mga alagad at nagsabi
“Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin”, Sinabi ni Hesus “ Ganito kayo manalangin,
Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang Ngalan Mo.

Si Hesus mismo ang nagturo sa atin ng panalanging Ama namin. Ipinakilala Niya sa
atin ang kanyang Ama bilang atin ding Ama. Tayo ay nagpupuri sa Diyos sa panalanging ito at
inihahayag natin ang ating mga kahilingan.

Ang Diyos ay ating Ama, sapagkat siya ay ipinakilala sa atin ng kanyang Anak na si
Hesus, sa pamamagitan ng kanyang Anak at ng ating pagkaka-binyag, tayo ay nasasanib sa
Diyos at nagiging mga anak N’ya. Humihingi tayo ng pagkain sa araw-araw , ito ay maaaring
material o spiritual na pangangailangan natin. Humihingi din tayo ng kapatawaran sa ating
mga kasalanan at hinihiling natin na ilayo tayo sa lahat ng masama
Nakapaloob sa Panalanging Ama Namin ang Pitong kahilingan.

1. Sambahin ang Ngalan Mo


2. Mapasa-amin ang kaharian mo
3. Sundin ang loob Mo, dito sa lupa para ng sa langit
4. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw
5. Patawarin mo kami sa aming mga sala,
para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin
6. Huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
7. Iadya mo kami sa lahat ng masama.

Ang pakay ng unang tatlong kahilingan ay ang papurihan ang Diyos Ama, ang nagpapabanal
sa Kanyang Pangalan, ang pagdating ng kaharian at ang katuparan ng Kanyang kalooban. Ang huling
apat ay pagpapahayag ng ating mga kailangan at mga kahilingan sa Kanya.

111. Pagbubuod

Ang Panalanging Ama namin ay napakagandang panalangin, taglay nito ang mga kumpletong
sangkap ng Panalangin; Papuri o pag-samba sa Diyos, Pag-hingi ng pangangailangan at pag-hingi ng
kapatawaran sa mga kasalanan.

1V. Pagsasabuhay

Dasalin natin araw-araw ng buong taimtim ang panalanging itinuro ni Hesus, ang
Ama Namin. Ang panalanging ito ay makapangyarihan, sa gitna ng panganib, takot, mga suliranin
ating dasalin ng taus-puso, ng buong pananalig sa Diyos, At sikapin din nating maging karapar-dapat
na tawaging kanyang mga anak sa pamamagitan ng pag-sunod sa kanyang kalooban.

Pagsusulit : Isaulo ang Panalanging-Ama Namin


Inihanda ni : Marites D. Peña

You might also like