You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 4
Gamit ang mga Larawan,
Signal Words at
Pangungusap
Unang Markahan
Ikaapat na Linggo
Modyul 4
Kasanayang Pampagkatuto:
Naisasalaysay muli nang may wastong pagkakasunod-sunod
ang napakinggang teksto gamit ang mga larawan, signal
words at pangungusap.

1
PAANOPAANO GAMITIN
GAMITIN ANG MODYUL?
ANG MODYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos
makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya
ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto
sa bagong aralin.

2
Aralin Muling Pagsasaysay

1
Pagpapahayag ng Opinyon o
Reaksyon sa Isyung Napakinggan

Inaasahan
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Naisasalaysay muli nang may wastong pagkakasunod-
sunod ang napakinggang teksto gamit ang mga larawan,
signal words at pangungusap,
• Nagagamit ang signal words at mga larawan sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayaring napakinggan sa
tekto.

UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin ang kuwento. Isaayos ang mga kasunod na
pangyayari sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito.
Lagyan ng letrang A-E ang mga kahon. Pagkatapos ay
isalaysay muli ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. Gawin ito sa kwaderno.

Isang lalaki ang naglalakbay pababang Jerusalem at patungong


Jericho. Nang inabutan siya ng matinding sikat ng araw, nagpahinga siya
sa ilalim ng punongkahoy. Doon na rin siya kumain ng kanyang
pananghalian. Nang matapos sa pagkain, muli niyang isinabit sa kanyang
balikat ang sako. Nagsimula muling maglakbay ang lalaki. Nang walang
ano-ano isang grupo ng kalalakihan ang nakakita sa kanya. Ginulpi siya at
inagaw na lahat ang kanyang mga dala. Iniwan siyang halos wala ng
buhay.
Isang pari ang napadaan subalit nilampasan lamang siya. Nasundan
siya ng isang Leviti at nilampasan din siya. May isang napadaang
Samaritano. Nawa ito sa kanya. Tinulungan niya ang lalaki. Binendahan
niya ang sugat nito at binalot ng kumot. Binigyan din niya ng gamot para
bumaba ang kanyang lagnat. Nang mabuti na ang pakiramdam ng lalaki,
nag-utos ang Samaritano sa may-ari ng tahanan na tingnang mabuti ang
lalaki. Nang mabigyan ng pera ang may-ari, muling nagpatuloy na sa

3
kanyang paglalakbay ang Samaritano.

1. Ginulpi ang lalaki at inagaw ang lahat ng kanyang


dala.

2. Naawa ang Samaritano at tinulungan niya ang


lalaki.

3. Isang lalaki ang naglakbay patungong Jericho.

4. Muling nagpatuloy sa paglalakbay ang Samaritano.

5. Binigyan niya ng gamot ang lalaki para bumaba ang


kanyang lagnat.

BALIK-TANAW
Panuto:Suriin ang serye ng mga larawan. Pagsunod-sunurin ang
mga ito batay sa angkop na pangyayari. Isulat ang
letrang A hanggang D sa mga patlang. Pagkatapos ay
isalaysay muli ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng
pangyayari gamit ang signal words.

1. ___________________ 2. ___________________

3. ___________________ 4. __________________

4
Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari ay


pagsasaayos ng mga detalye o pangyayari ng kuwento o
teksto ayon sa pagkakasunod-sunod mula umpisa
hanggang sa huli. Karaniwang ginagamitan ito ng mga
panandang salita o signal words tulad ng una, pangalawa,
pangatlo, susunod, pagkatapos, sa huli, at iba pa upang
mailahad ang pagkakasunod-sunod. Ginagawa ito upang
lalong maunawaan ang kuwentong binasa o pinakinggan.
Ang pinagsusunod-sunod ay maaaring mga bagay na
nakasanayan na katulad ng tamang hakbang sa pagluluto,
paliligo, paghahanap ng impormasyon, at iba pa. Maaari rin
itong ilahad gamit ang mga larawan.

GAWAIN
Gawain I
Panuto: Basahin ang kuwento sa ibaba. Lagyan ng bilang ayon
sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ang kahon
sa unahan ng mga pangungusap. Gawin ito sa kwaderno.

Ang Lagalag na mga Hudyo


(salin sa Filipino ni Jong del Fierro)
Walang sariling tirahan ang mga Hudyo. Sila ay pinapatay ng
mga Kosak sa kanilang teritoryo. Si Golda ay isa sa mga batang
babaing Hudyo. Naglalaro sila sa maputik na kalsada nang walang ano-
ano, nakarinig sila ng sigaw. “Mga bata, takbo! Magtago kayo!
Dumarating ang mga Kosak.” Ang mga koboy na Ruso. Walang Hudyo
na nakaliligtas kapag inabutan ng mga Kosak sa kalsada.
Nagtakbuhan ang mga tao. Nagsipaghanap sila ng
mapapagtaguan. Ang mga pintuan at bintana ng mga kabahayan ay
nagsipagsara. May ilang batang naiwan. Nagtakbuhan din sila. Isa ang
nadapa, si Golda. Nasubsob ang mukha niya sa putik. Papalapit ang
yabag ng mga kabayo. At nagtalsikan ang mga putik. Tumigil ang
ragasa ng mga kabayo sa tabi ng sinubsuban ni Golda. Napasigaw siya

5
ngunit wala na ring silbi. Nasa harap na niya ang mga Kosak.
Pinaglaruan ng mga Kosak si Golda. Pinalundagan siya ng mga
kabayo. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Humaging sa kanyang ulo
ang mga bakal na sapatos ng mga kabayo. Nagdasal siya na sana ay di
siya mapatay. Inikut-ikutan siya ng mga Kosak. Pagkaraan ng ilang
sandali ay tumahimik na ang paligid. Papalayo na ang mga Kosak.
Tumulo ang luha ni Golda. Noong mga panahong iyon ang mga
Hudyo ay walang sariling bansa. “Kailangang matigil na ang paglagalag
ng mga Hudyo,” ang hikbi niya. Nang lumaki si Golda, siya ang
nakatulong upang maging malayang bansa ang Israel, ang bansa ng
mga Hudyo.

Inabutan ng mga Kosak si Golda matapos madapa sa


putik.
Nang lumaki si Golda tumulong siya upang magkaroon ng
sariling bansa ang mga Hudyo.
Si Golda ay kasama ng mga batang naglalaro sa kalsada
nang matanaw ng mga tao na dumarating ang mga Kosak.
Nagtakbuhan ang mga tao at si Golda ay naiwan dahil
nadapa sa maputik na lansangan.
Pumikit na lamang siya at nagdasal hanggang sa pag-alis
ng mga Kosak.
Pinaglaruan ng mga Kosak ang batang si Golda.

Gawain II
Panuto: Sumulat ng mga hakbang sa pagluluto Ginataan.
Sundan ang ginawang huwaran sa ibaba. Isulat ang sagot sa
kwaderno. Pagkatapos ay isalaysay muli ito ayon sa
pagkakasunod-sunod ng pangyayari.

Mga Hakbang sa Pagluluto ng Ginataan


1. Una, ihanda ang _______________________________
2. Pangalawa, ____________________________________
3. Ikatlo, _________________________________________
4. Sumunod, _____________________________________
5. Pagkatapos, ___________________________________
6. Sa huli, _______________________________________

6
Gawain
Panuto: Gamit ang mga signal words, isalaysay muli sa sariling
mga pangungusap ng di-kukulangin sa limang pangungusap
ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari mula
sa “Ang Lagalag na mga Hudyo.” Gawin ito sa iyong kwaderno.

Gawain IV
Panuto: Isaayos at isulat sa kwadernong sagutan ang mga
pangungusap ayon sa maaaring pagkakasunod-sunod ng
pangyayari. Lagyan ng bilang 1-5. Pagkatapos ay isalaysay muli
ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap.

_____ Napakaraming bulaklak at halamang malalago.


_____ Nang magsimulang dumami ang mga sasakyang
nagbubuga ng mga usok, unti-unting namayat ang
mga halaman.
_____ Hindi na maganda ang hardin ni Mang Henry.
_____ Noong araw ay napakaganda ng hardin ni Mang
Henry.
_____ Ngayon ay wala nang bulaklak ang mga halaman.

TANDAAN

May wastong pagkakasunod-sunod ang mga


pangyayari sa isang kuwento o teksto. Ito ay isang
kasanayang dapat matutuhan upang madaling
maunawaan at masundan ang mga kaganapan ng
binasa o pinakinggang kwento o teksto.

7
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Suriin ang larawan. Lagyan ng Letrang A-E ang patlang


ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Pagkatapos ay
isalaysay ito muli gamit ang mga signal words sa pangungusap.
Gawin ito sa kwaderno.

1. ____________ 2. __________

2. ___________ 4. _________

6. __________

8
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Isaayos at isulat sa kwadernong sagutan ang mga
pangungusap ayon sa maaaring pagkakasunod-sunod ng
pangyayari. Lagyan ng mga letrang A-E ang unahan ng bawat
pangungusap at isalaysay itong muli gamit ang mga signal
words.
1. _____ Nagkaroon ng proyekto tungkol sa palinisan ng
kalye.
2. _____ Maruming-marumi ang aming barangay.
3. _____ Ang aming barangay ngayon ay isa sa
pinakamalinis na barangay sa aming bayan.
4. _____ Ang mga tao’y tamad at hindi nagtutulungan.
5. _____ Nang mahalal ang bagong Barangay Captain ay
muling sumigla ang mga tao.

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO

Ang natutuhan ko sa aralin ay____________________

_________________________________________________________

________________________________________________________

SANGGUNIAN
Bagong Likha 4 Wika at Pagbasa pp. 117 – Karapatang-ari
@ 2009 ni Ester V. Raflores (JO-ES Publishing House, Inc.)
Bagwis 5 Pinagsanib na Wika at Pagbasa pp. 170-171-
Karapatang-ari nina Nerielyn G. Maceda at Ria Mae
Samenian (The Library Publishing House, Inc.)
LRMDS FILES Ref. Kayumanggi Pagbasa pp. 163-164

9
http://www.pinterest.ph
http://www.12rf.com/clipart
http://clipart-library.com
https://www.vectorstick.com
https://www.shutterstock.com
https://www.terminix.com

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunula: Maricel G. Lawangon


Editor: Edwin Remo Mabilin EPS
Tagasuri: Ma. Teresa M. Chico, PSDS
Tagalapat: Evelyn T. Cabunilas
Tagapamahala:Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na naktalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

10
SUSI NG PAGWAWASTO

UNANG PAGSUBOK BALIK TANAW


1. B 1. C
2. C 2. D
3. A
3. A
4. B
4. E
5. D

GAWAIN I GAWAIN II
1. 3 Ang sagot ay ayon sa natapos
2. 6 na gawain ng bata. Walang tiyak
na sagot.
3. 1
4. 2
5. 5 GAWAIN IV
6. 4
1. 2
2. 3
GAWAIN III 3. 5
4. 1
Ang sagot ay ayon sa natapos 5. 4
na gawain ng bata. Walang tiyak
na sagot.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN PANGWAKAS NA PAGSUSULIT


1. C 1. Da
2. A 2. A
3. E 3. E
4. D 4. B
5. B 5. C

11

You might also like