You are on page 1of 7

Holy Cross Parish

Amparo Village, Caloocan City


Diocese of Novaliches

Rite of Investiture and Commissioning of


the New Altar Servers and the Renewal
of Commitment of the Old Returning
Altar Servers (Tagalog)

1
Rite of Investiture and Commissioning of the
New Altar Servers and the Renewal of
Commitment of the Old Returning Altar
Servers (Tagalog)
(Pagkatapos ng Homiliya)

COMMENTATOR: Ngayon ay masasaksihan natin


ang Investiture at Commissioning ng mga bagong
itatalagang altar servers at ang pagpapanibago ng
pangakong maglingkod ng mga dati nang
miyembro ng Ministry of Altar Servers na tumugon
sa tawag ng Panginoon na maglingkod sa Kanyang
dambana dito sa ating Parokya ng Holy Cross.

COORDINATOR: Mangyaring lumapit ang mga


bagong itatalaga sa harap ng dambana kapag
tinawag ang iyong pangalan.

Babanggitin ang mga pangalan ng mga bagong


itatalaga. Kapag narinig nila ang kanilang pangalan,
sila ay tatayo at sasagot ng “NARITO PO.”

COORDINATOR: Narito po, Reberendo Padre


____________ ang mga batang lalaking
nagnanais italaga at ilaan ang kanilang sarili
bilang mga bagong lingkod ng dambana. Sila ay
sinanay, hinubog at sinulit at napatunayan nilang
nararapat silang maglingkod sa Panginoon sa
Kanyang altar.

2
Pagkilatis sa mga Bagong Itatalaga

PARI: Mga bata, ang pagparito niyo sa harap ng


altar ng Diyos ay nangangahulugang nais niyong
maglingkod sa Kanya bilang Kanyang mga
lingkod ng dambana. Naiintindihan niyo ba ang
kahulugan ng paglilingkod ninyo bilang lingkod
ngdambana?

CANDIDATES: Opo, Padre, naiintindihan namin ang


kahulugan nito. Ang paglilingkod sa Diyos bilang
lingkod ng dambana ay paglilingkod sa Banal na
Misa at iba pang liturhikal na gawain, pagtulong
sa Simbahan at pagbibigay ng mabuting
halimbawa sa aming kapwa.

PARI: Nakahanda ba kayong ilaan ang inyong


panahon at ang inyong sarili sa gawaing ito?

CANDIDATES: Opo, Padre, nakahanda po kami.

Pagbabasbas ng mga Vestments

PARI: Ang ating tulong ay nasa pangalan ng


Panginoon,

LAHAT: Na may gawa ng langit at lupa

PARI: Sumainyo ang Panginoon.

3
LAHAT: At sumaiyo rin.

PARI: Mapagmahal na Ama, niloloob Mong gumamit


kami ng mga materyal na kagamitan bilang tanda
ng Iyong presensya. Hinihiling naming basbasan Mo
+ ang mga sotanang ito na susuutin ng Iyong mga
lingkod ng dambana. Ipagkaloob Mo po na sa
pamamagitan ng pagsusuot nitong mga banal na
tanda ay higit nilang magampanan ang
kanilang tungkulin ng paglilingkod sa Iyong altar.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong
aming Panginoon.

LAHAT: Amen.

Babasbasan ng pari ang mga sutana ng holy water.

PARI: Ihanda ninyo ang inyong mga sarili sa


paglilingkod sa Diyos bilang lingkod ng dambana.
Tanggapin ninyo mula sa inyong mga magulang
ang inyong mga sutana – tanda ng pagbibigay
ninyo ng inyong sarili kay Jesus bilang lingkod ng
dambana. Lagi ninyong isaisip na dapat ninyong
isuot ang inyong sutana nang may kaukulang
paggalang alinsunod sa dignidad na ibinibigay
nito sa inyo.

4
Mga minamahal kong magulang, habang
tinutulungan niyo ang inyong mga anak na suutin
ang mga ito, purihin ninyo ang Diyos na pumili sa
inyong mga anak na maglingkod sa Kanyang altar.
Tandaan ninyong katungkulan rin ninyong
paalalahanan ang mga batang ito na maging tapat
sa kanilang tungkulin bilang lingkod ng dambana.

Tutulungan ng mga magulang ang mga bata na


isuot ang mga sutana. Pagkatapos ay uupo nang
muli ang mga magulang.

COORDINATOR: Ngayon naman ay tinatawagan ko


ang mga dati nang miyembro ng Ministry of Altar
Servers na magpapanibago ng kanilang pangakong
maglingkod muli sa dambana ng Panginoon.
Mangyari lamang na lumapit sa dambana at
tumayo sa likod ng mga bagong itinalaga.

Babanggitin ang mga pangalan ng mga dating


miyembro ng Ministry of Altar Servers na
magpapanibago ng kanilang pangako. Kapag
narinig nila ang kanilang pangalan, sila ay tatayo at
sasagot ng “NARITO PO.”

PARI: Minamahal kong mga bagong intinalaga at


mga dati nang miyembro ng Ministry of Altar
Servers, ipahayag ninyo ngayon sa harap ng
Panginoon at ng sambayanan ng Holy Cross ang
inyong layunin.

5
Luluhod ang mga bagong itinalaga at mga dating
miyembro na magpapanibago ng pangako. Sabay
sabay nilang bibigkasin ang PANALANGIN NG
PAGTATALAGA

PANALANGIN NG PAGTATALAGA

ALTAR SERVERS: Mapagmahal na Panginoon,


narito ako, (banggitin ang iyong pangalan), na
Iyung-iyo at nakahandang maglingkod sa Iyo.
Salamat sa pagtawag sa akin upang maging
lingkod ng Iyong dambana na tanda ng
pagmamahal Mo sa akin. Tulungan Mo po akong
magsumikap na maging tapat sa aking
katungkulang paglingkuran Ka sa altar at tumulong
sa mga gawain ng Simbahan, lalo na sa tuwing
pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.

Loobin Mo pong pagsumikapan kong maging


mabuting halimbawa sa lahat, at tumulong sa
mga tao na mapalapit sila sa Iyo sa Iyong altar.
Maging tapat Mo nawa akong lingkod ng dambana,
sa tulong ni Maria, aking ina at huwaran, kasama
ang buong pamayanang Kristiyano ng Holy Cross at
ng aking minamahal na mga kapatid sa Ministry of
Altar Servers.

Ang lahat ng ito ay hinihiling ko sa pamamagitan ni


Hesukristo na aking Panginoon, Amen.

6
PARI: Sambayanan ng Diyos, nasaksihan ninyo ang
pagmamahal ng mga batang ito sa Diyos at sa
Simbahang Katoliko. Nawa ay tunay na maging
mabuting halimbawa sila sa lahat, sa ngalan ng
Ama, + at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

LAHAT: Amen.

Babasbasan ng holy water ang mga bagong


itinalaga at mga dati nang altar servers na
nagpanibago ng kanilang pangako. Pagkatapos ay
tatayo sila at haharap sa mga tao.

Matapos ang pagkilala at pagharap sa mga tao, sila


ay babalik sa kanilang mga upuan.

Magpapatuloy sa pangkaraniwang daloy ng misa.

You might also like