Visit of the Pilgrim image of Our Lady of Guadalupe
(September 30)
PANALANGIN NG PAGTANGGAP
Mahal na Birhen ng Guadalupe, aming Ina at Patrona Buhay,
sapamamagitan ng Iyong banal na larawan ay buong kagalakan ka naming tinatanggap dito sa aming parokya. Karangalan at biyaya para sa amin ang Iyong pagparito at pamamalagi sa aming piling.
Ilagay mo sa ilalim ng Iyong mapagkalingang pag aaruga at
proteksiyon ang aming parokya – ang bawat pamilya at pamayanang ito. Panatilihin mo ang katatagan, kapayapaan, pagmamalasakitan at pagmamahalan sa bawat isa upang higit naming maipalaganap ang kabutihan at kapayapaan, maigalang ang buhay at maisabuhay ang mga aral ng Iyong Anak na si Hesus.
Sapamamagitan ng Iyong makapangyarihang pamamagitan, kami ay
nananalig na tatanggapin ang aming mga hinihiling. Amen.
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, AngPanginoong Diyos ay
sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat att pinagpala naman ang 'yong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, Ipanalangin mo kaming makasalanan