You are on page 1of 5

PAGBIBHIS NG IMAHE NI SANTO DOMINGO SAVIO

(GAWAIN SA BISPERAS NG KAPISTAHAN)

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


-Amen.

Manalangin tayo:
O Santo Domingo Savio, tulungan mo kami na tularan ka
sa iyong buong pusong pagmamahal kina Hesus at Maria.
Bigyan mo ng lakas ang aming kahinaan. Sa oras ng tukso ay
makapiling ka namin. Sa iyong tapang at sigla, liwanagan mo
kami upang ang matuwid ay mamalagi sa aming mga isipan, at
ang mabuti sa aming mga kilos at salita at sa gayon ay
matulungan ang lahat tungo sa kabanalan. Nawa’y hangarin
namin ang kalinisan ng puso tulad mo at maging handang
mamatay kaysa magkasala ng mabigat.
N: Santo Domingo Savio.
L: Ipanalangin mo kami.

N: Mahal na Birhen, Mapag-ampon sa mga Kristyano


L: Ipanalangin mo kami.

N: Santo Juan Bosco


L: Ipanalangin mo kami.
Pagbati kay Santo Domingo Savio
(Sa gawaing ito, tanging payak na kasuotan lamang ang suot ng imahen)

O Kapatid naming Banal, hain mo sa amin ay halimbawa


-Iyong ipanalangin, kabanalan ay aming hangarin

Kahit murang gulang, buhay ay inihain sa Diyos


- Iyong ipanalangin, kabanalan ay aming hangarin

Aming kaibigan, tunay na huwaran, kami ay tulungan


- Iyong ipanalangin, kabanalan ay aming hangarin

Ama Namin…
Aba Ginoong Maria…
Luwalhati…
Sutana ni Santo Domingo Savio
(Sa gawaing ito, isusuot ang panloob na sutana ng imahen)

O Kapatid naming, huwaran ka ng lingkod ng dambana.


-Kami ay tulungang maging banal na lingkuran

Sagisag na ito ay iyong suot, kabanalang misyon sa ami’y


paabot
- Kami ay tulungang maging banal na lingkuran

Aming kaibigan, tunay na huwaran, kami ay tulungan


- Kami ay tulungang maging banal na lingkuran

Ama Namin…
Aba Ginoong Maria…
Luwalhati…
Sutana ni Santo Domingo Savio
(Sa gawaing ito, isusuot ang panlabas na sutana ng imahen)

Na’ay sagisag ng damit pambinyag


-Kami’y gabayan sa Kristyanong pamumuhay

Namuhay kang banal, tunay kang huwaran.


- Kami’y gabayan sa Kristyanong pamumuhay

Kami mangangapa sa dilim, kami nawa ay mabihisan ng


liwanag, turo sa binyag
- Kami’y gabayan sa Kristyanong pamumuhay

Ama Namin…
Aba Ginoong Maria…
Luwalhati…
Scapulario ni Santo Domingo Savio
(Sa gawaing ito, isusuot ang scapulario sa imahen)

Sa iyong balikat ay atang ang misyon


-Gabay mo si Maria sa tuwing may hamon

Mahal mo si Hesus at kanyang Inang Mapag-ampon


- Gabay mo si Maria sa tuwing may hamon

Galak mo ang pag-ibig na, kahit mahirap, mamuhay sa


kabanalan
- Gabay mo si Maria sa tuwing may hamon

Ama Namin…
Aba Ginoong Maria…
Luwalhati…

Sa Sinag na tanda ng Kabanalan:

Ang Diyos ay nagpapabanal sa ating lahat,


Sa kanyang pagpapala, tayo nawa’y mamuhay na matiwasay.
Guia ni Maria ang sa atin ay mag-ampom
Kaibigan nating Banal, Domingo Savio, Ika’y aming huwaran

You might also like