You are on page 1of 13

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Name: Jenerose Sanchez BSBA FM-1

PAG-UNAWA SA BINASA

1. Ano ang pag sulat?


Sagot: Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa ibat ibang layunin. Ang
pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaring magsalita, simbolo o ilustrasyon
ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang/kanilang kaisipan.

2. Bakit mahalaga ang pagsulat?


Sagot: Mahalaga ang pagsulat dahil maari nating maipahayag ang ating saloobin at damdamin sa
pamamagitan ng makroon ng sulat katulad ng pagsulat ng love letter o liham pangkaibigan. At
maituturing din natin na isang halimbawa ang pagsusulat gamit ang isang uri ng telepono, ang
cellphones na nagbibigay communication gamit ang mga sulat sa ibat ibang bahagi ng ating mundo sa
ibat ibang tao. Mahalaga ang pagsulat sapagkat sa pamamagitan nito, ang mga tao sa ibat ibang lugar at
sa ibat ibang panahonay nakakalapit, nagkakaunawan at nagkakaisa. Ang aspeto ng ating kultura ay
napapanitiling buhay sa pamamagitan nito.

3. Iugnay ang pagsulat sa kasaysayan ng ating bansa.


Sagot: Ang Sistema ng pagsulat ay lagi ng kaakibat ng konserbatismo, ang pinagmulan nito ay
sinasabi galling sa mga “Divine sources”. Ang anomang pagbabago o midipikasyon ay kakambal ng
mabigat na pag aatubili at maging sa ngayon ay umaani ng pagsalungat. Dahil sa konserbatismong ito,
ang mga pagbabago o inobasyon sa istruktura ngpagsulat ay nangyayari dahil nanghihiram ang isang
grupo ng tao sa iba.

4.Ibigay ang iba’t-ibang depinisyon ng pananaliksik.


Sagot: Ang pananaliksik ay itunuturing na isang sining (San Miguel at Villanueva, 1986, p.138)
dahil natutunan lamang ito kung ito’y iyong gagawin at isusulat. Walang iisang paraan o tiyak na
tamang paraan sa pananaliksik. Ito’ y ayon sa tema o paksa na ginagawan ng pananaliksik batay sa
disiplena pinag-aralan.
Ayon naman kay Aquino (1992), ang pananliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Isinilang ang pananaliksik dahil sa mga
suliranin at determinasyon ng tao ng mabigyan ng solusyon ang mga ito at maging maayos ang kayang
buhay.
Sa Dictionary of education ni Carter V. Good ay sinabi niyang ang pananaliksik ay pagsasagawa ng
maingat at walang kinikilingan pagsisiyasat sa isang suliranin ng hanggat maari ay batay sa mga
mapapatunayang datos at may kinalaman sa masusing pagtiyak pagpapakahulogan at kadalasan, sa ilang
paglalahat.

5. Talakayin ang kaugnayan ng pananaliksik sa pagsulat.


Sagot: Ito ay magkaugnay sa kadahilang, ang pagkakaroon ng kasanayan sa pagsusulat gaya na
lamang nitong mga akademikong sulatin ay siyang ating magagamit sa pagsusulat o sa paggawa ng
isang pamahunang papel sa maayos at kapakipakinabang na paraan.

6.Ipaliwang ang mga bahagi ng pananaliksik at ang kahalagahan ng pananaliksik.


Sagot: Ito ang mga nagbibigay linaw sa mga prosesong dapat gawin sa iyong mga pananaliksik.
Ang pananaliksik ay makakatulong sa pag unlad sa larangan ng agham at teknolohiya, kalakalan
medisina, sining, pagkilos at pag iisip ng tao.

7.Ano ang pakikipanayam? Ipaliwang ang mga uri nito.


Sagot: Ang pakikipanayam o pangagalugad ng isang impormasyon, isang paraan ng pagkuha ng
ipormasyson o kabatiran ng harap harapan. Kung nais nating makuha ang kinakailangan nating kabatiran
ay pumili ng mga dalubhasa sa kanilang larangan na nagtataglay ng ganap na kaalaman sa nais nating
mabatid. Ang uri ng pakikipanayam ay mga sumusunod:
1. Isahan o indibidwal na pakikipanayam-Itoy paghaharap ng dalawang tao, ang isa’y nagtatanong
na siyang kumakapanayam at ang isa’y kinakapanayam.
2. Pangkatang Pakikipanayam-Higit sa isa ang kumakapanayam sa uring ito.
3. Tiyakan at di tiyakang pakikipanayam-Sa tiyakang pakikipanayam ang mga tanong ang sasagutin
nang tiyakan ng kinakapanayam.
4. Masaklaw na pakikipanayam- (depth interview)- sa uring ito, ang kumakapanayam ay
nagbibigay ng mga tanong na ang mga kasagutan ay mga opinyon, paniniwala, saloobin at
pilosopiya sa buhay.

8.Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagkuha ng tala?


Sagot: 1. Ihanda ang mga tanong na iniikutan ng kaalamang kailangan.
2.Makipagkita sa taong kakapanayamin sa araw at oras na maluwag sa kanya at hindi ikaw ang
magtakda.
3.Makipagkita at makipag usap sa kanya ng maayos at buong pagitan sa buong panahonng
pakikipagpanayam.

9. Ibigay ang mga paalaala sa pagkuha ng tala.


Sagot: 1. Maghanda ng mga index card na may laking 4”x6”0 5”x8.
2.Nararapat na pagsamahin sa isang kard ang tala.
3. Maaring buod o lagom ang tala na maaring isulat sa sariling pangungusap o kaya
naman ay tuwirang sipi.

10.Talakayin ang ugnayan ng pagbasa at pagsulat sa iba pang kasanayang pangwika.


Sagot: Ang pagbasa at pagsulat ay may malaking ugnayan sa pagsasalita at pakikinig. Mahalaga
ang pagsasalita sapagkat masasabi ng isang tao ang kanyang saloobin at ang kanyang nasa kaisipan.
Pinakadaling paraan ito ng mga pagsasalin ng mga karunungan at impormasyon. Ang isang mahusay na
tagapagsalita ay nagtatagumpay sa kanyang hangarin sa buhay sapagkat nagiging kaaakit akit, kapani
paniwala at mabisa ang kanyang pagpapahayag.

PAGSASANAY:
A.

Pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas


POSTED ON OCTOBER 25, 2014

N
agsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng
mga tulay na lupa 30,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang
pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ngHomonhon, sa timog-silangan ng Samar noong 16 Marso 1521.
Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de
Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-Hilaga hanggang sa maabot ng mga
kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang syudad (town) sa Maynila at dito
nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlong siglo.
Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay
humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ngunit
ang Kasunduan sa Paris, na naganap sa katapusan ngDigmaang Espanyol-Amerikano, ay naglipat ng
pamamahala sa Pilipinas sa Estados Unidos. Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa
Pilipinas noong Disyembre ng 1899, kasama ang limitadong lokal na pamamahala noong 1905. Ang parsiyal
na pagsasarili ay iginawad noong 1935, bilang paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos
noong 1945. Ngunit ang 10-taong transisyon mula sa komonwelt patungo sa isang soberanyang bansa ay
naantala dahil sa pagsakop ng Hapon sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. At
pagkatapos ng pagkatalo ng mga Hapones noong 1945. At ang huling pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at
Amerikano para sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945. Kaya ang ganap na
kalayaan ay iginawad lamang sa Pilipinas noong Hulyo 1946.
Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noong dekada 1950 at 1960, ngunit nagkaroon ng kaguluhan noong
mga huling taon ng dekada 1960 at mga unang taon ng dekada 1970 laban sa mapang-aping diktatoryal ni
Pangulong Ferdinand Marcos na nagdeklara ng batas militar noong 1972. Dahil sa malapit na relasyon
ng Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan kay Pangulong Marcos, sinuportahan pa rin siya ng
Estados Unidos kahit na kilala ang kanyang administrasyon sa malawak na kurapsiyon at pang-aabuso ng mga
tao. Ang mapayapang Rebolusyon sa EDSA noong 1986 ang nagpatalsik kay Marcos (na tumakas
sa Hawai’i lulan ng isang helikopter na pag-aari ng militar ng Estados Unidos, kung saan siya nanatili
hanggang sa siya’y mamatay) at ang nagbalik ngdemokrasya sa bansa. Ngunit nang nagsimula ang panahong
iyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa politika at humina angekonomiya ng bansa.

B. ISANG GURONG MARAMING “ACHIEVEMENT”

1. Pangugumusta sa mga kinapanayam:


Ako: Magandang araw po sa inyo, Bb/G/Gng. (pangalan ng Guro). Kumusta po kayo?
Guro: Mabuti naman
2. Taon sa serbisyo
Ako: Ilang taon na po kayong nagtuturo?
Guro: 6 na taon
3. Mga nag-udyok sa kanila upang pumasok sa ganitong gawain at serbisyo
Ako: Ano po ang mga bagay na nag-udyok sa inyo para maging isang guro at magbigay serbisyo
sa mga kabataan?
Guro: Wala naman, Hilig ko lamang ito at kung habang nagtuturo ako parang gumagaan ang loob ko habang
tinitingnan ko ang mga kabataan na may natutunan.
4. Magagandang karanasan sa Gawain
Ako: Sa pagiging isang guro, ano po ang mga magagandang karanasang inyong nadaanan?
Guro: Iyong parang tinuturing ko ng parang mga anak at mga kaibigan ang aking mga mag aaral sapagkat sila’y
aking naging katuwang sa hirap man o saya na aming nadaaanan sa loob o labas man ng paaralan.
5. Mga suliraning kanilang kinakaharap sa propesyon
Ako: Nagkaroon po ba kayo ng mga suliranin o problema sa inyong piniling propesyon?
Guro: Oo, dahil ang pagiging isang guro ay hindi madali sapagkat mayroong mga studyante na mahirap papasukin
sa klase dahil sa mga personal na mga dahilan. Kaya’t bilang isang guro, nais mong mapabuti at malagay sa tama
ang mga ito.
6. Mga katangian na dapat taglayin nang isang tulad nila
Ako: Para maging isang mabuting guro, ano po ang mga katangiang dapat taglayin?
Guro: Matiyaga, may mabuting saloobin at higit sa lahat may magandang pakikitungo sa kapwa upang madali
mong makuha ang loob ng mga kabataan.
7. Layunin kung bakit nais nilang manatili sa kanilang hanapbuhay o Gawain
Ako: nais ninyo pa po bang manatili sa ganitong propesyon hanggang pagtanda ninyo? Anu po
ang mga nagpapalakas ng loob ninyo para ipagpatuloy ang pagbibgay kaalaman sa kabataan?
Guro: Oo, dahil habang nakikita ko ang mga kabataang natuturuan ko na natututo at umaangat sa buhay ng dahil sa
akin ay sumasaya na ang aking kalooban.
8. Mga tungkulin ng mga katulad nila sa ating bayan
Ako: Bilang isang guro, ano po ang inyong mga tungkulin sa bayan?
Guro: Tungkulin ko na magbigay kaalaman at talinong tataglayin sa mga kabataan.
9. Mensahe sa ating mga kabataan
Ako: Bago po matapos ang ating panayam, ano po ang gusto ninyong imensahe sa mgakabataan?
Guro: Sa mga kabataan diyan, kahit anong hirap ng buhay ay wag papabayaan ang pag aaral sapagkat ito’y iyong
kayamanan na kahit san ka man magpunta dala- dala mu ito. Ito ang dahilan ng iyong pag unlad balang araw.
10. Pagbibigay pasasalamat sa mga kinapanayam.
Ako: Hanggang dito nalang tayo ma’am, maraming sa iyong naibigay na oras.
Pangalan: Jenerose G. Sanchez BSBA Fin-1
GAWAIN 4…
PAG UNAWA SA BINASA

1.Patunayang ang pagbabasa aay bahagi ng ating karanasan sa buong maghapon.


Sagot: Ang pagbasa ay hindi lamang pagkilala sa mga limbag na salita .Ang lalong
mahalaga ay ang pagtatamo ng kasanayan sa pagbasa na magiging tulay upang
maunawaan ang diwa at mensahe ng binasa .Maaring ang layunin ay
matuto ,makakuha ng impormasyon at maglibang.Malaking karagdagan sa kaalaman
ng isang tao na makabasa ng mga balitang nagaganap sa buong daigdig.Sa pagbabasa
naman ng ibat ibang genre tulad ng mga tula, maikling kwento,nobela, sanaysay,dula,
alamat, pabula at talambahay ng mga kilalang tao ay lumalawak ang kanyang
pananaw sa buhay,umuunlad ang kanyang imahinasyon at maari ring makatulong sa
kanya na malutas ang problemang kanyang kinakaharap.
2.Ibigay ang iba”t ibang layunin ng pagbabasa.
Sagot: Layunin ng Pagbasa
 Layunin ng pagbasa na makapagdag ng kaalaman at mahahalagang
impormasyon at ideya sa mga mambabasa.
 Layunin nitong mapaunlad ang ating bokabularyo o talasalitaan.
 Layunin nitong mapaunlad ang ating imahinasyon.
 Layunin nitong mahubog ang ating mapanuri at malikhaing pag-iisip tungkol
sa mga bagay-bagay.
 Layunin nitong matuklasan at malinang ang kahalagahan ng pagbabasa para
sa bawat isa.
 Layunin nitong makapagpasaya at maging gabay sa pag-aaral ng mga mag-
aaral.
 Layunin nitong magdagdag ng karanasan sa mambabasa na kanilang
magagamit sa pang-araw-araw na buhay.
 Layunin nitong magbigay ng aral tungkol sa buhay.
3.Talakayin ang kahalagahan ng pagbabasa.
Sagot: Kahalagahan ng Pagbabasa:Ang pagbasa ay isang magandang gawain kung kaya’t maraming
naidudulot na magandang bagay sa isang tao. Hinggil sa hilig at interes nito, maraming bentahe na
makukuha rito. Ito ay ang tuwid na instrumento upang makuha at makilala ng lubusan ang mga ideya,
kaisipan at damdamin ng isang tao sa mga sagisag o titik na nakalimbag sa mga pahina upang maibigkas
ito sa pamamagitan ng pasalita. Mahalaga ang pagbasa sa buhay nga bawat tao sapagkat ito ang
nagsisilbing pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng karunungan, kung baga ito ang gintong susi na
magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan.
4.Ano ang Maikling kuwento?
Sagot: Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing
salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo
ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad
ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan.
5.Patunayang hindi lamang sa kasalukuyang panahon nakilala ang maikling kuwento.
Sagot: Ang maikling kwento ay maikli at masining. Isang upuan at sandaling
panahon lamang ang ginugugol, agad itong matutunghayan, mababasa at
kapupulutan ng aral, pananabik at aliw.

6.Bakit tinawag na “ama ng maikling Kuwento” si Edgar Allan Poe?


Sagot: Si Edgar Allan Poe ay isang Amerikanong manunulat. Nakilala siya dahil sa
pagsulat ng nakagigimbal na mga maiikling kuwento at mga tula. Tinatawag siyang
“ama ng maikling kwento “sapagkat siya ang unang nagpakilala sa daigdig na isang
tunay na sining ang maikling kwento at sya rin ang sumulat ng mga tuntuning
maaaring gumabay sa mga taong nagnanais na sumulat ng kathang pampanitikan.
7.Ipaliwanag ang mga bahagi ng maikling kuwentog may balangkas.
Sagot: Bahagi ng balangkas kwento
1. Maaaring magpakilala ang mga tauhan sa kwento o paglalarawan ng tagpuan o
pangyayari ng kwento
2. Nagbibigay ng maaksyong tagpo ng kwento o tunggulain
3 Pinakakapana-panabik na bahagi ng kwento.
4 Nagpapakita ngpaglutas sa suliranin
5 Kasukdulan pataas na pababang aksyon, aksyong panimulang wakas.
6. Katapusan o kinahinatnan ng tauhan sa kwento.
8.Ipaliwanag ang pagsulat ng maikling kwento batay sa dating pamamaraan at sa bagong pamamaraan.
Sagot; Dating pamamaraan ng pagsulat-naniniwalang mahalagang magkaroon ng
isang balangkas ng maikling kwento.
Makabago pamamaraan ng pagsulat -naniniwalng hindi na kailangan pa ng
balangkas sa pagkatha ng kwento kundi ang higit na mahalaga ay maikintal sa isipan
ng mga mambabasa ang isang larawang hindi kaagad-agad maiaalis sa kanilang
gunita o madama nila ang masidhing damdaming pilit na titinag sa kanilang
kalooban.
9.Sinu-sinong manunulat ang naghimagsik sa dating pamamaraan ng pagsulat ng maikling kwento?
Sagot:1. Edgar Allan Poe, Bret Harte, Ernest Hemingway, Thomas Dreiser,
Sherwood Anderson,William Fulker at Anton Chekov.
10.Ipaliwanag ang ibig sabihin ng kaisahang bisa sa kuwento.
Sagot: Bisang Pandamdamin-tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong
naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda.
Bisang Kaasalan-tungkol naman ito sa pagbabago sa isang kaisipan dahilan sa
natutunan sa mga pangyayaring naganap sa binasa.
Bisang Pangkaisipan-may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa
iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa .
11.Talakayin ang pagkakaiba ng alamat sa kwentong bayan.
Sagot: Ang kuwentong-bayan o folklore ay mga kwento at salaysay na hinggil sa
mga likhang-isip na mga tauhang kumakatawan sa mga uri ng mamamayan. 
Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang
bansa o lupain. 
Halimbawa: "Ang Munting Ibon" ng mga Maranao
Samantalang ang alamat o legend naman ay isang uri ng kwentong bayan at
panitikan na nagkukuwento ukol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Halimbawa: "Ang Alamat ng Makiling”

12.Ipaliwanag ang kahalagahan pantao (values)ng mga alamat at kwentong bayan.


Sagot: Maraming gamit ang mga k’wentong bayan at alamat para sa mga bata:
malinang ang mahusay na pagpapasya, mamulat sa ibang kultura, makapagdulot ng
mabuting asal, mapahalagahan ang ibang tradisyon, tumuklas ng ibang pananaw at
makaarok sa mga arketipong tunay na bukal ng kabihasnan at kadakilaan

PAGSASANAY:
A.
ANG DIWATA NG KARAGATAN
Kuwentong - Bayan Ng Ilocos
Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang kalikasan
sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa maraming isda ang
karagata. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng mga
taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-maraming isda
upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na napinsala ang
mga isda, pati ang maliliit ay namatay.
Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit na isda
ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang karagatan na dati'y
sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa
diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng
karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira
sa kalikasan.
Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at muling
dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao.

ALAMAT NG SAGING

Noong unang panahon, isang magandang babae ang nakakilala ng isang kakaibang lalaki. Ito ay
isang engkanto. Masarap mangusap ang lalaki at maraming kuwento. Nabihag ang babae sa
engkanto. Ipinagtapat naman ng engkanto na buhat siya sa lupain ng mga pangarap, at hindi sila
maaaring magkasama. Gayunman, umibig ang babae sa lalaki.

Isang araw, nagpaalam ang binata. Sinabi niyang iyon na ang huling pagkikita nila. Nang
magpaalam ang engkanto, hindi nakatiis ang babae. Ayaw niyang paalisin ang
lalaki. Maghigpit niyang hinawakan ang kamay ng lalaki para huwag itong makaalis. Pero
nawala ang lalaki, at sa matinding pagkabigla ng babae, naiwan sa kanya ang kamay nito.
Nahintakutan ang babae. Dali-dali niyang ang kamay sa isang bahagi ng bakuran.

Kinaumagahan, dinalaw niya ang pook na pinagbaunan ng kamay. Napansin niyang isang


halaman ang tumutubo. Makaraan ang ilang buwan, tumaas ang puno na may malalapad na
dahon. Nagkabunga rin ito na may bulaklak na itsurang daliri ng mga kamay. Ito ang tinatawag
na saging ngayon.

Pangalan: Jenerose G. Sanchez BSBA Fin-1


Gawain 5…
PAG UNAWA SA BINASA.

1.Patunayan ang mga sumusunod na hinuha:


a. Katutubong hilig ng mga Pilipino ang pagtula.
Sagot: Nawiwili sila sa pagbasa nito. Nagsisimula ang kawilihan o interes sa tula sa pagbasa nito ng
pagbigkas upang lalong madama ang mga damdaming napakaloob dito. Isang pagsasanay sa
madamdaming pagbasa ng tula ay ang paulit ulit ng pagbabasa nito nang pabigkas na sinasabayan ng
masunuring pag iisip ng mga kasagutan sa mga suliranin tungkol sa buhay.
b. Nag bago at umunlad ang panulaang Pilipino.
Sagot:Bago pa dumating ang mga kastila sa Pilipinas ,may mga tula nang binibigkas ang mga Pilipino
tulad ng mga bugtong, salawikain, tugmang bayan , at bulong .May mahabang ring tulang pagsasalaysay
na tinatawag nilang epiko.Sa pagdaraan ng mga dantaon,nagbago ang anyo at estilo ng tulang
Pilipino.Bunga ito ng mga impluwensya ng panitikang dayuhang pumasok sa ating bansa .Datapwat
nanatili parin ang kalikasan ng panulaang Pilipino sa kabila ng naturang mga pagbabago.Patuloy na
umunlad ang tula hanggang sa magkaroon ng ibat ibang uri at kaanyuan.
2.Ibigay at ipaliwang ang sanhi ng mga sumusunod;
a. Pagbabago ng tulang Pilipino.
Sagot: Ang sanhi ng pag babago ng tulang Pilipino ay ang malakas na impluwensya ng panitikang
dayuhang pumasok sa ating bansa. Ngunit sa kabila ng lahat ng yan nanatili parin ang kalikasan ng
panulaang Pilipino sa kabila ng naturang mga pagbabago.
b. Pagiging mahusay ng isang tula.
Sagot: Ang sanhi ng pagiging mahusay ng isang tula ay dahil sa may apat itong uri na kung saan
matutunghayan ang mga katuturan; Tulang pandamdamin, Tulang pasalaysay, Tulang patnigan, at
Tulang padula. Dahil sa mga uring ito, mayroong nagging ideya ang mga manunulat at naging kawili-
wili at ka inte-interes ang pagbabasa ng tula.
c. Pagkakaroon ng isipang kolonyal ng mga Pilipino.
Sagot:  Ang isyu ay ang patuloy na pagiging isip kolonyal ng mga Pilipino sa pagtatangkilik sa
kultura ng ibang bansa halimbawa na lamang ang Korea. Pananamit, pagsasalita, pagkakain, style ng
buhok, musika – lahat ito ay ginagaya na ng mga Pilipino sa mga kanilang idolong Koreano, samantala
ang ating kultura, tradisyon, musika ay patuloy nang kinalimutan at pinabayaan na lamang. Kinakain ng
ibang bansa ang ating kultura at patuloy na nalalason ang ating isipan dito.
d. Pagkaalipin ng ating lahi
Sagot: Ito ay ang katotohanang kontrolado pa rin ng imperyalismong bansa ang pag-iisip ng bawat
Pilipino. Patuloy na iniaalis ang diwang makabayan sa puso’t isipan ng mga Pilipino upang mabura ang
likas na mithiin ng bawat isa. Pinatutunayan ito ng malawakang pagkiling natin sa mga produktong
bilang pangunahin sa mga paaralan.
e. Pagkaubos ng likas na yaman ng Pilipinas.
Sagot: Ang dahilan ng pagkaubos ng yaman ng Pilipinas ay ang mga mamamayan dahil sa kulang
sa disiplina at maling gamit ng likas na yaman ng bansa .Ilan sa mga suliraning kinakaharap ng bansa ay
ang matitinding epekto ng kalamidad sa bansa .Isa sa dahilan nito ay ang pagkasira ng mga kagubatan d
ahil walang sumisipsip ng tubig sa lupa kaya nagkakabaha .Ang pagkasira ng cooral reefs at pagkamatay
ng maliit na isda dahilan ng pagkawala ng hanap buhay ng ibang mangingisda .Dahil ito sa maling
sestema ng ibang mangingisda na nagreresulta ng pagkasira o pagkaubos ng likas na yaman.
3.Ipaliwanag ang aral na nakapaloob sa mga salawikaing iyong binasa.
Sagot: “Ang buhay ay parang gulong,minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim”Gulong ay simbulo
ng buhay ng isang tao,dahil ang buhay ng tao ay laging umiikot,minsan may masayang bahagi ng ating
buhay, at minsan ay may bahagi na malungkot ang ating buhay, minsan naman ay nagtatagumpay sa
larangan ng hanap buhay at minsan naman ay may kabiguan.Kahit anu pa man ang dumating sa ating
buhay ang mga malulungkot,kabiguan tayo ay babangon at babangon parin dahil Hindi lahat ng panahon
daranasin natin ang mga kabiguan sa buhay, may darating rin sa ating buhay na kasayahan at tagumpay sa
buhay, kaya huwag tayong mawalan ng pag ASA na magsumikap para sa ating tagumpay. Ang ating mga
kabiguan ay gawin nating inspirasyon para sa ating ikakaunlad at para maisakatuparan ang buhay na
pinapangarap, Hindi tayo magmadali dahil alam nating lahat na sadyang panahon lang ang nakakaalam.
4.Talakayin ang paksang diwa ng tulang “Anino ng Isang Kahapon”. Sa inyong palagay, ano ang layunin
ng may-akda sa paakatha ng naturang tula?
Sagot: Layunin nito ang gumising sa mga mamamayan sa katotohonan noong mahabang panahon, nais
nyang mamulat ang mga mamamayang Pilipino sa kung anumang nangyari sa nagdaang taon. Nais nyang
ipabatid kunng paano tayo inalipin, at pinagkait sa kalayaan na para sa atin hanggang sa may nagbuwis ng
buhay makamit lamang ito.

PAGSASANAY: Pumili ng dalawang uri ng tula sa ibaba at gawan ng sariling gawang tula.

a. Tulang pandamdamin

“PATAWAD KAIBIGAN”

Patawad kaibigan kung ako’y lilisan


Patawad at hindi ko na matutupad
Ang ating ipinangakong walang iwanan
At pagkakaibigang walang hanggan
Patawad kung ngayon ika’y aking iiwan sa oras ng kagipitan
Patawad kung hindi kita matutulugan.

Sapagkat hindi ko na kaya pa.


Hindi ko na kayang magsabi nang
“Kaya mu yan” kung ako mismo ay
Pinanghihinaan na nang kalooban.

Patawad kung ako’y magiging madaya


Pero gusto lang din namang maging Malaya.
Alam ko kasing pabigat lang ako.
Ako sana’y patawarin mo.
Sana balang araw ay iyong maunawaan.
Hinding hindi kita malilimutan, kaibigan….
b. Tulang pasalaysay
“Maari Ba?”
Unang araw ng makita kitang nakatawa
Unang araw na makita kitang masaya
Mga labi ko’y kusang tumawa,
Halakhak ng damdamin, dala ang tunay na saya

Dahan dahan akong tumingin,


Sa iyong matang sinasalamin
Ang tunay na damdamin
Na matagal mo nang nang nais sabihin sa akin

Pero iyong winika ang katagang


“Mahal ko na sya”
Ng may ngiti at saya sa iyong
Mukha.

Akala ko ang sasabihin mo’y


Tungkol sa atin,
Kaya ang saya ko’y lumaganap sa hangin
Pero hindi pala,

Sana di na kita nakitang nakatawa


Ng hindi na napukaw ang aking mga mata
Sana wala nang pag ibig ang pumagitan sa ating dalawa
Sana wala nang kasiyahan ang naglapit para tayo’y magkasama

Oo mahal kita,
Pero mahal mo din sya,
Pero maari ba?
Na mahalin mo kaming dalawa?

GAWAIN 6.
PAG UNAWA SA BINASA

1.Itanim
-Itatak, Ipinapahiwatig ditto na tandaan mo o itatak mo sa iyong isipan na ang kasamaan ay hindi nag
tatagumpay.
2.Inaanay
-Kinakain na ng kasamaan, Ipinapahiwatig dito na kinakain na ng kasamaan ang kanyang budhi kaya
hindi na sya nagpapahalaga masira man ang kalikasan.
3.Putikan
-Madumi, Ibig sabihin ginawa nya naman ang lahat na magagawa maligtas lamang ang anak sa
maduming nilusong nito.
4.Nakapagkit
-Nanatili, ibig ipahiwatig nito ng nanatili parin sa kanyang isipan ang kabaitan ng kanyang kaibigan.
5.Tinakasan
-Nasiraan o Nawalan, Ibig sabihin halos masiraan na siya ng bait dahil sa nangyaring kahabag habag na
aksidente sa kanyang anak.
6.Nagdurugo
-Nasaktan, Ibig sabihin nasaktan si Celia sa sinapit na pagkabigo sa pag ibig.
7.pugad
-pinagtataguan, ibig sabihin matapos ng mahabang pag lalagalag bumalik na lamang si Mario sa kanyang
pinagtataguan.
8.nagkapira-pirasong pangarap
-nudlot, ibig sabihin sa kabila ng kanyang naudlot na pangarap ay pilit nya parin itong gustong makamit.
9.Naghuhumiyaw, tinutupok
-tumatawag, inuubos ibig sabihin Tumatawag ng paghihimagsik ang kanyang pusong inuubos na ng
panibugho

10.Inani
-nakuha, ibig sabihin nito ay sa kabila ng ginawa nyang kabutihan sa mga maralita ay nakuha nya ang
bunga nito
11.Hawla
-hinanakit, ang dalagang nilalangit ni Bernard ay may hinanakit sa kanyang dibdib
12.kumunoy
-bitag, Ginawa nya ang lahat na pagsisikap makawala lamang sa bitag ng masamang bisyo
13.pilantik
-Di kanais nais, tumatagos sa kanyang damdamin ang di kanais nais na pananalita ng nagagalit nyang ama
14.Baga, nasugba
-init ng katawan, napasubo. – pilit nyang gustong umiwas sa init ng katawan ngunit siya ay napasubo dito
15.Kadilimang
-Kasamaan, hindi natiiis ng mga bayani ang kasamaang bumabalot sa ating bayan.

PAGSASANAY
A. Sumulat ng mga halimbawa ng mga salitang magkakasing kahulugan ngunit
may iba’t ibang gamit sa pangungusap dahil sa ugnayan ng mga salitang
nabuo.
1. Masaya- maligaya
2.  maganda -marikit
3.  Maingay- magulo
4.  Mayaman- masalapi
5. Malungkot- malumbay
6 Masarap- malinamnam
7 Mabagal- makupad
8 Mababa- pandak
9 Mataas- matangkad
10 Mabango- mahalimuyak
11 Mataba- malusog
12 Matalas- matalim
13 Tama- wasto
14 Madaldal- makwento
15 Marumi- marungis
16  maluwag -malawak
B. Magsaliksik ng mga salitang nanggaling sa iba’t ibang wikang dayuhan sa
nanging bahagi na ng ating wika
Aleman-hamburger, kindergarten
Griyego-acropolis
Ingles-istambay, basketbol, telebisyon, kompyuter, futbol
Italyano- acapella, eros, ispagheti, macaroni
Hapon- karaoke, karate, judo, teriyaki
Kastila(espanyol)- abogado, abenida, abito, antesipo, konseho, kabayo
Koreyano- kimchi, saranghameda, bulgogi
Latin- agnos, akne, adhoc, aleluya, alma mater, amen, alyas, akwaryum
Malay- ako, alon, amok, baboy, basa, barek
Mehikano- avocado, atswete, kakwete, camacheli, cacao, tuba
Portuges- beranda
Perayano- salawal
Pranses- kudeta, tsuper, san’s rival, bodabil, burgis, etiketa, frappe, latte
Sanserito- guro, bahagi, dalamhati, balita, dalita, luwalhati, bisa.
C. Pumili ng sampung salita sa listahan ng mga salitang kinuha ang kahulugan sa
diksunaryo at gamitin sa pangungusap.
1.Hamburger
Si Anna ay bimili ng hamburger sa tindahan
2.Kindergarten
Ang panganay nyang anak ay kindergarten na sa susunod na pasukan.
3.Istambay
Si mang Caloy ay istambay lamang sa kanilang bahay dahil wala siyang trabaho.
4.Basketbol
Si Marko ay pinakamagaling maglaro ng basketbol sa kanilang lugar.
5.Telebisyon
Naging pampalipas na ng oras ni nanay ang panonod ng telebisyon sa bahay.
6.Karaoke
Si Anna mae ay kumakanta sa karaoke tuwing may kaarawwan.
7. Ispagheti
Pansit at ispagheti ang hinanda ni nanay para sa aking kaarawan.
8.Kabayo
Sakay sila ng kabayo ng sila’y umalis papuntang bayan.
9. Baboy
Tuwing pista sa aming bayan ay maraming naghahanda ng lechong baboy.
10.Guro
Tungkulin ng guro na turuan ang mga bata sa paaralan.

GAWAIN 7…
PAG-UNAWA SA BINASA

1.Bakit bumabasa ang tao?


Sagot: Karamihan sa atin ay bumabasa upang magkaroon ng kabatiran, madama
ang damdaming isinasad ng binabasa, matuto at lumaya sa ating kinaroronang maliit
na daigdig.
2.Ipaliwanag ang ibig sabihin na ang pagbabasa ay gintong susi sa daigdig ng
kaliwanagan at lugod.
Sagot: Masasaliksik natin ang mga natipong karunungan at matutuhan ang mga
bagay na dati’y wala tayong kaalaman. Sa ganitong pananaliksik ay nagsisimulang
mabuksan sa atin ang mga kasagutan sa marami nating mga tanong, nahihikayat na
magtanong pa at magpa tuloy sa pagbasa na makakatulong sa lalo pang malalim na
pang unawa.
3.Anu- ano ang dapat na hakbang ng pagbasa ayon kay William Gray?
Sagot: Ang pagbasa ay isang prosesong binu-buo ng apat na hakbang:
1.Pagdama sa kahulugan ng salita
2.Pag unawa sa kahuliugan nito
3.Reaksyon sa kahulugan nito batay sa dating kaalaman
4.Pag uugnay sa ideya sa karanasan
4.Ipaliwanag ang pagbasa ayon sa mga sumusunod:
a. Kenneth Goodman-Ang pagbabasa’y isang suliranin sa prosesong pangwika,
isang larong saykolinggwistika. Pumupili ang bumabas ng sapat na pahiwatig mula sa
limbag na pahina at hinuhulaan kung anong nararapat na salita ang maaring
manguna o sumunod sa kanyang nabasa.
b. Smith-Inilalarawan ni Smith (1978) ang dalawang uri ng impormasyonng
kinakailangan sa pagbabasa, ang mga ito’y ang biswal na impormasyon na makukuha
mula sa mga limbag na pahina at ang hindi biswal na impormasyon sumasaklaw sa
ating pagkaunawaan kaugnay ng wika, ang pagiging pamilyar sa paksa, ang
pangkalahatang kakayahan sa pagbasaa at ang kaalaman sa kahulugan ng salita.
5.Talakayin ang mga bagay na may kinalaman sa bilis ng pagbasa.
Sagot: Ang material na gagamitin at ang layunin sa pagbasa ang magpapasya sa
bilis ng pagbasa. Ang mga material na pangheograpiya ay may kabagalan kung
basahin ngunit mabilis naman ang pagbasa ng mga ito kung ihahambing sa pag aaral
ng Matematika.Ibinibigay ang bilis ng pagbasa uri ng material, ang talasalitaan o
bukabolaryong ginagamit, ang haba at hirap ng mga pangungusap. At higit sa lahat
ay ang layunin sa pagbasa.
6.Talakayin ang mga sumusunod na may kinalaman sa pagkuha ng pangunahin at
tiyak na detalye sa pagbasa:
a. Skimming- pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagawa
ngisang tao. Ang gumagamit sa kasanayang ito ay ang pahapyaw na bumabasa ng
mga pahiwatig sa seleksyon tulad ng pamagat at paksang pangunguusap.
b. Scanning- isang uri ng pagbasa na nangangailangan hanapin ang isang
particular na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng isang
bumabasa sa isang pamamagitan ng palaktaw-laktaw ha pagbuklat sa material at pag
uukol ng mabilisang pagsulyap sa mga ito.
c. Pghihinuha- Ang pagiging handa at pagkakaroon ng kasanayan sap ag unawa
sa binasa katulad ng pagkakaroon ng malawak na talasalitaan, kakayahang
magpapakahulugan sa mga patalinghagang pagpapahayag at katalasan ng isip sa
mga pahiwatig ng may akda ay makakatulong sa pagbuo ng hinuha. Ang isang
matalinong mambabasa ay ng mga hinuha sa dakong huli ay matutuklasan niyang
maging katotohanan.
d. Paglalahat- Ito ay ang paglalagom ng mga kaalaman at impormasyong
natutuhan o nakuha sa teksto o akdang binasa. Kailangang maayos ang pagkakabuo
ng lagom at kung maikling kuwento ang akda ay kailangang sunod-sunod ang mga
pangyayari. Hindi dapat na padamput-dampot upang maging malinaw ang
pagpapahayag.
e. Pagwawakas- May mga manunulat na sadyang pinuputol ang kanilang
kuwento at binibigyan ng pagkakataon ang bumabasa na siyang magbigay ng wakas.
7. Bakit mahalaga ang pagsusuri sa mga pamamaraang ginamit ng awtor sa paghatid
ng mensahe?
Sagot: Kailangan ang matamang pagsusuri sa mga pamamaraang ginamit ng
awtor sa paghahatid ng mensahe upang lubos na maunawaan ang nilalaman ng
teksto o akdang binasa. Sa paglalahad ng maaaring gumamit ng awtor ng iba’t ibang
pamamaraan katulad ng paghahalimbawa, pagbabahagi, pag uulit, paghahambing, at
pagsalungat, pagpapakilala ng pinagmulan, sanhi, atbp.
8. Anu- ano ang mga dapat na tandaan sa pagbibigay ng ebalwesyon?
Sagot: Sa pagbibigay ng ebalwesyon ay kailangang matibay ang mga ebidensya at
pangngatwiran sa akdang binasa. Sa pagbibigay ng ebalwesyon ay maaaring gumamit
ng paraang pabuod at pasaklaw kapag pangangatwiran ang pahayag. Sa paraang
pabuo, ang pagbibigay ng ebalwesyon ay nagsisimula sa payak patungo sa masaklaw
at sa paraang pasaklaw naman ay nagsisimula sa masaklaw patungo sa payak.

You might also like