You are on page 1of 3

JIL PABAHAY EXTENSION

Batang Modyul
Magandang araw, mga bata!
Namiss niyo na ba ang Children’s Service natin sa JIL Pabahay tuwing Sabado ng
umaga? ‘Wag kayong mag-alala! Hindi man tayo nagkikita – kita, patuloy pa rin tayong mag-
aaral ng mga paborito niyong Bible stories, magsasaulo ng mga memory verses, at gagawa ng
mga paborito niyong activities.
Ito lang ang kailangan niyong gawin.
1. Basahin ng mabuti ang kwento sa modyul.
2. Sagutan ang mga tanong, at gawin ang mga activities. Mas maganda kung
hihingi ng tulong sa inyong mga magulang.
3. Ibalik sa envelope ang nasagutang modyul at antayin ang susunod pang mga
modyul. (Dalawang beses kada buwan ang pagbibigay ng modyul.)
4. Ingatan ang paggamit sa mga modyul.

Sa unang bahagi ng ating Batang Modyul, sagutan ang mga sumusunod.

Pangalan: _______________________________________ Edad: ______________


Birthday: ___________________________
Lugar kung saan nakatira: ______________________________________________
Pangalan ng iyong Nanay: ____________________________ Edad: _____________
Cellphone Number: _________________________________
Pangalan ng iyong Tatay: ____________________________ Edad: _____________
Cellphone Number: _________________________________

MODYUL 1: Ako’y Binago na ni Jesus!


Batang Modyul
I. Memory Verse
2 Mga Taga-Corinto 5:17
“Kaya’t kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na
siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip,
ito’y napalitan na ng bago.

II. Kwentong Babasahin


Ang Pagtawag kay Saulo (Mga Gawa 9:1 – 25)

Si Saulo ay isang sundalong Romano na may mataas na katungkulan.


Kilala siya ng lahat at kinatatakutan siya dahil sa kanyang mataas na pwesto
sa gobyerno. Hindi niya pa kilala si Hesus kaya naman ipinapapatay niya ang
lahat ng mga naniniwala sa Kanya.
Ngunit isang araw, habang siya ay naglalakbay sa Damasco para
hulihin ang mga Kristiyano, biglang kumislap sa paligid niya ang isang
nakasisilaw na liwanag mula sa langit. Natumba siya sa lupa at narinig niya
ang isang tinig na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?”
“Sino kayo, Panginoon?” tanong niya.
“Ako’y si Jesus, ang iyong inuusig,” tugon ng tinig sa kanya.
Pagkatapos ng nangyari ay dumilat si Saulo at hindi na siya makakita. Hindi
siya nakakita sa loob ng tatlong araw.
Sa Damasco ay may isang alagad ng Diyos na ang pangalan ay si Ananias. Kinausap
siya ng Panginoon upang patungan niya ng kamay ang mga mata ni Saulo para makakita na
siya.
Nang ipatong ni Ananias ang kamay niya sa mga mata ni Saulo ay may mga nalaglag na
parang kaliskis mula sa mga ito at muling nabalik ang kanyang paningin. Si Saulo ay
nagpabautismo rin pagkatapos.
Simula noon ay naging taga-sunod na siya ng Panginoong Hesus. Tinawag na siyang
Pablo. Kung dati ay matapang niyang pinapatay at dinadakip ang mga Kristiyano, ngayon ay
matapang niya nang ibinabahagi ang Salita ng Diyos sa lahat ng mga tao. Tunay ngang binago
na siya ng Diyos!

III. Mga Gawain


A. Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang ginagawa ni Saulo sa mga Kristiyano?
a. Tinutulungan b. pinapakain c. pinapatay
2. Saan naglalakbay si Saulo para hulihin ang mga Kristiyano?
a. Bethlehem b. Damasco c. Jerusalem
3. Ano ang nakita ni Saulo mula sa langit?
a. Si Hesus b. Nakasisilaw na liwanag c. Si Ananias
4. Ano ang nangyari kay Saulo pagkatapos niyang marinig ang tinig ni Hesus?
a. Nabulag b. Namatay c. Nabingi
5. Sino ang pinadala ni Hesus upang ipatong ang kamay sa mga mata ni Saulo?
a. Ananias b. Cephas c. Esteban
6. Ano ang natutunan mo sa kwento? Isulat ang sagot sa ibaba.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
___
Batang Modyul
B. Tulungan si Saulo sa kanyang paglalakbay sa Damasco. Mula sa Start ay lagyan ng
linya hanggang sa End nang hindi dumadaan sa mga harang.

C. Kulayan ang

larawan.

You might also like