You are on page 1of 14

SANTA MARIA,

“Pinarangalan
ng Diyos,
Parangalan din
natin Siya”
LAYUNIN
Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga
bata ay inaasahang
• Maipapahayag na dahil sa grasya ng Diyos,
itinampok si Santa Maria higit sa lahat ng mga
anghel at tao bilang pinakabanal na Ina ng Diyos.
• Makakapagtala ng mga katangian ni Santa Maria
na sisikaping matularan.
• Mapaparangalan ang Diyos kasama si Santa Maria
sa awiting niyang ”Magnificat”.
SALITA NG DIYOS
Lukas 1:26-38
[ Ipinahayag ang panganganak kay Jesus ]

“Huwag kang matakot, Maria,


sapagkat kinalulugdan ka ng
Diyos”
SITWASYON NG BUHAY
Karanasan ng pagbibigay ng parangal
kay Santa Maria (pagrorosaryo,
pagdiriwang ng mga kapistahan ni
Santa Maria, pagpuprusisyon , pag-
aalay ng bulaklak kay Santa Maria
tuwing buwan ng Mayo, at iba pa ...)
KAHALAGAHAN
Pagmamahal kay
Santa Maria
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Katotohanan
Dahil sa grasya ng Diyos, itinampok
si Santa Maria higit sa lahat ng mga
anghel at tao bilang pinakabanal
na Ina ng Diyos na kaugnay sa mga
misteryo ni Jesus. (KPK 1537)
Pagsamba
Ang ating debosyon sa Mahal na
Birheng Maria ang maituturing na
mahalagang bahagi ng pagsambang
katoliko dahil dito iniuugnay ang pag-
aalala sa Ina ni Kristo sa taunang inog
ng mga misteryo ng Kanyang Anak.
(KPK 1539)
Pagsasabuhay
Ang tunay na debosyon natin
kay Inang Maria ay nagdadala
sa atin sa pagtulad sa kanyang
pananampalataya, pag-asa at
pag-ibig sa Diyos at kapwa.
(KPK 1552 huling talata)
• TUGON NG PANANAMPALATAYA

• Paninindigan : Naniniwala ako na dahil sa
grasya ng Diyos, itinampok si Inang Maria higit
sa lahat ng mga anghel at tao bilang
pinakabanal na Ina ng Diyos na kaugnay sa
mga misteryo ni Jesus

• Pagtatalaga : Itala sa iyong notebook ang mga
katangian ni Inang Maria na simula ngayon
sisikapin mong matularan

• Pagdiriwang : Bilang pagpupuri sa Diyos at
pagpaparangal natin kay Inang Maria, aawitin
natin ang inawit ni Inang Maria “Magnificat ”
– Ang Puso Ko’y Nagpupuri
Ang puso ko'y nagpupuri

Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu Sa 'king tagapagligtas:

I. Sapagkat nilingap Niya Kababaan ng Kanyang


alipin Mapalad ang pangalan ko Sa lahat ng mga
bansa Ang puso ko'y nagpupuri Nagpupuri sa
Panginoon Nagagalak ang aking Espiritu Sa 'king
tagapagligtas
II. Sapagkat gumawa ang Poon
Ng mga dakilang bagay
Banal sa lupa't langit
Ang pangalan ng Panginoon
Ang puso ko'y nagpupuri
Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu Sa 'king
tagapagligtas
III. Lualhati sa Ama Sa Anak at Espiritu Santo
Kapara noong unang-una Ngayon at
magpakailanman
Ang puso ko'y nagpupuri
Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu Sa 'king
tagapagligtas

You might also like