You are on page 1of 3

Aralin 6 : Ang Ika-apat hanggang

Ika-sampung Utos ng Diyos


1. Pambungad
Ibinigay ng Diyos ang ika-apat hangga ika sampu utos bilang paraan ng
pakikipag-kapwa tao. Ang tunay na pagmamahal sa Diyos ay naipapakita natin sa pamamagitan
ng pagmamahal sa ating kapwa.

11. Paglalahad

➢ Ika-apat na Utos : Igalang mo ang iyong Ama at Ina


(Ex. 20:12)
“Igalang mo ang iyong ama at ina upang mabuhay kang matagal sa lupa na ibibigay sa
iyo ng Panginoon mong Diyos.”
“Mga anak sumunod kayo sa inyong mga magulang alang-alang sa Diyos, sapagkat ito
ang matuwid, at upang ikaw y lumigaya at lumawig o humaba ang iyong buhay.” (Ef. 6:1-3)

Ang ika-apat na utos ay nangunguna sa ikalawang tapyas ng bato. Ipinaliliwanag ang


agos (flow) ng pag-ibig. Inibig ng Diyos na susunod sa kanya ay ang pag-ibig sa mga magulang
na pinagkakautangan natin ng buhay.

➢ Ika-limang Utos : Huwag kang papatay


(Mat. 5:21-22)
“Huwag kang papatay, kapag pumatay ang isang tao ay mananagot siya sa harap
ng hukuman, datapwat sinasabi ko sa inyo, na ang sinumang magalit sa kanyang kapatid
ay mananagot sa harap ng hukuman.”

Ang buhay ng tao ay banal, ito’y hiniram natin sa Diyos, sapagkat ang buhay mula
pa sa simula ay bunga ng mapag-likhang gawa ng Diyos- kawangis ng Diyos at
mananatiling may kaugnayan sa manlilikha na siya nitong hantungan.

Walang sinuman ang maaaring umangkin ng karapatng kumitil sa buhay, maging


ang sarili niyang buhay. Kaya nga dapat nating ingatan, mahalin, alagaan at
pahalagahan,ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos.

➢ Ika-anim na Utos : Huwag kang makiapid


➢ Ika-siyam na Utos: Huwag kang magnasa sa hindi mo asawa.
Ang utos na ito ay pagmamahal sa ating kasarian na biyaya ng Diyos sa atin, kaya’t ating
igalang at pahalagahan an gating sariling kasarian.

Sa paglikha ng Diyos sa tao bilang lalaki at babae, pinagkalooban Niya ang mga ito ng
magka-pantay na karangalan, walang pagkakaiba sapagkat sila’y kapwa nilalang na katulad sa
wangis ng Diyos, bagafmat sa isang paraang magkaiba bilang lalaki at babae, ay larawan ng
kapangyarihan at pagkamagiliw ng Diyos.

➢ Ika-pitong Utos : Huwag kang magnakaw


➢ Ika-sampung Utos : Huwag kang magnasa sa hindi mo pag-aari
(Dt. 5:19)
“Ang mga magnanakaw, ang masasakim, ang mga tulisan ay hindi magmamana ng
kaharian ng Diyos.”
Ang utos na ito ay pagsasagawa ng katarungan at pag-ibig sa pag-gamit ng mga
kayamanang makalupa at ng mga bunga na pinaghirapan ng tao.
Ang pagnanakaw ay paglapastangan sa ari-arian ng iba na labag sa kalooban ng Diyos.
Ang pagkuha ng mga bagay na pag-aari ng iba ay pag-suway sa ninanais ng Diyos bilang mga
katiwala N’ya

➢ Ika-walong Utos : Huwag kang magsinungaling.


(Ex. 20:16)
“Huwag kang sasaksi nang hindi totoo sa iyong kapwa.”
Ang Diyos ay bukal ng katotohanan, ang Kanyang Salita ay katotohanan, ang Kanyang
batas ay katotohanan, yayamang ang Diyos ay totoo, ang mga kaanib ng Kanyang bayan ay
tinatawag na isabuhay ang katotohanan.
Ito ay isang katangian na nakikilala sa pagiging totoo sa mga gawa at mga pananalita,
at iwasan ang dobleng pananalita, pagkukunwari at pagbabalat-kayo.

111. Pagbubuod

Ang dalawang dakilang utos nui Hesus ng pag-ibig


1. Ibigin mo ang Diyos ng buodng puso, nang buong kaluluwa at nang buong pag-iisip.
2. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.

1V. Pagsasabuhay

Ang bawat tao ay pinagkalooban ng Diyos nang konsyensya o budhi upang malaman ang
tama at mali. Tinutulungan tayo n gating konsyensya na makasunod sa kalooban ng Diyos at
makaiwas sa masama.
Pinatutunayan natin na mahal natin ang Diyos kung gumagawa tayo ng mabuti at tama
sa ating kapwa
Inihanda ni : Marites D. Peña
Pagususlit : (Aralin 6 : Ika-apat hangga ika-sampung Utos ng
Diyos)

Pangalan _______________________________________________

1. Punuan ang patlang ng tamang sagot.

1. Ibigin ninyo at igalang ang inyong mga magulang upang ikaw ay lumigaya
at ________________________ ang iyong buhay.
2. Huwag kang papatay, ang sinumang gumawa nito ay
_____________________ sa harap ng hukuman.
3. Ang buhay ng tao ay _____________________ sa Diyos.
4. Sa paglikha ng Diyos sa tao bilang lalaki at babae, pinagkalooban niya
ang mga ito ng magkapantay na __________________________.
5. Ang ____________________________ay paglapastangan sa ari-arian ng
iba na labag sa kalooban ng Diyos.

11. Sagutin ang mga katanungan

1. Kung pamimiliin ka ng Diyos kung sino ang iyong magiging magulang,


sino ang pipiliin mo at bakit?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong mga magulang?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
3. Paano mo iingatan ang iyong buhay?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
4. Ano- ano ang mga kasalanang pag-labag sa mg utos ng Diyos?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
5. Ano ang dakilang uton ng pag-ibig?
______________________________________________________
______________________________________________________

You might also like