You are on page 1of 20

Noli Me Tangere

Kabanata 25-26

Presented by: Christine Ville Lacson


Mga Layunin
Ipaliwanag ang buod ng kuwento sa
kabanata 25-26 ng Noli Me Tangere
Matutukoy ng mga mag-aaral ang
mga tauhan at mauunawaan ang
pangunahing punto ng kuwento
Kabanata 25
Talasalitaan
Pilosopo-nag-uusisa,matalinong tao
Nangangahukugan-ibig sabihin

Gayunpaman-subalit
Uusbong-sisibol
Mga Suliranin
Mababatid sa kabanatang ito ang nagagawa ng kapangyarihan. Nasa
tama man o mali, kapag nasa kamay mo ang batas at makinarya,
kayang-kaya mong paikutin sa iyong kamay ang nakararami, at
madalas ay ang ikabubuti ng kanilang mga sarili ang inuuna
Kabanata 25: Sa Bahay Ng Pilosopo (Buod)
Nagtungo si Ibarra sa tahanan ni Pilosopo Tasyo. Nais niya kasing isangguni
ang binabalak niyang pagtatayo ng paaralan sa kanilang bayan.
Nakita niyang abala ang matanda sa sinusulat nito. Gayunman, si Tasyo na
mismo ang huminto sa ginagawa at sinabing ang susunod na henerasyon pa
naman daw ang makauunawa at makikinabang sa kanyang isinusulat
Binuksan ni Ibarra ang kaniyang plano sa Pilosopo. Sinabi ng matalinong matanda na
hindi dapat sa kaniya isinasangguni ang mga plano, bagkus sa mga
makakapangyarihang tao tulad ng mga kaparian sa simbahan. Sumagot si Ibarra na
ayaw na umano niyang mabahiran ng kabuktutan ang maganda niyang hangarin.
Mauunawaan umano siya ng pamahalaan at taumbayan dahil maganda ang kaniyang
hangarin. Sinalungat naman siya ni Tasyo at sinabing mas makapangyarihan pa ang
simbahan kaysa pamahalaan. Kung nais raw ni Ibarra na magtagumpay sa kaniyang
mga plano, marapat daw na padaanin ito sa simbahan na siyang may hawak sa lahat,
kabilang ang pamahalaan.
Kabanata 25: Sa Bahay Ng Pilosopo (Buod)

galing sa Europa, naniniwala siya sa
Iba naman ang pananaw ni Ibarra. Pagkat
kapangyarihan ng pagiging liberal. Muli naman siyang sinalungat ng matanda at
sinabing hindi angkop sa bansa ang kaisipang mula Europa. Tulad ng isang
halaman, kailangan din daw yumuko ni Ibarra sa hangin kapag hitik na ang
bunga nito upang manatiling nakatayo nang matatag. Payo pa ng matanda, hindi
karuwagan ang pagyuko sa kapangyarihan

Hindi man aminin, ngunit napapaisip si Ibarra sa tinuran ng matandang


Pilosopo. Bago umalis, nag-iwan pa si Tasyo ng salita kay Ibarra na kung
hindi man siya magtagumpay sa plano nito, ay may uusbong na sinuman
upang magpatuloy ng kaniyang mga nasimulan.
Kabanata 26
Talasalitaan
Panauhin-bisita
Mandudula-dramatista,artista
Kinontrata-kinausap
Piitan-kulungan
Mga Suliranin
Mababatid sa kabanatang ito
na kahit gaano karami ang
iyong nagawang pagtulong sa
iba o pagkakaloob ng
kabutihan ay may mga tao pa
ring hindi sasang ayon sa
iyong mga layunin.
Kabanata 26: Bisperas Ng Pista (Buod)

Abala ang buong San Diego dahil sumapit na ang ika-sampu ng


Nobyembre. Hudyat na ng bisperas ng kapistahan. Kaniya-kaniyang
gayak ang mga may-kayang pamilya sa lugar katulad ng
pagdedekorasyon ng kanilang mga tahanan at paglalagay ng mga
palamuti at mamahaling mga kagamitan.
Hindi mawawala sa pista ang masasarap na pagkain tulad ng
mga kakanin, minatamis, at mga mamahaling alak mula Europa.
Imbitado rin ang mga mamamayan mula sa kalapit na bayan
upang matunghayan ang mga pagtatanghal. Panay naman ang
pagpapaputok, pag-iingay ng batingaw, at pagtatanghal ng mga
musiko upang gawing mas masaya ang pagdiriwang. Siyempre,
hindi mawawala ang misa na pinangunahan ni Padre Damaso.
Kabanata 26: Bisperas Ng Pista (Buod)

Ang mga magsasaka at ibang manggagawa ay inialay na ang


kanilang pinakamagagandang ani sa kanilang mga amo. Samantala,
habang abala ang lahat sa pista, abala rin si Ibarra sa pagpapatayo
ng kaniyang paaralan. Hango ang disenyo nito sa mga paaralan sa
Europa. Hiwalay din ang lalaki sa babae. May malaking bodega at
hardin rin ito.
Gastos ni Ibarra ang lahat ng ginasta sa paaralan. Tumanggi siya
sa tulong na alok ng mga mayayaman at mga pari sa pagpapatyo
ng paaralan. Marami ang humanga sa ginawang ito ni Ibarra.
Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay marami din ang hindi
natuwa at palihim na nagtanim ng sama ng loob sa kaniya.
Mga katanungan
Sino si Pilosopo Tasyo?
Si Pilosopo Tasyo ay isang
karakter na kilala sa kaniyang
mga matalinghaga at matalas
na opinyon
Kailan ang bisperas ng pista sa bayan
ng San Diego?
Tuwing ika-sampu ng Nobyembre
Bakit tumungo si Crisostomo Ibarra sa bahay ng
Pilosopo Tasyo?
Ibig niyang isangguni sa pilosopo ang tungkol
sa binabalak niyang pagpapatayo ng paaralan
sa kanilang bayan
Salamat
sa pakikinig!

You might also like