You are on page 1of 3

JIL PABAHAY 2000

MODYUL 6: Ang Salita ng Diyos ay Makapangyarihan

I. Memory Verse
Josue 1:8
Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan
mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon,
magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay.

II. Kwentong Babasahin

Ang Pagtukso kay Hesus (Mateo 4:1-11)

Pagkatapos, si Jesus ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Siya'y


nag-ayuno sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi kaya't siya'y nagutom. Dumating
ang diyablo at sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, gawin mo ngang tinapay ang
mga batong ito.” Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay
ang tao, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’”

Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa Jerusalem, ang banal na lungsod, at pinatayo sa


taluktok ng Templo. Sinabi nito sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka,
sapagkat nasusulat, ‘Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, at sa kanilang mga kamay, ika'y
aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masaktan.’” Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat
din naman, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos.’”

Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya


ang lahat ng kaharian sa daigdig at ang karangyaan ng mga ito. Sinabi ng diyablo sa kanya,
“Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin.”
Kaya't sumagot si Jesus, “Lumayas ka Satanas! Sapagkat nasusulat, ‘Ang Panginoon mong
Diyos ang dapat mong sambahin. At siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’”

Pagkatapos, iniwan na siya ng diyablo. Dumating naman ang mga anghel at siya'y
pinaglingkuran nila.
Batang Modyul
III. Mga Gawain
A. Punuan ng mga tamang salita mula sa kahon ang ating nakaraang memory verse.

Kawikaan 15:4
Ang _________ na salita ay nagpapasigla sa _________, ngunit ang __________
na pangungusap ay _________ sa ___________.

kalooban magiliw buhay


masakit matalas

B. Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Ilang araw nag-ayuno si Hesus?
a. Tatlumpung araw b. Apatnapung araw c. Limampung araw
2. Pagsunud-sunurin ang mga tukso ng diyablo kay Hesus. Ilagay ang 1 para sa
pinakauna, 2 sa pangalawa, at 3 sa pinakahuling tukso.
___ Ang lahat ng kaharian sa daigdig at ang mga karangyaan nito.
___ Gawing tinapay ang bato para makain.
___ Ang magpatihulog mula sa taas ng Templo upang iligtas ng mga anghel.

3. Ano ang natutunan mo sa kwento? Isulat ang sagot sa ibaba. Anong sandata ang
ginamit ni Hesus upang mapagtagumpayan ang mga tukso ng diyablo?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
___

C. Ilagay sa ibaba ang iyong pinakapaboritong Memory Verse sa Bibliya. Gawin itong
malikhain. Maaari niyo itong kulayan at lagyan ng mga disenyo.

D. Kulayan ang larawan.


Batang Modyul

You might also like