You are on page 1of 4

Alexa Lorraine P.

Peralta
10-STE
WRITTEN REPORT
KABANATA 28 (Ang Pagkatakot)
Talasalitaan:
Paskin – isang limbag na tumutuligsa sa pamahalaan

(Hindi talaga alam kung sino ang naglagay ng Paskin sa pintuan ng Unibersidad)
Prayle – pari
(Nanganib ang buhay ng mga prayle dahil sa mga rebelde)
Nagsiputan – nagdatingan bigla
(Nagsiputan bigla ang mga bisita sa bahay ni Simoun)
Tagapamahala – nangangalaga,

(May isang tagapamahala sa kumpanyang iyon na malaki ang impluwensya.)


Palatuntunan – schedule, program
(Maganda ang pag-representa ng palatuntunan)
Naghihingalo – nag-aagaw buhay
(Hindi niya kayang makitang naghihingalo ang mga pasyente kaya lumipat siya ng
departamento)
Tulisan – rebelde
(Kinuha ng mga tulisan ang mga pilak at bigas na bitbit ng aking ama na nagbabalik bayan)
BUOD
Naibalita sa pahayagang El Grito ang nagkatotoong hula ni Ben Zayb na makakasama
ang ang pag-aaral sa Kapuluan ng Pilipinas.
Ang balita tungkol sa pagkuha ng mga paskin sa pinto ng Pamantasan ay ikinatakot ng
mga Intsik maging ang Heneral. Maging ang mga prayle na pumupunta sa tindahan ni Quiroga
ay hindi nagsiputan. Malas naman si Quiroga dahil napataong natanggap niya ang bagong bahay.
Nagtungo ito sa bahay ni Simoun dahil sa pag-aakalang iyon na ang oras upang gamitin
ang mga armas na nasa kaniyang bodega. Ngunit ayaw makipagkita ni Simoun kaninuman.
Sunod itong pumunta kay Don Custodio upang itanong kung dapat ba nitong balutihan ang
kaniyang tindahan.
Katulad ni Simoun, ayaw ding makipagkita ni Don Custodio kahit kanino. Pinili nitong
tumuloy sa bahay ni Ben Zayb upang doon makibalita. Dinatnan niya itong nakabaluti mula ulo
hanggang paa, at ang ginagamit na pabigat sa mga papel ay dalawang rebolber.
Dali-dali itong umuwi, nahiga at nagdahilang maysakit. Patuloy parin sa pagkalat ang
balitang magtutulong ang mga mag-aaral at ang mga tulisan. May mga kumakalat ding nagtungo
sa Malakanyang ang mag-aaral upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila.
Ibinalita ni Padre Irene kay Kapitan Tiago na may ilang nag-uudyok sa Heneral na barilin
ang ilan upang bigyan ng aral ang mga binata. Ang pagkahuli kay Basilio at ang pagkahalughog
sa mga akalat at papel nito ay lalong nagpalubha kay Kapitan Tiago.
Samut’saring patayan ang nangyari dahil sa maling akala. Marami ang pinagkamalan at
pinaghinalaan. Nagkaroon ng usapin kung sino ang may kagagawan ng mga paskin.
BAKIT PAGKATAKOT ANG PAMAGAT NG KABANATANG ITO?
Pinapakita lang nito ang mga pagkatakot ng mga prayle na mabunyag ang kanilang
kasamaan at mga sikreto.
QUIZ
1.Ano ang palatandaan na takot ang mga prayle sa pangyayari?
-Ni isa’y walang sumulpot sa tindahan ni Quiroga
2.Ano ang balak ni Simoun sa mga armas na ipinatago niya sa bahay ni Quiroga?
-Ipapamahagi iyon sa mga taong bayang sasanib sa kanyang paghihimagsik
3.Bakit ayaw makipagkita si Simoun kahit kay Quiroga?
-Siya ay sugatan. Ayaw niyang mausisa ukol doon. Masama rin ang kanyang loob sa mga
pangyayari. Namatay si Maria Clara.
4.Lumubha ang kaniyang kalusugan ng malamang hinuli si Basilio at halughugin ang mga aklat
at papeles ng mga binate?
-Kapitan Tiyago
5.Ipinamalita niya kay Kapitan Tiyago ang lahat ng mga nangyari?
-Padre Irene
KABANATA 29 (Mga Huling Salita Tungkol Kay Kapitan Tiago)
Talasalitaan:
Maringal – engrade, kahanga hanga
(Maringal ang nagging libing ni Kapitan Tiyago)
Nakipagkumpisal – pagpapahayag ng kasalanan
(Nakipagkumpisal si Matthew sa pari)
Naghihingalo – nag-aagaw buhay
(Sinubukan magsalita ni Ana kahit siya ay naghihingalo)
Palatuntunan – programa
(Magan ang pag-representa sa palatuntunan)
Naghangad – nagnais
(Naghangad siyang makakuha rin ng mamahaling damit)
Yumao – namatay
(Yumao na ang lolo ni Mika dahil sa malubhang sakit)
BUOD
Nagkaroon ng maringal na libing si Kapitan Tiago.
Bagaman may ilang pari ang pumuna sa kanya dahil ito ay hindi nakapagkumpisal bago
ito mamatay, pinagtanggol naman ito ni Padre Irene. Ayon sa pari, ang paghihigpit ay ginagawa
lamang sa mga hindi nagbabayad.
Si Padre Irene ang inatasan na maging tagapamahala ng huling habilin ni Kapitan Tiago.
Ipinamana sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, sa mga korporasyon ng mga pare, at ang
dalawampung piso para sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral. Ang dalawampu’t limang piso
na sana’y pamana kay Basilio ay napunta sa bulsa ni Padre Irene.
Kinabukasan, sa bahay ni kapitan Tiago ay pinag-uusapan ang himala. Nagpakita raw si
Kapitan Tiago sa mga mongha ng Sta. Clara nung ito’y kasalukuyang naghihingalo.
Tatlong pari ang lumapit sa inilibing. Lahat ng magagawang palatuntunan ay ginawa.
Si Donya Patrociniong na siyang kalaban ni Kapitan Tiago sa paghahandog sa simbahan
ay naghangad na mamatay na din ito kinabukasan, upang malaluan ang libing ng yumao.
BAKIT MGA HULING SALITA TUNGKOL KAY KAPITAN TIYAGO ANG
PAMAGAT NG KABANATANG ITO?
Dahil sa kabanatang ito pinakapkita ang huling nangyari kay Kapitan Tiyago bago siya
namatay.
QUIZ
1.Sino ang naiwang tagapangasiwa ng lahat ng ari-arian ng namatay ni si Kapitan Tiyago?
- Padre Irene
2. Nakita raw ang nagliliwanag ang kaluluwa dahil sa maraming pamisang ginawa?
-mga himalang naganap sa monasteryo ng Sta. Clara
3. Ang isang bahagi ng kayamanan ni Kapitan Tiyago ay mapupunta sa kumbento ng?
-Sta. Clara

4. Sino ang Kalaban ni Kapitan Tiago sa paghahandog sa simbahan?

-Donya Patrocinio
5. Magkano ang ang sana’y pamana kay Basilio na napunta sa bulsa ni Padre Irene?
-Dalawampu’t limang piso

You might also like