You are on page 1of 4

Junie Nio Cabantoc

Parish
Ikaanim na Baitang
PAKSA 14: Kalinis- linisang Paglilihi kay Maria

St. Joseph

LAYUNIN:
Mabatid na ang Mahal na Birheng Maria ay ipinaglihi na walang bahid kasalanan.
Makapagtala ng isang katnagian ng Mahal na Birheng Maria na tutularan.
Makahingi ng patnubay sa Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng
pananalangin ng Aba Ginoong Maria.
KAHALAGAHAN Paggalang at pagsunod
DepEd Value
Pagiging magalang at masunurin
MOTIBASYON

Pagpapakita ng Mahal na Birheng Maria kay Bernadette

Noong ika-11 Pebrero hanggang ika-16 ng Hulyo 1858,


natala ang 18 pagpapakita ng isang napakagandang Babae
sa isang 14 na taong gulang na si Bernadette Soubirous sa
Lourdes, France. Isinalarawan ni Bernadette ang Babae na
nakasuot ng puting belo at asul na malapad na sinturon sa
Kanyang baywang; nasa paanan niya ang ginintuang rosas
at may hawak na Rosaryong perlas. Ika-16 ng Hulyo 1858 sa
huling pagkakataon ay bumisita si Bernadette sa may grotto
at sinabi niya na: "I have never seen her so beautiful
before." Tinanong ni Bernadette kung sino siya? Sumagot
ang Babae at sinabi: Ako ang Immaculada Concepcion.
Hindi maintindihan ni Bernadette ang kahulugan ng mga
katagang ito. Kaya kinuwento niya sa kanyang Parish Priest
ang naranasan sa may grotto. Laking gulat ng pari nang
sabihin ni Bernadette ang pangalan ng napakagandang
Babae na nagpapakita sa kanya sa grotto dahil ang
Immaculada Concepcion ay walang iba kundi ang Mahal na Birheng Maria. Noong
panahong iyon ay wala pang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng Immaculada
Concepcion maliban sa mga pari sapagkat inihayag ito ni Pope Pius IX sa Kanyang Papal
Bull o Dogmatic Bull - Ineffabilis Deus
noong 1854 na ipagdiwang ang
Immaculada Concepcion tuwing ika-8 ng Disyembre.

Sino ang teenager na pinagpakitaan ng Mahal na Birhen?


Ano ang pagpapakilala ng Mahal na Birhen kay Bernadette?

SITWASYON NG BUHAY
Tanong
Ano ang pagkakaunawa ninyo sa salitang Immaculada Concepcion?
Kung si Maria ay tinaguriang Immaculada Concepcion, ano ang kailangan nating
ipakita sa Kanya?
Dapat ba natin siyang sambahin? Bakit?
Anu-ano ang mga ginagawa ninyo tanda ng paggalang ninyo sa Kanya?
Lahat ba nang tao ay iginagalang si Maria? Bakit?
Anu-anong ginagawa ng ibang tao tanda ng kawalan ng paggalang kay Maria?
Ano ang dahilan, bakit naging mahalaga si Maria sa ating buhay?

Ipinakilala ni Maria ang Kanyang sarili kay Bernadette Soubirous bilang Immaculada
Concepcion na ang ibig sabihin ay kalinis-linisang paglilihi kay Maria ng Kanyang nanay
na si Sta. Ana. Isa itong pribilehiyo na tanging kay Maria lamang ipinagkaloob ng Diyos
dahil sa may gagampanan siyang mahalagang tungkulin sa kasaysayan ng kaligtasan
natin lahat.
Ang ibang tao ay nilalapastangan ang mga larawan ni Maria, sinasabihan ng masasakit
na salita na para bang wala silang ina. Naging mahalaga sa atin si Maria dahil sa
Kanyang Anak na si Jesus. Pakinggan natin ang kasaysayan kung paanong si Maria ay
pinagpala.
SALITA NG DIYOS
Lucas 1: 26- 38
[Pagbabalita ng anghel kay Maria]
PAGSUSURI SA TEKSTO
Sino ang nagpakita kay Maria?
Ano ang kanyang ibinalita kay Maria?
Ano ang naging reaksyon ni Maria sa balita?
Sa bandang huli, ano ang naging tugon ni Maria sa balita ng anghel?
Tinanggap ng buong puso ni Maria na siya ay maglilihi at manganganak ng isang
Sanggol na lalaki at tatawagin Niyang Jesus. Pinili siya ng Diyos Ama upang maging Ina
ng Kanyang kaisa-isang Anak. Kahit hindi ito naintindihan ni Maria, sumagot siya at ang
kanyang tugon, Akoy alipin ng Panginoon. Maganap nawa sa akin ang iyong sinabi.
Ang pagtugon na ito ni Maria ang naging daan para maging Tao ang Anak ng Diyos.
Ipinakita ni Maria ang kanyang pagsunod sa Diyos. Marapat lamang na siya ay ating
bigyan ng paggalang.
Nakita ng Simabahan ang malalim na pananampalataya ng Mahal na Birhen, kaya
binigyan siya ng Titulo na Immaculada Concepcion na ang ibig sabihin ay Kalinis-linisang
paglilihi sa Kanya o ipinaglihing walang bahid kasalanan. Si Maria lamang sa lahat ng tao
na hindi nagmana ng kasalanang orihinal; dahil kung magkakaroon siya ng kasalanang
orihinal, mababahiran ang pagkatao ni Jesus. Galing kay Maria ang katawang pisikal ni
Jesus dahil nabuo ang pisikal na katawan ni Jesus sa sinapupunan ng Mahal na Birhen.
Tulad ng isang tao, ang Panginoong Jesus ay siyam na buwan din na dinala sa
sinapupunan ni Maria.
Kapag binabatikos at hindi iginagalang ng mga tao si Maria lalo na tayong mga
kristiyano, higit na nasasaktan ay ang Kanyang Anak na si Jesus.
Bakit nga ba espesyal ang turing ng mga Kristyano kay Maria?
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Katotohanan

Pinagpala ng butihing Diyos Ama ang Mahal na Birheng Maria. (KIK


492)

Si Maria ay may bukod tanging misyon na nagmula sa Diyos Ama na maging Ina ng
Kanyang Anak-na-nagkatawang-tao, ang Manunubos. Kaya, nakikibahagi siya sa
natatanging paraan sa mapagligtas na misyon ni Jesus. Mula sa misyong ito dumadaloy
ang kanyang bukod-tanging biyaya ang kalinis-linisang paglilihi. Nagsasaad ito na
mulat sapul sa paglilihi sa kanya ay pinangalagaan siya upang hindi mabahiran ng
dungis ng kasalanang orihinal. Si Maria ay pinaging banal sa bisa ng kanyang

pinakamalapit na kaugnayan kay Jesus, ang bukal ng biyaya, sapagkat sa pamamagitan


Niya ay nilalang ang lahat ng bagay. (cf. KPK 523).
Nang dumalaw si Maria kay Elizabeth buong galak niyang sinabi, Pinagpala ka sa
mga babae at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan. Sino ako upang
dalawin ng Ina ng aking Panginoon? (cf. Lc. 1:41-43)
Mula ng tanggapin ni Maria ang kanyang pagiging Ina ni Jesus, ang lahat ng tao ay
tatawagin siyang pinagpala dahil sa mga dakilang bagay na ginawa ng Diyos Ama. (cf.
Lc. 1:48b-49)
Ang pagpapalang ito sa Mahal na Birheng Maria ay natamo niya hanggang sa
kamatayan. Iniakyat ng Panginoong Jesus ang Kanyang katawan at kaluluwa sa langit
upang hindi mabulok ang kanyang katawan na pinanahanan ni Jesus ng siyam na buwan.
(cf. KPK 548)
Bago mamatay ang ating Panginoong Jesus, ibinigay Niya si Maria upang maging
espirituwal na Ina ng lahat ng kanyang mga tagasunod. (cf. KPK 547; Jn. 19:25-27) Kaya
marapat na igalang ang kaisa-isang Ina ng Anak ng Diyos. Magagawa natin ito sa
pamamagitan ng pagtulad sa kanyang magagandang katangian.
Ano naman ang hamon sa atin ukol sa halimbawa ni Maria?
Pagsasabuhay Tinatawag tayo ng Diyos na tularan ang mga magagandang katangian
ni Maria. (KPK 155)
Si Maria ay huwaran natin sa maraming paraan laluna sa kanyang panloob na asal
ng paglilingkod at pagpapakasakit. Isang ganap na pagsunod sa kalooban ng Diyos at
ang pagnanasang paglingkuran ang kanyang kapwa ay naka-ukit sa kanyang pang arawaraw na buhay. (cf. KPK 1439)
Maaari nating tularan ang kanyang pagiging mababang-loob nang itulad niya ang
kanyang sarili bilang alipin ng Panginoon. (cf. Lc. 138); ang kanyang paglilingkod kay
Elizabeth na noon ay manganganak (cf. Lc.1:39-45); ang kanyang matamang pakikinig
sa mensahe ng Diyos na dala ng anghel (cf. Lc.1:28-35); tibay ng loob nang makita
niya ang kanyang Anak ay nahihirapan sa pagpasan ng krus at nakapako sa krus.
Pagpapanatili ng kalinisan ng kanyang pagkababae na tinatawag nating chastity;
pagtanggap sa plano ng Diyos sa kanyang buhay; ang kanyang simpleng uri ng
buhay; ang kanyang pagiging madasalin o maka-Diyos; katapatan sa Diyos at
kapwa; mabuting Ina at anak ng kanyang mga magulang; pagmamahal sa
kanyang lahi sa pamamagitan ng pagsunod sa batas ng pamahalaan etc.

Pumili ng isang katangian ni Maria na tutularan mo bilang paggalang sa kanya.


Paano mo ito gagawin o isasabuhay sa araw-araw?
Dahil sa kaugnayan ni Maria kay Jesus at matamang pagsunod sa plano ng Diyos
Ama, kailangan na bigyan siya ng parangal ng mga kristiyano.
Paano naman natin napaparangalan si Maria?
Pagsamba

Ang debosyon kay Maria ay isa sa mahalagang bahagi ng pagsamba


natin sa Diyos bilang mga Katoliko. (KPK 1539; Marialis Cultus 58)

Sa ating Panginoong Jesus nagmumula at nagkakabisa ang debosyon kay Maria,


natatagpuan ang kabuuang pagpapahayag ng debosyon ito kay Kristo, at lumalapit sa
pamamagitan ni Kristo kaisa ng Espiritu Santo patungo sa Ama. (cf. KPK 1537; MC intro)

Ang pagdiriwang natin ng kapistahan ng kalinis-linisang paglilihi kay Maria tuwing


ika-8 ng Disyembre ay pagbibigay pasasalamat sa Diyos sa kanyang handog na
kaligtasan.
Tinatawagan natin si Maria sa panalangin upang mapalapit tayo ng husto sa
kanyang Anak na si Jesus at humingi ng tulong para matularan natin ang kanyang mga
mabubuting gawa at katangian na kalugud-lugod sa Diyos. Siya ang tagapamagitan
natin kay Jesus tulad ng kasalan sa Kana (cf. Jn. 2:1-11)
Dahil sa malaking kaugnayan ni Maria kay Jesus, ang simbahan ay gumawa ng
mga panalangin bilang pagbibigay papuri kay Maria. Ang panalangin ng Rosaryo na
pinagninilayan natin ang buhay ni Jesus na kasama ang Mahal na Birhen (cf. KPK 1546);
ang popular na panalangin na Aba Ginoong Maria. Ang unang bahagi ng panalangin ay
matatagpuan sa Bibliya. Ang ikalawang bahagi ay binuo ng simbahan upang maipahayag
ang pagiging tagapamagitan ni Maria patungo sa kanyang Anak na si Jesus. ito ang
dahilan kaya isinasaulo natin ang panalangin patungkol sa Mahal na Birhen.
Ang pagtawag natin kay Maria sa panalangin ay hindi pagsamba kundi ito ay
pagbibigay galang at papuri sa kanya. Ang tawag dito ay HYPERDULIA na tanging sa
kanya lamang natin ibinibigay. Sa Diyos naman ang pagsamba na tinatawag nating
LATRIA. Sa mga santo, santa at mga anghel ay DULIA.
ACTIVITY:
Ayusin ang panalangin ayon sa pagkakasunud-sunod:

_____ ngayon at kung kamiy mamamatay.


_____ Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
_____ Santa Maria, Ina ng Diyos
_____ ang Panginoon Diyos ay sumasaiyo.
_____
at pinagpala naman ang iyong Anak na si Jesus
_____ Amen.
_____ Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya.
_____ ipanalangin mo kaming mga makasalanan

BUOD
Pinagpala ng butihing Diyos ang Mahal na Birheng Maria. Kaya tnatawag tayo ng
Diyos na tularan ang mga magagandang katangian ni Maria. Ang debosyon kay Maria ay
isa sa mahalagang bahagi ng pagsamba natin sa Diyos bilang mga katoliko.
TUGON NG PANANAMPALATAYA
Paniniwala
Naniniwala ako na si Maria ay ipinaglihi na walang bahid kasalanan
ang Immaculada Concepcion.
Pagtatalaga
Ano ang kailangan na ipadama natin kay Maria bilang Ina ni Jesus?
Anong katangian ni Maria ang iyong napili tularan bilang pagbibigay galang
sa kanya?
Pagdiriwang
Hilingin natin sa ating Inang si Maria na tulungan tayo na maipakita sa
ating buhay ang isang katangian niya na pinili nating tularan.
Panalangin: Aba Ginoong Maria

You might also like