You are on page 1of 3

Pangako at Pagtatalaga ng mga Punong Lingkuran

Namumuno: Ngayon po ay isasagawa ang Pangako ng


Pagtatalaga ng mga Punong Lingkuran. Tinatawagan po ang
mga nakatakdang manunumpang mga Lingkod.
(Tatawagin ang mga manunumpa, sila ay luluhod at
tatanungin)

Lingkod-Pari: Nangangako ba kayong magiging


tagapagpalaganap at nangunguna sa kasunuran sa Lingkod-Pari
at pagiging handa sa anumang iniatas na gawain sa Dambana?

Mga itinalaga: Opo, Nangangako po kami.

Lingkod-Pari: Nangangako ba kayong magiging kaisa ng mga


Kapisanang Banal ng Simbahan upang ipalaganap ang
Katesismo at pananampalataya sa pamamagitan ng
pangangalaga sa mga kapwa ninyo lingkod-dambana?

Mga itinalaga: Opo, Nangangako po kami.

Lingkod-Pari: Nangangako ba kayong mamamalakaya upang


maraming kabataan ang malapit sa Diyos, sa pamamagitan ng
paglilingkod?
Mga itinalaga: Opo, Nangangako po kami.
Lingkod-Pari: Tinatanggap ko ang inyong Pangako sa pagiging
punong-lingkuran. Magsiyuko kayo at hingin ang tulong ng
Maykapal.

Basbasan mo, + Panginoon, ang mga punong lingkod mong ito


upang sila ay maging mabubuting tagapangasiwa ng mga
lingkod ng iyong dambana, nang sa gayon ay mahusay din
nilang maisabuhay at maibahagi ang iyong mga aral sa
pamamagitan ng kanilang paglilingkod sa kanilang kapwa.
Liwanagan mo ang kanilang isip at pag-alabin sa pag-ibig ang
kanilang mga puso sa pagsunod sa iyo at nawa at maganap nila
ang kanilang tungkulin ng buong katapatan.
Patuloy nawa silang maging halimbawa ng tunay na buhay
panalangin, magsikap na patuloy kang makilala at puspusang
maglingkod sa kapwa. Pagsikapan nawa nilang mamuhay lagi
ng ayon sa iyong kalooban. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Kristo, kasama ang Espiritu Santo,
magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

(Sila ay haharap at babati sa sambayanan at sa kanilang


kapwa-lingkod)

You might also like