You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8

AUGUST 10, 2022

Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga


pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng
pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.
Pamantayang Pagganap: Nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga sa
mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at transisyunal na Panahon na nagkakaroon ng
malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.
Pamantayan sa Pagkatuto:
AP8DKT-IIc-3- Naiipaliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano
UNIT TOPIC: Panahon ng Transisyon
I. LAYUNIN:
1. Matalakay at maunawaan ang “ Kristiyanismo sa Imperyong Roman”
2. Maisalaysay kung paano nabuo ang paniniwalang Kristiyanismo sa Imperyong Romano.
3. Maisapuso ang kahalagahan ng paniniwala sa Diyos at maipakita ito sa araw-araw na
pamumuhay.
II. PAKSA:
Aralin 2.4 Kristiyanismo sa Imperyong Roman
A. Reference: Kasaysayan ng Daigdig 8
B. Materials: LED TV, board and marker, laptop
C. Link: ESP/ FILIPINO
D. PVGMO Values:
Pagiging Maka-Diyos
E. 21st Century Skills:
Malalim na pag-unawa
III. PROSESO:

Panimulang Gawain
Panimulang Gawain sa silid-aralan

A. PAGTUKLAS:
Sa mga nagdaang Aralin nabigyang pansin ang mga pangyayari sa Imperyong
Romano.Tinalakay sa nakaraang aralin ang sinaunang Rome, kabilang dito ang republika nito
at ang unang triumvirate. Ngayon ay tutunghayan natin ang nagging pamumuhay ni Hesus at
kung paano umusbong ang Kristiyanismo sa Imperyong Romano.
Sa kanyang kabataan, namuhay si Hesus bilang isang payak na karpintero sa bayan ng
Nazareth. Nang siya ay maging 30 taong gulang, nagsimula siyang mangaral ng Salita ng
Diyos.
 Ilan sa kanyang mga ipinangaral ang paniniwala sa iisang Diyos; pagmamahal sa sarili,
sa kapwa, at sa kaaway; at ang pangakong magkakamit ng buhay na walang hanggan
ang mga nananampalataya sa Diyos.
 Nagpagaling din umano siya ng mga sakit at gumawa ng mga himala.

Task 1: Tanong ko, Sagutin Mo!


Bilang panimulang aktibidad ay magpapakita ang guro ng presentasyon na may lamang
katanungan. Bubunot ang guro sa magic box ng pangalan ng mga estudyante na sasagot sa
mga katanungan. Sa bawat kasagutan ay isa-isang maaalis ang mga harang sa larawan.Ang
larawan ang magsisilbing ‘’clue” para sa paksa sa araw na ito.
B. PAGLINANG:
Aktibiti: Semantic Mapping: Mula sa naunang aktibiti bumuo ng mga salita na maglalarawan
sa ‘‘word” na Hesus.

HESUS

Sagutin: Para sayo, Sino si Hesus sa buhay mo?


C. PAGPAPALALIM
Aktibiti: Sa isang malinis na papel ay gumuhit ng isang PUSO, sa kanang bahagi ng puso ay
isulat ang mga taong itinuturing mong biyaya sayo ni Hesus (mga kaibigan o taong malalapit
sayo) samantalang sa kaliwang bahagi ay isulat ang mga taong nakapanakit o nakapagpaluha
sayo. Itupi ang papel matapos isulat ang mga hinihinging impormasyon at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan:
1. Saang bahagi ka mas maraming naisulat? Bakit?
2. Ano ang mensahe mo sa mga taong isinulat mo sa kaliwang bahagi?
3. Ano ang mensahe mo sa mga taong isinulat mo sa kanang bahagi?
4. Ano ang natutunan mo sa aktibiti?
D. Pagtataya:

PAGSULAT
Ituloy mo ang pahayag
Habang nakikilala ko si Hesus ako ay
__________________________________________________

Kaya naman ipinapangako ko na ako ay magiging ____________________

E. Paglilipat:
TAMA O MALI
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng totoo at MALI kung hindi. Hindi kinakailangan ang pagkopya sa
bawat pangungusap, sagot lamang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Mangyari
lamang na isulat ang “AKTIBIDAD BLG. 1,2” bago magsagot.

1. Si Hesus ay isinilang sa Betlehem, isang bayan sa Judea.


2. Naglingkod bilang karpintero si Hesus sa bayan ng Nazareth.
3. Itinatag ni Hesus ang Kristiyanismo.
4. Ipinangako ni Hesus ang buhay na walang hanggan sa kaharian ng Diyos.
5. Hinatulan si Hesus ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpako sa krus.
6. Nabuhay muli si Hesus tatlong araw matapos ang kanyang kamatayan.
7. Si Peter ang nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Syria at Palestine.
8. Naglakbay si Paul sa iba’t ibang bahagi ng Imperyong Roman upang ipalaganap ang
Kristiyanismo.
9. Nakaranas ng pag-uusig at pagpaparusa ang mga unang Kristiyano sa Imperyong Roman.
10. Ang Papa ay pinili mula sa mga obispo ng Imperyong Roman.
IV. VALUING:
Matapos mong malaman ang pagsasakripisyo ni Hesus para tayo ay mailigtas, ano ang kaya
mong isakripisyo para sa kanya?

V. AGREEMENT:
Magkaroon ng advance reading para sa susunod na aralin ang “ Imperyong Byzantine”

You might also like