Professional Documents
Culture Documents
BSED 3-A4
Pagsusuri
TAUHAN:
Mabuti
isang guro na kung saan nagbigay ng isang magandang halimbawa sa kanyang mga estudyante kalakip
ang pagbibigay kagandahan ng buhay.
Anak na babae
Siya ang nag- iisang anak ni Mabuti na kung saan kadalasa'y ikinukwento siya sa mga estudyante ng
kanyang ina.
Ama
Fe
Sa isa sa mga lumang silid, sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang,
doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya’t
nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungan.
TUNGGALIAN
Tao vs sarili
Masasabi kong ang kwentong ito ay tao vs. sarili sapagkat mapapansin natin na ang nagkukuwento
dito ay siya ring tauhan mismo sa kwento at tanging sarili lamang ang nagdedesisyon kung pakikinggan
natin ang kwento ng isang tao.
SULIRANIN
Ang suliranin sa kwentong ito ay may dinadamdam ang isang estudyante na kung saan tanging si
Mabuti ang nagbigay inspirasyon upang ito'y hindi sumuko sa anumang problema sa buhay. Marahil sa
napakahalaga ng buhay na dapat bigyang halaga at gawing motibasyon ito upang maging mas matapang
sa anumang uri ng suliranin o problema.
ARAL
Batay sa aking nabasang kwento, ang aral na aking napulot rito ay maging positibo tayo sa buhay na
kung saan huwag kaagad susuko sa kung anumang problema na dumarating sa atin. May mga taong
handang lumapit sa atin upang tayo'y payuhan at bigyan ng kaalaman at pagbibigay pakahulugan sa
buhay. Marahil nagkakaroon man ng problema sa buhay ay laging may isang taong handang makinig sa
atin at damayan upang kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan na ating nararamdaman.